Chapter: Chapter 5Mabilis kong tinabing ang mga kamay niya sa dibdib ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakasandal ko sa pader pero malakas ang mga kamay niyang pinigilan ako.“Huwag mo akong hawakan!” sigaw ko sa kaniya.“Then explain to me why you’re not wearing a fucking bra?”“May suot akong nipple bra!”Naka shoulder dress kasi ako kaya naman nagpasya akong nipple bra na lang ang isuot ko. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang migiging reaction ng isang ito.Hindi ko rin naman alam kung bakit napunta dito ang usapan namin. At hindi ko rin alam bakit ito nandito sa aking kwarto.“What is a nipple bra?!” naguguluhang tanong nito.“Edi bra!” galit kong sagot. “Pakawalan mo nga ako!”Muli kong sinubukan kumawala sa nakaharang niyang mga kamay sa magkabilang gilid ko, pero tulad kanina, hindi ako nagtagumapay.“Change your clothes and wear a bra.”“Ano?!”“Magsuot ka nang ibang damit at bra bago kita pakawalan!”We’re not even close, pero kung umasta ang isang ito tila magkasintahan kaming nag-away lang
Huling Na-update: 2025-11-27
Chapter: Chapter 4Kaba.Ito ang nararamdaman ko ngayon habang tinatanaw ang paglakad ni Locke patungo sa pangalawang palapag nitong kanilang mansyon.Kaba ang nararamdaman ko dahil sa pagbabanta niya.Paano kung gawin niya ang banta niya? Paano kung hindi ko magawa ang plano kong sirain ang kanilang pamilya dahil sa kaniya?Bumuntonghininga ako.Wala pa akong naranasan sa pakikipagtalik. Kaya kinabahan ako nang marinig ko ang ipaparusa nito sa akin. Subalit kung balak kong sirain ang kanilang pamilya dapat ay inisip ko na ito.Hindi maaakit ang mag-ama sa akin kung hindi ko idadaan ito sa ganoong paraan.Bahala na!Papaamuhin ko muna si Locke upang hindi ako mapalayas dito sa kanilang mansyon. At paano ko gagawin iyon? Iyon ang pag-isipan ko!“Oh, nasaan si Locke, hija?” tanong ni Kelly Salvador nang matagpuan ako nitong nakatayo pa rin sa malawak nilang tanggapan.Itinuro ko ang hagdan bago ako bumaling sa ginang.“Pumasok po yata sa kaniyang kwarto,” mahinang wika ko ngunit sapat na upang marinig ako
Huling Na-update: 2025-11-27
Chapter: Chapter 3Narito na kami sa harapan ng malaking gate ng mga Salvador. Kasama ko si Aleng Rosa at ang isa niyang kasambahay, para kapag iniwan ako nito sa mansyon ng mga Salvador ay may kasama itong uuwi.Positibo talaga akong makakapagtrabaho sa mga Salvador dahil ang linapitan ko ay sobrang malapit din sa kanila—si Aleng Rosa. Batid ko kasing hindi ito matitiis ng mga Salvador na siyang ikanatutuwa ko.Bumukas mag-isa ang malaking gate na nasaaming harapan. Ang malakaw na Hardin at may fountain sa gitna ang siyang bumungad sa amin. Pamilyar na ako sa lugar dito dahli nga madalas akong sumama noon kay mama sa pagtratrabaho dito. May ibang nagbago pero bilang lamang sa diliri ko ang mga ito. Tulad na lang ang isang duyan malapit sa puno ng mangga. At greenhouse malapit sa tirahan ng mga aso.Mga iba’t ibang bulaklak ang siyang nakapalibot sa amin. At kung wala lang ang sementong pathway papunta sa pinto ng mansyon ay mistulang nasa kagubatan kami na mayroon iba’t ibang klaseng bulaklak.Pinagmas
Huling Na-update: 2025-11-27
Chapter: Chapter 2Si Lucy ang nag-iisang kaibigan ko magmula nang mag-aral ako. Simula preschool hangang high school ay magkaklase kami nito. Kaya nakakalungkot man ang pasya ko, hindi pa rin ako nagsisisi dahil tama nga siguro wag na siyang madamay sa plano kong ito.Kung sisirain ko man ang buhay ko, mas magandang hindi na nga ako mandamay ng malapit sa buhay ko.Patungo ako ngayon kay Aleng Rosa. Si Aleng Rosa ay dating katiwala sa mansyon ng mga Salvador. Tumigil lang ito sa paglilingkod sa mga Salvador dahil nakapagtapos na lahat ang mga anak niya at ngayon siya ay nasa maayos na kalagayan. Hindi na niya kailangan magtrabaho dahil kinupkop siya ng mga anak.Marahil gano’n din siguro ang plano ng mga magulang ko. Ngunit dahil may mga edad na rin at nagkasakit ay halos ituon nila ang buhay nila sa mga Salvador. Ang mga Salvador na hindi tama ang pasahod at trato sa mga trabahador.“Hija, anong sadya mo?” salubong sa akin ng isang kasambahay nina Aleng Rosa.Habang tinatanaw ang malaking bahay nina A
Huling Na-update: 2025-11-27
Chapter: Chapter 1 “Talitha, ang mga Salvador,” huling wika ni papa bago siya lagutan ng hininga.Matagal na nagsisilbihan si papa sa mga Salvador. Isa siyang driver doon. At ang aking namayapang mama naman ay isang katulong sa mga ito.Namatay siyang nagsilbi sa mga Salvador. Namatay siyang wala kaming natanggap ng kahit ano sa mga ito. Kahit kaonti tulong man lamang.Nang namatay ang aking mama ay nabaon sa utang ang aking papa dahil wala kaming sapat na pera para sa pagpapalibig ni mama. Kaya doble kayod si papa para lamang mabayaran ang mga utang nito.Namasukan din siya ng hardinero sa mga Salvador. At kahit may sakit ito sa puso, ayaw pa rin nitong tumigil sa paglilingkod sa mga Salvador.Samantalang ako, kakatapos lang sa high school. Nais ko man tumungtong sa kolehiyo, ngunit nais ko nang tulungan si papa sa bayarin at sa mga utang niya.Malaki ang pasahod ng mga Salvador na naririnig ko sa mga trabahador ng mga ito. Ngunit bakit nabaon sa utang si papa at walang ipon si mama kung malaki ang pas
Huling Na-update: 2025-11-27