Chapter: Kabanata 103: The EvidenceAng matanda, matapos marinig ang alok ni Alistair, ay nagtaglay ng ilang sandali ng katahimikan. Ang galit na kanyang nararamdaman ay mabilis na napalitan ng kalituhan. Hindi ito isang simpleng kasinungalingan; may bigat ang mga salitang binitiwan ni Alistair. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may bahagi sa kanya na hindi kayang tanggapin ang buong katotohanan. Si Trisha? Ang kanyang anak na sobrang inosente. At ngayon, si Alistair—ang bata na unang iniwasan ng lahat—ay ipinapakita ang ebidensya ng isang bagay na hindi niya kayang iwasan.Dahan-dahang napaupo ang matanda, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa mesa, parang naguguluhan kung ano ang susunod na hakbang. Si Trisha… ang nagiisa niyang anak na babae,kung sakali man na ang mga paratang ni Alistair ay totoo, anong ibig sabihin nun para sa kanya? Ang alinlangan sa kanyang dibdib ay nagsimulang mag-ugat, at pati ang mga plano niyang naisip tungkol kay Sebastian ay naging malabo.“Trisha…” bulong niya sa sarili, at kahit ang kanya
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 102: The Main Wife and The Mistress Son Interaction“Lola, I haven’t seen her for a while,” wika ni Chantal, sabay lingon sa matandang babae na noon ay nakaupo sa maringal na upuang gawa sa kahoy at balot ng mamahaling tela. Napataas naman ang kilay ng ina ni Sebastian, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi nito malaman kung sino ang tinutukoy ni Chantal—si Diane ba, ang babaeng hindi niya kailanman tinanggap sa kanilang pamilya, o si Seraphina, na umaliss dahil sa kagaguhan ng kanyang anak.Bago pa man niya masagot ang tanong, isang mahinang katok sa pintuan ang umalingawngaw, at isang kasambahay ang maingat na sumilip mula sa bukas na siwang ng pinto.“Ma’am, may bisita ho kayo,” sabat ng maid, bahagyang yumuko bilang paggalang, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng kaba sa harap ng istriktang ginang ng bahay.“Papasukin mo na lang,” maikling utos ng ina ni Sebastian, hindi man lang nilingon ang maid at nanatiling nakatuon ang pansin kay Chantal. Ang kanyang postura ay nanatiling matikas at dominante, tila bang kahit isang
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Kabanata 101: Alistair's GuiltIt’s been three months since nalaman ni Alistair na may terminal disorder. Sa loob ng panahong iyon, marami na siyang pinagdaanan—pisikal man o emosyonal. Hindi niya inaasahang magiging ganito kabilis ang pag-ikot ng mundo, na habang binibilang niya ang mga natitirang araw, kailangan pa rin niyang magpatuloy sa trabaho, magpakatatag, at gampanan ang mga obligasyong iniwan sa kanya ng hustisya.Ngayong araw, nasa opisina siya ng PAO (Public Attorney’s Office). Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang banayad na paglipat ng mga pahina mula sa mga case files na hawak niya. Suot niya ang kanyang simpleng puting long sleeves at may bahagyang loosened tie—tila ba simbolo ng pagod at patuloy na pakikipaglaban sa sistema.Habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang bawat detalye ng kaso, bakas sa kanyang mukha ang bigat ng laman nito. Iilan sa mga kasong nasa kanyang lamesa ngayon ay patungkol sa rape at VAWC (Violence Against Women and Children). Ilan sa mga ito ay nagsus
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Kabanata 100: The Truth They Cannot DestroyIsang babae ang nakaupo nang maayos sa isang makinis at mamahaling swivel chair, habang malamig na nagtanong, “Come here. How’s the progress of the plan?” Mariin at pantay ang pagtapik ng kanyang mga daliri sa armrest, nagpapahiwatig ng isang katahimikan at awtoridad na lalong nagpabigat sa tensyon sa loob ng silid.Biglang sumingit ang boses ng isang lalaki, puno ng inis at pagod. “You know, Mom, I’m tired of this! You just want the main house position, and I’m out of it!” Habang nagsasalita siya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao, at ang pait sa kanyang tono ay hindi maikakaila. Sa isang sulok ng kwarto, isang dalagang tila naaaliw ang tumawa nang may panlilibak, kitang-kita ang tuwang nararamdaman niya sa umiinit na pagtatalo.Ngumiti ang babaeng nasa upuan, may kunwaring lambing sa kanyang ekspresyon. “Are you sure about that?” aniya habang bahagyang nakapaling ang ulo. “It’s a win-win situation if you’d only see the bigger picture. You get her—your precious little obse
Last Updated: 2025-04-29
Chapter: Kabanata 99: The Wine, The Lie, The Goodbye"How are you, my dear brother? Did you enjoy my gift last week? The wine?"Nanlamig si Sebastian. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon — hindi sa araw na ito, hindi pagkatapos ng lahat ng nangyari.Ang simpleng pagbati ng tinig sa kabilang linya ay nagdala ng alon ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang katawan. Ang tono ng boses ay hindi ordinaryo — may halong panunukso at mapanganib na lambing, parang isang ahas na handang manila ng biktima, humahabi ng bitag na hindi mo namamalayan hanggang huli na ang lahat.Hawak pa rin ang cellphone sa tainga, si Sebastian ay napapikit, pilit pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Gift? Wine?Biglang bumalik sa kanyang isipan ang isang bote ng mamahaling alak na dumating sa hotel room niya noong nakaraang linggo — walang pangalan kung kanino galing, walang kahit anong indikasyon kung sino ang nagpadala. Akala niya noon ay simpleng corporate gesture lang ito mul
Last Updated: 2025-04-28
Chapter: Kabanata 98: Choosing To End Everything"You hard-headed bastard! Mahirap bang makinig sa akin? Just once, please, makinig ka naman," naiinis na wika ni Trisha kay Sebastian, ang kanyang tono ay puno ng pagod at frustration habang nakatingin sa kapatid niyang tila hindi nadadala sa mga payo niya."’Hindi mahirap makinig, but it’s not about listening," sagot ni Sebastian, hindi nagpapatalo, ramdam ang bigat ng kanyang loob. "You did it already, nagbigay ka na ng payo, but I need to do what I think is right. Sana noon ko pa ito nagawa," dagdag pa niya, habang pinipilit ipaintindi sa kapatid ang bigat ng kanyang desisyon. "After my daughter almost lost her life, I realized I can’t waste another moment. I don’t want that to happen again. I want to give her a complete family. I don’t want to be like Father. I don’t want to be him."Sa mga salitang iyon ay natahimik si Trisha. Tumigil siya sa paglalakad at napalunok, ramdam niya ang kirot sa dibdib. Alam niya kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng kanilang ama — isang babaeron
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: Kabanata 23: Mia's ImprovementTahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 22: Mia's First Tutoring SessionPagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Kabanata 21: Night Out“Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is
Last Updated: 2025-04-21
Chapter: Kabanata 20: Girls Time“It’s okay, if you still want to stay here, it’s okay—” mahinahong sabi ni Nikolai, ang boses niya’y puno ng pag-unawa.Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis na sumingit si Mia.“Ahh... alis na po ako,” wika niya, halos pabulong, at agad siyang tumalikod, hindi na hinintay pa ang anumang sagot mula kay Nikolai.Tahimik siyang lumakad palabas ng study room. Hindi siya dumiretso sa kanyang kwarto, gaya ng inaasahan. Sa halip, pinili niyang magtungo sa greenhouse—ang tanging lugar sa bahay na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng pagiging ligtas, tahimik, at malaya. Doon, sa gitna ng mga halaman at amoy ng lupa, nararamdaman niyang hindi siya sinusukat, hindi hinuhusgahan.Umupo siya sa isang sulok, kung saan ang liwanag mula sa buwan ay bahagyang tumatama sa mga dahon ng mga halamang nakapaligid sa kanya. Bitbit pa rin niya ang librong kanina ay hindi niya mabitawan, ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya na mabuksan ang pahina.Sinubukan niyang magpatuloy sa pagbasa, pero b
Last Updated: 2025-04-10
Chapter: Kabanata 19: Cute MomentsHindi na nagsalita pa si Mia hanggang sa makauwi sila sa bahay ni Nikolai. Tahimik ang buong biyahe, tila parehong abala sa kani-kanilang iniisip. Si Mia ay nakatanaw lang sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga dumadaang tanawin, habang si Nikolai naman ay tahimik sa manibela, hindi rin nagbukas ng kahit anong usapan.Hindi niya rin alam kung bakit siya natahimik—maaaring napagod lang siya sa araw, o baka may bagay na gumugulo sa isip niya na hindi pa niya kayang banggitin. Sa likod ng katahimikan ay naroon ang pakiramdam na iyon ang nararapat. Walang pilitang usapan, walang mga tanong na kailangang sagutin.Pagdating nila sa bahay, agad silang sinalubong ng malamig na hangin at ang pamilyar na katahimikan ng lugar. Tumigil si Nikolai sa may pintuan at muling hinarap si Mia.“May inaayos pa sa kwarto mo,” mahinahon niyang sabi. “Kung maaari, sa greenhouse ka muna pansamantala.”Tumango lang si Mia bilang tugon. Wala siyang reklamo. Sanay siyang hindi pinaprioridad, at ang magka
Last Updated: 2025-04-08
Chapter: Kabanata 18: Something Is Suspicious?“Anong gusto mong gawin sa bahay, kapag may bakanteng oras ka?” tanong ni Nikolai kay Mia habang inaayos ang tasa ng kape sa harap niya. Simple lang ang tanong, pero may halong interes sa tono niya—gusto niyang malaman ang mga bagay na nagpapasaya sa dalaga, kahit sa pinakasimpleng paraan.Napatingin si Mia kay Nikolai, tila nagulat sa tanong. Sandaling natahimik, saka siya maingat na nagsalita.“Gusto kong matutong magsulat at magbasa, sa wikang Ingles,” sagot niya, diretsong wika, walang pagdadalawang-isip. Sa tono ng kanyang boses ay halatang matagal na niyang ninanais iyon, isang simpleng pangarap na para sa kanya ay tila napakalayo.Ngunit nang mapagtanto niya ang kabuuan ng sinabi niya—na sa edad niya ay hindi pa siya bihasa sa pagbabasa at pagsusulat sa Ingles—napayuko siya agad, at halos ikubli ang mukha. Nahihiya siya sa inamin, parang may malaking kahinaan siyang ibinunyag.“I’m sorry, sir… kung… kung—” nagsimula siyang magsalita, nanginginig ang tinig, tila nag-aalangan kun
Last Updated: 2025-04-07