Chapter: Chapter 4"Congratulations!" Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. Tama naman siguro ang narinig ko? "A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado kong tanong. "Finally, buntis ka na Miss Rivera!" tuwang-tuwang sagot ni Dok Marquez. At doon ko lang napagtanto ang sinabi niya. Para akong nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin makapaniwala sa balitang narinig ko. Magiging nanay na ako! Pero... "You’re fired!" Iyon ang unang bumungad sa akin pagtapak ko pa lang sa executive floor. Hindi pa nga ako nakakalapit sa mesa ko pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Javier. Para akong tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal. Napako ako sa kinatatayuan ko at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Javier ay nakatayo sa harap ng mesa ko habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga siya. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot— iyong diretso niyang tingin o iyong sobrang tahimik ng buong office habang pinapanuod ako
Last Updated: 2025-11-24
Chapter: Chapter 3Sabado.Pumunta ako sa doktor ko."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad kong sabi kay Dok Marquez. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya na sa akin noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal namin ng hayop na iyon ay gagamitin ko na lang ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi ako sa amin. Sapat na ang perang naipon ko para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko kong sagot, nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ko ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig ako habang pinapaliwanag ni Dok Marquez ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Extraction.Daily monitoring.Ang pagturok pa raw sa akin kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I
Last Updated: 2025-11-24
Chapter: Chapter 2Napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita ko sa screen na galing sa opisina ni Sir Javier ang linya. Kaagad ko naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na ako nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina kong nasabi. Hindi ko pa tapos.Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina niya."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Mariz na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay kong sagot, ubos na ang lakas ko.Hindi na nakasagot si Mariz nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Javier at niluwa niyon si Marco. Nakatingin lang siya sa akin at alam ko na ang ibig sabihin niyon— galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang ako kay Mariz at saka pumasok sa opisina ni Sir Javier.Sumalubong sa akin ang mga mata niyang nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niya."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir..." Nakayuko lang dahil baka mawala na a
Last Updated: 2025-11-24
Chapter: Chapter 1Pakiramdam ko ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo ko lahat!Halos matapilok na ako habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw kong ma-late! Muntik pa akong masaraduhan. Hinihingal na ako pero hindi nakatakas sa akin ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi ko."Galit na naman si Sir Javier!""Baka masama lang ang gising.""Masama na talaga ang ugali niya!"Mas lalo tuloy akong kinabahan. Napahigpit ako sa hawak kong folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Sol, ikaw pala iyan," tawag sa akin ng isa sa mga marites.Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Hindi dahil sa sikat ako, kung hindi dahil sa—"Secretary ka ni Sir Javier, hindi ba?"Tumango na lang ako. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman ako kaagad sa sling ng ID nila— kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging secretary niya mula nang umupo siya bila
Last Updated: 2025-11-24