Chapter: Chapter 6 - Isang MilyonBago pa man ako makakilos para suntukin siya ay bumukas muli ang pinto. Mabuti na lang talaga. Wala akong planong ipakita sa kanila kung anong kaya kong gawin at baka makadagdag pa sa hinala nila na ako nga ang pumatay corrupt na mayor na iyon!"Ako ang abogado ni Miss Valmores."Kaagad kong nilingon ang pamilyar na boses. Si Attorney Abigaile Madrigal iyon. Siya ang attorney na naka-assigned sa grupo namin.Nasa iisang syudad lang naman ang buong grupo. Pero hindi kami maaaring magsama sa iisang bubong para na rin sa seguridad. Kaya may kanya-kanya kaming condo. Nagkikita lang kami kapag may misyon at kapag pupunta ng isla.Hindi rin kami nag-uusap gamit ang cellphone o kahit anong means of communication. May pinapadalang secured email sa amin para sa mga misyon namin kung saan naroon na lahat ang kailangang gawin, mga plano, assigned areas, target, location, at duration ng misyon. Kapag bubuksan namin ang email na iyon ay kailangan naming suutin ang contact lense na nag-da-download
Last Updated: 2026-07-03
Chapter: Chapter 5 - Ang PlanoKanina pa ako nakaupo rito sa loob ng interrogation room. Hindi ko alam kung bakit dinala pa nila ako rito dahil wala namang nagtatanong o nag-i-interrogate sa akin.Dalawang oras na ang lumipas at kanina pa umalis ang eroplanong sasakyan ko. Kapag ako nakatanggap ng parusa mula kay Charm, babalikan ko ang mga hayop na iyon.Sa twing naaalala ko ang lalakeng iyon, gusto kong sabunutan ang sarili ko. Paano ko hinayaan ang sarili kong magkaroon ng ugnayan sa isang pulis!On the second thought, hindi ko rin naman kasalanan dahil malay ko bang pulis pala siya. Alangan namang bago ako makipag-sex sa kanya ay tatanungin ko muna siya kung anong trabaho niya?Pero kasalanan ko rin naman dahil naglasing ako.Pero hindi pa naman ito nangyayari sa akin noon pa—Teka lang...Planado ba ito lahat ng pulis na iyon?Mas lalo tuloy akong naiinis!Kapag nalaman ng grupo na naisahan ako ng isang hamak na pulis, hindi lang nila ako pagtatawanan, araw-araw nila akong aasarin!Kung planado niya ito, ibig
Last Updated: 2026-07-02
Chapter: Chapter 4 - ArestadoNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan at matutulog na sana ulit nang bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. May lalakeng humalik sa akin. Binuhat niya ako papunta sa VIP room. Tapos... Tapos! Sa sobrang pagkabigla ay napabalikwas ako nang bangon at kaagad na napatingin sa sarili ko. Kumunot ang noo ko nang makitang suot ko ang mga damit ko. Kahit ang undies ko ay suot ko pa. Panaginip lang ba iyong kagabi? Teka? Bakit parang disappointed ako? Tumunog ulit ang cellphone ko at nang hanapin ko iyon ay maayos itong nakalagay sa bedside table kasama ang card holder ko at susi ng sasakyan ko. Inabot ko ang cellphone ko at nakitang si Charm iyon— ang handler ng grupo namin. Kaagad ko iyong sinagot. "Vivian is coming." Kaagad niya ring pinatay ang tawag. Walang tanong-tanong, walang kailangang ipaliwanag. Iyon ang rules niya. Pure work. Hindi niya pinapakialaman ang personal naming buhay. Pero sa oras na pumalpak kami pag
Last Updated: 2026-06-26
Chapter: Chapter 3 - Duwag Lang Ang UmaatrasInisang lagok ko ang natitirang laman ng shotglass. Napapikit ako nang dumaan ang alak sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong maglasing sa twing sasapit ang araw na ito. Dahil ba naaalala ko ang araw na iyon na kinailangan kong pumatay para mabuhay? O dahil bumabalik lang sa isipan ko ang lahat ng nangyari bago ako napunta sa ring na iyon? Oo, nabuhay ako matapos akong masaksak sa tagiliran at mapatay ang babaeng iyon. It's been ten years actually. At kada taon, nagpapakalunod ako sa alak, same bar, same spot. Kilala na nga ako ng mga staff dito. Kapag lango na ako sa alak, dadalhin na lang nila ako sa VIP room dito at kinabukasan na ako uuwi. Ganoon lagi ang nangyayari. Pero hindi ngayon. Dahil may isang lalakeng bigla na lang akong hinila at hinalikan sa mga labi ko. Kung sa ibang pagkakataon ay kanina ko pa siya napatay pero dala marahil ng tama ng alak ay hinalikan ko siya pabalik. "What the hell! Sino ang babaeng iyan, Diego!" sigaw ng isang babae. M
Last Updated: 2026-06-26
Chapter: Chapter 2 - Lumaban Para MabuhayNagising ako mula sa liwanag na tumatama sa mga mata ko at idagdag pa ang sigawan ng mga tao sa paligid. Dahan-dahan akong bumangon mula sa malamig na sahig habang tinatakpan ang mga mata kong nasisilaw sa liwanag. Nang masanay ang mga mata ko sa liwanag ay unti-unti kong nakikita kung anong mayroon sa paligid ko. Nasa loob ako ng isang kulungan. Pero hindi mga preso ang nakikita ko. Mga babaeng madudungis na parang isang buwang hindi nakaranas ng ligo. May iba pa na sugatan. Literal na nangmukha silang taong-grasa. Anong lugar ito? Nilibot ko pa ang tingin ko at saka ko pa lang napansin na hindi lang ito ang nag-iisang kulungan. Hindi mabilang at hindi ko rin alam kung gaano karaming babae ang naririto. Sa pinakagitna ay may isang parang boxing ring. May tatlong taong naroroon. Ang dalawa ay sugatan na at ang isa naman ay parang nagsilbing announcer. Ang sigawan ay hindi nagmumula sa mga babaeng nasa mga kulungan, kung hindi sa itaas. Doon ko lang napagtanto na parang nas
Last Updated: 2026-06-26
Chapter: Chapter 1 - Liwanag At DilimNakatingala ako sa madilim na kalangitan habang kinakalma ang nanginginig at malagkit kong kamay. Nagkalat ang mga bituin na siyang nagbibigay ng kislap at liwanag sa langit.Liwanag.Tumakas ang isang butil ng luha mula sa mata ko. Kailan ko ba mararanasan na magkaroon ng liwanag sa buhay ko?Paano ba humantong ang lahat sa ganito?Gusto ko lang namang mabuhay nang payapa. Kahit hindi mayaman basta masaya.Mula sa kalangitan ay napunta ang tingin ko sa mga kamay kong nababalot ng dugo— dugo ng mga taong dapat ay naging sandalan namin ng kapatid ko.Oo, pinatay ko ang mga magulang namin.Napasalampak ako nang upo sa lupa. Wala nang pag-asang masilayan ko ang liwanag na iyon. Ang buhay kong matagal ng sira ay tuluyan nang nahulog sa bangin ng kadiliman at hindi na makakaahon pa.Sinasabi ng utak ko na tumakbo at tumakas. Pero ayaw umayon ng katawan ko. Para bang napagod na akong labanan ang hamon ng buhay.Isa pa...Hindi ko matatakasan ang bangungot na ito.Hindi kailanman.Malalim na
Last Updated: 2026-06-26