
The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed
Akala ni Samantha, sapat na ang pagmamahal para iligtas ang isang kasal pero nagkamali siya.
Bilang asawa ni Terrance, isang lalaking cold at makapangyarihang CEO ng Reyes Holdings, tiniis ni Samantha ang isang relasyong hindi mo masasabing gugustuhin mong magkaroon, hanggang sa dumating ang sukdulang pagtataksil. Hindi lang mula sa asawa niya, kundi mula sa sarili niyang kapatid na si Althea.
Durog man at sobrang wasak ang puso, iniwan ni Samantha ang lahat, ang apelyido, ang yaman, at ang lalaking minsan niyang minahal. Umalis siya dala ang tanging kayamanan niya, ang lihim na hindi kailanman nalaman ni Terrance.
Limang taon ang lumipas, bumalik si Samantha sa Pilipinas bilang isang respetadong doktor, tahimik na namumuhay kasama ang anak niyang si Sevi—ang anak na hindi alam ni Terrance na sa kaniya pala.
Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Ayaw na niyang humingi ng kahit ano. Laluna sa lalaking minsang sumira sa kaniya.
Pero hindi marunong makisama ang tadhana.
Sa muling pagtatagpo nila dahil sa may sakit na lola ni Terrance, unti-unting bumabalik ang mga alaala, at mga katotohanang matagal nang nakabaon.
Ngayon, habang unti-unting nabubunyag ang mga lihim, mapipilitan si Terrance na harapin ang mga desisyong minsan niyang tinakasan.
Samantala, kailangang pumili si Samantha, kung gaano kalayo ang kaya niyang gawin para protektahan ang buhay na binuo niya… at ang anak na ipinangako niyang hindi mawawala sa kaniya.
Sa mundong puno ng kapangyarihan, pagtataksil, at pagmamahal na hindi tuluyang nawala, may mga tanong na hindi na kayang takasan.
Read
Chapter: Chapter 5 - The Questions I Refuse to AnswerSamantha’s POVNasa gitna ako ng chart review nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Hindi ko sana papansinin, kasi sanay na akong i-off ang phone ko kapag nagtatrabaho pero may kung anong kaba sa dibdib ko na pumilit sa aking silipin ang screen.Isang mensahe lang.Mula kay Marco Villanueva, kaibigang doktor ko na minsan nang naging resident dito sa ospital nila Terrance sa R.Central, actually siya rin ang nag offer sa’kin nung una pero tinatanggihan ko sabi ko pa ay hindi pa ako handa.Binasa ko ang message niya.“Sam, nakita ka raw ni Terrance kahapon.” Nanikip ang sikmura ko. Hindi ko pa man nabubuksan ang kasunod na mensahe, parang alam ko na ang kasunod. At tama nga ako.Isang litrato ang sumunod.Isang batang lalaki, may suot na asul na school uniform, maliit na backpack sa likod, at pamilyar na tindig. Ang mga mata niya ay namana niya sa kanyang Daddy, habang ang hugis naman ng mukha ay naman niya sa’kin. Si Sevi.-*-Terrance’s POVMy office is
Last Updated: 2026-01-13
Chapter: Chapter 4 - The One Thing I Will Never LoseSa likod ni Terrance, agad kong nakita ang lumang recliner na may burdang puting antimacassar, halatang matagal nang hindi pinapalitan.At doon, nakasandal at may hawak na rosaryo sa kanang kamay, habang nakapikit at kita mo sa kanyang hirap siyang makahinga. si Madam Sylvia. Biglang nanikip ang dibdib ko.Pinilit kong maging matatag, nararamdaman ko ang pagkalungkot ko bigla dahil sa mga alon na alaala. Gusto kong sabihin sa sarili kong, hindi ngayon! At hindi pwede sa bahay na ito! Kung tutuusin, natutunan ko ng magpigil ng emosyon. Pero sa lahat ng tao sa pamilyang ito, siya lang ang bukod tanging kailanman hindi ko natutunang talikuran ng puso ko. “Kung hindi mo ibabalik si Samantha sa bahay na ’to—” biglang umalingawngaw ang boses ni Madam Sylvia habang pinapalo ang hawakan ng upuan gamit ang tungkod niya, “—huwag mo na akong tawaging lola!”Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang bigat ng hangin, parang may nakasabit na salita sa kisame. Parang
Last Updated: 2026-01-13
Chapter: Chapter 3 - Old Wounds, Old HouseKumunot agad ang noo ng hospital director. “Miss De Vera,” mariin niyang sabi, ramdam ko ang pigil na galit sa boses niya, “please watch your words.”Tahimik ang corridor, pero ramdam ko ang biglang pagbabago ng hangin. Hindi dahil sa sigaw, kundi dahil sa pangalan ng babaeng kaharap namin.Si Althea. Ang balita ko ay isa na siyang sikat na artista, tinitingala. Kaya ganun na lamang niya ako tratuhin kanina dahil sa kakapalan na ng mukha niya, sanay na sanay talaga siyang mataas ang tingin sa sarili. Sandaling napatigil siya, halatang hindi inaasahan ang pagsita ng hospital director sa kanya. Pero agad din niyang itinaas ang baba niya, parang walang narinig.“Fine,” sabi niya, na parang walang pakialam. “Kung ganon, sakto naman pala. Masama ang pakiramdam ng mommy ko lately. Ikaw na ang tumingin. Don’t worry, money is not an issue.” kinindatan niya rin ako pabalik. Napangiti ako.Hindi dahil natutuwa ako.Kundi dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko.“Sorry,” sabi ko,
Last Updated: 2026-01-13
Chapter: Chapter 2 - The First Collision“You don’t have to do that, baby. Hindi ba’t sabi ko sayo. Gagawin ni Mommy lahat? So, who knows baka kaya naman ni Mommy na bilhan ka ng limited edition na car pero paglaki mo pa.” tiningnan ko siya sa rear mirror, at nahuli ko ang pag ngiti niya sa sinabi ko pero mayamaya lang ay narinig ko ang malalim na paghinga niya. Ang kaninang nakangiti ay ngayong salubong ang kilay na tiningnan din ako sa rear mirror. “Pero Mommy, hindi po ba unlimited ang card mo po.”Mahinang bulong ni Sevi, paano niya nalaman ang bagay na ‘to?“Who told you that?” mahinahong tanong ko, diretso ang tingin ko sa kalsada.“U-uhm, I heard you fighting over the phone, Mom. And nasabi mo po sa kausap mo na may nag hack ng card mo po eh unlimited yung card mo po.”Hindi ako sumagot agad. Nakatuon ang mata ko sa traffic sa harap—mabagal, halos gumagapang. Ramdam ko na namang sumisikip ang sentido ko. “Hindi unlimited,” sagot ko sa wakas, kasabay din ng pag andar ng mga sasakyan. “May limit ‘yon.”“Ah,” tumango s
Last Updated: 2026-01-13
Chapter: Chapter 1 - The Night I Finally Walked Away“Kuya Terrance… u-uhm, okay lang ba talaga na dito muna ako mag-stay ngayong gabi?”Iyon ang unang narinig ko pagdating ko sa bahay.Nakahinto pa ang kamay ko sa door knob, gustuhin ko mang buksan agad nag pinto ngunit para bang may nagsasabing dito lang muna ako. Bahagyang nakabukas ang pinto, at mula sa siwang ay tumagos ang liwanag ng chandelier sa sala, kasabay ng isang tanawing matagal ko nang kinatatakutan pero pilit kong binabalewala noon pa man. Isang pares ng puting high heels ang maayos na nakapatong sa shoe rack.Hindi sa’kin, oo. Hindi sa’kin ang high heels na ‘yun. Huminga ako nang malalim bago tuluyang itinulak ang pinto.At doon ko sila nakita.Si Althea, ang kapatid ko sa ama, at ang babaeng pilit kong ipinagkakatiwalaan sa loob ng tatlong taon ng kasal ko, ay nakahawak sa braso ng asawa ko. Bahagya siyang nakasandal kay Terrance, parang natural na natural ang puwesto niya roon, na para bang siya ang may karapatan sa asawa ko. Hindi niya binitiwan ang braso ni Terran
Last Updated: 2026-01-13