His Obsession is My Sweetest Revenge

His Obsession is My Sweetest Revenge

last updateLast Updated : 2025-11-27
By:  KulalaiiiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nawala ang mga magulang ni Talitha dahil sa kagagawan ng pamilya Salvador. Kaya ang paghihiganti ang tanging tibok ng kanyang puso. Upang magkawatak-watak ang mga ito, pumasok si Talitha sa mansion nila bilang isang katulong. Ang kaniyang plano? Akitin ang ama ng tahanan at ang nag-iisang anak nilang lalaki. Naniniwala si Talitha na madali niyang maisasagawa ang kaniyang plano—dahil siya ang palay na kusang lalapit sa mga manok. Ngunit nang makilala niya si Locke Salvador, ang tanging tagapagmana, nagbago ang lahat. Si Locke ay singlamig ng yelo at tila walang interes sa sinuman. Kaya ang laro ay bumaliktad: Mula sa pagiging mang-aakit, bigla siyang naging biktima ng mapanganib na atensyon ni Locke. Ngayon, hindi na lamang paghihiganti ang laro. Kailangang maging handa si Talitha na gamitin ang nakakapasong obsesyon ni Locke para matapos ang misyon na nagsimula sa paghihiganti at pighati.

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Talitha, ang mga Salvador,” huling wika ni papa bago siya lagutan ng hininga.

Matagal na nagsisilbihan si papa sa mga Salvador. Isa siyang driver doon. At ang aking namayapang mama naman ay isang katulong sa mga ito.

Namatay siyang nagsilbi sa mga Salvador. Namatay siyang wala kaming natanggap ng kahit ano sa mga ito. Kahit kaonti tulong man lamang.

Nang namatay ang aking mama ay nabaon sa utang ang aking papa dahil wala kaming sapat na pera para sa pagpapalibig ni mama. Kaya doble kayod si papa para lamang mabayaran ang mga utang nito.

Namasukan din siya ng hardinero sa mga Salvador. At kahit may sakit ito sa puso, ayaw pa rin nitong tumigil sa paglilingkod sa mga Salvador.

Samantalang ako, kakatapos lang sa high school. Nais ko man tumungtong sa kolehiyo, ngunit nais ko nang tulungan si papa sa bayarin at sa mga utang niya.

Malaki ang pasahod ng mga Salvador na naririnig ko sa mga trabahador ng mga ito. Ngunit bakit nabaon sa utang si papa at walang ipon si mama kung malaki ang pasahod ng mga ito?

Bakit nahihirapan pa rin kami sa buhay kung halos kalahating buhay ng mga magulang ko ay nagsilbi sa mga Salvador?

Kung totoo ngang malaki ang pasahod nila, hindi na sana nagtiis si mama sa sakit nitong diabetes—ang sanhi ng kaniyang pagpanaw. Hindi na sana naghihirap si papa sa pagbayad ng kaniyang utang habang may sakit siya sa puso.

O baka naman dahil hindi sapat ang pasahod ng mga Salvador sa magulang ko kaya sila nagkaganito?! Kaya sila naghirap dahil sa tuwing pasahod ay kulang ang natatanggap na pera ng magulang ko?

Dahil hindi nag-aral ang magulang ko kaya madali lang nilang lokohin ang mga ito?!

Unti-unti nabuhay ang galit sa puso ko habang tinatanaw ang magkatabing puntod ng mga magulang ko. Kanina pa umaagos ang luha ko dahil sa pighati, at ngayon naman ay mas lalo akong naiyak dahil sa galit.

Galit sa mga Salvador.

Galit sa kanila dahil tila wala silang pakialam sa mga namayapa kong mga magulang. Kahit pekeng pakikipaglamay ay hindi man nila nagawa!

“Talitha, umuwi na tayo,” wika ni Lucy sa tabi.

Siya ang nag-iisang kaibigan ko. Ang kaniyang mga magulang ay nanglilingkod din sa mga Salvador. Ngunit ang kanilang buhay ay ibang-ibang sa amin. Nakakaangat sila subalit kami ay baon pa rin sa utang.

At dahil ako na lamang ang nag-iisa sa buhay. Ako ang mapapatuloy sa pagbabayad ng utang ni papa.

“Kailangan munang magpahinga, Talitha. Dalawang araw ka nang walang tulog,” paalala ni Lucy ngunit binalewala ko lamang ito.

 Hinagod ni Lucy ang likod. Ngunit wala akong maramdaman na ginhawa mula rito.

Galit.

Galit ang namumuo ngayon sa akin. Galit sa mga Salvador. Galit na alam kong kapag wala akong ginawa ay dadalhin ko ito sa buong buhay ko.

“Lucy, tulungan mo ako…” Tumingin ako rito. “Tulungan mo akong makaganti.”

“Huh?”

Kitang kita ko ang pagkalito sa mukha ni Lucy.

“Tulungan mo akong makaganti sa mga Salvador.”

Lumayo nang bahagya sa akin si Lucy. Ang Kunot-noo nito ang nagpapatunay na hindi nito naintindihan ang tinuran ko.

“Ang mga Salvador ang siyang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang ko,” klarong wika ko rito.

“Ano? Bakit sila, Talitha? Hindi kita maintindihan,” umiliing na sagot sa akin ni Lucy.

Ako naman ngayon ang kumunot ang noo dahil sa inasta ng aking kaibigan.

Hindi niya ba nakikita ang lahat? Hindi niya ba nakikita ang agwat ng aming buhay?! Pareho lang naman nagtratrabaho ang mga magulang namin sa mga Salvador. At nang namatay ang lola niya, hindi ba’t pumunta ang haligi ng tahanan ng mga Salvador? At sa amin ay hindi man lang nagpakita kahit amino nila?

Hindi ba nito nakikita na pinagmalupitan ang mga magulang ko?! Tila kinawawa nila ang mga ito.

“Tulungan mo akong makapasok sa mga Salvador, Lucy.”

“Hindi ka magkokolehiyo?”

Tanging pag-iling lamang ang sagot ko sa aking kaibigan.

“Nais ko lamang gumanti Lucy. Nais kong sirain ang kanilang masayang buhay. Nais kong magkawatak-watak din silang pamilya,” puno ng galit ang tono ko.

“Hindi kita maintindihan, Talitha. Hindi talaga. Bakit mo sinisisi ang pamilyang Salvador sa pagpanaw ng mga magulang mo? Batid mong sakit ang dahilan kung bakit sila nawala.”

“Ano ang hindi mo maintindihan, Lucy!” Napalakas ang boses ko dahilan nang pag-atras ni Lucy.

Umiling lamang sa akin si Lucy. Tila ba hindi ito makapaniwala kung bakit ko ito napagtaasan ng boses.

“Sila ang dahilan, Lucy. Tignan mo ang agwat natin. Mas maginhawa ang buhay ninyo kumpara sa amin. Mas matagal nang nagsisilbihan ang mga magulang ko sa mga Salvador kaysa sa magulang mo, subalit ganito pa rin kami!”

“Dahil marunong silang humawak ng pera, Talitha.”

Natawa ako. Tawang walang buhay.

“At sa tingin mo ang mga magulang ko ay waldas lang ng waldas sa pera, Lucy?” mapait kong wika.

Umiling si Lucy, “Hindi yan ang nais kong sabihin, Talitha.”

Mapait akong ngumiti.

“Kung hindi mo ako tutulungan, mag-isa akong kikilos.”

Nataranta si Lucy sa tinuran ko. Hinawakan nito ang braso ko ngunit mabilis ko itong winasiwas na siyang kinalungkot ng kaniyang mukha.

“Hindi maganda ang magbintang, Talitha. At mas lalong hindi magandang maghiganti. “

“Nasasabi mo lamang ‘yan dahil hindi ikaw ang nasa posisisyon ko!”

Natameme si Lucy. Dahilan kung bakit namayapa ang katahimikan sa amin.

Kung hindi ako tutulungan nito, kaya ko naman mag-isa ang planong ito.

“At paano ka maghihiganti?” malumanay na tanong ni Lucy.

Nabuhayan ako dahil sa tanong niya. Nabuhayan ako dahil batid kong tutulungan ako nito ngayon. Dahil batid kong hindi ako matitiis ng aking kaibigan.

Ngumiti ako. Naramdaman ko ang saya sa ngiti ko dahil batid kong may makakasama ako ngayon sa aking plano.

“Papasok akong katulong sa mga Salvador. Lalapit ang palay sa mga manok.”

Umiling si Lucy. Tila hindi gusto ang lumalabas sa bibig ko. Ngunit pinagsawalang bahala ko muli siya.

“At alam mo kung sino ang palay at mga manok?”

Muli akong tumawa. Tawang may pait at puot.

“Ako ang palay at ang mag-ama ang mga manok.”

Bumuntonghininga si Lucy. Umiling muli ito.

Ang kaninang positibo kong akalang may makakasama ako sa aking plano ay unti-unting naglaho nang marinig ko ang sagot nito.

“Hindi kita matutulungan sa plano mo, Talitha.”

Tumawa muli ako. Mukhang baliw na ako katatawa pero wala akong pakialam.

Akala ko naman…

“Hindi kita matutulungan sa kabaliwan mong ito.”

Tumigil ako sa pagtawa at tinignan ang nag-iisang kaibigan ko. Hindi ako nagpakita ng emosyon dito. Katulad nang unti-unting pagdilim ng mga mata ko sa kanya.

“Kung gano’n ay pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin,” wika ko bago ko siya tinalikuran. Hindi na hinintay ang pagsang-ayon niya o ang hindi nito pagsang-ayon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status