Kinagat na lang ni Trent ang kanyang dila. Matalas nga pala ang pandinig ng kanyang pinsan at nakalimutan iyon. Bakas sa mukha ang takot na baka bigla na lang siyang sakalin ng pinsan.
Napatingin si Graciella sa reaksyon ni Trent nang tumikhim ang asawa. Bumulong sa kawawang si Trent. “Ganyan ba palagi si Menard? Bakit parang pinaglihi siya sa sama ng loob?” Nakikita ni Graciella na palaging binu-bully ang asawa ang pinsan nito. Halata naman na takot nga si Trent sa asawa niya.
Kumawala ang isang pilyong ngiti sa labi ni Trent. Lumapit sa hipag at gumanti ng bulong. “Oo, ate. Daig pa niya ang babaeng nag-me-menopause. Very fierce.”
Kahit paano natutuwa siya na mabait at approachable ang asawa ng pinsan. Para siyang nakatagpo ng isang kapatid na babae sa katauhan nito.
Si Oliver Trent Young ang pinakabata sa mgapipinsan na Young. Walong taon na mas bata ito kaysa sa kay Menard. Kaka-graduate niya lang mula sa college at ine-enjoy ang buhay. Though, isang s