author-banner
NACHTWRITES22
NACHTWRITES22
Author

Novel-novel oleh NACHTWRITES22

The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Baca
Chapter: Kabanata 0097
Biglang lumiwanag ang mukha ni Felicia dahil sa narinig tungkol sa library na pwede niyang pasukin."Kung yun ang regalo mo sa akin ay aking tatanggapin ang regalong iyon."Napangiti naman si Liam sa sinabi ni Felicia. Nakahinga naman ng maluwag si Liam dahil hindi na siya masyadong nahihirapan sa mga ibibigay niya kay Felicia.Narinig din niya na mahirap makuha ang loob nito. Biglang pumula ang buong mansion at tumunog ang alarm sa buong mansion. Napatingin naman si Felicia sa paligid na parang naguguluhan sa nangyayari. Agad namang lumapit ang kanang kamay ni Liam at in-open niya ang malaking TV sa harapan nila at nakalagay doon ang malaking warning.Napakunot naman ang noo ni Felicia habang nakatingin doon."Sir, mukhang may nag-hack sa system natin. Mukhang may gustong kumuha sa confidential files ninyo."Napakunot naman ang noo ni Liam dahil sa narinig."Nasaan ang mga hacker natin?""Mukhang hindi po nila nakayanan po. Nasa computer na rin sila ngayon."Napahawak naman sa ul
Terakhir Diperbarui: 2026-03-11
Chapter: Kabanata 0096
Nakarating na sila sa kwarto ni Mr. Liam at kumatok ang secretary nito bago pumasok. Agad nilang nakita ang isang lalaking nakahiga sa higaan nito at may dextrose pa sa pulsuhan nito. Dahan-dahan itong napatingin sa kanya at dahan-dahan itong napangiti nang makita niya ang munting bisita na kanina pa niya hinihintay. "Mabuti naman ay nakarating na kayo." "Wag po kayong masyadong gumalaw, Mr. Mendez," ani ng doctor nito sa gilid. "I'm fine. Will you all leave my bedroom except sa inyong tatlo." Kasama na sa tatlong 'yun ang secretary nito. Agad namang sumunod ang doctor at mga nurse nito at nagsilabasan na sila sa kwarto. "Grabe talaga ang natamo sa kanya," mahinang ani ni Lucien kay Felicia. Lumakad naman si Felicia papunta sa tabi ni Liam na kinatigtig nila sa kanya. "Mr. Liam, pasensya sa nangyari." Nanlalaki naman ang mga mata nila habang nakatingin kay Felicia. Sa katunayan ay wala talagang kasalanan si Felicia sa nangyari dahil sinusundan talaga si Liam ng m
Terakhir Diperbarui: 2026-03-08
Chapter: Kabanata 0095
Natigilan ang butler sa inasta ni Felicia na parang isang matured na babae na ang nasa harapan nito. "Ika---" "Bakit ang tagal papasukin ng bisita?" Biglang may dumating ang isang lalaki na nakasuot ng business suit at ito ang secretary ni Mr. Mendez na si Joseph Cruz. Napatingin naman ang lahat sa kanya at napatingin naman siya kay Felicia na wala pa ring emosyon ang mukha nito. "Secretary, hindi naman mga bata ang bisita ni Master Liam, 'di ba?" agad na ani ng butler kay Secretary Liam. Sinamaan naman ng tingin ng secretary ang butler at nilagpasan niya ito at dumiretso sa harapan nila Felicia. "Paumanhin po sa estorbo, Miss Felicia Moretti and Mr. Moretti." Dahan-dahan namang napango si Felicia. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Mendez. Sumunod po kayo sa akin po." "Pagsabihan niyo ang butler ninyo. Kanina pa sana kami nakapasok kung Hindi lang dahil sa kanya na pinigilan niya kami. Tsk." Napatingin naman sila kay Lucien na inis na inis na nakatingin sa butl
Terakhir Diperbarui: 2026-03-05
Chapter: Kabanata 0094
Sa loob ng sasakyan ni Shia ay hindi niya iniwawala ang tingin sa sasakyan nila Felicia baka mawala pa ito sa paningin ng driver. "Sundan mo talaga sila. Wag na wag mo silang iwawala sa paningin mo, driver." "Masusunod mo, milady." Bigla namang tumunog ang phone ni Shia na kinatingin niya doon. At nakita niya tumatawag ngayon ang mom nito. Agad naman niya itong sinagot ang tawag at binalik ang tingin sa daan. "Bakit ka napatawag, mom?" 'Lumabas ka ng mansion? Sinabi sa akin ng driver mo.' "Sinusundan ko sila Felicia. Hindi nila ako sinama sa pupuntahan nila. Mukhang bigatin atah ang napuntahan nila, mom." Natigilan naman ang mom nito sa sinabi ng anak. 'Bigatin? Kung ganun ay kailangan mo talagang sundan si Felicia. Mag-iingat ka diyan.' "Kaya ko nga ginagawa ito para sa akin mapunta ang attention ng bigating yun. Napakaraming gift ang natanggap ni Felicia sa taong yun tapos hindi lang niya tinanggap!" 'What? As usual hindi marunong kumilala kung ano ang salitan
Terakhir Diperbarui: 2026-03-04
Chapter: Kabanata 0093
Napatingin ang lahat sa kanila lalo na kay Felicia na wala pa ring emosyon na nakatingin sa mga bisitang dumating. Napakamao naman si Shia habang nakatingin kay Felicia. Sa kanya na sana ang attention ng marami tapos dadating pa si Felicia. Pero di siya magpapatalo sa kanya. Kagaya ng mission niya ay kailangan maging close siya kay Felicia. "Felicia, ang aga mo namang nagising. Pwede naman na ako ang tumanggap ng mga regalo mo para hindi ka mapagod." "Hindi rin namin ibibigay ang presents na dala namin kung hindi makikita ni Lady Felicia." Napatingin naman sila sa isang lalaki na kasamahan ng mga gwardya. Lumapit ito sa kanila at yumuko kay Felicia. "Ito po ang lahat ng binigay ng master namin para po sa inyo, Milady." Napatingin naman si Felicia sa maraming regalo na nakalagay sa lamesa. "Hindi ko tatanggapin ang lahat ng 'yan." Nanlalaki naman ang mga mata ni Shia. Sa isipan niya ay hindi talaga alam ni Felicia kung ano ang mundo ng mga mayayaman. "Felicia, tanggapin mo n
Terakhir Diperbarui: 2026-03-03
Chapter: Kabanata 0092
Lumabas si Shia papunta sa sala nang makita n'ya na may mga men in black na nakaupo sa sala na parang may hinihintay. Lumapit naman s'ya sa isang katulong."Hey, nasaan si grandpa? Sino ang mga bisita na nandyan?""Nasa business meeting pa po si master at bukas pa po s'ya dadating."Napatingin naman s'ya sa mga bisita."How about them? Sino ang hinahanap nila at...."Napatingin naman s'ya sa mga regalo na nasa gilid at sobrang Rami nun at iba ito sa regalo na binigay kahapon kay Felicia."Bakit maraming mga regalo?""Hinihintay po nilang magising si Milady Felicia."Napakunot naman ang noo ni Shia nang dahil sa narinig.Hindi na nito kinausap ang katulong at agad naman niya itong nilapitan."Milady, wag po kayo diyan," mahinang ani ng katulong.Hindi nakinig si Shia at dumiretso na lang. Alam n'ya na matagal na magising si Felicia at s'ya muna ang kakausap sa kanila dahil sa kanya rin naman papunta ang mga regalong nasa harapan niya ngayon."Hello."Napatingin naman sa kanya ang mga
Terakhir Diperbarui: 2025-07-16
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status