FAZER LOGINLakwatsera sa umaga, assassin sa gabi. Gumagala ako para kumalap ng impormasyon at hindi para sa luho. Gumagala ako dahil iyon ang trabaho ko. Sa lahat ng kamalasang naranasan ko noon, ang mabuhay mula sa laban na iyon at maging assassin ay isang swerte para sa akin. Nakakatawa, hindi ba? Pero muli kong mararanasan ang kamalasan nang makilala ko siya— simula sa isang mainit na gabi.
Ver maisNakatingala ako sa madilim na kalangitan habang kinakalma ang nanginginig at malagkit kong kamay. Nagkalat ang mga bituin na siyang nagbibigay ng kislap at liwanag sa langit.
Liwanag. Tumakas ang isang butil ng luha mula sa mata ko. Kailan ko ba mararanasan na magkaroon ng liwanag sa buhay ko? Paano ba humantong ang lahat sa ganito? Gusto ko lang namang mabuhay nang payapa. Kahit hindi mayaman basta masaya. Mula sa kalangitan ay napunta ang tingin ko sa mga kamay kong nababalot ng dugo— dugo ng mga taong dapat ay naging sandalan namin ng kapatid ko. Oo, pinatay ko ang mga magulang namin. Napasalampak ako nang upo sa lupa. Wala nang pag-asang masilayan ko ang liwanag na iyon. Ang buhay kong matagal ng sira ay tuluyan nang nahulog sa bangin ng kadiliman at hindi na makakaahon pa. Sinasabi ng utak ko na tumakbo at tumakas. Pero ayaw umayon ng katawan ko. Para bang napagod na akong labanan ang hamon ng buhay. Isa pa... Hindi ko matatakasan ang bangungot na ito. Hindi kailanman. Malalim na ang gabi. Pero maingay pa rin ang paligid dahil nasa iskwater naman kami. Hindi kailanman naging tahimik ang lugar na ito. Araw-araw ay may nag-aaway, gabi-gabi ding may nag-iinuman. Kaya alam kong ilang sandali lang ay may makakakita na sa akin at malalaman nilang pinatay ko sina mama at papa. Pero wala na akong pakialam. Wala na akong lakas pa para ipaglaban ang sarili ko. Walang maniniwala sa akin. Walang papanig sa isang anak na pinatay ang mga magulang. Kahit pa sabihing walang kasingsama ang mga ginawa nila sa akin ay hindi makatarungan ang patayin sila. Ganoon naman talaga ang sistema ng mundong ito. Kung sinong nakapatay, siya ang dapat managot. Kung sinong dehado, siya ang talo. "A-Ate?" Nabalik ako sa hwisyo nang makitang nasa harapan ko na si Maelynn, ang nag-iisa kong kapatid. Hindi ko siya sinisisi kahit ni minsan pero sa totoo lang ay siya ang dahilan ng lahat ng ito. At ito siya, parang walang problema sa buhay. Ah, oo nga pala. Pinasan ko na ang problemang dapat ay kanya. Nakasuot pa siya ng school uniform at ngayon lang umuwi. Tamang oras pa ba ito sa uwian ng isang estudyante? Pero mabuti na rin iyon at wala siya nang hindi niya makita kung paano ko pinatay sina mama at papa. "B-Bakit ganyan ang ayos mo, ate?" tanong niya habang nakatingin sa mga kamay ko at sa damit ko. "A-Anong ginawa mo, ate?" Kaagad siyang tumakbo sa loob ng barong-barong naming bahay at hindi nagtagal ay naririnig ko na ang sigaw niya. Ilang sandali pa ay bumalik siya sa harapan ko at niyugyog ang mga balikat ko. "Anong ginawa mo, ate!" sigaw niya habang dumadaloy ang mga luhang hindi ko alam kung para kanino. Para ba sa akin dahil naaawa siya o para sa hayop naming mga magulang? Pero bakit parang galit siya? Pinatay ko sila dahil sa kanya. Iyon lang ang tanging paraan para maprotektahan ko siya. Pero bakit parang kasalanan ko pa? Nagpatuloy siya sa pagsigaw kaya isa-isang dumating ang mga kapitbahay namin. Napuno nang bulung-bulungan ang paligid hanggang sa may pumasok sa bahay. At iyon ang dahilan kung bakit nasa prisinto na ako ngayon. "Nagbigay na ng pahayag ang kapatid mo," sabi ng pulis na umaresto sa akin kanina. "Ayon sa pahayag niya, nagtutugma ang lahat na ikaw nga ang pumatay sa mga magulang ninyo. Malinaw rin ang mga ebidensya." Nagbigay siya ng pahayag laban sa akin? Kung tutuusin ay dahil sa kanya kaya ko nagawa iyon. Ginawa ko ang lahat para sa kanya pero sa huli hindi man lang siya kumampi sa akin. Tumigil ako sa pag-aaral para tulungan siyang makapag-aral. Sinalo ko ang kapalarang dapat siya ang nagdudusa. "Ngayon, kailangan namin ang pahayag mo, Miss Yzrahlynn Ramirez." Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Ano pang saysay ng pahayag ko? Ako ang pumatay, tapos ang usapan." "Ano ang motibo mo sa pagpatay sa kanila?" dagdag niya pang tanong. "Kailangan naming malaman. Under surveillance ang mga magulang ninyo kaya kailangan naming malaman kung ano talaga ang nangyari. Nasa dalawang bagay lang iyan, makakatulong ang pahayag mo o magiging malaking laban sa iyo kapag haharap ka na sa korte." Makakatulong? Ano pang silbi niyon? Wala nang bukas na naghihintay sa akin. Wala na ring pamilya. Ipinagkanulo ako ng kapatid ko. Tanggap ko nang ito ang kapalaran ko. At dahil doon ay nakulong nga ako. Hanggang dito sa kulungan ay sinusundan pa rin ako ng malas. Pinanganak lang yata ako sa mundo para may magsalo sa lahat ng kamalasan sa mundo. May gawin man ako o wala ay ako lang yata ang nakikita. Kahit nakaupo lang ako sa sulok, kahit tahimik lang ako sa tabi, parang ako lang ang nakikita. O baka naman iyon lang ang papel ko sa mundo? "Hoy! Tumayo ka riyan!" Biglang may humila sa buhok ko kaya napatayo ako mula sa pagkuskos ng sahig ng banyo. "Kapag kinakausap ka, sumagot ka!" Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sa sobrang lakas ng sampal ay natumba ako at tumama ang ulo ko sa sementong dingding. Napapikit na lang ako habang nararamdaman ang sakit sa pisngi ko at sa bahagi ng ulo kong tumama sa dingding. Ilang buwan na rin akong naging punching bag ng mga sigang babae rito. Hindi rin ako nag-aksaya pang lumaban o depensahan ang sarili ko. Para ano pa? Mas mabuti ngang mamatay na lang. Ilang sandali pa ay pinagtulungan nila akong sipa-sipain. Natamaan muli ang ulo ko at nagsimula nang dumilim ang paningin ko. Ito na ba ang katapusan ko? Matatapos na ba ang mga paghihirap ko? "Ang ingay ninyo, mga leche kayo!" Natigil sila sa panggugulpi sa akin dahil sa sigaw na iyon. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit. "At sino ka naman sa inaakala mo?" "Ako? Hindi naman ako mahalagang tao para makilala ninyo," sabi ng babaeng bagong dating. "Naghahanap ka yata ng sakit sa katawan!" Nahihilo na ako at sa isang iglap ay dumilim ang lahat sa akin. Paggising ko ay nasa ibang lugar na ako. "Gising ka na pala." Ang boses na iyon. Siya ang sumigaw kanina. Napabalikwas ako ng bangon. Kaagad kong nilibot ng tingin ang paligid. Parang nasa isang lumang building kami. Basag-basag ang mga bintana at tanging mga puno ang nakikita ko sa labas. "N-Nasaan ako?" "Nakalabas ka na ng kulungan, congratulations!" Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "S-Sino ka?" "Ako si Charm, ang tinatawag na lucky charm ng mga babaeng tulad mo. Dumarating ako sa oras na pinakakailangan ninyo." "Nagkakamali ka, hindi ko kailangan ng tulong kaya ibalik mo na ako sa kulungan," sabi ko at sinubukan kong tumayo. "Talaga?" tanong niya at base sa tono niyang iyon ay nang-uuyam siya. Idagdag pa ang pagkakangisi niya, kaya alam kong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan. "Paano kung sabihin ko sayo na hindi mo naman sila tunay na mga magulang?" "A-Anong sabi mo?" "Paano kung ang kapatid na pinrotektahan mo ay isa namang p****k at ilang lalake na rin ang nakatira sa kanya? Ni hindi na siya nag-aaral kahit pa hirap na hirap ka na sa pagtatrabaho mapag-aral lang siya." Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hindi totoo iyan..." "Isang gabi ay nahuli mo ang kinilala ninyong ama na may balak na masama sa kapatid mo, at dahil mahal na mahal mo ang kapatid mo ay sinabi mong ikaw na lang at huwag galawin ang kapatid mo, tama ba, Yzrahlynn?" Paano niya nalaman? "Ilang taon ding ganoon ang nangyari, pero tiniis mo alang-alang sa p****k mong kapatid. Hinayaan mong lawayan ka at gahasain ka ng taong tinatawag mong papa!" "Tumigil ka na!" sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na kayang tanggapin ang mga sinasabi niya. Ayaw kong maniwala pero bakit nasasaktan ako? "At nang gabing pinatay mo sila..." dagdag niya habang hinuhuli ang tingin ko. "Narinig mo silang nag-uusap. Nagpaplano silang ibenta ang kapatid mo sa mga sindikato." Sino ba talaga ang babaeng ito? Paano niya nalaman ang lahat ng iyon? "Pero sa huli ay anong napala mo? Iniwan ka rin ng kapatid mong pinag-alayan mo ng buhay mo!" "Tama na... t-tama na..." Tinakpan ko ang mga tainga ko gamit ang mga kamay ko. Ayaw ko nang makinig. "Sabihin mo sa akin ngayon na ayaw mo nang bawiin ang buhay na nawala sa iyo, na ayaw mong lumabas sa kadiliman para hanapin ang liwanag na inaasam-asam mo," sabi niya pa at pinilit niya akong tumingin sa kanya. "Sabihin mong ayaw mo nang mabuhay dahil ako mismo ang papatay sa iyo." Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hawak siyang kutsilyo. Ayaw ko na ba talagang mabuhay? Wala na ba talagang pag-asa ang isang tulad ko? Napapikit na lang ako nang itatarak niya na ang kutsilyo sa akin.Muntik na akong mapasigaw nang malamang ang location na binigay ay ang mismong mansyon ni Olympia Savada. "Mukhang umaayon sa atin ang tadhana."Ang misyon ay makapasok sa kampo nila. Sabihin na lang natin na wala sa mansyon ni Olympia ang kampo ng Red Serpent pero ang makapasok sa mansyon niya ay malaking bagay na.Naghanda na ako. Nilagay ko na sa mga mata ko ang undetectable contact lense. Sinuot ko na rin ang hikaw ko na isang earpiece.Nilagay sa maliit kong pouch ang salamin na may foundation, pero hindi iyon basta foundation lang. Sa loob niyon ay may iba't ibang maliliit na bagay na nagagamit namin sa mga misyon namin— may maliit na karayom na pwede maging susi, may maliit na blade, at kung ano-ano pa. Undetectable rin ito.Nagsuot ako ng mga damit na ang mga brand ay ayon sa panlasa ni Olympia."Woahhh..." bulong ni Eura habang nakatingin sa akin mula sa screen."Pwede ka rin pala maging tao, Cap?" nang-aasar na tanong ni Amariya.Nakaabang na ang medic at tech team sa monito
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. Pagdating ko sa library ay may nakahanda ng almusal pero wala si Ivan sa loob. Nakita ko ring nasa flower vase na ang binigay niyang bulaklak kagabi."Good morning, Cap," halos sabay na bati nina Eura at Anthony na mukhang kagigising lang."Good morning," ganti kong bati. "Natulog ba kayo?"Tumangi si Eura. "Sina Sir David at Charm ang pumalit sa amin kagabi at sila naman ang natutulog ngayon. Minsan ay tumutulong din ang tech team at medic team."Tumango na lang ako at kaagad na humigop sa kape. Mainit pa naman. Nasaan ba si Ivan?"Kung hinahanap mo si Ivan ay may binili lang saglit sa convenience store," sabi pa ni Anthony."Hindi ko siya hinahanap," pagdedepensa ko."Good morning, Cap," bati ni Samantha. Kasunod niya namang nagpakita sa screen ay sina Harvey at Renzo."Good morning, guys," sabay na bati ng dalawa.Hindi nagtagal ay nasa screen na rin sina Zereen at Alaric."So, anong ganap today?" tanong ni Zereena."As usual, hihint
Nandito na kami sa library at nakaharap sa malaking screen na naka-divide sa apat— para kaming nag-group video call. Nakahanda naman ang buong plano, ang pagsasagawa na lang ang kulang, kaya wala akong ibang ginagawa kung hindi ang nakaabang sa cellphone ko at naghihintay ng messae mula kay Charmaigne."Paano kung hindi tayo makatanggap ng message o kahit anong imbitasyon mula kay Charmaigne?" tanong ni Eura mula sa kabilang linya.Hindi man namin nakikita ang lahat pero naririnig naman namin ang bawat isa dahil sa earpiece na gamit namin."Magpapapansin nang magpapapansin," sagot ni Ivan."Hindi pwede," kaagad ko namang sabi. "Makakahalata na sila kapag ganoon. Isa pa, kumalma kayo. Ni hindi pa nga nag-isang araw."Pero sa loob-loob ko, paano nga kung hindi?Back to scratch na naman.Panimulang plano na naman na hindi kami mahahalata. Kailangan iyong parang natural encounter lang. Kumbaga tinadhana talagang magtagpo ang mga landas namin. Iyong balang araw ay ituturing niya akong best
Halos mapanganga ako sa hinanda niya. Nakaluto siya ng steak? Tapos ang hitsura ay parang iyong nasa restaurant talaga. Tapos ang set up ng mesa ay hinanda niya rin. May pa-wine pang nalalaman. Kulang na lang talaga ay kandila at bulaklak.Ano ba itong naiisip ko."Tikman mo muna bago mo ako purihin diyan," nakangising sabi ni Ivan.Inirapan ko lang siya at naghiwa na sa steak. "Ang aga pa para maghapunan.""Alas sais na kaya hapunan na rin na matatawag," sagot niya naman at biglang umalis.Kulang na lang ay mapapitik ako sa ere dahil ang sarap! Napapatango pa ako at naghiwa ulit at ipinatong iyon sa mashed potato bago sinubo. Ang sarap ng kombinasyon!Pero wala bang rice?Nagulat ako nang may nilapag siyang isang bouquet ng pulang rosas. "Para sayo. Bilang isang manliligaw, normal naman siguro kung magbigay ako ng bulaklak? At pula iyan, Scarlet..."Kailan pa siya nakabili nito?Napatingin ako sa kumpol ng pulang rosas. Unang beses kong makatanggap ng bulaklak. Ganito pala ang pakira












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.