When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-11
Oleh:  Yona DeeOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
160Bab
812Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

"Love can be learned." Iyan ang paniniwala ni Seraphina. Kaya nang ipahayag ng kanyang mga magulang na ikakasal siya kay Sebastian Aldridge Singson—isang lalaking may yaman, kapangyarihan, ngunit walang emosyon—hindi siya tumutol. Sa isip niya, matutunan din nitong mahalin siya… balang araw. Ngunit ang kasal niya ay naging isang bilangguan. Kahit anong pagsisikap niyang makuha ang atensyon at pagmamahal ng kanyang asawa, nananatili itong malamig at walang pakialam. Isinilang ang kanilang anak, ngunit sa halip na maging daan upang mapalapit ang kanyang pamilya, mas lalong lumalim ang kanyang pagdurusa. Hindi lang siya itinuturing na estranghero ni Sebastian—pati ang sarili niyang anak ay may hinanakit sa kanya. Sa wakas, napagod si Seraphina sa laban na siya lang ang lumalaban. Sa unang pagkakataon, pinili niyang mahalin ang kanyang sarili. Iniwan niya ang buhay na puno ng sakit at hinanap ang kalayaang matagal niyang inasam. Ngunit sa kanyang muling pagsisimula, hindi niya inaasahan na ang lalaking minsang nagpaikot sa kanyang mundo ay siya ring maghahabol upang maibalik siya sa kanyang piling. Handa pa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso? O tuluyan na niyang pipiliin ang isang bagong simula?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Nasa business trip si Seraphina kasama ang company manager ng Cavite branch na si Klea. Huling araw na nila ngayon, kaya masaya siyang naglalakad pabalik sa hotel room para kunin ang kaniyang maleta. Alas dose pa lang ng tanghali, kaya alam niyang makakahabol pa siya sa dinner date na ni-reserve niya para sa kaniyang mag-ama.

“Happy birthday, Ms. Faye!” bati ni Klea habang nakangiti.

Napangiti si Seraphina at bahagyang tumango. “Salamat, Klea.”

"Sayang at hindi mo na kami makakasama mamaya," sabi ni Klea. "May pa-surprise sana kami sa 'yo."

"Naku, okay lang! Next time na lang. Ang importante, makauwi ako para sa pamilya ko." Napahagikhik si Seraphina.

“Sweet! May plano na ba kayo?” tanong ni Klea habang binubuksan ang pinto ng sariling kwarto.

“Hmm, simple lang. Dinner lang kaming tatlo. Gusto ko lang silang makasama sa espesyal na araw na ’to.”

Ngumiti si Klea. “Ang swerte naman nila sa ’yo. Sige, enjoy your date, Ms. Faye!”

“Salamat! See you sa office!” sagot ni Seraphina bago pumasok sa kaniyang kwarto para ayusin ang gamit.

Nang matapos sa pag-aayos ng kaniyang gamit, lumabas na si Seraphina sa kwarto. Naabutan niya si Klea sa hallway, kaya sabay na silang nag-check out sa hotel.

Habang nasa biyahe pabalik, hindi na maitago ni Seraphina ang pananabik na kaniyang nararamdaman. Miss na miss na niya ang kaniyang anak—bihira lang niya itong makasama, at isa sa mga madalang na pagkakataong iyon ay tuwing kaarawan niya.

Paglapag ng eroplano, agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaniyang asawa. Ilang ring ang lumipas, ngunit walang sumagot. Sinubukan naman niyang tawagan ang kaniyang anak na si Chantal, pero ganoon din—walang sagot.

Napabuntong-hininga siya at binuksan ang messaging app para mag-text. Ngunit nang makita niya ang kanilang conversation history, parang may kumurot sa kaniyang dibdib. Wala man lang ni isang reply mula sa kaniyang asawa sa mga naunang mensahe niya.

Kinagat niya ang labi, pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw niyang agad mag-isip ng masama, pero hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba. Sa halip, tinawagan na lang niya ang matalik na kaibigan niyang si Michelle.

"Mich, pwede mo ba akong sunduin sa airport?" mahina niyang sabi, pilit na tinatago ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Ha? Nasa airport ka na? Akala ko kasama mo ang pamilya mo ngayon?" sagot ni Michelle, halatang nagtataka.

"Long story. Pwede ba?"

"Sige, give me twenty minutes. D'yan ka lang, okay?"

"Salamat, Mich."

Napabuga ulit siya ng hininga matapos ibaba ang tawag. Habang naghihintay, hindi niya mapigilang isipin—bakit hindi siya sinasagot ng kanyang pamilya?

Pagkalipas ng dalawampung minuto, dumating na rin si Michelle. Bumaba siya ng sasakyan at agad niyakap si Seraphina nang mahigpit.

“Happy birthday, Siri,” bati niya ng malambing.

Napakagat-labi si Seraphina, pilit pinipigilan ang pagluha. Ngunit sa init ng yakap ng kaibigan, naramdaman niyang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Nang umalis si Michelle, tiningnan niya si Seraphina nang may halong pag-aalala. Nakapamewang ito at nakasimangot, halatang hindi kumbinsido sa itsura ng kaibigan.

“You’re not okay! Ano ba talaga ang nangyari?” tanong niya, sabay-krus ng mga braso sa dibdib.

“Wala… Tara na, sakay na tayo. Pagod na ako sa biyahe,” sagot ni Seraphina, pilit na iniwasan ang tanong.

Napailing na lang si Michelle, pero hindi na siya kumontra. Alam niyang hindi pa handang magsalita si Seraphina.

Pagkaupo nila sa sasakyan, biglang bumuhos ang luha ni Seraphina. Napansin ito ni Michelle at agad siyang inabutan ng tissue box.

“Nag-o-overthink lang ba ako… o sadyang hindi talaga nila alam kung kailan ang birthday ko?” mahina ngunit puno ng sakit na sabi ni Seraphina. “O baka may surprise sila, kaya hindi nila sinasagot ang tawag ko?”

Napatingin si Michelle sa kaniya, ngunit nanatiling tahimik.

Alam niya ang totoo.

Walang surprise. Wala silang nakalimutang date.

Dahil sa loob ng sampung taong pagsasama nila bilang mag-asawa, at sa loob ng siyam na taon ng buhay ng anak ni Seraphina—hindi kailanman nila inalala, o ipinagdiwang, ang kaarawan niya.

Si Seraphina ay laging nag-iisa.

Gaya ng dati.

“Ihatid mo na lang ako sa restaurant na pina-reserve ko,” mahina ngunit matatag na sabi ni Seraphina.

Tumango si Michelle, alam na niya kung saan iyon. Taon-taon, doon palagi nagse-celebrate si Seraphina ng kaniyang birthday—mag-isa.

Tahimik ang biyahe, tila walang gustong bumasag sa bigat ng hangin sa loob ng sasakyan. Nang makarating na sila sa restaurant, bumuntong-hininga si Seraphina at nagpaalam.

“Kunin ko na lang bukas ng tanghali ang maleta ko, ha?” sabi niya.

“Okay, text mo lang ako,” sagot ni Michelle. “Siri…”

Ngunit bago pa siya makapagtanong kung sigurado ba itong ayos lang siya, tumango na lang si Seraphina at mabilis na bumaba ng sasakyan. Alam niyang wala rin namang masasabi si Michelle na nakakapag pagaan ng loob niya.

Pagpasok niya sa restaurant, agad siyang sinalubong ng mga staff. Kilala na nila siya.

“Good evening, Ma’am Faye! Happy birthday po,” bati ng isang waitress na may dalang menu.

Napangiti si Seraphina, kahit pakiramdam niya ay hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

“Salamat,” sagot niya bago siya inihatid sa kaniyang ni-reserve na table.

Pagkaupo niya, napatingin siya sa bakanteng upuan sa harapan niya. Doon sana uupo ang kanyang asawa. Ang kanyang anak.

Pero gaya ng dati, siya lang ang narito.

Dahil maaga pa naman, nagdesisyon si Seraphina na hintayin muna ang kaniyang asawa at anak. Baka naipit lang sa traffic—tulad niya kanina. Alas tres siya umalis mula sa airport, at dahil sa mabigat na daloy ng sasakyan, nakarating siya sa restaurant halos alas siyete na ng gabi.

Habang naghihintay, hindi niya napigilang mapatingin sa paligid. Ilang pamilya at magkakaibigan ang masayang nag-uusap sa kani-kanilang mga mesa. Napangiti siya nang bahagya—siguro sa loob-loob niya, umaasa pa rin siyang darating ang kaniyang pamilya.

“Ma’am, order niyo po?” sabat ng waitress, dahilan upang maputol ang kaniyang pag-iisip.

Napatingin siya sa menu, pero hindi na nag-abala pang mag-isip ng iba. “Isang medium-rare steak, please,” sagot niya, tulad ng palagi niyang inoorder tuwing birthday niya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang kaniyang pagkain. Napatingin siya sa orasan ng kaniyang cellphone—alas otso na ng gabi.

Napangiti siya, pero hindi niya ginalaw ang steak.

Kailan kaya sila darating? Tatawag ba sila?

Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga. Kinuha niya ang kutsilyo’t tinidor at sinimulang kainin ang kaniyang pagkain, kahit parang nawalan na siya ng gana.

As always, ako na lang mag-isa sa pagdiriwang ng birthday ko.

Bakit ba hindi pa ako nasanay?

Sa isip niya, paulit-ulit ang tanong na iyon habang ngumunguya siya ng steak.

At sa kabila ng lahat, kahit anong pilit niyang itago, may kung anong hapdi sa dibdib niya na hindi niya kayang lunukin—kahit kasabay ng masarap na pagkaing nasa harapan niya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Ylyn Concepcion
Grabe, Yung plot twist, naguguluhan na ako it's like in the beginning, maiisip mo villain ang mommy ni Sebastian, tas Yung latest chapters grabe ang revelation, always update author hehe
2025-03-13 15:41:53
0
160 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status