Chapter: Chapter 6: Signed AgreementMedyo nahihiya pa rin si Monica, bumilis ang tibok ng kanyang puso,Alam ni Fabian na maganda ang hubog ng katawan ng babae,dati pa niya iyon napansin. Ngunit ngayong gabi, mas malinaw at walang pasubali ang lahat—isang tanawing nakakabighani.Marahang lumunok si Fabian, yumuko, at hinila pababa ang laylayan ng pantalon upang maisuot sa babae. Dahan-dahang iniangat iyon hanggang baywang.Bahagya niyang nadama ang panginginig ng balat na kanyang nadampian, at ang biglang pagtigas ng katawan nito.Sinulyapan niya ang mukha ni Monica—halata ang pamumula—at ang mga mata’y tila iwas.Kinuha niya ang kumot at itinakip sa katawan nito, saka siya tumalikod. Nang may narinig sila na katok.“Pasok.”Pumasok ang personal na doktor ni Fabian, dumaan muna ang tingin sa amo bago lumapit.“Nadulas siya. Tignan mo kung malala.” Malamig ang tinig ni Fabian, ngunit malinaw ang utos sa kanyang mga mata.Sinuri ng doktor si Monica, bahagyang pinisil ang bandang baywang pababa sa kanyang paa, at nagpasy
Last Updated: 2025-09-11
Chapter: Chapter 5 : Paglambot ng pusoPagpasok ni Fabian sa banyo, wala na siyang balak lingunin pa si Monica.Tahimik ang buong silid. Hinaplos ni Monica ang kanyang leeg, iniisip na muntik na talaga siyang mabulunan kanina—akala niya’y papatayin siya nito.Kaya’t napagdesisyunan niyang umiwas dito.Lumipat siya sa madilim na bahagi ng silid, at napabuntong-hininga. “Mukhang hindi talaga uubra ang pangarap kong maging mayamang babae.” bulong niya sa kaniyang sarili.Lumabas si Fabian mula sa banyo at sumulyap sa pintuan. Wala na ang babae sa dating puwesto.Akala niya ay lumabas na ito, ngunit pagkaraan ng ilang hakbang, nakita niyang nakaupo ito sa dilim.Nakaupo si Monica sa sahig, abala sa pagte-text kay Patricia.Alam ni Patricia na magkasama sila ngayong gabi sa isang kwarto, kaya’t hindi maiwasang mag-alala sa kanya.Nag-selfie si Monica habang nasa sahig at pinadala kay Patricia.“Huwag kang mag alala, kailangan ko pang makuha ang loob niya”Pagkatapos niyang isend, may naramdaman siyang hakbang palapit sakanya.
Last Updated: 2025-09-05
Chapter: Chapter 4 Pagtira sa iisang bubongMakalipas lamang ang ilang araw mula nang huli siyang pumunta sa mansiyon, muling bumaba si Monica mula sa sasakyan. Pagkakita sa kanya ng mga tauhan ng pamilya Monterde, sabay-sabay silang bumati: “Magandang araw Ma’am”Medyo nagulat at nailang siya sa tawag na iyon at pumasok siya sa mansyon na tila hindi komportable.Sa maluwang na sala, magkatabi sina Fabian at Ginang Monterde. Banayad at puno ng pagmamahal ang tingin ng ina sa anak, may bakas pa ng pag-aalala sa mga mata nito.Hindi napigilan ni Monica na mainggit sa ganoong uri ng pagmamahalan ng mag-ina.Sa pagkakaalala niya, malabo at hindi na niya matandaan ang ganun pakiramdam..“Monica, halika at umupo ka rito.” Magiliw siyang kinawayan ni Ginang Monterde.Muling makita at marinig ang pagtawag ng ginang ay para bang nakikita niya ang sariling ina, na nakangiti at malambing siyang tinatawag.Pinilit niyang itago ang lungkot at lumapit.Pinaupo siya ni Ginang Monterde sa tabi mismo ni Fabian.Alam ni Monica na ayaw siyang ma
Last Updated: 2025-09-05
Chapter: Chapter 3: Ang Muling PagkikitaNapasulyap si Fabian sa hubog ng katawan ni Monica- lantad at may pagnanasa.Bahagyang nanigas ang katawan ni Monica, ngunit hindi siya umatras. Hindi siya makapaniwala na magagawa talaga ng lalaki ang iniisip niya.Iniangat nya ng bahagya ang kanyang damit.Lumantad ang sexy at maputing baywang, at ang gilid ng kanyang puting underwear ay kapansin-pansin.Ngunit bigla siyang itinulak pababa ng lalaki, mariin at walang pag-aalinlangan—kita ang matinding pagkasuklam sa kanyang mukha.Halos matumba si Monica, ngunit naitayo niya agad ang kaniyang sarili. Pinigil niya ang saya sa dibdib, bagama’t pinilit nyang hindi magmukhang nasaktan.Isang malamig na tingin ang ipinukol ni Fabian sa babaeng sanay magpanggap, na kaya pang isakripisyo ang lahat kapalit ng pera.“Get out of here!” galit na wika ni FabianGalit na galit siya sa ganitong klaseng babaeng mapagkunwari.“My Husband…” bulong ni MonicaNainis lalo si Fabian. “Get out!”Hindi na nagdalawang-isip si Monica—inayos ang kanyang dam
Last Updated: 2025-09-05
Chapter: Chapter 2: Ang totoong kaanyuan ni FabianHindi mainit ang heater sa sasakyan, at tulad ng kanyang katawan, malamig din ang puso ni Monica.Nakakaramdam pa rin sya ng takot.Ngunit naisip niya, kung bilang na lang ang oras ng buhay ng pinakasalan nya, anong kalokohan pa ba ang kaya nitong gawin sa kanya?Kinausap niya ang kaibigan niyang si Patricia para kumalma ito.Huminto ang sasakyan sa pinakamalaking entertainment club ang “Richmond Club”Pinagbuksan sya ng pinto ng driver, maayos ang kilos ngunit walang bakas ng paggalang ang kanyang asal.Bumaba si Monica, at naunang naglakad ang lalaki.Dumaan sila sa nakakasilaw na pasilyo, huminto sa pinakadulong silid, itinulak ang dalawang pintuan, at gumilid ang lalaki. "Sir Monterde, Nandito na po si Ms Monica."Sabay senyas sa gwardiyang lalaki na umalis na ito.Nasa dulo na ng pintuan si Monica “Sa isip niya,nandito na to at wala nang atrasan,kaya’t kailangan niyang pumasok.Pagsara ng pinto sa kanyang likuran, nakaramdam agad sya ng bigat ng dibdib sa kanyang paligid. Ang ha
Last Updated: 2025-09-05
Chapter: Chapter 1: Ang alok na kasalIniisip ni Monica na sa wakas ay matatapos na ang kanilang dalawang taong long-distance relationship, napakaganda ng mood niya, ang kanyang magandang mukha ay punong puno ng galak at hindi maipaliwanag na excitement, at ang lamig ng panahon ay natabunan ng init na pananabik niyang makita ang kanyang kasintahan.Nakatayo siya sa pintuan ng bahay ni Jhorby, hawak ang kanyang maleta, at masayang pinipindot ang password ng kanilang pinto.Ngunit pagkabukas ng pinto, natigilan siya.Dalawang magkapatong na katawan sa sofa—parang sumabog ang utak ni Monica.Piniga niya ang kanyang mga kamao sa sobrang pagtitimpi, at ang mga tao sa sofa ay sobrang abala na hindi man lang siya napansin.Habang pinipigil nyang masuka, kinuha niya ang kanyang telepono at vinideohan ang kalaswaan na ginagawa ng dalawa.Nang magpalit sila ng posisyon , napalingon ang babae kay Monica at napasigaw sa gulat.Nataranta rin si Jhorby, agad na kinuha ang kumot at binalot ang katawan, itinago ang babae sa likod niya.
Last Updated: 2025-09-05