Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
View MoreHUNTER'S POV
"What the f*ck!" bulalas ko dahil sa kondisyon na narinig ko mula sa aking ama. "May problema ba, Hunter?" nakangising wika ng aking ama dahil sa pagtutol ko sa kondisyon niya. Tumingin ako sa aking ama. "Dad, kilala mo ako. Wala sa plano ko ang magpatali sa isang babae!" muling pagtutol ko sa aking ama. "Yeah! I know that, my son! But I just thinking about you and the company." Huminga nang malalim ang aking ama at muling nagsalita. "I'm getting old, son. Gusto ko ring maranasan ang pakiramdam na maging isang lolo. And besides, nasa tamang edad ka na. Paano mo papatakbuhin ang ating negosyo, if your own life has no direction." seryosong wika ng aking ama. Napailing ako. "Dad, huwag mo akong pipilitin sa isang bagay na wala sa dictionary ko! Because, I don't want to experience the sadness and pain that you suffered when mom left you, just to be with that b*tch!" paliwanag ko sa aking ama Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng aking ama at bigla-bigla na lang siyang nagdesisyon para sa akin. Ngumiti at tumango ang aking ama habang seryosong nakatingin sa akin. "Anak, ito ang tatandaan mo, kahit mag-ama tayong dalawa, hindi tayo pareho ng kapalaran. At matagal ko nang napatawad ang 'yong ina." muling litanya ng aking ama habang nakatitig sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa mga salitang binitawan ng aking ama. Simula nang magbinata ako ay walang pakialam si daddy sa mga pinaggagawa ko sa aking buhay, lalo na sa mga pakikipagrelasyon ko, na kahit isa ay wala akong sineryoso at never din akong nakipagtalik sa isang babae na walang proteksyon. Dahil hindi ko pinangarap na magkaroon ng anak na walang kasamang ina sa kanyang paglaki. Ayokong danasin ng magiging anak ko ang kinalakihan kong wasak na pamilya, dahil sa malandi kong ina. Tinitigan ko ang aking ama at muli akong nagsalita. "Dad, tell me that you're only joking at me!" mga salitang binitawan ko na nagpawala ng ngiti sa aking ama. "Hunter Buencamino, kailan ako nagbiro sa 'yo tungkol sa negosyo natin? At Ilan beses ko bang sasabihin sa 'yo? Na hindi ako mag-i-invest ng pera, para diyan sa project mo sa Brown Corporation. Matagal ko nang sinabi sa 'yo na hindi mo makukuha ang suporta ko!" mahabang litanya ng aking ama. Muli akong napaisip sa mga salitang binitawan ng aking ama. Dahil simula ng gawin ko ang proposal ko para makuha ang Brown Corporation , labis itong tinutulan ng aking ama. Gusto kong makuha ang Brown Corporation dahil pagmamay-ari ito ng lalaking sinamahan ng aking ina. Sa oras na makuha ko ito ay babagsak ang marangyang buhay na ginusto ng aking ina, kaya nagawa niya kaming iwan ng aking ama na noon ay isa lang na janitor. "Dad, hindi ko alam kung bakit pati buhay ko’y papakialaman mo, kapalit ang pagpayag mo sa proposal ko para sa Brown Corporation! And you know that one of the things I hate the most, is being dictated about what to do in my life, especially in relationships!” muling pagtutol ko sa kagustuhan ng aking ama na labis niyang inilingan. “Hunter, think about it. I'm giving you a chance para ituloy ang project proposal mo sa Brown Corporation. But in one condition, ihaharap mo sa akin next month ang babaeng dadalhin mo sa altar, and you will give me a grandson who will be the heir of Buencamino Corporation!” pahayag ng aking ama. Tumingin ako sa kawalan at bumuntong hininga. Kung nakikipaglaro sa akin ang aking ama, p’wes makikipaglaro ako sa kanya. “Dad, ihanda mo na ang agreement ng Buencamino at Brown Corporation. Dahil ipapakilala ko sa ‘yo ang babaeng magiging ina ng tagapagmana ng Buencamino Corporation!” seryosong wika ko na mabilis tinanguan at nginitian ng aking ama. Halos makagat ko ang aking labi habang papalabas ako ng president office. Dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko upang mapapayag sa kondisyon ng aking ama.HUNTER'S POV Habang inaayos ni Nathalie ang kanilang mga gamit ay nilapitan ako ng isang matandang babae na may dalang isang basong juice. “Hijo, ikaw ba ang asawa ni Nathalie?” Sabay abot niya sa akin ng isang baso ng juice. Tumango ako at ngumiti. “Opo, ako nga po,” magalang kong tugon sa matandang babae. Ngumiti sa akin ang matanda at umupo siya sa aking harapan. “Anong pangalan mo, Hijo?” muling tanong sa akin ng matandang babae. “Ako po si Hunter Buencamino,” muling tugon ko sa matanda na tinanguan niya. “Hunter, ako si Manang Nancy n’yo. Matagal na akong katiwala rito sa bahay na ‘to.” Lumingon siya sa may hagdanan bago muling tumingin sa akin. “Hunter, parang apo ko na rin sina Gabriel at Nathalie. Kaya ingatan mo sila sa Tita Victoria nila,” wika ni Aling Nancy habang nanginginig ang mga kamay niya na naging dahilan upang ma-curios ako sa ibig niyang sabihin. “Aling Nancy, ano pong ibig n’yong sabihin? Kasi si Tita Victoria po ang tumawag sa akin at nagsab
HUNTER’S POV Nang mai-park ko ang aking sasakyan ay mabilis na binuksan ni Nathalie ang pintuan sa tabi niya. Bago pa man niya buksan ang pintuan ay hinawakan ko ang kanyang kamay upang pigilan siyang bumaba. “Hunter, please let me go,” galit na sambit ni Nathalie. “Nathalie, we need to talk. Please ayusin natin ang naging problema sa relasyon natin. Alam ko hindi sapat ang paghingi ko ng sorry sa ‘yo, para mapatawad mo ako. Ka_” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni Nathalie. “Ganyan ba sa 'yo kadali kalimutan ang nakaraan? Alam mo, Hunter, sobrang sakit sa akin nang ginawa ninyo ng babae mo! At sa dinami-dami ng taong manghuhusga sa akin. Ikaw pa talaga! Paano ko papatawarin ang taong walang tiwala sa akin?!” mga salitang lumabas sa labi ni Nathalie. “Nathalie, I know I'm wrong to judge you, and I know you're angry with me. But please, give me another chance to prove that my love for you is pure. I want you to come back into my life, Nathalie
HUNTER'S POV Ngayon na nakita ko na ang mag-iina ko ay hindi na ako papayag na mawalay pa sa kanila. Kung kailangan ko ulet ligawan si Nathalie ay gagawin ko, kahit harangan pa niya ako ng sibat. Ipaparamdam ko sa kanya ang tunay at wagas kong pagmamahal para sa kanya. Kung p’wede ko lang talaga ulet ibalik ang panahon sana ay hindi ako naniwala sa Nick Villamayor na ‘yon. Habang nakatingin ako sa aking anaknang may biglang pumasok dito sa kwarto. “Mr. Buencamino, ito po ‘yong mga documents na kailangan n’yong pirmahan para madala na ang pasyente sa Philippine Heart Center sa Manila,” sabi ng nurse at inabot niya sa akin ang mga documents. Mabilis kong tinanggap ang mga documents na kailangan kong pirmahan at pinasadahan ko lang ng basa at mabilis kong pinirmahan upang madala na sa Manila ang aking anak at maisagawa ang open-heart surgery na kailangan gawin sa kanya. Nurse, here are the documents. Can we bring her in the Philippine Heart Center as soon as possible?” pani
NATHALIE’S POV Sa muling pagkikita namin ni Hunter ay muling nabuhay ang galit ko sa kanya. Naramdaman ko ulet ang sakit sa aking puso nang dahil sa ginawa niya. At hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Tita Victoria sa ginawa niyang pa-contact kay Hunter at sabihin ang tungkol sa kondisyon ng aking anak. Ngunit nang atakihin siya kanina ay sobra akong naawa sa aking anak dahil hirap na hirap na siya sa kanyang kondisyon. Alam kong magmatigas man ako kay Hunter ngayon ay hindi ko kayang ipagamot ang aking anak. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon na madugtungan pa ang buhay ng anak kong babae. Habang yakap-yakap ko ang aking anak ay napansin ko na nakatingin siya kay Hunter dahilan upang tumingin ako kay Hunter at nakita ko sa mga mata niya ang saya at lungkot na kanyang nararamdaman. Aminado ako na hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin si Hunter at kahit kailan ay hindi nawala ang pag-ibig ko sa kanya. Pero ang galit sa puso ko ang mangingibabaw ngayon dahil hindi ko
HUNTER'S POV Tumingin sa akin ang doctor ng anak ko at tumango sa akin. “I will do my best to save the life of your child. However, for your information, it's a huge amount. We need to bring her to the Philippine Heart Center in Manila because we don't have enough resources here for the open-heart surgery,” mabilis na tugon sa akin ng doctor. Ngumiti ako. “I don't care how much it costs. And if we need to bring her to America just to save her life. I will do that,” mga salitang lumabas sa labi ko na nginitian niya. “Okay, ipapahanda ko na ang mga papel na kailangan that you need to signed at dadalhin na natin siya sa Philippine Heart Center,” mabilis na tugon ng doctor at pagkatapos ay iniwan niya na kami. Nang lumabas ang doctor ay biglang tumahimik ang paligid habang si Nathalie ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. “What are you doing here?!” tanong sa akin ni Nathalie na may kasamang galit. Huminga muna ako nang malalim bago ako magsalita. “Nathal
HUNTER'S POV “Thank you, Doc, sa advice mo. And please take care of my dad while I'm in the province. Susunduin ko ang taong makakapagpahaba ng buhay niya,” mga salitang lumabas sa labi ko na nginitian ni Doctor Daniel. Dahil sa kalagayan ngayon ni daddy ay pipilitin kong iuwi ang mag-ina ko para lumakas ang daddy. Nagpaalam na ako kay Doctor Daniel at ngayon din ay uuwi ako sa Quezon para sunduin ang mag-ina ko. Habang naglalakad ako pabalik sa room ni daddy ay naisip ko na mas mabuting iwan ko na muna si Kuya Gabriel dito nang makapag-drive ako nang mabilis padahil alam kong may trauma siya sa pagbabiyahe. Hindi nagtagal ay nakabalik na ako sa room ni daddy kung saan iniwan ko sina Kuya Gabriel at David. “Hunter, are you okay? What did the doctor tell you?” sunod-sunod na tanong ni Kuya Gabriel nang makalapit ako sa kanya. Tumingin ako kay Kuya Gabriel. “Kuya, my dad has brain cancer. I need Nathalie to come back here. Sila lang ang makakatulong para lumakas ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments