Nagpakilala si Harry kay Menard. “Ako pala ang bayaw ni Graciella.” Inabot ang kamay nito at malugod naman na tinanggap ni Menard.
Isang simpleng hello lang ang sagot ni Menard. Inoobserbahan ang kaharap lalo at nalaman niyang ito ang nagsasabi sa asawa nito na naghihirap ang Spectron. Bumaling kay Rowena si Menard. “Ikaw pala ang pinsan ni Graciella. Rowena, right?”
Nahiya si Rowena lalo at kalong ang anak na si Leya. Saglit niyang binaba ang anak para tanggapin ang nakahandang kamay ni Menard.
“Hello, kuya Menard,” mahinang usal ni Rowena.
Si Leya naman ay kumapit sa mga binti ni Menard. Nagtataka ang mga naroon lalo at takot lumapit sa mga tao ang bata. Pero, komportable ito kay Menard. Nagsasalita si Leya pero hindi nila maintindihan. Tila binabati nito ang matangkad na si Menard.
Hindi mahilig sa bata si Menard pero magaan ang loob sa pamangkin ng asawa. Yumuko siya at may kinuha sa kanyang bulsa. Inilagay iyon sa munting kamay ni Leya.
Napasi