ログインSa loob ng dalawang taong pagiging mag-asawa, kailanma'y hindi naramdaman ni Jade Ashbourne-Kingsley ang pagmamahal ng asawa niyang si Evren Kingsley. Tiniis niya ang malamig nitong pagtrato, ang paulit-ulit nitong pagpili sa ibang babae, at ang sakit ng isang kasal na siya lamang ang lumalaban. Ngunit isang gabi, tuluyan na siyang napagod. Humingi siya ng diborsyo, ngunit mariin siyang tinanggihan ng sariling asawa. Kaya nang magpasya siyang sumama sa isang lalaking buong puso niyang pinagkakatiwalaan upang tuluyang talikuran ang nakaraan at ipalasap kay Evren ang sakit na matagal niyang tiniis, isang lihim ang nagpabago sa lahat. Buntis siya. Alam niyang si Evren ang ama ng batang dinadala niya. Ngunit paano niya sasabihin ang katotohanan sa lalaking hindi kailanman pinahalagahan ang kanilang pagsasama? At sa oras na lumuhod si Evren, magsumamo, at gawin ang lahat upang maibalik ang babaeng minsan niyang itinuring na walang halaga... handa pa kaya siyang patawarin ni Jade? O huli na ang lahat para sa kaniya na ngayon lamang natutong magmahal?
もっと見る“Huwag mong sabihing—”“Baka importante ’yon, Preston,” putol ni Jade sa nobyo.“Nandoon si Charlotte, Jade. Ayokong magkita kayong dalawa at mag-away na naman kayo.”“Iiwas ako. Ayoko na ring makipag-away sa kaniya. Ako na ang iiwas. Ako na ang lalayo.”“Jade, look—”“Please, Preston. Just this time,” pakiusap ni Jade habang sinasapo ang braso ng nobyo.Wala nang nagawa si Preston kundi ang bumuntong-hininga. Sa huli, itinuon na lamang niya ang atensyon kay Drax, na nasa kabilang linya pa rin.“Pupunta ako, Drax.”“Okay, Jade. Hinihintay ka na niya.”Sa halip na sumagot pa, pinatay na ni Jade ang tawag bago binalingan si Preston.“Sa Hacienda Ashbourne tayo, Preston.”Napailing ang lalaki. “Sa tingin mo ba, magandang ideya ito kaysa harapin muna ang kasong isinampa sa iyo ni Charlotte?”Ramdam ni Jade ang pag-aalala ni Preston. Naiintindihan naman niya ang nobyo, pero marami pa silang oras para harapin ang kaso. Hindi niya alam kung bakit, ngunit nang sabihin ni Drax na gusto siyang
Hindi pa man sumisikat ang araw, nagising na agad si Jade. Ngayong araw, nakaplano ang pagharap niya sa kasong isinampa ni Charlotte laban sa kaniya. Hindi siya natatakot, sapagkat alam niya sa sarili niyang si Charlotte ang nauna.Lumabas siya sa balkonaheng nakakonekta sa silid ni Preston, kung saan agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Malapit nang mag-Pasko, ngunit heto’t sunod-sunod na problema ang kinakaharap niya. Umaasa siyang sana, bago mag-Pasko, maging masaya na siya sa piling ng lalaking mahal niya.“Baby, pangako, hindi ko hahayaang maranasan mo ang kaguluhang nararanasan ko. I will make sure na bubuhayin kita nang maayos at malayo sa mga taong unti-unting sumisira ng buhay ko,” emosyonal niyang sambit habang sapo ang kaniyang tiyan.“Baby, are you okay?”Napapitlag si Jade nang marinig ang tinig mula sa kaniyang likuran. Nang lumingon siya, bumungad sa kaniya si Preston—na kahit bagong gising ay sobrang guwapo pa rin.“Okay lang ako, Preston.”“You’re not
“Ayos ka lang ba, Jade?” may pag-aalalang tanong ng ina ni Preston nang humiwalay ito sa kaniya.Bagama’t gulat pa rin, tumango si Jade. “A-Ayos lang po.”“Are you sure? Mabuti na lang at dito ka naisipang dalhin ni Preston. You're safe here, Jade.”Hindi alam ni Jade ang isasagot sa babae. Sapagkat sa kabila ng kasinungalingang pinili nilang dalawa ni Preston na sabihin sa mag-asawa, heto’t mabait pa rin ang mga ito sa kaniya. Ni hindi niya nakita sa mukha ng mag-asawa ang anumang sama ng loob. Bagkus, pag-aalala ang nangingibabaw sa kanilang mga mukha.“Dito ka muna manatili hangga’t hindi pa naaayos ang sitwasyon. Hindi ligtas para sa iyo ang lumabas, lalo na’t buntis ka, Jade,” mayamaya’y wika ni Francis.Kagat ang ibabang labi, tumango si Jade. “Maraming salamat po sa tulong niyo. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi—”“No need, Jade.” Sinapo ng ina ni Preston ang pisngi niya at mataman siyang tiningnan. “Wala kang utang na loob sa amin para bumawi. I'm actually happy becau
Mas gugustuhin na lang ni Jade na umiwas sa gulo kaysa makipag-away kay Charlotte. Kaya nang matapos siya, tumalikod na siya. Subalit isang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang bigla siyang pigilan ni Charlotte sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.“Iniiwasan mo ba ako, Jade?!” mariing tanong ni Charlotte.Saglit na hindi kumibo si Jade bago marahas na binawi ang braso mula sa babae. Sa halip na sagutin ito, nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.“Hey, Jade! I am talking to you!” bulyaw pa ni Charlotte.Huminto siya. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago walang emosyong hinarap ang babaeng tila uhaw sa atensyon.“Ano ba, Charlotte? Ayoko ng gulo, okay? Kung gusto mong makipag-away, maghanap ka ng iba. Huwag mo akong idamay sa pagiging war freak mo!” bulalas ni Jade sa babae.Humalakhak si Charlotte bago dinukot ang cellphone sa bag. Walang ideya si Jade kung ano ang gagawin nito. Ngunit hindi nagtagal, bigla na lamang nitong itinutok sa kaniya ang cellphone.“OM






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビュー