Si Mia ay lumaki sa isang pamilyang walang pagmamahal at puro kalupitan ang natanggap. Para sa kanila, isa lang siyang pabigat. Kaya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa pinaka kinatatakutan na lalaki sa bayan—isang makapangyarihang tao na kilala sa kanyang pagiging malupit—hindi na siya nagreklamo. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito, at wala siyang inaasahang masayang kinabukasan. Ngunit pagdating niya sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, natuklasan niyang mali ang lahat ng narinig niyang tsismis. Sa halip na isang halimaw na walang awa, nakilala niya ang isang lalaking bagamat seryoso, ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Unti-unti, naguguluhan siya sa hindi pamilyar na mundo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ngunit para kay Mia, na lumaki sa takot at hindi kailanman nakaranas ng tunay na pagmamahal, kaya ba niyang matutong buksan ang kanyang puso? O mananatili siyang bihag ng kanyang madilim na nakaraan at tanggihan ang pag-ibig na nasa harapan na niya?
View MoreSa loob ng marangyang mansyon ng kanyang ama, abala si Mia sa paglalaba ng mahahabang kurtina sa malawak na likod-bahay. Kasama niya ang isa sa mga maid ng mansyon, si Hana, na masigasig ding tumutulong sa kanya. Ramdam ni Mia ang bigat ng basang tela sa kanyang mga kamay habang pinipiga ito upang maalis ang sobrang tubig. Ang init ng araw ay dumadampi sa kanyang balat, at ang kanyang pawis ay bumabagsak sa puting tela ng kurtina. Sa kabila ng hirap ng gawain, nanatili siyang tahimik at determinado.
Habang nakaluhod siya sa tabi ng malaking batya, biglang bumukas ang pintuan ng terrace at pumasok ang kanyang step-sister na si Kristina. Nakasuot ito ng napakagarang damit na bumagay sa kanyang payat at matangkad na pangangatawan. Kasabay ng kanyang pagpasok ay ang malutong niyang halakhak na parang musika ng panunuya.
“Oh, my dear sister, kawawa ka naman,” ani Kristina habang hinahaplos ang malambot na tela ng kanyang mamahaling damit. “Look at me—I’m wearing this beautiful dress. Pupunta kami sa party sa bahay nila Kaisiuz.”
Napatigil si Mia sa kanyang ginagawa at dahan-dahang iniangat ang paningin upang titigan ang kapatid. Hindi na siya nagulat sa inasal nito, ngunit hindi niya pa rin mapigilang sumikip ang kanyang dibdib.
Biglang sumagi sa isip niya ang pangyayari noong isang araw—ang araw na bumisita si Kaisiuz sa kanilang bahay.
Dumating ito na may dala-dalang pormal na imbitasyon para sa kanilang pamilya. Isang engrandeng selebrasyon ang inihahanda para sa kaarawan ng kanyang ama, at sa wakas, isa siya sa mga imbitado.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Hindi siya madalas naanyayahan sa ganitong mga pagtitipon, kaya naman agad siyang nag-isip ng isusuot at kung paano siya magpapakilala sa mga panauhin. Ngunit bago pa man niya lubusang maramdaman ang kasabikan, isang malamig na boses ang sumingit sa kanyang pag-iisip.
Si Kristina.
Walang pag-aalinlangan, kinuha nito ang imbitasyon mula sa kanyang mga kamay. Sa harap niya, pinunit-punit ito at saka itinapon sa apoy ng kandila sa lamesa. Tinitigan siya nito ng mapanuyang ngiti, tila nag-eenjoy sa kanyang pagkagulat at kawalan ng magawa.
“Hindi mo kailangang pumunta,” malamig na wika ni Kristina, kasabay ng pagkibit ng balikat.
Napatitig lang si Mia sa nagliliyab na papel—unti-unting nagiging abo ang paanyayang nagbigay sa kanya ng saglit na saya.
Nang bumalik siya sa kasalukuyan, napatingin na lamang si Mia sa kanyang sarili. Basang-basa ang kanyang kasuotan, at ang tubig mula sa nilalabhang kurtina ay humalo na sa dumi sa kanyang balat. Naaninag niya ang sariling repleksyon sa isang maliit na planggana ng tubig—nakita niya ang maputla niyang mukha, may bakas ng uling sa pisngi at noo. Isang mabigat na pakiramdam ang lumukob sa kanyang dibdib. Habang pinagmamasdan ang sarili, hindi niya mapigilang makaramdam ng awa sa kanyang kalagayan.
Hindi pa siya tuluyang nakakaahon mula sa kanyang pag-iisip nang biglang marinig ang malutong na halakhak ng kanyang step-sister na si Kristina. Kung kanina ay nasa terrace ngayon ay nasa ibaba na ito. Lumapit ito sa kanya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, kitang-kita ang pangungutya sa mga mata nito.
“Look at your face, dear sister,” wika nito habang nakataas ang kilay. “May uling ka pa sa pagmumukha mo! And look at what you’re wearing—para kang pulubi.”
Bago pa siya makaiwas, ay lumapit si Kristina sa kanya at saka inapakan naman ang suot niyang white apron. Hindi nagpakita ng kahit anong reaksyon si Mia, ngunit sa loob niya ay parang pinipiga ang kanyang puso sa sakit at pang-aapi.
“Ayos lang kalang Ma’am Mia,” biglang sabat ng isa sa kanilang kasambahay na si Hana. May bahid ng simpatya ang kanyang tinig, tila pinipilit pagaanin ang loob ni Mia kahit alam nilang pareho ang hirap na kanyang dinaranas.
Napabuntong-hininga si Mia at marahang tumango. Alam niyang ang mga kasambahay lamang ang tanging nagpaparamdam sa kanya ng kaunting ginhawa. Hindi tulad ng kanyang step-mother at step-sister, sila ay may kabutihan pa ring ipinapakita sa kanya.
“Bye-bye, my dear sister,” ani Kristina na may halong panunuya. “Magpakasaya ka sa labada mo.” At bago pa makasagot si Mia, tinalikuran na siya nito at maliksing lumabas ng bakuran, malamang ay patungo na sa engrandeng kasayahan na labis nitong ipinagmamalaki.
Napabuga ng marahas na paghinga si Mia at saka muling binalikan ang kanyang gawain. Malapit nang magdilim, ngunit hindi pa siya tapos sa kanyang trabaho. Sa kabila ng pangangalay ng kanyang katawan at pamamanhid ng kanyang mga daliri sa malamig na tubig, patuloy siyang nagkusot ng kurtina. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gamitin ang kanyang mga kamay, dahil ipinagbawal ng kanyang stepmother ang paggamit ng washing machine.
Nagsimula siya kaninang ala-una ng hapon, ngunit ngayong mag-aalas singko na, kalahati pa lamang ng kurtina ang kanyang nalalabhan. Halos mamuti na ang kanyang mga kamay sa labis na pagkababad sa sabon at tubig.
“Tulungan na kita diyan, Mia,” ani Hana, na halatang nahahabag sa kanya. Ngunit bago pa ito makalapit, isang malamig at matigas na tinig ang pumigil sa kanya.
“Subukan ninyong tulungan ang babaeng iyan, at sisantehin ko kayo sa trabaho.”
Napakurap si Mia at dahan-dahang nilingon ang pinagmulan ng boses. Nakita niya ang kanyang step-mother na nakatayo sa terrace, nakataas ang isang kilay at may kasamang matalim na titig. Walang nagawa ang ibang kasambahay kundi iwasan ang tingin ni Mia at tahimik na bumalik sa kanilang mga gawain. Alam nilang hindi biro ang banta ng kanilang among babae—sinumang sumuway dito ay siguradong mapapalayas.
Sa kabila ng pagod at panghihina, nagpatuloy si Mia sa kanyang trabaho. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Ang dating liwanag ng araw ay napalitan na ng dilim, at tanging ang mahihinang ilaw mula sa malalayong poste ang nagbibigay liwanag sa kanyang paligid. Halos hindi na niya maigalaw ang kanyang mga kamay, ngunit pinilit niyang tapusin ang lahat.
Pagsapit ng alas-diyes ng gabi, sa wakas ay natapos din niya ang paglalaba. Napabuntong-hininga siya at marahang niligpit ang kanyang mga ginamit. Nanginginig ang kanyang katawan sa lamig, ramdam niya ang bigat ng kanyang mga braso, ngunit hindi siya nagreklamo. Sanay na siya sa ganitong hirap.
Habang abala siya sa pagliligpit, napansin niyang may nakatayo malapit sa kanya. Napatingala siya at nakita si Hana na may hawak na isang mangkok na may lamang mainit na pagkain. Sa kabila ng pangangalay ng kanyang katawan, nakaramdam siya ng kaunting ginhawa sa simpleng kabutihang ipinapakita ng kasambahay.
“Ma’am Mia, kain ka muna. Baka malipasan ka ng gutom,” wika ni Hana habang inaabot sa kanya ang mangkok.
Napalunok si Mia. Hindi siya sigurado kung dahil ba sa gutom o sa pasasalamat sa kabutihan ni Hana. Agad niyang tinanggap ang mangkok at marahang tumango bilang pasasalamat. Samantala, si Hana naman ay walang pag-aalinlangan na tumulong sa kanya sa pagliligpit ng mga gamit.
“Pagkatapos mong kumain, magbihis ka na. Basang-basa ka pa naman,” dagdag pa ni Hana, may halong pag-aalala sa kanyang tinig. “Baka magkasakit ka niyan.”
“Sige po, ako na lang ang maglilinis nito, Hana. Pumasok ka na sa loob. Salamat pala sa pagkain,” sagot niya habang tinatapos ang kanyang kinakain.
Ngunit umiling si Hana at marahang tinapik ang kanyang balikat. “Hindi, tulungan na kita para matapos ka agad. Para hindi ka na rin abutan ng iyong madrasta,” aniya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa kanyang mukha.
Alam niyang may punto si Hana. Hindi na siya nagmatigas pa at pumayag na tulungan siya nito. Sa tulong ni Hana, mabilis nilang natapos ang pagliligpit at paglilinis. Nang matapos, agad siyang nagtungo sa kanyang kwarto upang magbihis.
Kinuha niya ang kanyang basang damit at maingat itong isinampay sa likod ng kanyang upuan. Kailangan niya itong suotin muli bukas, kaya umaasa siyang matutuyo ito bago mag-umaga. Umupo siya saglit sa gilid ng kanyang kama, pilit na pinapakalma ang sarili matapos ang mahabang araw.
Ngunit bago pa man siya makapikit upang makapagpahinga, isang malakas na tunog ng busina ang umalingawngaw mula sa labas. Napabalikwas siya ng bangon.
Alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito—dumating na ang kanyang ama, ang kanyang madrasta, at ang stepsister niya.
Pagdating nila sa eskwelahan, medyo kinakabahan pa si Mia. Napatingin siya sa paligid—maraming estudyante ang nasa campus. Ang iba ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, habang ang iba naman ay nagkukumpulan na, mga estudyanteng nagkasundong sabay mag-enroll para sa paparating na pasukan."Ito pala ang paaralan? Ang daming estudyante," wika ni Mia sa kanyang sarili. Napansin din niya na maraming nakatingin sa kanila—hindi talaga sa kanya, kundi kay Nikolai. Napabuntong-hininga na lang siya at marahang napailing."Are you okay?" tanong ni Nikolai, marahil ay napansin ang marahan niyang pag-iling."Uhmm... Ayos lang ako," sagot ni Mia, at napahinto sila sa kanilang paglalakad. Malaki ang campus, at hindi alam ni Mia kung saan sila dapat pumunta."This school really changed a lot. Hindi na siya katulad ng dati," wika ni Nikolai habang nakatingin sa paligid, waring may inaalala. Hindi alam ni Mia kung ano ang nasa isip nito."Magtanong na lang muna tayo sa help desk," dagdag pa ni
“The new academic year is going to start. Have you decided which school you’re going to attend?” tanong ni Nikolai habang magkasalo sila ni Mia sa hapag-kainan, ang kanyang tinig ay kalmado, ngunit may halong pag-aalalang hindi niya maitatago.“Wala pa akong napagpilian,” sagot ni Mia, sabay subo ng kanin. “Siguro sa public school na lang na malapit dito. Hindi ko din naman gusto sa private schools… I feel ma-o-out of place ako.”Bahagyang napatango si Nikolai habang pinagmamasdan ang dalaga. Sa nakalipas na limang buwan, napansin niya kung gaano kabilis matuto si Mia. Hindi na siya nahihirapan intindihin ang mga sinasabi niya, kahit pa madalas ay sa English siya magsalita. She’s a fast learner—matyaga, determinado. Kamakailan lang ay pumasa siya sa placement exam para makapag-proceed agad sa Senior High School. Iyon ay hindi basta-basta, at nakita ni Nikolai kung gaano kasipag si Mia para maabot iyon.“I can afford to send you to private schools… even international schools,” wika ni N
“Nikolai, how are you?” bungad ng kaniyang kapatid na si Natasha nang sagutin niya ang tawag, ang tinig nito ay puno ng kaswal na interes, ngunit may halong kuryosidad na agad niyang naramdaman.“I’m fine. Napatawag ka?” sagot ni Nikolai, bahagyang nag-aalangan habang kinokontrol ang kanyang tono, alam niyang ang bawat tawag mula sa kapatid ay hindi kailanman simpleng pangungumusta lang.“I just heard that your new fiancée is staying in the villa already. I want to meet her,” sagot ni Natasha, diretso at walang paligoy-ligoy, tila ba may itinatagong motibo sa kanyang nais.Napahawak na lamang si Nikolai sa kaniyang sentido, marahang pinisil ito, waring pinipigilan ang namumuong inis sa kanyang ulo. Kilala niya si Natasha—hindi ito basta-basta nagiging interesado sa mga babaeng dumarating at umaalis sa kanyang buhay.“You’re interested in her? Hindi ka naman dati eh?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit hindi maitago ang pagdududa sa kanyang tinig. Noon pa man, walang pak
Tahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork
Pagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang
“Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments