author-banner
Loizmical
Author

Novels by Loizmical

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Read
Chapter: CHAPTER 14
NATHALIE'S POV “C’mon, Nathalie, don't tell me na hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin sa Hunter na ‘yon?!” inis na tanong ni Trixie sa akin. Nagkibit ako ng aking balikat. “Well sa dami nang natulungan ni daddy noon, hindi ko alam kung sino ang natulong sa akin ngayon,” tanging nasabi ko. “Well tama ka diyan. Malamang isa siya sa natulungan ng daddy mo,” ani ni Trixie. Nang nasa labas na kami ng ICU ay nakita ko na lumabas si Doctor Aldrin. Agad ko siyang nilapitan upang kumustahin ang kalagayan ni Kuya Gab. “Hi, Doc, kumusta na po ang kapatid ko?” Ngumiti sa akin si Doctor Aldrin. “As of now maganda na ang response ng kanyang puso. But still, he's under comatose,” mabilis na tugon ni Doctor Aldrin. “Doc, nakita n’yo po ba ‘yong nagbayad ng hospital bills ng kapatid ko?” muling tanong ko. Umiling si Doctor Aldrin na ikinabagsak ng aking mga balikat. “Thank you po, Doc,” pasasalamat ko kay Doctor Aldrin. Ngumiti si Doctor Aldrin at pagkatapos ay iniwan na ni
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: CHAPTER 13
NATHALIE’S POV “Malay mo naman nakalimutan lang nilang ilagay,” wika ni Trixie at binuksan na niya ang pintuan. Pareho kaming napatulala ng aking kaibigan nang wala sa loob ang aking kapatid at may isang staff ang naglilinis. “Excuse me,” tawag ko sa attention ng lalaki. “Yes, ma’am, ano pong kailangan nila?” tanong ng staff. “Nasaan po ‘yong pasyente rito?” ganting tanong ko sa lalaki “Kamag-anak po ba kayo? Nasa morgue na po ‘yong lalaking pasyente rito,” mabilis na tugon ng lalaki na ikinagulat ko. Umiling ako, dahil hindi ko matatanggap na wala na rin sa buhay ko ang aking kapatid. “NO!” sigaw ko at nagsimula nang pumatak ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Niyakap ako ni Trixie dahil sa bigla kong pag-histerical. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkamatay ng mga magulang namin, ay may pagsubok na naman sa akin ang Diyos. Hindi ba talaga siya titigil na pahirapan ako? Ano ba ang kasalanan ko sa kanya para pahirapan niya ako nang ganito? “Ma’am, I’
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: CHAPTER 12
NATHALIE’S POV “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko staff ng Arlington,” daing ko sa aking kaibigan na si Trixie habang naglalakad kami patungo sa opisina ng Arlington. “Nathalie, huwag kang mag-alala may pera pa ako rito. Kung gusto mo hiramin mo muna para mabawasan ‘yang iniisip mo,” sabi ni Trixie. Ngayong bumagsak na ang buhay ko’y nawalan na rin ako ng mga kaibigan. Tanging si Trixie lang ang hindi ako iniwan. Kaya ang laki talaga nang nagagawa ng pera sa buhay ng tao. Makilala mo ang isang tao nang dahil sa pera. “Thank you, Trixie, at hindi mo ako iniwan,” pasasalamat ko sa aking kaibigan. “Nathalie, bestfriend mo ako. In bad times and good times magkasama tayong dalawa. At wala tayong iwanan,” masayang wika ng aking kaibigan na nagpatuloy ng luha ko. “Thank you talaga,” tanging nasabi. Nang marating namin ang opisina ng Arlington ay humugot ako ng lakas ng loob upang humingi ng pumanhin dahil hindi agad ako nakabalik sa araw na ipinangako ko sa kanila.
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: CHAPTER 11
HUNTER'S POV Hindi pa ako lubos na nawawalan ng pag-asa na makita si Thalie. Katulad ng plano ko’y pinuntahan ko rito sa Diliman, Quezon City ang kanyang opisina. Nang marating ko ang address na binigay sa akin ay nagtaka ako kung bakit under construction ang nasabing lugar. Iginala ko ang aking mga mata at naghanap ng iba pang building, ngunit halos lahat ng katabi nito ay hindi opisinang masasabi kung ‘di mga carinderia at vulcanizing shop. Habang nakatayo ako sa initan ay may nakita akong construction worker na papunta sa isang carinderia, kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras upang magtanong. “Boss, sandali lang,” tawag ko sa lalaki. “Bakit po, sir?” magalang na tanong sa akin ng nasabing lalaki. “Sir, itanong ko lang kung saan ang address na ‘to?” Sabay abot ko ng papel na hawak ko. “Ito po ba? ‘Yan pong project namin.” Sabay turo niya sa construction site na naging dahilan nang pagkunot ng aking noo. “Wait lang ha. Sabi kasi sa akin pagma-may-ari ang com
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: CHAPTER 10
HUNTER’S POV Pagkatapos kong pumunta sa Arlington Memorial Chapel at bigong makita si Thalie, ay dumeretso ako rito sa isang resto bar na pag-aari ng aking kaibigan na si Tristan. “P’re, ilang bote na ang naiom mo, ah!” awat sa akin ng aking kaibigan nang tangkain kong um-order ulet. Tumingin ako sa aking kaibigan. “P’re, bakit ba hinahadlangan ako ng Diyos na makitang muli si Thalie?! Akala ko makikita ko na siya! Pero bigo ako!” daing ko sa aking kaibigan na may kasamang inis. “P’re, ito ba ‘yong Thalie na matagal mo nang kinukwento sa akin noon?” paniniguro niya. “Oo, p’re, siya ‘yong babaeng matagal ko nang pinapahanap. Kung kailan may mukha na akong ihaharap sa kanya, hindi naman kami pagtagpuin,” tugon ko sa aking kaibigan. Huminga muna si Tristan bago magsalita. “Siguro, p’re, may dahilan ang Diyos. And besides, sabi mo naman na binayaran mo ang balance niya sa Arlington. Hindi na masama ‘yon, kahit paano natulungan mo siya kahit hindi pa ulet kayo nagkikita,
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: CHAPTER 9
HUNTER'S POV Kasalukuyan kumakain kami ng dinner ng aking ama nang mabanggit niya sa akin na namatay na si Mr. Edmond del Prado, ang negosyante na tumulong sa kanya noon, upang mabago ang aming buhay. “What, Dad? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na namatay na pala sina Mr. and Mrs. del Prado? At sa dinami-dami ng lugar, doon pa talaga kayo nagkita ng lalaking ‘yon!” “Paano ko sasabihin sa ‘yo? Eh, wala kang ibang inatupag kung 'di ang magtrabaho,” mabilis na tugon ni daddy. “Pero sana, Dad, sinabi mo pa rin sa akin. Alam mo naman na matagal ko nang hinahanap si Thalie,” katwiran ko. Si Thalie ang bunso at kaisa-isang anak na babae ni Edmond del Prado. Ang babaeng lihim ko nang minamahal noon pa man. Nang dahil sa hirap ng buhay namin noon, ay hindi ako nagkaroon nang lakas ng loob para magtapat sa kanya. At bukod doon ay napakabata pa namin para sa isang seryosong relasyon. Simula nang tumuntong ako sa college noong panahon na hindi na ako scholar ni Edmond del Prado,
Last Updated: 2025-04-29
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status