Namilog ang mata ni Graciella nang mahawakan ang sandata ni Menard. Nagulat siya sa haba nito. Parang napapaso ang kamay na binawi iyon. Hindi siya nakaimik at muling sinubukan na bumangon. Mag-asawa na sila pero nahihiya pa rin siya kay Menard.
Napahawak na lang sa pader si Graciella. Muling inabot ni Menard ang kamay pero todo tangi si Graciella. Pero mapilit si Menard. Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at inalalayan itong tumayo.
"Dahan-dahan lang kasi. Bakit ka nahiga dito sa hallway? Ang lamig ng sahig," pangaral niya. Marahan silang lumapit sa maindoor.
"Mr. Young, akin na ang passcode ng pinto para makapasok na tayo," tanong pa ni Graciella.
Napakamot sa batok si Menard. Nagmamadali siyang pumunta sa lugar na iyon pero nakalimutan pa niyang itanong kay Louie ang passcode. Lumapit siya sa pinto at basta na lang nagtipa ng mga numero
131421……
Hindi man lang bumukas ang pinto. Gusto na lang magpalamon ni Menard sa sahig dahil sa hiya.
Muli niyang tinipa ang passcode at nakahinga nang malalim nang tuluyan nang bumukas ang pinto.
"Halika na," yakag niya kay Graciella. Nilapitan ito at siya ang nagkusa na hilahin ang dala nitong bagahe.
Gusto malula ni Graciella sa bumungad na unit sa kanila. Malawak iyon lalo at halos walang muwebles ang naroon. Binilang niya at limang silid ang naroon. Hindi pa kasali ang maluwang na dining room at living room. May malalaking flat screen TV na nakakabit sa wall.
Pinagpawisan ng malapot si Graciella. Pati ang kanyang palad ay basa na rin sa pawis. Sa laki ng espasyo ng unit na iyon tiyak siyang mahal ang renta.
Napapikit siya at nasapo ang sintido. Iniisip niyang hindi siya binigyan ng konsiderasyon ni Menard. At saan siya kukuha ng ibabayad sa upa ng unit?
Kalmado lang si Menard lalo at inalis na nila Louie ang ibang mga furnitures na naroon. Ayaw niya ng maraming gamit kaya pinalinis niya iyon kahapon. Ang mga naiwan lang doon ay ang ilang libro na gusto niya. Pero sa kabuuan kitang kita pa rin ang rangya ng unit.
Malinis, maaliwalas, at simple. Patok sa panlasa niya.
Inikot ni Graciella ang kabuuan ng unit. Bagaman satisfied naman siya pero kinakalkula na niya ang renta na bayad sa unit.
"Menard, magkano ba ang renta dito?" Kinakabahang tanong ni Graciella. Hinahanda ang sarili sa malaking halaga na babanggitin ng kausap.
"Mura lang," tipid nitong sagot.
Patay na! Mahal nga talaga. Gusto na lang ni Graciella na humanap ng ibang unit. Hindi niya kakayanin ang renta. “Gaano ba kamahal? Baka mamulubi ako.”
Napakunot ang noo ni Menard dahil sa paulit-ulit na tanong ni Graciella sa renta. “Affordable naman ang one hundred thousand pesos,” kaswal niyang saad.
Gustong malalag ng panga ni Graciella sa sahig. Napadilat siya sa mahal ng renta. Oo nga art mamahalin at malawak ang unit pero overpriced ito. “Paanong one hundred thousand pesos?”
“Ang original na renta ay one hundred thousand. Pero dahil kamag-anak ko naman ang may-ari, ten thousand pesos lang ang hinihingi niyang renta,” paliwang pa ni Menard.
Para namang nabunutan ng tinik si Graciella. Afford na niya ang five thousand. Marangya naman ang unit kaya payag na siya. Kung mas mahal sa sampung libo ay nuncang kukunin nila ang unit na ito.
Prinsipyo na ni Graciella na ayaw niyang manlamang ng kapwa. Napag-usapan na nila ni Menard iyon at gusto niyang maintindihan ng lalaki ang pinupunto niya.
Nilibot ng paningin ang kabuuan ng unit. Kahit paano naman hindi na siya magtatyaga sa makipot, masikip, at luma ng bahay. Marangya kung marangya ang unit at iniisip niyang ang ganda pa ng balcony. Tamang tama na maraming damit ang pwede niyang isampay doon.
Kahit na ang mga silid tulugan ay may tig isang banyo at may ward robe pa. Excited na siyang iayos doon ang iilan niyang dalang gamit. Napako ang tingin niya sa master’s bedroom. Tiyak siyang si Menard ang ookupa ng silid na iyon.
Pinili niya ang ikalawang silid. Magand at maaliwalas ito at maganda ang kulay ng kurtina. Berde ito at siyang paborito niyang kulay. Nilabas na niya ang kanyang mga gamit at sinalansan sa ward robe na naroon.
Paglabas niya sa silid, tinungo niya ang kusina. Wala siyang makita ni isang kagamitan kahit man lang sandok o kaldero. “Bibili na lang ako ng mga kitchen utensils na babagay dito sa kusina. Sayang naman kung masisira ang aesthetic kung di bagay sa interiors ang bibilhin ko,” mahinang bulong niya sa sarili.
Mabuti na lang at kompleto ang mga beddings na naroon. May quilt at ilang pirasong bed cover na nag-match sa kulay ng kurtina. “Ambait naman ng mga kamag-anak mo at pinaghandaan nila ang paglipat natin,” saad pa ni Graciella.
Wala man lang sagot na nakuha si Graciella kay Menard kundi isang simpleng tango. Tumirik ang mata ng una lalo at napaka walang pakialam nito.
Pianahanda na talaga ni Menard ang unit para wala ng aberya mamaya. Alam niyang magiging awkward kung sa iisang silid mananatili ni Graciella.
Inayos na ni Graciella ang mga beddings sa dalawang silid. “Magkano ba ang ibibigay kong ambag sa renta?” tanong pa niya habang palapit kay Menard.
“Have I told you? Pagmamay-ari ito ng kamag-anak ko kaya huwag na. Ako na ang bahala,” sagot ni Menard.
Hindi kontento si Graciella sa sagot ni Menard kaya kinuha ang kanyang cellphone at nag-transfer ng pera kay Menard.
Kakaupo lang ni Menard sa sofa nang tumunog ang kanyang cellphone .Napakunot ang noo nang makita ang confirmation notice ng e-money. May five thousand pesos din iyon.
“What’s this?” tanong pa niya sa papalapit na si Graciella. Minuwestra ang kanyang cellphone kay Graciella.
“Ambag ko nga sa renta. Hindi naman pwede na ikaw lahat magbabayad,” saad pa ni Graciella.
Hindi alam ni Menard kung maiinis siya o matatawa. Anong klaseng babae ba ang pinakasalan niya? Bakit kakaiba ang ugali nito.
“Kasal tayo at ako ang provider sa pamilyang ito. My God! Graciella, give it a rest,” bulalas ni Menard.
“Hindi pa naman tayo gaanong magkakilala. Ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang generosity mo,” dahilan pa rin ni Graciella.
Napailing na lang si Menard at muling tinipa ang kanyang cellphone. Binalik niya ang money transfer.
“Hindi naman tayo nagkasundo sa finances natin,” naiilang pa rin niyang tangi.
“You have your cousin’s daughter, right? Bilhan mo siya ng regalo. Ayaw sayo ng auntie mo ‘di ba? Bilhan mo ng kung anong gusto niya ‘pag bisita natin sa kanila.” Sa totoo lang inaantok na si Menard at gusto na niyang matulog. Pero, masyadong mapilit at makulit si Graciella.
“Handa na ang master’s bedroom. Matulog ka na at inaantok ka na yata,” sabi pa ni Graciella.
Tinitigan ni Menard si Graciella.