Chapter: Chapter 13Hindi maiwasang madurog ang puso ni Shaun sa kaswal na paggamit ni Yesha ng salitang "patay." Napatingin siya kay Captain Kim nang may galit, sinisisi ito sa pagbukas ng malungkot na nakaraan ng bata.Ngunit maging si Captain Kim ay tila nahihiya. Nang tingnan niya si Yesha, isang batang mukhang nagdusa ng sobra sa murang edad, hindi niya mapigilang humanga. Sa kabila ng hirap, nagawa nitong panatilihin ang kabutihan sa puso at magpakita ng tapang na bihirang makita kahit sa mga nakatatanda.Sa huli, napagpasyahan ni Captain Kim na huwag nang magtanong pa. Tumayo siya kasama ang kanyang mga tauhan, muling nagpasalamat kay Yesha, at umalis nang may mabigat na damdamin."Anong klaseng mga tao sila? Hindi sila marunong humawak ng kaso, pinaghihinalaan nila ang sarili nilang mga tao." Masama ang loob ni Shaun kay Captain Kim at sa iba pa. Habang hinihila si Yesha pabalik sa bahay, patuloy siyang nagrereklamo. Pagtingin niya sa payat na pulso ni Yesha, agad niyang inutusan ang kusina na
Last Updated: 2025-04-28
Chapter: Chapter 12Gusto ni Andi na makontrol niya si Yesha, kahit ayaw man niyang aminin ito nang diretso. Alam niyang kailangang manatili si Yesha bilang "anak" ng pamilya Moon upang mapanatili ang lihim na kanilang itinatago.Bago umalis, iniabot ni William ang kanyang number kay Yesha. "Kung may kailangan ka, tawagan mo ako." Tumango si Yesha at inilagay ang papel sa kanyang bulsa. Lagi niyang pinapahalagahan ang kabutihang ipinapakita sa kanya ni William.Nang makabalik sa bahay, si Shaun na lang ang sumama kay Yesha. Nagpaalam na sila dahil si Angel ay maiiwan sa hospital para sa karagdagang pagsusuri.Matapos makapag-shower ang dalawa, biglang dumating ang mga pulis upang kunin ang kanilang pahayag.Sa Sala ng pamilya Moon Bukod sa captain at taga record ng sasabihin ng dalawa bata, higit sa isang dosenang pulis ang nakatayo sa sala.Sa tapat ng sofa, nakakunot-noo si Shaun habang nagtatanong, "Kailangan ba talaga ng ganito karaming tao para sa pagkuha ng salaysay?" Kung hindi mo alam, maiis
Last Updated: 2025-04-28
Chapter: Chapter 11Mabilis na kumilos si Yesha. Ang maliit niyang katawan ay parang hangin na dumaan sa gilid at likuran ng lalaki. Sa isang kisap ng malamig na liwanag mula sa kanyang kamay, mabilis niyang tinaga ang pulso ng lalaki. "Agh!" Kasabay ng sigaw, nalaglag ang baril mula sa kamay ng lalaki. Bumagsak siya sa sahig at nangisay. Napansin niyang may paparating na grupo ng mga tao. Isang bakas ng kawalang-pag-asa ang lumitaw sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas na ginamit niya upang hawakan ang gatilyo ng baril gamit ang kabilang kamay at itutok ito sa kanyang tiyan. Nang makita ang eksena na iyon, sumigaw ang mga pulis na nasa ilang metro ang layo "Lahat, dumapa!" Agad na dumapa ang lahat ng papalapit, nakatakip sa ulo ang kanilang mga kamay. Dahil hindi nila alam kung gaano kalakas ang posibleng pagsabog, ang pinakamadali na paraan para mapanatili ang kaligtasan ay ang pagdapa ng hindi dumami ang sugatan.Ngunit sa susunod na sandali, narinig ng lahat ang is
Last Updated: 2025-04-28
Chapter: Chapter 10: HostageSi William at Shaun ay yumuko at tumingin sa ibaba, ngunit ang maliit na katawan niya ay mabilis nang nagtago. Hindi lang ang lalaking may baril, kundi pati na rin ang mga tao sa paligid ay napansin ang kanyang presensya. Tumitig sila sa direksyon na iyon na may pagtataka, hindi alam kung ano ang nangyayari.Nakita ni Shaun si Yesha na nakaupo, maingat na gumagapang sa gitna ng mga tao, papalapit kina Mrs.Moon at Angel, dahan-dahan. Bigla niyang hinawakan ang braso ni William at nagsalita nang may kaba, “tama ba tong ginawa ko? Kababalik lang niya…”Alam niyang ang kanyang ama ay pera lamang ang mahalaga, at ang kanyang ina ay tiyak na mas gusto si Angel. Para sa kanya, ang batang ito ay bigla lamang niyang isinama sa lakad nang walang plano. “Sulit ba ang salitang ‘kapatid’ para sa panganib na ito?” tanong niya sa sarili.Lumingon si William upang tingnan siya ngunit hindi niya masabi na hindi iyon kanilang tunay na pamilya kundi nagpapanggap lamang. Ngunit sa sandaling ito, iisa l
Last Updated: 2025-04-26
Chapter: Chapter 9: The holdaperWala ng kailangan pa si Yesha, kaya umiling siya at gustong umuwi para magbasa nga mga libro na binili nila. Sa sandaling iyon, isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa first floor. Bang. "Ah!" Sa gitna ng sigawan ng mga tao, agad na nagtago si Yesha at yumuko. Ganoon din sina Shaun at William, na nagulat at kusang sumunod kay Yesha upang magtago sa ilalim ng salamin na harang."Anong tunog iyon?" reklamo ni Shaun habang nararamdaman ang sakit ng kanyang tainga. Biglang humarap si Yesha, itinaas ang daliri sa labi upang senyasan siyang tumahimik, saka bumulong, "Putok ng baril iyon."“Ano?” Sabay nagulat sina William at Shaun, at agad nilang sinundan ang tingin ni Yesha. Tama nga, nakita nila ang isang lalaking may suot na maskara at may hawak na baril na nakatutok sa mga tao."Manahimik kayong lahat!" sigaw ng lalaki habang binabasag ang salamin sa counter ng tindahan ng ginto. "Ilabas niyo ang lahat ng ginto, bilisan niyo!" Nanginginig na tumayo ang mga staff, itinaas a
Last Updated: 2025-04-26
Chapter: Chapter 8: Ice creamPagdating sa pag-aalaga ng mga bata, talagang mas maaasahan si William dahil sa kanyang pagiging maalalahanin at matiyaga.Matapos pumili ng libro, lumabas ang tatlo sa bookstore, at inaya ni William si Yesha na kumain ng ice cream."Hindi naman matamis iyon, ano ang masarap doon?" wika ni Shaun,habang umiikot ang mga mata, hindi mahilig sa matatamis. Nang lingunin niya ang paligid, napansin niyang ang dalawa ay nakatayo na sa pintuan ng ice cream store.Itinuro ni William ang menu at yumuko kay Yesha, "Mayroon ka bang favorite flavor?"Umiling si Yesha at nakatingin sa makulay na flavor sa menu, "Hindi pa ako nakakatikim nito."Narinig ito ni Shaun na nasa likuran lamang nila, at saglit siyang natigilan. Noon lamang niya napansin na ang bata ay payat, dry at sabog ang kulay nabo nitong buhok. Marahil ay hirap din ito kumain ng tama, kaya’t hindi nakakapagtaka na hindi pa ito nakakatikim ng ice cream.Saglit siyang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili at naawa sa bata. Agad niyang hinawa
Last Updated: 2025-04-26