With her young age, Anisha has no plans to settle just yet—more so… be wed to a man she doesn't even know. Naniniwala siyang may tamang oras para sa isang bagay na hindi basta-bastang mababawi kapag natapos na. She always believed that marriage is sacred and it shouldn't be forced and done without love and commitment. Kaya naman nang malaman niyang ikakasal siya sa isang estranghero, labis niya itong dinibdib ngunit wala siyang choice. As a form of rebellion, she thought of giving herself away the night before she could even meet her soon to be husband. Sira na rin naman ang buhay niya, lulubusin na niya ito—iyon ang pilit niyang sinasabi sa kaniyang sarili. She planned to ruin her image, but life and fate had other plans for her. When she thought she could get away with that unwanted proposal from her parents, her soon to be husband intervened.
View More"Anisha Franchette! Where in the world are you again? Alam mo bang halos maatake na sina Mama at Papa kaiisip kung 'saang lupalop ka na naman ng mundo hahagalipain?! What the heck is wrong with you, lady?" halata sa boses ng nakatatandang kapatid ko ang pinaghalong pag-aalala at pagkairita.
Pero sa halip na ma-alarma, napanguso na lang ako habang tamad na tinititigan ang kukong bagong manicure.
Bumuntonghininga muna ako bago tinugon ang aking Kuya.
"Don't worry, Kuya. Kunwaring may pakialam lang naman sila, e. That house is so toxic, kaya hindi ako babalik diyan," I said. Hindi ko nga alam kung paano pa sila nakakatagal sa loob ng aming bahay gayong halata namang puro ka-plastikan lang naman ang nangyayari roon.
Alam ko rin naman kung bakit gusto nila akong bumalik doon. It's about that proposal again. Ilang beses ko na ngang sinabi sa kanila na hindi ko kailanman iyon gagawin, pero ipinipilit pa rin nila ang gusto nila!
Paano naman ako kung gan'on? Madaling sabihin sa kanila dahil hindi naman sila iyong mag-su-suffer sa huli. Madaling sabihin na walang mawawala kasi hindi naman sila iyong ikakasal sa taong hindi nila kilala.
"Bakit ba napakatigas ng ulo mo, Ashie? Couldn't you just listen to our parents?" I could even taste his frustration.
Gan'on naman siya palagi. He's like a teacher's pet. Palagi na lang nagpapauto kina Mama kaya madaling kontrolin.
I wonder what blackmail did they tell him this time para kumbinsihin ako nang ganito ngayon? Ano'ng pang-uuto na naman kaya ang sinabi nila sa kaniya?
"Hindi makabubuti ang gusto nila sa akin, Kuya! Kung kaya ng konsensiya mong magpakasal sa isang taong ni hindi mo pa nga nakikilala, puwes ako, hindi!" I said. I almost exclaimed the words out of frustration.
If all of this is frustrating them, gan'on din sa akin! Dahil kung mayroon mang aping-api rito, walang iba kung hindi ako iyon.
"Why is marriage so sentimental to you, Anisha? Hindi ba dapat ay nasanay ka na—"
"I'll call you some other time, Kuya. I don't want to talk about that over the phone. Bye…" Then I cut the line.
Palaging gan'on ang tinatanong nila sa akin. Isang beses ko na iyong sinagot, pero parang hindi naman sapat sa kanila ang mga rason ko kaya hanggang ngayon ay hindi nila maintindihan kung bakit ayokong basta na lang ikasal.
Maayos ang lahat noon. Okay kaming lahat hanggang sa ibinalita sa akin ng mga magulang ko na ikakasal ako sa isang estranghero.
It made my heart hurt. Pakiramdam ko ay isa akong tuta na ipinamimigay na lang basta-basta. Ipagpapalit sa kahit na anong halaga.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Miss? Hindi naman ito ang comfort room ng mga babae, a?" A tall guy asked as he eyed me from head to toe.
Hindi ko sinagot iyong tanong niya. Ginaya ko ang paninitig niya, only that I look more disgusted.
"O baka naman may hinihintay ka rito tapos may gagawin kayo?" Puno ng malisya niyang dagdag noong hindi ko na talaga siya pinansin.
Ayoko na sanang pag-aksayahan siya ng oras pero naalala ko na naman iyong mga sinabi ni Kuya kanina. It triggered my emotions so I turned around to face him. Nagtaas ako ng isang kilay sa kaniya.
"Kung ganoon kang tao, puwede naman sigurong mabuhay nang hindi iniisip na gan'on lahat ng makikilala mo, hindi ba?" I crossed my arms on my chest.
Masyadong maingay sa labas. Galing na rin naman ako kanina sa comfort room ng mga babae kaso lang ay masyado ring maingay. This is the only place here that's quiet. Kung hindi ako lumipat, hindi ko rin maririnig ang sinasabi ni Kuya.
"Huwag ng kang mag-alala," bawi ko rin sa huli. "Lalabas na rin naman ako kaya puwede mo nang gawin kung ano man ang gusto mong gawin dito. Pasensiya na rin at pumasok ako rito," dagdag ko pa bago tuluyang lumabas doon.
Narinig kong humingi rin siya ng tawad ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa.
I was greeted with a loud bang of music when I finally got out. Iginala ko ang mga mata ko para hanapin si Fiona. Iniwan ko siya kanina kasama ng isa pa naming kaibigan—or should I say kaibigan niya lang dahil hindi ko naman iyon kilala. Ni hindi ko nga alam kung saan niya iyon napulot. Bigla na lang kasing lumitaw.
Masyadong maraming tao kaya mahirapan akong hanapin siya. Binalikan ko na rin sa table namin kanina kung saan ko sila iniwan pero wala roon. Hindi naman iyon mahilig makipagsapawan sa dancefloor kaya Duda akong naroon siya. Mas gugustuhin pa noong tumalon na lang sa bangin sa halip na ipahiya ang sarili sa dancefloor.
Sa ganitong lugar, walang kwenta ang pagsigaw dahil kakainin lang din ng malakas na tunog ng musika ang boses ng sinumang gagawa n'on, so I surveyed the whole area once again, and luckily this time, I saw my best friend.
Iyon nga lang, hindi na lang iyong kasama niya kanina ang kasama niya. They are now with two other guys na hindi ko na naman kilala.
What's with Fiona and those people na hindi ko kilala na palagi niyang kasama?
Lumapit ako sa table nila. Hindi pa nila ako nakikita pero hindi ko naman sila masisisi dahil marami talagang tao sa loob ng club. Kung lampa ka pa ay maiipit at baka matapak-tapakan ka lang lalo na kung dadaan ka sa dancefloor.
"Hey," bati ko nang tuluyang nalalapit sa banda nila.
I hate to be the center of attention pero gan'on siguro talaga kapag bagong dating. Ayoko mang nakapokus sa akin ang mga mata nila ay wala na akong nagawa kung hindi ang kausapin ang kaibigan ko dahil gusto ko na rin namang umuwi.
Nawala na rin kasi iyong excitement ko kanina dahil sa mga sinabi ni Kuya. Tila ba vacuum iyon na humigop sa natitira kong lakas para sa araw na ito. Bigla kong naalala na halos ipamigay na lang ako ng pamilya ko sa iba.
"Uuwi na kami. Pasensiya na dahil gusto nang umuwi ng kaibigan ko," paalam niya. Ni hindi na ako ipinakilala dahil alam kong alam niyang ayaw ko rin naman.
Nagpasalamat na lang ako nang tahimik sa hangin nang wala namang nagpumilit na ilapit ang kanilang sarili para magpakilala kagaya ng madalas mangyari. I bowed a bit and gave them a thrift smile bago ako unang tumalikod. Hinayaan ko sandali si Fiona roon para mas maayos na makapagpaalam sa mga kaibigan niya.
"Let's go?" She invited nang tapikin niya ako sa balikat. Tumango ako.
"Bakit naman uwing-uwi ka na ngayon? Kanina lang ay excited ka pang pumunta rito, a?" She asked when we finally got out of the club.
Ang ingay sa loob na pakiramdam ko ay nakahinga nang maluwag ang tainga ko noong nagkaroon ng pagkalma sa labas.
"Tumawag si Kuya Verdect," panimula ko. "As usual... pinauuwi na naman ako, pero alam ko namang dahil lang iyon sa proposal." Tumingin ako sa kaniya. Her eyes mirrored sympathy. Mabuti pa siya, walang problema pagdating sa pag-ibig.
"Ano nang plano mo ngayon? Will you just run and hide from them forever?"
Iyon ang gusto ko, pero alam ko namang hindi ko iyon magagawa habang-buhay.
I let out a deep sigh. "Sa ginagawa nila sa akin, lalo lang ako nasasakal. They're slowly turning me into a villain, Fiona. Do you know that I actually thought of giving myself away to any man here tonight?" Naiiyak kong pag-amin.
Sisirain lang din naman ng mga magulang ko ang buhay ko, uunahan ko na sila.
Nanlaki ang mga mata niya. Kaagad niyang hinaplos ang likod ko.
"Uy, huwag naman sanang gan'on. M-Malay mo naman mabait iyong magiging asawa mo, hindi ba? Bigyan mo ng chance..." She tried to convince me pero mas naniniwala pa yata akong kaya kong ibigay ang sarili ko sa isang lalaki rito sa club kesa sa paniwalaang may puso iyong ipakakasal sa akin.
I don't even know his name! Pati mukha...
Malay ko ba kung matanda na pala iyon? Na pumayag lang ang mga magulang ko na ipakasal ako sa lalaking iyon dahil maraming pera?!
Just the thought of it made me shiver.
"I'm so sorry that you have to suffer from this, Ash... Kung may magagawa lang sana ako para matulungan ka," Fiona said as she continues to caress my back.
Tumango ako.
Naiintindihan ko naman siya. Ang presensiya at suporta niya lamang ay sapat na sa akin. At least I know now that I have someone who understands me, especially my situation kahit na magkaiba kami ng experience sa buhay pagdating sa bagay na ito.
Sa huli ay pareho kaming nagdesisyong umuwi na. It's been a long and tiring day for us at dahil may kaniya-kaniyang kaming sasakyan pauwi, we parted ways.
Nang nakarating sa building kung nasaan ang unit ko, sinaglit ko na ring bumili ng ice cream sa ground floor bilang pampakalma dahil alam kong kahit anong pagod ko ngayon ay hindi lang din ako makatutulog kaagad.
"That would be three hundred and eighty nine pesos, Miss," anunsiyo ng cashier sa bill ko. Tumango ako at ibinigay ang isang malutong na five hundred sa counter.
"Who eats ice cream at night?" I heard a man speak beside me. His tone was mocking. Walang ibang tao rito kundi ako kaya alam kong para sa akin iyon.
I eyed him. Sino ba ito at bigla na lang sumusulpot?
He was tall. With his dark brown eyes, he looked more arrogant and playful. For a guy, I could say that his lips are naturally red pero...
Saglit nga lang? Bakit ko pa ba iyon pinapansin gayong nakakainis siya kung tumingin? Siguro ay iniisip niya ngayong gusto ko siya dahil tinititigan ko ang mukha niya?
Ha! He wish!
"Hindi lahat ng tao, katulad mong old-fashioned," iyon ang naging tugon ko sa pagaakalang itataboy siya ng kasungitan ko, but he looked more amused when I told him that! Parang lalo tuloy siyang nagkaroon ng rason ngayon para kausapin ako.
Sana pala ay hindi na ako umimik!
"Woah!" Natatawa niyang sinabi habang ngayon ay nakataas na ang magkabila niyang kamay sa ere na para bang sumusuko. "Chill lang naman, Miss. I was just kidding, you know?"
My eyes instantly rolled.
"I'm not. Sa sobrang pagod ko ngayong araw, kung hindi ka tatabi ay baka sa'yo ko pa mabaling ang lahat ng emosyong naipon ko," pagbabanta ko dahil iyon naman ang totoo.
He tilted his head as he grimaced. Tila ba dinama sa pamamagitan ng salita ko ang sinasabi kong emosyon.
"You must have undergone a tough day, eh? Pero sige... I'm Spade by the way," pagpapakilala niya. "Magkikita pa naman tayo rito dahil nasa building din na ito ang condo ko. Hindi na muna kita guguluhin dahil mukhang wala ka sa mood. Nice to meet you, neighbor..." He said before giving me a salute.
He shares too much. Kung loko-loko lang along tao, madali ko lang siyang maloloko!
Nang nakuha ko na iyong sukli na kanina pa pala ready ay lumabas na ako sa store. Umakyat na ako sa floor ko at sa unit ay doon na ako tuluyang bumagsak dahil sa pagod.
My body is tired, but my mind says otherwise. Ipikit ko man ang mga mata ko ay gising naman ang aking diwa.
Sa huli ay kinain ko na lang iyong ice cream na binili ko habang nanonood ng isang Spanish movie.
Maraming oras ang ginugol ko sa pagkakatulala sa tanong na iyon. Hindi pa man kumpirmado pero hindi malayong mangyari iyon dahil pareho naming alam na hindi siya gumagamit ng proteksyon sa tuwing ginagawa namin iyon. Hindi ko rin alam kung paano ko tatanggapin iyon kung sakali. Should I be happy? O dapat akong malungkot gayong hindi pa nga kami kasal pero mayroon kaagad nabuo. Hindi ko rin pinagsisisihan at kung totoo ngang nagbunga ang ginawa namin ay tatanggapin ko naman nang buo dahil ginusto ko rin naman nang mangyari sa amin. It may not be planned, but I am sure that I would keep the baby. Mamahalin at aalagaan ko pa rin kahit na hindi planado at inaasahan. "Ma'am?" Pagkuha ng isang kasambahay sa atensyon ko. Kaagad naman akong lumingon sa kaniya. She looked worried about me, I just can say based on how she looks at me. "Ayos lang ho ba kayo?" She asked. I wiped my tears as I nodded. Ni hindi ko magawang kumain nang maayos kanina dahil sa biglaang balita na iyon. Halos mang
The next days were exhausting. Habang mas nalalapit ang kasal ay mas humihirap din ang bawat araw para sa amin. Kahit pa sumasama lang naman ako kay Spade dahil mas hands on talaga siya kumpara sa akin, nakakapagod pa rin talaga. Gusto kong magreklamo pero sa tuwing nakikita ko si Spade, bigla kong naiisip na kung mayroon mang may karapatang mapagod sa aming dalawa, siya iyon. "Pagod ka na? Puwede na tayong umuwi kung gusto mo. Tapos naman na tayo sa dapat nating tapusin ngayong araw," Spade asked as we were walking back to his car. Katatapos lang namin sa pagpili ng mga bulaklak na gagamitin sa araw ng kasal. "Ano'ng pabango ang gamit mo?" I asked instead habang kinukulubot ang ilong. Kanina ko pa kasi naaamoy habang magkatabi kami roon sa flower shop kung saan kami galing. "Iyong dati pa rin naman." Kumunot ang kaniyang noo. "Why? Is there a problem?" Concerned niyang tanong habang inaamoy ang kaniyang sarili. "Hindi ko gusto ang amoy. Sigurado ka bang pareho lang iyan sa palag
"Ouch!" Daing ko nang tumama ang kaniyang kamao sa braso ko. Hindi naman iyon gan'on kalakas pero dahil sa gulat ko ay normal lang siguro iyong naging reaksiyon ko. "Walang personalan, it's part of the training," nakangising aniya at muling naghanda para sa pagsugod. Mabilis akong gumalaw para maiwasan iyon pero nahuli niya pa rin ang braso ko. He turned and I groaned in pain as he twisted my hand. Ramdam ko iyong sakit kahit na alam kong hindi niya pa ibinibigay ang lahat ng lakas niya roon. Napamura ako nang mas idiin niya pa lalo ang pagpilipit sa braso ko. "Ayoko na, please! Talo na ako..." pakiusap ko dahil masyado nang masakit iyong braso ko. Pero imbes na bitawan ay mas idinidiin niya pa. Then I realized that he just won't listen kahit pa ilang beses akong magmakaawa. Kung hindi ako kikilos ay baka mawalan na ako ng braso kaya kahit hirap ay pinilit kong sikuhin siya gamit ang isa kong braso. Luckily, his grip loosened a bit the reason why I got the chance to free myself w
I woke up with a severe hangover the next day, pero dahil ayokong magpatalo kay Spade ay pinilit kong hindi ipahalata na mayroon akong hangover dahil paniguradong hindi na niya ako papayagang uminom next time. I need to make him think that he's wrong on all the things he said last night para mapapayag ko pa siya next time. "Good morning," I greeted him when I got out of our room. Umupo kaagad ako sa highchair para hindi niya mapansin ang pasuray-suray kong lakad pati ang ngiwi ko sa tuwing pumipuntig ang mga ugat sa ulo ko. "How are you feeling?" He asked nang ilapag niya ang sa tingin ko'y tsaa sa harap ko. Dahil alam kong sinusubok niya lang ako, pinilit kong ngumiti para ipakita sa kaniya na walang talab sa akin ang hangover kahit pa uminom ako nang marami. "I'm fine," I lied pero ang totoo ay parang gusto ko na lang humiga sa kama buong araw. "See? I told you I have a high alcohol tolerance!" Mayabang at taas-noo kong sinabi. Hindi siya umimik. Mabuti na lang at tumalikod siya
Nakuha ko kung anong gusto ko kahit pa panay ang irap at pagsusungit niya sa akin. Iyon lang din naman pala ang kahinaan, ang dami pang sinabi. Hindi na lang pumayag kaagad para natapos din sana kaagad iyong usapan. "That's your last shot. Marami ka nang nainom, Anisha," seryoso niyang sinabi na halos ayaw pang ibigay sa akin iyong baso. Kung kailan naman ako nag-e-enjoy doon niya naman ako pagbabawalan. "No. I want more," pagmamaktol ko. I am aware that I am drunk pero kaya ko pa naman. Iyon nga ang purpose kung bakit ako uminom, e—parq malasing. "Anisha," he called my name again pero binalewala ko iyon. Matapos kong lagukin iyong isang shot ay humingi ulit ako sa bartender na kanina pa napagsasabihan ng kasama ko pero wala namang magawa dahil pinapahintulutan din ni Spade sa huli. "You are so strict, please don't be like that after our wedding!" Medyo nilakasan ko iyon dahil palakas na rin nang palakas iyong music sa club. Magsisimula na rin kasi yata ang kasiyahan sa dance floo
Isang linggo na simula nang bumisita kami sa bahay pero pakiramdam ko ay naiwan ang isip ko roon. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga salitang sinabi ng mga magulang ko. Nililibang ko naman ang sarili ko pero panandalian lang ding nawawala iyon sa isip ko. One moment, I'm happy talos bigla ulit mababaliw sa kaiisip ng iba't ibang bagay. Tanggap ko na rin naman na ikakasal ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo pa at enggrande iyong kasal. Maraming tao ang manonood dahil kilala ang pamilya ni Spade sa iba't ibang industrya. Alam ko ring hindi patatalo ang mga magulang ko sa pag-iimbita ng mga kakilala hindi dahil masaya sila para sa akin kung hindi para ipagyabang na ikakasal ang anak nila sa isa sa mga pinaka-mayayamang pamilya sa Pilipinas. "Are you ready to go?" Pagyayaya ni Spade sa akin habang nakaharap pa ako sa salamin. Ngayong araw ay magpapasukat kami ng gown. Malapit na ang kasal pero ngayon lang talaga kami kikilos para sa preparasyon. Impossible kung tutuusin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments