Share

Chapter 54: Padrino

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-03-07 12:52:23

Itinabi ni Trent ang hinuhugasan na carrots. “Ah, yan ba ate? Mga marinated na chicken wings at thighs ang mga ‘yan.”

“Kailangan ko pala itong ilagay sa freezer para hindi masira.” Nagmamadali na binuksan ang supot at nilabas ang mga karne na nasa mga plastic containers. Isalansan ni Graciella ang mga iyon sa loob ng freezer.

Na-impress siya nang makita na may label pa ang mga iyon kung kelan ito mag-e-expire. Halos lumuwa ang mata niya nang may makita pa siyang tomahawk steak. Ano at ang mahal ng mga cuts ng karne na dala ng pinsan ng asawa?

“Binili ko ang mga ‘yan, ate nang sinabi ni kuya na pupunta ako dito,” saad ni Trent. Nakita niyang mukhang nahalata ng hipag na mamahalin ang mga ‘yon. “Don’t worry, affordable lang ang mga ‘yan since naka sale iyan nang binili ko,” paliwanag niya.

“Oh, akala ko mamahalin. Naku, ang hirap kumita ng pera, Trent. Kailangan maging praktikal ka sa lahat ng bagay.”

“Gusto ko lang matikman mo ang mga natikman ko na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 55: Red Pocket

    Nagpakilala si Harry kay Menard. “Ako pala ang bayaw ni Graciella.” Inabot ang kamay nito at malugod naman na tinanggap ni Menard. Isang simpleng hello lang ang sagot ni Menard. Inoobserbahan ang kaharap lalo at nalaman niyang ito ang nagsasabi sa asawa nito na naghihirap ang Spectron. Bumaling kay Rowena si Menard. “Ikaw pala ang pinsan ni Graciella. Rowena, right?” Nahiya si Rowena lalo at kalong ang anak na si Leya. Saglit niyang binaba ang anak para tanggapin ang nakahandang kamay ni Menard. “Hello, kuya Menard,” mahinang usal ni Rowena. Si Leya naman ay kumapit sa mga binti ni Menard. Nagtataka ang mga naroon lalo at takot lumapit sa mga tao ang bata. Pero, komportable ito kay Menard. Nagsasalita si Leya pero hindi nila maintindihan. Tila binabati nito ang matangkad na si Menard. Hindi mahilig sa bata si Menard pero magaan ang loob sa pamangkin ng asawa. Yumuko siya at may kinuha sa kanyang bulsa. Inilagay iyon sa munting kamay ni Leya. Napasi

    Last Updated : 2025-03-09
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 56 Same surname

    “Kailangan niyo magtipid para sa kinabukasan. Magastos magpakasal pero kailangan niyo pag-ipunan. Kailangan niyo pa bumili ng sasakyan at bahay bago man lang isipin na magkaroon ng anak. At saka nasaan ba ang mga magulang mo at ano ang mga trabaho nila?” Sunod sunod ang mga tanong at pangaral ni Roger sa dalawa. Gusto niyang ipakita sa mga ito na may karapatan siya na pangaralan ang dalawa lalo at siya ang mas nakatatanda. Napailing si Menard. Baka ma-stroke ang tiyuhin ng asawa kapag nalaman nito na nagkalat sa buong Pilipinas ang mga mansion nila. “May bahay naman ang pamilya ko at doon ako nakatira bago ako nag-umpisa magtrabaho,” saad ni Menard. “Dito na muna kami sa unit na ito ni Graciella ngayon na magkasama na kami.” Umarko ang kilay ni Lupita. Akala niya parehas lang sila ng sitwasyon ng nobyo ng pamangkin. “Bakit kailangan sa abroad pa manirahan ang mga magulang mo?” Tanong pa rin ni Roger. “Kailangan na rin nila magpahinga at ayaw

    Last Updated : 2025-03-10
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 57 Muntik mabuking

    “Ilang beses na nagkaroon ng salary increase ang Skeptron kaya huwag mo sabihin na nalulugi na ang kumpanya,” sabi pa ni Menard. Ayaw niya sa taong sinungaling. Kung hindi lang siya nagpapanggap sa harapan ng asawa baka kanina pa niya pinakaladkad sa mga bodyguard ang bayaw. Speechless si Harry. Tiningnan ang mga kasama kung nakikinig sa usapan nila. Mabuti na lang mahina ang boses ni Menard dahil pag nagkataon, mabubuking siya ng asawa na hindi niya sinasabi ang totoong sahod niya. Busy ang asawa na sundan ang anak. Kung malalaman nito na tumaas na ang sahod niya, kukulitin naman siya nito na dagdagan ang binibigay niya. “Hindi naman din madali sa akin na ako lahat ang umaako ng gastusin sa pamamahay ng asawa ko,” pagmamayabang pa ni Harry kay Menard. “So, sinasabi mo hindi nagbibigay si Graciella noon?” Tumaas ang kilay ni Menard sa pagmamayabang ni Harry sa kanya. Ayaw niya sa mga mayabang na credit grabber. “Easy lang, bayaw. Ang sabi ko malaki ang am

    Last Updated : 2025-03-12
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 58 Mayamang kamag-anak

    Tahimik ang lahat na nasa lamesa. Namutla naman si Trent sa sinabi lalo at nakita na seryoso ang mukha ng pinsan. Buking na ba sila? Gustong batukan ni Trent ang sarili na hindi siya nakapagtimpi. Kahit si Graciella namilog ang mata. Akala niya mahirap lang ang pinsan ng asawa pero bakit may sportscar ito? Si Harry ang bumasag ng katahimikan. “Ang swerte mo naman may sportscar ka pala, Trent.” Sumimangot si Menard. Inaabangan ang sagot ng pinsan kung paano nito lulusutan ang mga sinabi kanina lang. Napalunok si Trent. Ang pinsan nga niya maraming sasakyan at may yate pa. Kung alam lang ng mga naroon na si Kuya Menard niya ang pinakamayaman sa buong angkan nila. Tumikhim si Trent. “Regalo ‘yon ng kamag-anak ni mama sa akin. Luma na ang sportscar na ‘yon,” saad niya sa mga nag-aabang sa kanya. Nagkatinginan si Lupita at Roger. Tama nga ang hinala nila na mayaman ang pinsan ni Menard. Mahal na nga kahit ordinaryong sasakyan lang. Gaano na lan

    Last Updated : 2025-03-14
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 59 Naririnig mo ba ang sinasabi mo?

    Gusto na lang ni Graciella na bumuka ang sahig at lamunin siya nito. Ano ang pinagsasabi ng mahadera niyang tiyahin? At sa harapan pa talaga ng asawa niya ito sinabi. Tumayo si Graciella at nilapitan ang tiyahin. Binulungan ito. “Ano ba ang pinagsasabi niyo, tiyang?” Bakas sa boses niya ang pagtitimpi sa kinikilalang kamag-anak. Madalas naman na pinagbibigyan niya ang mag-asawa dahil na rin sa respeto bilang mga kumupkop sa kanya. Pero, ang hayagan siyang itulak sa mayamang kamag-anak ay kalabisan na para kay Graciella. Hindi na siya nakatiis. “Ano ba ang sinabi ko?” Patay malisya na tanong ni Lupita. Nasa isip niya na kaya naman niyang manipulahin ang isipan ng pamangkin lalo at mabait naman si Graciella. “Hindi pwede ang sinasabi niyo sa akin. Ano naman mapapala ng mayayaman sa akin? Alam ko sa sarili ko na pinagsikapan nila ang pagyaman nila. At saka isa pa kaya namin umangat ni Menard na magkasama. Wala na akong intensyon na maghanap pa ng iba.”

    Last Updated : 2025-03-15
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 60: Risky Secret Marriage

    Sila ni Graciella nagpakasal nang ora-orada. Isang oras lang silang nag-usap at nagpakasal na kaagad. Pero, ibinibigay niya ang karampatang respeto para sa isang legal na asawa. Kaya naiinis si Menard kay Harry dahil na rin sa ilang taon na itong kasal kay Rowena pero hindi niya nakikita na nirerespeto nito ang asawa. Ni hindi nga nito nagawa na alalayan ito sa pag-aalaga sa anak nito. Panay pasikat lang ito sa kanila magpinsan kanina lang. “Hindi mo pala gusto si Harry? Sige iiwasan ko na siyang imbitahin dito sa unit. Kahit ako naman ilag sa kanya. Nakakahiya lang din kay Rowena na hindi natin iimbitahin ang asawa niya since doon na rin nakatira sa kanila si Harry. Kahit naman si Graciella ayaw niya kay Harry. Ayaw lang naman niya magkagulo ang pagsasama ng dalawa kaya hindi niya maamin sa pinsan na hindi siya komportable sa presensya ng asawa nito. Ayaw niya rin sa paraan ng pagtrato sa mag-ina nito. Hindi niya makita na mabuting ama ito para sa pamangkin na si Le

    Last Updated : 2025-03-16
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 61: Kakaibang kilos

    “Magpahinga ka na kaya, Mr. Young. Hayaan mo na ako dito sa kusina,” sabi ni Graciella. Napailing na lang siya sa nagkalat na mga basag na plato. Alam naman ni Menard na mabuti ang intensyon ni Graciella pero halata sa boses ng asawa na naiirita ito sa nadatnan na kalat. Hindi siya mapalagay. Kailangan kahit paano may itulong din siya. “Hindi lang ako maingat. At isa pa madulas ang mga plato,” paliwanag ni Menard. Napangiti na lang si Graciella. Ang cute lang kasi tingnan ni Menard na tila batang nagkasala sa ina. “Okey lang sabi. Ako na rito. Mabuti pa mag-mop ka na lang sa living room.” “Sinabi mo eh.” Iniisip na ni Menard kung paano pakintabin ang sahig. Ayaw naman niya mapahiya sa asawa lalo at siya mismo ayaw sa makalat. Namilog na lang ang mata ni Graciella nang makita na halos mangalahati ang dishwashing liquid. Napailing na lang siya. Kaya pala nadulas sa kamay ng asawa ang mga plato. Literal na wala itong alam na gawaing bahay! Bum

    Last Updated : 2025-03-18
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 62: Isang kasunduan

    Bakit ako magtataka sa kinikilos niya? Normal na sa kanya ang basta na mawala sa mood, saad ni Graciella sa sarili. Pinagmamasdan ang pinto ng silid ni Menrad. Tinapos na ni Graciella ang mga ligpitin at lumabas para itapon sa garbage room ng palapag ang mga naipon na basura. Napapahid siya sa mga pawis na nasa noo niya. At least tapos na ang family dinner nila. Mababawasan na ang pangungulit ng pamilya sa kanya. Inaantok na siya pero naligo pa rin siya lalo at amoy ulam na rin siya. Sinuot niya ang kanyang pantulog na may design pa na cartoon character pati na rin ang kanyang kulay green na headband. Handa na siyang matulog. Pero, imbes na pumasok sa kanyang silid, naisipan niyang mag-scroll muna sa kanyang cellphone. Nanood siya ng mga nakakatawang video. At nalingat siya at hindi namalayan na lumipas na pala ang kalahating oras. Panay hagikgik niya sa mga pinapanood. Bumangon na siya para sa na pumasok na sa kanyang silid nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Me

    Last Updated : 2025-03-19

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 91: Gaano ba kaselan?

    “Ano?” agresibo pa rin ang tanong ni Graciella. Napahilamos na ng kanyang mukha si Menard. Ang tapang talaga ng kanyang asawa; para itong isang mabagsik na librarian na ayaw makarinig ng kahit anong paliwanag. Nakita ni Graciella na namumula ang mga tainga ni Menard. Naawa naman siya lalo at wala na itong mabato sa kanya. Hindi na siya umimik pa. Ayaw naman niyang matulog na may galit sa asawa. Dinampot na lang ni Graciella ang barbeque na hinain pa niya at binalik sa refrigerator. Sayang din iyon at libre pa naman sa kanya ni Jeron ang mga iyon. Lalong nanghinayang si Menard. Akala niya para sa kanya ang dalang barbeque ng asawa. Bakit nito nililigpit ang mga ito? Gusto niyang pigilin ang asawa pero ayaw naman ng pride niya na gawin iyon. “Gustong maging sa ating dalawa ang lahat. Hindi man ako pasok sa pamantayan mo pero may prinsipyo akong tao. Habang kasal tayo, hindi ako gagawa ng anumang bagay na magkukumpromiso ng pangalan mo. Gusto ko lang ma

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 90: Mahirap humingi ng tawad

    “Lasing ang driver ng SUV. Buti na lang at nandun si Jeron. Kung hindi baka sinaktan na ako ng lalaking ‘yon. At kung sasabihin mo na may relasyon kami ni Jeron, diyan ka nagkakamali. Nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya lalo at pinsan siya ni Sheila.” Kinakalma ni Graciella ang sarili pero naiinis pa rin siya sa kaharap. “Kaya lang naman kami kumain sa barbecue house na iyon dahil may discount coupon na binigay si Sheila sa akin. At hindi kami nagkasundo ni Jeron na magkita. Tapos ngayon pag-uwi ko, aakusahan mo ako ng kung ano-anong malisyosong bagay?” bulalas ni Graciella. Hindi nakaimik si Menard sa sunod-sunod na mga sinabi ni Graciella. Paano ba naman ang bilis nitong magsalita. Hindi siya makasingit. Siya ang dapat na nagagalit pero bakit parang siya ang pinapagalitan sa ngayon? “Ang dumi ng isip mo. Mali na ang tingin mo sa paghatid ng isang kaibigan sa bahay nila dahil lang sa nabangga ang sasakyan ko. Nagmagandang loob lang naman si Jeron lalo at

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 89: Masakit

    Hinampas ni Graciella ang kanyang cellphone sa braso ni Menard. “Ang kapal ng mukha mo na pagbintangan ako na may ginagawang milagro! Ang dumi ng isip mo. Para kang walang pinag-aralan!” sunod-sunod na akusa ni Graciella sa asawa. Masakit din naman ang kamay niya nang hampasin niya ang braso ni Menard. Nabasag pa nga ang screen ng kanyang cellphone at nasugat ang kanyang palad dahil sa ginawa. Napaigik si Menard dahil sumakit ang braso na hinampas ng asawa ng cellphone nito. Sa tangkad niya, nagkasya na lang siya na ibaluktot ang mga braso para masangga ang mga atake ng asawa niya na namumula na sa galit. Hindi pa rin papipigil si Graciella. Ilang beses pa niyang hinampas si Menard na walang nagawa kundi ang umilag na lang. Ibinuhos niya ang inis sa asawa na walang pakundangan kung pag-isipan siya ng malalaswang bagay. “Stop it!” “Hindi ako titigil!” Umangat ang kamay ni Graciella at dahil sa pag-ilag ni Menard, tumama ang kamay nito sa bibig ni

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 88: Isang salita pa.

    Na-realize niya na hindi tama ang pagkakaintindi ni Menard sa relasyon nila ni Jeron. “Graciella, may pinarmahan tayong kasunduan at kailangan natin sundin ang mga nakasaad doon. Kung may iba ka palang gusto na lalaki, sabihin mo sa akin. Wala akong problema kahit makipaghiwalay ka na sa akin ngayon din. Kung gusto mo, tutulungan pa kita mag-file ng annulment. Wala akong pakialam!” bulalas ni Menard. Nag-iinit ang kanyang pisngi. “Mag-asawa na tayo ngayon. Dala ko ang pangalan ko at apelyido. Bakit kailangan mo pa ipamukha sa akin na may iba kang gusto?” Kahit wala silang nararamdaman sa isa’t isa, naapakan ang pride ni Menard na nakikipagdate at nakikipagkita sa ibang lalaki ang kanyang asawa. “Ano ba ang mga pinagsasabi mo?” Masama ang loob ni Graciella. Masamang babae pala ang tingin sa kanya ni Menard. “Ang lalaking naghatid sa akin, si Jeron Gonzales yon. Matanda ako sa kanya ng six years at matagal na naming kilala ni Sheila na kaibigan.

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 87; Aamin ka ba o hindi?

    Iniisip pa lang ni Menard na pinagtataksilan siya ng asawa, kumukulo na ang dugo niya! Wala pang nangahas na gaguhin siya. Ang asawa pa lang niya ang may lakas ng loob na gawin ang kalokohan na pagsama nito sa ibang lalaki! Kung gusto pala nito si Jeron, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Graciella? Bakit kailangan pa niyang maging third wheel sa relasyon ng dalawa? Pakiramdam ni Menard, napakatanga niya para maniwala sa mga kwento ni Graciella. Napaniwala siya nito na kaya ito mag-aasawa ay para tumakas sa emotional blackmail ng adoptive aunt nito. “Anong oras ka ba umuwi ngayon, Mr. Young?” “Ano ba ang pakialam mo kung anong oras na ako umuwi?” malamig na sagot ni Menard. “Tinatanong lang naman kita.” Inabot ni Graciella ang isang wooden fork na kasali na binigay ng barbeque house. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang ginawa niya. Kaya binaba na lang niya ang tinidor. “Madaling araw na. Para ka na ring hindi umuw

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 86 Restraint

    Napailing na lang si Graciella. Hindi naman siguro masyadong babad sa TV si Jeron at kung anu anong kalokohan na lang ang pumasok sa utak nito? May asawa na siyang tao at mali kahit saang anggulo tingnan na umaasa pa rin ito na may pag-asa pa silang dalawa! “I’m happy with my choice, Jeron. Minsan kailangan natin tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi nakalaan sa atin,” seryosong saad ni Graciella. Ayaw niyang masaktan si Jeron pero wala siyang choice kundi putulin ang anumang iniisip nito na may posibilidad pa na may aasahan ito sa kanya. Siguro naman wala itong clue na nasa trial phase pa ang pagsasama nila ni Menard. Kung malaman ito ni Jeron, alam niyang lalakas lang ang loob nito at aasa ito sa kanya. Ayaw naman ni Graciella na ganun ang mangyari. Masa maraming babae ang mas deserve ang isang Jeron Gonzales. Isang babae na nababagay sa social class nito at kaedad pa nito. “Don’t push me away. Just because you are six years older than me, I’m not gonn

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 85; Pinilit ka ba niya?

    “Pwede ko sabihin sayo na para siyang artista o isang bathala na bumaba galing sa langit. Hindi siya pwedeng ihambing sa ordinaryong tao lang.” Kinuha ni Graciella ang isang hiwa ng pork belly at nilagay sa plato ni Jeron. “Gutom lang ‘yan. Kung i-describe mo siya para ka talagang nag-describe ng mga Greek gods.” Nag-blush nang bahagya si Jeron sa gesture ni Graciella. “Pero totoo ang sinasabi ko sayo. Iba ang dating niya. Hindi lang siya basta mayaman lang at gwapo. At saka nang magkita kami, na-appreciate niya ang ginawa kong OJT sa kanila.” “You mean to say siya ang may-ari ng hotel na pinagdaluhan ng event na pinuntahan natin?” Hindi makapaniwala si Graciella sa yaman ng hinahangaan ni Jeron. Out of touch nga ang yaman ng lalaki at ni sa hinagap hindi siya lingunin nito. Kahit pa siguro approachable itong si Mr. Young, hindi siya nito papansinin. Isa lang siyang ulila na lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents. Lumaki din siya na salat sa

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 84: Round Face?

    Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 83: Dumaan si Menard Tristan Young!

    Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status