author-banner
peonixxy
peonixxy
Author

Novels by peonixxy

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Read
Chapter: Chapter 127: Officially A Girlfriend
“Will you be my girlfriend?” basa ni Grayson sa nakasulat banner. Hindi kaagad makasagot si Ada. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Masaya siya pero may kaunting disappointment. Hindi naman sa hindi niya gusto, kundi dahil parang hindi siya satisfied sa tingin ni Grayson sa kanilang relasyon. They were married in the past. They got divorced and then reconciled. Shouldn't he supposed to ask her to marry him? Hindi naman sa feelingera siya pero hindi ba iyon dapat ang tama? After all this time, magkasintahan pa rin ba ang tingin ni Grasyon sa namamagitan sa kanila? Nagising ang diwa ni Ada mula sa ilang sandaling pananahimik nang hawakan ni Grayson ang kamay niya. Napatingala siya sa mukha nito. His eyes were full of love and sincerity. “Sorry to disappoint you but all this time I have been wanting to make it up to you. I want us to begin again, the most normal way. I want to rewrite our past into a fairytale. Adaghly
Last Updated: 2026-03-20
Chapter: Chapter 126: Will You Be My Girlfriend?
Panay sorry si Thea sa babaeng customer. Ngunit nagmatigas ito. Ang gusto nito ay sesantihin si Thea. Wala nang nagawa pa si Grayson kundi ang makialam. Nasasali na rin kasi si Ada. “Mga tsimosa kasi kayong dalawa. Tsismis gusto, trabaho ayaw? Why were hired? You should be fired. I need to talk to your manager,” galit na sigaw ng babaeng customer. Pinagtitinginan na sila ng ibang customer. “Ma'am, pasensya na po talaga,” kinakabahang sabi ni Thea. “Uhm, mawalang galang na po. Pwede naman po sigurong ayusin 'to sa mabuting paraan. There's really no need to shout,” sabat ni Ada. Sabi na nga ba. Hindi mabuti ang ginawa ni Thea. Ayaw kasing makinig sa kanya. Pero hindi niya naman ito masisisi. May mga tao talagang katulad ni Thea na mabilis madala sa sariling imahinasyon. “Excuse me? What's going on here if i may ask? Ang tagal kasi dumating ng order ko,” biglang sumulpot si Grayson sa eksena. Napatingala si Ada sa
Last Updated: 2026-03-19
Chapter: Chapter 125: Coffee Shop
Kinabukasan, pumunta kaagad sila sa nasabing coffee shop. Maliit lang ito pero maganda ang pagkagawa. Maaliwalas tingnan at relaxing. Nagustuhan ito ni Ada. Kakilala pala ni Alexa ang babaeng manager kaya nakuha kaagad ni Ada ang trabaho. At isa pa, walang sinuman ang nag-apply doon dahil malayo ito sa siyudad. Sa katunayan, matagal na silang naghahanap ng tao at simula noon, siya palang ang unang dumating. Ayon sa kanilang napag-usapan ng manager, pwede nang magsimula si Ada kinabukasan din. Pero humingi siya ng pabor dahil magliliwaliw muna silang dalawa ni Alexa. Mabuti at pumayag kaagad ang manager na may magsimula siya three days later. Ang ginawa nila sa unang araw, bumisita sila sa bukirin ng mga kababayan ni Alexa. Tumulong sila sa pag-aani ng mga gulay. Sinagot na rin ni Alexa ang ibang gamit ng pagsasaka gaya ng mga makabagong makinarya para sa palayan at pag-aararo. Sa ikalawang araw, naligo sila sa isang tanyag na tour
Last Updated: 2026-03-19
Chapter: Chapter 124: Nostalgia
Pagkatapos ng ilang oras ng mahabang byahe, nakarating na rin sila sa probinsya ni Alexa. Tinanghali sila ng dating, simula alas siyete kaninang umaga hanggang ngayong alas onse ng tanghali. Walang nagbago sa ancestral house na tinutuluyan ni Ada dati maliban sa natutuyong mga damo at dahon ng mga puno. Nakakalbo na ang halos lahat ng mga halaman dahil sa matinding tagtuyot. Pero gayunpaman, ito pa rin ang dating tinakbuhan ni Ada noong halos mabaliw na siya sa mga problema. Pagkababa ni Ada ng kotse, sumalubong kaagad si Aling Maria, ang caretaker ng bahay. Tinulungan niya si Alexa na ibaba ang kanyang mga bagahe. Sinadya nitong magsara muna ng clinic upang masamahan siya sa pagpunta dito. Si Zach ay busy sa trabaho kaya hindi nakapuslit na sumama. “Naku, akala ko kung sinong naggagandahang artista ang dumating, kayo lang pala, ma'am,” namamanghang bati ni Aling Maria sa kanila. “Naku, gumagaling ka na sa pambobola mo, Aling Maria, ah? Kaltas k
Last Updated: 2026-03-18
Chapter: Chapter 124: Off To A New Start
Nang marinig ni Ada ang pagsara ng pinto ng banyo, unti-unti siyang gumalaw. Nag-uunat kunyare at pasimpleng humihikab. Kinukusot niya muna ang mga mata bago dumilat. With her half opened eyes, she turned around to face the amused five-year-old boy. “Mommy? Are you awake now?” masayang bati ng bata sa kanya. Mabilis itong lumapit sa tabi niya at excited na nakangiti. “Uh, hi baby...”paos niyang sabi. “Good morning. ” “Are you feeling better now, mommy?” tanong ni Grant. “Y-Yeah, of course. Tita Alexa was here yesterday. How could I still be sick?” “Really? Then that's great! I know she's a great doctor. ” Biglang kumunot noo ng bata. Napatitig ito sa mukha ni Ada. “What's wrong, baby? Is there a dirt on my face?” nagtatakang tanong niya. “Oh, I haven't washed my face yet. I just woke up.” “There's nothing, mommy. But are you really sure you're okay?” “Yes, I'm a hundred percent sure. Why?”
Last Updated: 2026-03-18
Chapter: Chapter 122: Pretend To Sleep
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ada. Hindi niya alam kung paano magreact. Sabi ng isip niya, mali itong ginagawa nila. Masyado pang maaga para dito. Ngunit ang sabi naman ng puso niya ay sundin ang nararamdaman dahil matagal na niya itong sinuway at hindi pinagbigyan. Nawala siya sa katinuan ng naging mapusok ang mga halik ni Grayson sa kanyang leeg. Napapaigtad siya sa bawat dampi ng labi nito sa kanyang balat. What was even more shocking was finding herself voluntarily giving Grayson more access on her neck. Napapapikit siya sa kakaibang init na dala ng halik nito. Ada noticed one of his adventurous hands searching for the hem of her white button down shirt. Nakikiliti siya sa ginawa nito. Halos mawalan siya ng lakas nang maramdaman ang kamay nito na nagtatangkang gumapang mula sa kanyang tiyan pataas sa kanyang nakatagong bulubundukin. Mainit ang mga palad nito na siyang nagpapaliyab sa nararamdamang pangungulila. Napaawang ang kanyan
Last Updated: 2026-03-17
You may also like
The Substitute Bride
The Substitute Bride
Romance · Kyssia Mae Tagalog
1.2K views
Once Upon A Summer
Once Upon A Summer
Romance · norqaeda
1.2K views
Heaven's Curse
Heaven's Curse
Romance · Gojosenpai
1.2K views
My Husband's Karma
My Husband's Karma
Romance · aiLa'veinz
1.2K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status