Share

chapter 006 Awkward

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-01-23 10:00:18

Nagpapaliwanag ang isang director patungkol sa stocks at mga risk nito. Sa totoo lang, hindi kumbinsido si Menard sa paliwanag nito. Masyadong mababa ang makukuha nilang kita sa loob ng isang taon. Ayon na rin sa kanyang pag-aaral, mas mahalaga ang panahon kung ikukumpara sa kikitain mong pera.

"You should target double the return within a year. Masyadong mababa ang one hundred fifty percent lang." Hindi siya kontento sa naririnig kaya nagbigay siya ng saloobin.

Menard is reading a text message from his phone. Nakatutok ang kanyang atensyon sa telepono.

********

"Nasaan ka na ba? Kanina pa ako narito sa tapat ng pintuan mo. Kelan ka pa darating?" Sunod-sunod ang pagpapadala ni Graciella ng mga text message kay Menard.

Kanina pa siya pabalik balik sa pasilyo. Halos ma-lowbat na rin ang kanyang cellphone sa pag-check kung nabasa na ba ni Menard ang kanyang mga mensahe.

Halos isang oras na siyang naghihintay. Nananakit na ang kanyang mga paa sa pagtayo sa harap ng unit. Hinagis niya sa isang sulok ang kanyang bag matapos kumuha ng isang balabal doon. Magpasya siyang maupo na lang sa tabi ng pinto dahil sa pagod.

Marahan niyang hinilot ang kanyang mga binti at niyakap ang kanyang tuhod.

"Siguro, tama si Rowena. Baka nabudol nga ako ni Menard," mahina niyang saad. Napabuga na lang siya ng hangin. Kinapa ang kanyang marriage certificate at tinitigan ito. Namilog ang butas ng kanyang ilong nang masilayan ang ngiti sa labi ni Menard. Pinitik niya ang mukha nito sa larawan. "Lagot ka talaga sa akin, Menard Young oras na malaman ko lang na niloloko mo lang ako."

Iniisip pa lang niyang scammer lang si Menard, nanghihina na siya. Umalis na siya sa poder ng kanyang tiyahin. Wala na siyang babalikan. Imbes na makawala sa kanyang paghihirap ay mukhang madadagdagan pa yata 'pag nagkataon.

Inaantok na talaga siya kaya yumuko na siya at hindi namalayang nakatulog na pala.

*******

Natapos din ang kanilang meeting. Sumatotal, nakapagbigay ng figures ang mga tauhan na kontento siya. Ramdam niya ang pagod lalo na nang lumapit sa kanya ang assistant na si Louie. Inabot sa kanya ang cellphone.

"May ilang miscall po kayo," saad pa ni Louie.

"At sino naman ang tatawag sa akin?" Nagtataka niyang tanong habang binubuksan ang call register ng hawak na cellphone.

"Ang nakalagay po dito ay 'cool chick'."

Napakunot ang kanyang noo dahil wala naman siyang naalala na kakilala na ganun ang pangalan. Natampal na lang niya ang kanyang noo nang maalala ang babaeng iyon lang.

Umuwi na siya sa villa na tinutuluyan at kaagad na nagbihis.

Umupo siya sa sofa at tinungga ang laman ng kopita na inabot ni Louie. In-adjust ang kurbata at nag-enjoy sa iniinom na wine.

Nadatnan siya ni Louie na nakapikit habang hawak ang kanyang kopita.

"Senyorito, pwede na po kayong matulog sa inyong silid." Inabot nito sa kanya ang damit pantulog. Hindi siya umimik.

Nasa gilid lamang si Louie at hinihintay ang hudyat ng amo. Hindi ito mapakali.

"Senyorito, wala po ba kayong nakalimutan?" tanong pa ng tauhan. "Napalitan na po ang security lock?"

Sukat sa sinabi nito napaigtad si Menard. Ang kaninang inaantok na diwa ay biglang nagising. Kinakalkal sa utak kung ano ang importanteng gagawin sa araw na iyon. Biglang sumagi sa isipan ni Menard na ngayong araw dapat lilipat sa bagong unit silang mag-asawa.

Noon lang niya napagtanto na kinasal na pala siya kahapon lang sa isang kakaibang babae, at iyon ay si Graciella Gomez.

Gusto niyang batukan ang sarili at nagmamadaling kinapa ang cellphone na nasa side table. Tiningnan niya ang dialogue box at naroon nga ang maraming chat ni Graciella sa kanya.

Alas diyes pa lang ng umaga may mga message na pala si Graciella. Anong oras na? Gusto na lang batukan ni Menard ang sarili.

Inisa-isa niyang basahin ang mga mensahe ni Graciella. Pumunta na siya sa baba at lumapit sa shoe rack.

"Tawagin mo ang driver at may pupuntahan kami," kapagkuwan na utos niya sa kasambahay na naroon. Muli niyang tinipa ang kanyang cellphone at nag-reply. "Sorry at busy lang. Hindi ko na check ang cellphone ko." Pinadala na kaagad niya ang text na iyon habang bumababa sa hagdan.

Nasa pasilyo pala ang pinsan niya na si Trent. Nagtataka ito at nagmamadali si Menard. "Saan pupunta ang Kuya Menard?" Tanong nito sa kasambahay.

"Ay, si Senyorito Menard na po ang tanungin nyo," sagot naman nito.

"Nag-asawa na ba talaga ang Kuya Menard? Kahapon kasi sinabi ni Auntie na nag-asawa na siya," patuloy pa rin niyang usisa.

"Senyorito, wala po nga akong alam." Ayaw makialam ng kasambahay sa usapin ng mga amo.

Mula sa salamin na dingding kita ni Trent ang pagsakay ng pinsan sa magara nitong luxury car. Naaawa siya kay Menard sa totoo lang. Naging padalos dalos ang pagpapakasal nito. Siguro hindi na nito nakayanan ang pressure ng Autie niya kaya gumawa na ito ng paraan para makawala sa pagkontrol ng ina.

Sa pagkakaalam niya, isang ordinaryong babae ang pinili ni Menard na pakasalan. Ngayon pa lang ay nakikita niyang mahiirapan ang asawa ng pinsan na makibagay sa kanilang pamilya lalo at medyo matapobre nga ang ina ni Menard.

Midland Heights.

Nasa palapag na si Meard kung saan sila manunuluyan mag-asawa. Hinahalukay sa isipan kung ano nga ang pangalan ng asawa. Napangiti siya nang maalala na Graciella Gomez ang pangalan nito. Ngiting napawi dahil sa bumungad na tanawin. Palapit siya sa kinaroroonan nito. Parang pinig ang puso niya sa ndatnang eksena. Kinastigo ang sarili sa paglimot sa usapan nila.

Napaigtad s Graciella sa mabining haplos sa balikat. Nananaginip siya na naglilinis ng sahig at nabuhos ang isang timbang tubig sa sahig. Nagulat siya sa sigawng tiyahin at sa nanlilisik niyang mata. Para lang masilayan ang mukha ni Menard sa pagmulat ng kanyang mata.

Pareho silang nagulat sa isa't isa. Kaya hinintay na lang ni Menard na mahimasmasan si Graciela abgo magsalita.

"Pasensya na at naghintay ka na pala dito sa lobby."

Tatayo na sana si Graciella para lang mamilog ang mata. Hindi niya maramdaman ang kanyang mga paa. Tiningnan niya si Menard na tila humihingi ng saklolo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 175: Tama na!

    Tumaas ang kilay ni Menard nang matanggap ang mensahe ni Louie. Kalakip ng message nito ang video ni Harry na nakadungaw sa bintana ng kotse nito at sumisigaw. Napatiim ang bagang ni Menard sa napapanood. He is worried na baka kung anong pananakit ang abutin ng asawa nito sa kamay ng walanghiyang lalaki na iyon. “Sundan kaya natin ang mag-asawa,” naibulalas na lang ni Menard. Naawa siya kay Rowena lalo at bitbit pa nito ang walang muwang na anak. “Hangga’t maaari, hindi ako manghihimasok sa magiging usapan nila, Menard. Iba na si Rowena. Hindi nas siya ang dating walang imik at duwag na babae. Kaya na niyang ipaglaban ang sarili niya. Ang gagawin na lang natin ay suportahan siya sa magiging desisyon niya sa hinaharap,” saad ni Graciella. Para kasi sa kanya, buo na ang desisyon ng pinsan na makipaghiwalay sa asawa nito. At kung mag-aaway man ito sa bahay nila, kaya na nito ang sarili. ******* Samantala, naunang dumating si Rowena sa b

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 174: Sa bahay na tayo mag-usap

    “It seems like the idiot is not afraid of someone,” matigas na saad ni Menard habang nakatitig kay Harry. “Huh! Ang lakas ng loob mo magmayabang! Parehas lang tayong mga empleyado ng Young Group! Kung makaasta ka para kang CEO ng kumpanya, pwe!” Bwelta ni Harry sa pasaring ni Menard. Si Rowena, panay hila na sa braso ni Harry pero pumiksi kaagad ang huli kaya halos sumadsad si Rowena sa sahig. Mabuti na lang at naagapan ng manager ang huli. “You are disgusting! You treat your wife in public in the most shameful way,” kutya ni Menard kay Harry bago alalayan ang mag-ina na tumayo at itago ito sa likuran niya. Sinenyasan si Graciella na dapat ma-secure ang kaligtasan ng mag-ina “Kaya naman namin ayusin ang gusot namin mag-asawa. Pero kayong dalawa ng walang kwentang babae na nobya mo ang dakilang sulsol bakit nagkaganito ang asawa ko,” akusa ni Harry sabay duro sa dibdib ni Menard. Hindi man lang natinag si Menard. Di hamak na mas matangkad naman siya

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 173: Umuwi ka sa bahay

    Naningkit kaagad ang mata ni Graciella nang makita ang bagong dating na si Harry. Nakapamaywang ito habang malakas ang boses na pinagsasabihan ang asawa. Binilisan nila ni Sheila na lumapit pabalik sa table nila. Kinailangan niyang ilapag muna ang plato sa lamesa dahil nanginginig siya sa mga naririnig na salita mula kay Harry. “Ano hindi ka uuwi? Siguro may lalaki kang kinatagpo at dinala mo pa talaga si Leya sa kabababuyan mo,” akusa ni Harry sa asawa habang dinuduro ang asawa. Isang malakas na hampas sa braso ang binigay ni Graciella kay Harry kaya natigil ito sa pagsasalita. “Wala kang pinipiling lugar para ibuka ang madumi mong bibig, Harry. Nasa restaurant ka at sana ilagay mo sa lugar at gumamit ka nang maayos na mga salita. Naririnig ka ng anak mo,” babala dito sa mahinang boses. Hindi namans iya katulad ni Harry na walang urbanidad. Kalalaking tao, ang hilig nitong mamahiya ng asawa sa publiko. Namula si Harry. Matagal na itong nag

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 172:  Buffet

    Samantala, patapos na ang meeting ni Menard kaya tinanggap ang tawag mula sa asawa. “Baka mag overtime na naman ako mamaya. Ikaw na ang bahala kung saan mo sila dadalhin para kumain mamaya,” sagot ni Menard. “Okay lang ba sa sa atin muna tutuloy ang mag-ina? Nasa kanila kasi ang biyenan at hipag niya. Ayaw niyang umuwi muna sa kanila,” pagbibigay alam ni Graciella sa asawa. “No problem. She can stay as long as she wants. Kung hindi siya kumportbale umuwi sa kanila, sa atin na muna ang mag-ina, Sige na at marami pa kaming tatapusin.” Binaba na kaagad ni Menard ang tawag. ******* Ang lapad ng ngiti ni Graciella habang binabalik sa bag ang cellphone. “Okay na. Walang problema sa asawa ko. Narinig niyo naman sinabi ni Menard, Rowena na pwede kayo ni Leya sa unit namin hanggang kailan niyo gusto,” masayang pahayag ni Graciella. Confident naman talaga si Graciella na papayag ang asawa lalo at katulad niya, kinagigiliwan ni M

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 171; Can they stay?

    Napangiti si Rowena sa panulsol ni Sheila. Kilala na niya ang kaibigan ng pinsan sa kwento pa lang ni Graciella sa kanya. “Ate Sheila, ewan ko ba dito kay Ate Graciella. Pareho lang talaga silang nagpapakiramdaman ni Kuya Menard. Halata naman sa mga kilos nila na may feelings sila sa isa’t isa ayaw pa rin nila umamin sa mga nararamdaman nila,” dagdag pa ni Rowena. Kumunot ang noo ni Graciella. Hindi kasi niya nakikita na ganun nga sila ni Menard. O dahil ba sila mismo hindi alam ang sarili nila pero obvious iyon sa mata ng ibang tao? May katotohanan kaya ang sinasabi ng mga ito sa kanya. “Ayan na naman kayong dalawa. Marriage for convenience lang ang sa amin ni Menard. Alam niyo ang rason kung bakit ako nagpakasal sa kanya. At ang rason ni Menard ay para takasan ang pagmamanipula ng nanay niya na ireto siya sa babaeng hindi niya gusto,” tangi pa rin ni Graciella. “Uh huh! Diyan ka nagkakamali my friend. Halata naman sa tingin pa lang ni Menard sayo. Kun

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 170:  Unfair

    Panay simangot pa rin si Trent habang binabaybay ang daan papunta sa canteen. Bumili siya ng pagkain at nagmamadali na bumalik sa opisina ng pinsan. “Bumalik ka pa?” Tanong ni Menard. Nagtataka kung anong sadya ng pinsan. Nakatingin siya sa bitbit na tray ng pagkain ni Trent. “Doon ka na kumain sa canteen.” “Gusto ko rin naman tikman ang luto ni ate Graciella,” nakasimangot na saad ni Trent. Nagdadabog na lumapit sa table ng pinsan at saka nilapag ang tray ng pagkain na bitbit. “Bigyan mo ako ng chicken kahit dalawang hiwa lang.” Kumunot ang noo ni Menard. “Who gave you the right to taste my wife’s cooking?” Sita sa pinsan. “You are so unfair! Sa akin ibinigay ni Ate Graciella ang lunchbox na ‘yan,” katwiran ni Trent. Kinuha ang tinidor at umaktong kukuha ng slice ng manok. Mabilis naman na inilag ang lunchbox. Marahang hinampas ni Menard ang kamay ni Trent. “This is supposed to be my meal. Maaga lang ako umalis kasi may meeting tayo.” “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status