Chapter: Chapter 285Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Aera.Malabo ang kanyang paningin sa una.Puting kisame.Malamig na ilaw.At isang pamilyar na pigura na nakaupo sa tabi ng kanyang kama.Si Ethan.Nakayuko ito habang hawak ang kanyang kamay.Halatang ilang araw nang hindi nagpapahinga.Magulo ang buhok.Maitim ang ilalim ng mga mata.At tila pumayat pa.Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri.Agad na napaangat ang ulo ni Ethan.Nanlaki ang mga mata nito."Aera?"Mahina siyang ngumiti.Ngunit bago pa siya makapagsalita ay mabilis na tumayo ang lalaki.Parang natatakot na baka panaginip lamang ang lahat."Aera..."Bahagyang namamaos ang boses nito.Hindi niya alam kung ilang beses nitong binigkas ang kanyang pangalan sa nakalipas na tatlong araw.Tiningnan niya ito nang mabuti.At agad siyang nakaramdam ng kirot sa puso.Dahil mas mukha pang siya ang nasaktan kaysa sa kanya."Ang pangit mo."Mahina niyang biro.Natigilan si Ethan.Pagkatapos ay bahagyang natawa.Isang mahinang tawa na may halong pagod at ginhawa."
Dernière mise à jour: 2026-06-05
Chapter: Chapter 284Alas-nuwebe y medya nang magsimula ang press conference.Punong-puno ng mga mamamahayag ang conference hall.Sa gitna ng entablado ay nakatayo si Aera habang hawak ang remote ng projector.Sa kanyang likuran ay ang lahat ng ebidensyang maglilinis sa pangalan ng Dela Cruz Atelier.Sa ibaba naman ng entablado, tahimik na nakaupo si Ethan.Ngunit hindi siya nakikinig sa presentasyon.May kung anong hindi mapakali sa kanyang dibdib.Parang may paparating na panganib.Samantala, sa kabilang gusali...Tahimik na nakapwesto ang isang sniper.Nakatutok ang rifle nito sa dibdib ni Aera.Nakadiin na ang daliri nito sa gatilyo.Sa loob ng conference hall, tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Aera."Ang lahat ng ebidensyang ito ay magpapatunay na may planadong sabwatan upang sirain ang aming kumpanya."Lumabas sa malaking screen ang mga dokumento.Nagkagulo ang mga reporter.Sunod-sunod ang flash ng kamera.Pagkatapos ay lumitaw ang pangalan ni Chang Tan.Kasabay noon—Humigpit ang daliri ng sniper.At pinindot ni
Dernière mise à jour: 2026-06-05
Chapter: Chapter 283Alas-sais ng umaga. Kakaunti pa lamang ang gising sa buong lungsod.Nang lumabas si Aera mula sa gusali ng kumpanya habang hawak ang external hard drive, bahagya pa lamang nagliliwanag ang kalangitan.Hindi na niya pinasama ang kanyang asawa.Buong gabi itong gising at halatang pagod na pagod. Maitim ang ilalim ng mga mata nito kaya halos pilitin niya itong maupo sa sofa ng lounge.“Matulog ka na muna ng dalawang oras,” sabi niya.“Pumunta ka samin ng alas-otso. Ang press conference ay alas-nuwebe y medya.”Naibalik ni Ethan ang mga ebidensya na nawala kina Aera, kaya kailangan agad ng babae na magsagawa ng press conference upang iligtas ang reputasyon at negosyo ng kumpanya.Tumingin siya rito ngunit hindi nakipagtalo.Nang tumalikod na siya para umalis, hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Isama mo si Tj, hindi ka na pwedeng umalis ng hindi mo siya kasama.”Si Tj ang bagong tauhan na kinuha ni Ethan upang maging personal na bantay ng kanyang asawa.“...Sige.”Si Tj ang nagmamaneho ng
Dernière mise à jour: 2026-06-04
Chapter: Chapter 282Nang dumating si Ethan sa kumpanya ng kanyang asawa, ang Design Department na lamang ang may ilaw sa buong palapag.Si Roan at dalawa pang designer ay nakaupo sa harap ng ilang computer, abala sa trabaho. Naka-seal pa rin ng pulisya ang karamihan sa mga propesyonal na kagamitan ng departamento.Nang makita nilang pumasok si Ethan, bahagya silang kinabahan.“Nasaan si Aera?” tanong niya.“Si Miss Aera po?... nasa opisina po,” maingat na sagot ni Roan.“Kasama niya si Miss Suzy. Tatlong oras na siyang nasa loob. Wala siyang sinasabi at ayaw rin niyang may pumasok.”Tumango ang lalaki at naglakad patungo sa opisina sa dulo ng pasilyo.Binuksan niya ang pinto.Nakita niyang nakaupo sa sofa ang kanyang asawa.May lumang photo album sa kanyang kandungan.Katabi nito si Suzy. Nang makita nito si Ethan, tahimik itong tumayo at lumabas ng silid, saka marahang isinara ang pinto.Lumapit si Ethan at lumuhod sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nito tiningnan.Marahang hinaplos ng kanyang mga daliri a
Dernière mise à jour: 2026-06-03
Chapter: Chapter 281Dumating na ang panahon ng tag-ulan.Nakatayo si Zach sa harap ng bintana habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na dumadaloy pababa sa lumang salamin.Ikapitong araw na nila sa maliit na bayan malapit sa hangganan.Halos magaling na ang sugat sa kanyang lalamunan.Hindi na masakit magsalita, ngunit mas mababa na ang kanyang boses kaysa dati at may magaspang na paos na tunog.Kapag tumitingin siya sa salamin, halos hindi na niya makilala ang sarili.Sobrang pumayat siya.Lumitaw ang kanyang cheekbones sa ilalim ng manipis na balat.Lumubog ang kanyang mga mata.Ang kanyang jawline ay tila inukit ng matalim na kutsilyo.At ang dati niyang mga mata ay wala nang anumang bakas ng liwanag.Sabi ni Chang, maganda raw ang hitsura niyang iyon.Hindi na siya katulad ng dating mayabang na CEO ng Tuazon Group.Mas mukha raw siyang isang taong nakabalik mula sa impiyerno.Walang sinabi si Zach.Hindi niya kailangang maging katulad ng kahit sino.Isa lang ang kailangan niya, ang manalo.Sa ikaapat na gab
Dernière mise à jour: 2026-05-30
Chapter: Chapter 280Samantalang sa Baguio, nakatakda na ang press conference ng alas-tres ng hapon. Alas-diyes pa lang ng umaga, nakaupo na si Aera sa pansamantalang opisina ng Design Department, huling beses na sinusuri ang mga ebidensyang ipapakita sa press conference.Nakatayo sa tabi niya si Chriztle. Magkatabi silang nakatitig sa monitor habang isa-isang tinitingnan ang mga scanned copy ng mga draft at iba pang dokumentong nagsisilbing ebidensya.Seryoso silang tinitingnan ang mga ebidensya nang may kumatok sa pinto.Pumasok si Suzy na may dalang dalawang tasa ng kape at inilapag ang mga iyon sa mesa.Kagabi lang ay opisyal na siyang lumipat sa apartment ni Aera upang samahan ito sa gitna ng lahat ng kaguluhan.Hindi na tumanggi si Aera.Alam niyang sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya kailangan magpanggap na kaya niya ang lahat mag-isa.“Kinumpirma na ni Shawn,” sabi ni Suzy.“Inaprubahan na ng korte ang preservation order para sa mga ebidensya. Mamayang hapon, ise-seal nila ang mga orihinal na draft
Dernière mise à jour: 2026-05-27

The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?
Sa araw mismo ng prenatal check-up ni Arabella, nahuli niya ang asawa niyang si Nathaniel Monteverde na may kasamang ibang babae. Mas masakit pa roon, malamig siyang itinanggi nito sa harap ng kabit.
Akala ni Nathaniel, pagbubuntis lang ang dahilan kung bakit sila nauwi sa kasal.
Kaya matapos maisilang ni Arabella ang kanilang anak, tahimik siyang pumirma ng annulment at tuluyang nawala sa buhay nito.
Ngunit limang taon ang lumipas, hindi na ang dating mahina at api-apihang Arabella ang bumalik. Isa na siyang matagumpay at magandang businesswoman na hinahangaan ng marami.
At habang unti-unti na siyang masaya sa buhay na wala si Nathaniel, saka naman muling bumalik ang lalaking unang gustong kumawala sa kanilang kasal.
Ngayon, ayaw na siyang pakawalan nito—lalo na nang balak na niyang magpakasal sa ibang lalaki.
“Arabella, huwag na huwag mong iisipin na magpapakasal ka sa ibang lalaki.”
Napabuga ng hangin si Arabella.
“You rejected me first, remember?”
Lire
Chapter: Chapter 147Malamig siyang tinitigan ng lalaki, biglang umangat ang isang mapangasar na ngiti sa gilid ng labi nito. Napansin ni Arabella ang pangungutya sa mga mata ni Nathaniel kaya bahagyang kumunot ang noo niya. Ano bang ibig sabihin nito?Ilang sandali lang, lumapit si Valentina kay Nathaniel at malambing na kumapit sa braso nito. “Babe, anong tinitingnan mo?”Nang yumuko si Valentina sa direksyon kung saan naka tingin ang lalaki, agad niyang nakita sina Lhanze at Arabella. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Samantala, ibinaba ni Arabella ang kanyang tingin at iniwas na lang ang mga mata. “Tara na,” sabi ni Lhanze. Bahagyang tumango ang babae. “Hmm.”Sabay silang naglalakad patungo sa unahan, ngunit hindi nagtagal ay may nakasalubong silang mga kakilala kaya naman muli silang napahinto upang makipag kwentuhan. Samantala, nanatiling nakasabit ang braso ni Valentina sa braso ni Nathaniel habang magkasama silang bumababa sa hagdan. Ang suot ni Valentina ay isang puting f
Dernière mise à jour: 2026-10-03
Chapter: Chapter 146Bago mag-alas-siyete ng gabi, naihatid na ni Arabella si Callie sa bahay nito. Ayaw pa sanang umuwi ni Callie at ilang beses pa itong kumaway kay Arabella bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Nang makauwi sila Arabella at Joshua ay halos alas-otso na ng gabi. Pagpasok nila ng bahay, dumiretso sila sa sala. Nandoon din si Lhanze. Nasa byahe sila pauwi nang makatanggap ng tawag ang babae mula sa kuya niya, sinabi nito na nasa bahay nila si Lhanze. Kinabukasan ay pupunta ng manila ang magulang ni Lhanze, kaya ngayong araw ay pumunta siya sa bahay nila Arabella para sunduin si Quinn at ang anak nito. Pero hindi agad sila pinaalis ng mag-asawa hangga’t hindi sila kumakain ng hapunan. Bandang alas-tres pa lang ng hapon nang dumating si Lhanze sa bahay nila, at saka lang niya nalaman na wala pala roon si Arabella. “Professor.” magalang na bati ni Arabella. Bahagyang ngumiti si Lhanze bilang tugon, saka pinagmasdan ang dalawang sabay na dumating. Lumapit si Joshua sa sofa at kumporta
Dernière mise à jour: 2026-10-02
Chapter: Chapter 145Mabilis na binawi ni Nathaniel ang kanyang tingin sa dalawa at agad niyang pinasok ang kanyang sasakyan sa loob ng bahay. Samantala, minaneho naman ni Arabella ang kanyang sasakyan palabas ng village.Napatingin si Joshua sa babae, at marahang nagtanong. “Sa tingin mo ba, alam na niya kung sino ka?”Kalmadong nakatingin si Arabella sa daan. “Hindi ko alam, kung wala naman siyang sinabi isipin na lang nating wala pa rin siyang alam.”Kanina pa man, tila may hinala na si Irish tungkol sa kanya. Paano pa kaya si Nathaniel na matalino at mapagmasid. Mahal na mahal nito si Callie. At least, sa puso nito kapag pinagkumpara si Callie at Valentina walang duda na uunahin pa rin nito ang kanyang anak. Ngayon naman na siya ang gusto ng bata, hindi naman ito humahadlang. Para kay Arabella, sapat na makasama niya si Callie at magkaroon siya ng pagkakataong makita at alagaan ang bata sa mga susunod na araw. Hindi na nagtanong pa si Joshua, alam niyang alam ni Arabella ang ginagawa niya. “By t
Dernière mise à jour: 2026-10-01
Chapter: Chapter 144Hindi pa kailanman nakita ni Irish si Arabella noon, pero syempre alam niyang nagkaroon ng ganitong babae sa buhay ni Nathaniel. Alam niyang hindi ito gusto ng mga Monteverde, maging si Nathaniel ay ayaw din sa kanya. Dati iniisip niya na ang isang babaeng gumamit ng surrogate arrangement para lang makapasok sa isang mayamang pamilya ay tiyak na gagawin ang lahat para manatili sa tabi ni Nathaniel.Kahit gaano pa kasakit, malamang ay kakapit ito sa position nito bilang asawa ni Nathaniel. Pero ang hindi niya inaasahan na iba pala si Arabella, matapos nitong ipanganak ang nag-iisang anak na babae ng mga Monteverde agad siyang umalis. Maaari sana nitong gamitin ang bata para mas patatagin ang posisyon niya. Ngunit bigla na lamang siyang nawala ng parang bula, ni bakas ay hindi rin siya nag-iwan. Sa totoo lang, dahil doon ay hindi niya maiwasang magkaroon ng ibang tingin dito. Bahagyang tumawa ang kanyang asawa. “Baka tama nga ang pakiramdam ko.”Nanlaki ang mga mata ni Irish. “Kung
Dernière mise à jour: 2026-10-01
Chapter: Chapter 143Nang mapansin ni Julius na ayaw nang magsalita ni Nathaniel tungkol dito, hindi na siya muling nagtanong pa. Samantala, ang dalawang bata naman ay nakaramdam na ng gutom.Dinala nina Arabella at Yrish ang dalawang bata sa indoor lounge area para magpahinga. Nakahanda na roon ang mga meryenda para sa kanila. Pinapakain ni Callie si Arabella ng cake, kumagat naman ang babae sa iniaalok ng bata. Saka niya marahang hinaplos ang maliit nitong ulo, tinitigan niya ang namumulang pisngi ng kanyang anak at malumanay na sinabi,“Ikaw na ang kumain Callie, hindi pa naman ako nagugutom.”Nakaupo sila sa tapat ni Yrish na nakangiti silang pinagmamasdan. “Close talaga kayong dalawa ano?”Bahagyang ngumiti si Arabella. “Hehe hindi naman masyado, mahilig lang talaga ako sa mga bata.”Sa msa sandaling nagkwentuhan sila ni Yrish kanina, napansin niyang parang nagmula ito sa isang edukado at kagalang-galang na pamilya.Maging sa paraan ng pagsasalita nito ay kapansin-pansin ang magandang pagpapalaki
Dernière mise à jour: 2026-09-29
Chapter: Chapter 142Sa pagkakataong ito hindi pinagbigyan ni Arabella ang gusto ng bata. “Okay na po ako, kahit hindi na ako magpalit ng damit pwede pa rin naman kitang samahan. Hindi ba gusto mong ipakita sa akin ang maliit mong kabayo? Halika na.”“Oh, sige po tara na po.” sagot ng bata. Pagdating nila sa horse stable, inilabas ng staff ang maliit na kabayo ni Callie. Isa itong purong puting pony, napakalambot at makinis ng bahalahibo nito at sa ilalim ng sikat ng araw ay kumikislap na parang perlas. Napakaganda nito, agad na lumapit si Callie at niyakap ang ulo ng pony.“Hi Pearl, namiss mo ba ko? Dinalaw kita ngayon.”Tila tuwang-tuwa rin si Pearl nang makita ang maliit nitong amo, paulit-ulit nitong tinatapakan ang lupa gamit ang mga paa nito. Hinawakan ng bata ang renda ni Pearl at dinala ito papunta sa riding area habang nakasunod sa tabi niya si Arabella.Kakatanggap lang ni Nathaniel ng isang tawag tungkol sa trabaho kaya naman hindi pa ito nakasunod, mabuti na rin iyon. Sa ganitong paraan, m
Dernière mise à jour: 2026-09-29

Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable
Sa mismong gabi ng kanyang kaarawan, gumuho ang buong mundo ni Althea. Pinagtaksilan siya ng sarili niyang pamilya, tinalikuran ng lalaking pinakamamahal niya, at ninakawan ng dangal dahil sa isang planong isinagawa ng mga taong pinagkatiwalaan niya.
Pagmulat niya kinabukasan, katabi niya ang isang misteryosong estranghero—isang lalaking hindi niya kilala at hindi na niya muling nakita. Akala niya'y iyon na ang katapusan ng bangungot, ngunit makalipas ang ilang linggo, natuklasan niyang nagdadalang-tao siya.
Mag-isa niyang pinalaki ang kanilang anak habang unti-unti niyang binubuo ang sarili mula sa mga pirasong winasak ng nakaraan. Kasabay nito, isa-isang nabubunyag ang mga kasinungalingan, pagtataksil, at lihim na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang buhay. Handa siyang bawiin ang lahat ng ninakaw sa kanya—ang kanyang dangal, pangalan, at kinabukasan.
Ngunit paano kung ang lalaking minsang nakasama niya sa pinakamadilim na gabi ng kanyang buhay ay isa palang makapangyarihang bilyonaryo? At paano kung determinado itong angkinin hindi lamang ang kanyang anak, kundi pati ang kanyang puso?
Sa mundong puno ng kasinungalingan, paghihiganti, at ikalawang pagkakataon, sapat ba ang isang gabing nagtagpo ang kanilang mga landas upang bumuo ng isang pamilyang itinadhana ng kapalaran?
Lire
Chapter: Chapter 112Nang malapit nang dumikit ang mga labi ni Althea sa baso, napansin ng mga mata niya ang computer mouse niya sa mesa. Bigla siyang nakaramdam ng parang may mali, nakaugalian kasi niya na ayusin ang mouse pagkatapos niyang gamitin ito pero ngayon ay nakatagilid ito. Muli niyang sinulyapan ang tubig sa baso, wala naman siyang napansing kakaiba. Pero may kung anong hindi magandang kutob siyang nararamdaman, lalo na nang bigla niyang mapansin si Scarlett na nakatayo sa isang sulok habang nakatingin sa kanya. Kaya naman nagkunwari siyang uminom ng kaunti, saka mahinahong ibinaba ang baso. Mula sa kinatatayuan ni Scarlett, inakala nitong nakainom na ng tubig si Althea. Sakto naman na may tumawag sa cellphone niya, agad naman siyang lumabas ng opisina para sagutin ito.Bahagyang sumingit ang malinaw na mga mata ni Althea, habang wala si Scarlett kinuha niya ang baso at pumasok sa opisina nito. Kadalasan mas pinipili ni Althea na maging mabuting tao, hangga’t hindi nila nilalampasan ang kany
Dernière mise à jour: 2026-10-04
Chapter: Chapter 11Tahimik na tinititigan ni Celina si Sebastian na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed, namamaga at puno pa rin ng pasa ang mukha nito. Halos kumukulo sa dibdib niya ang matinding galit. Hindi niya kailanman inakala na si Althea lang pala ang nag celebrate sa main VIP room ng hotel. Mas lalong hindi niya inakalang nakahanap si Althea ng lalaking mas pogi at mas mayaman pa kay Sebastian. Sinubukan ni Celina na ipa-investigate sa mga tao niya ang lalaking iyon, pero wala silang mahanap.Napakamisteryoso nito, gwapo ang lalaki at maganda rin ang pangangatawan nito. Baka naman may sugar mommy na bumubuhay dito. Kung tama ang pagkakaalala niya, babae yata ang may-ari ng hotel. Sa pag-iisip na iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Celina. Naiisip niyang imposibleng mas maging maganda ang buhay ni Althea kaysa sa kanya. Ayon sa sinabi ng kanyang ina, nagkaron pa raw ito ng anak sa labas. Talagang wala itong kahihiyan at sinisira ang reputasyon ng kanilang pamilya. “Celina?”Tinitigan n
Dernière mise à jour: 2026-10-04
Chapter: Chapter 110Nakatayo si Althea sa harap ng pinto ng study room, huminga muna siya nang malalim bago itinaas ang kamay at kumatok. Walang sumagot, kumakatok siyang muli. Pero nanatili pa ring tahimik sa loob, bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba kinakabahan siyang harapin si Xavier o dahil sa ibang dahilan. Inilagay niya ang kamay sa doorknob at marahang pinihit iyon, bukas pa ang mga ilaw sa loob ng study room. Kumalat sa hangin ang matapang na amoy ng sigarilyo, inilapag ni Althea ang tray ng pagkain sa ibabaw ng desk. Nang mapansin niya ang ashtray na punong-puno ng upos ng sigarilyo, bahagyang kumunot ang noo niya. Inalis niya ang mga upos at itinapon ito sa basurahan bago ibinalik ang ahstray sa mesa. Biglang nag-vibrate ang cellphone na nakapatong sa desk, hindi sinasadyang nadaplisan ng daliri ng babae ang screen at automatic na nasagot ang tawag. Agad sana niya itong ibababa nang bigla niyang marinig ang isang pamilyar na boses ng babae mula sa kabil
Dernière mise à jour: 2026-10-03
Chapter: Chapter 109Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakikita ni Althea si Xavier. Tuwing nasa bahay siya palagi na lang siya kinakabahan, lalo na tuwing gabi halos hindi siya makatulog ng maayos. Baka kasi kapag tuluyan siyang nakatulog at biglang sumama ang timpla ng lalaking iyon, baka tuluyan na siyang sakalin nito. Mukhang gusto naman ni Jeff ang lalaki, ilang araw na itong hindi nakikita ng bata kaya naman ilang beses na rin itong nagtanong sa kanyang ina. Nang gabing iyon, matapos ihanda ni Althea ang hapunan at matapos ang check-up ni Jeff magkatabi silang nakaupo sa hapag-kainan. Kahapon ay sinabi sa kanya ng doctor ni Jeff na nakauwi na ng bansa ang taong compatible sa bone marrow para sa anak niya. Noong una gusto sana ng babae na makilala ang taong iyon, ngunit ayon sa doctor kakauwi lamang nito at marami pa itong inaasikaso kaya wala pa itong oras para makipag kita sa kanya. Anuman ang mangyari, malaking bagay na nakahanap sila sila na bone marrow na ka-match ng anak niya
Dernière mise à jour: 2026-10-03
Chapter: Chapter 108Kumikislap-kislap ang mahahaba at makakapal na pilikmata ni Althea, hindi niya kayang magtagal sa ilalim ng malamig at malalim na titig ng lalaki. Ngunit nang iwasan niya ang tingin nito, agad siyang hinawakan nito sa kanyang baba. Pinilit siya nitong tumingin ng diretso sa madilim nitong mga mata. “Althea, ganon mo na ba talaga ka-gusto na umalis sa akin?”Bawat linya ng mukha ng lalaki ay naninigas, mababa at mapanganib ang kanyang boses. Malayo ang itsura nito sa karaniwan niyang anyo, ang malamig, mapang-akit at may pagka-walang hiya na lalaki na laging sinasamantala ang pagkakataon para asarin siya. Ngayon, isa lamang siyang malamig at mapanganib na lalaki. Ni wala kahit katiting na init sa kanyang mukha. Napakunot ng noo si Althea, gusto niyang alisin ang malaking kamay nitong nakahawak sa kanyang baba. Ngunit bago pa niya magaya iyon binitawan na siya ng lalaki. Sa halip, lumipat ang kamay nito sa kanyang payat na bewang. Napakalakas ng pagkakahawak nito, para bang mababali
Dernière mise à jour: 2026-10-02
Chapter: Chapter 107Sandaling pumikit si Xavier, nang muli niyang imulat ang kanyang namumulang mga mata malamig niyang tiningnan si Ivan na nakatayo sa tabi ng kama.“May problema ba?”Maingat na tumingin ang butler sa kanyang amo, napaka lamig at nakakatakot ang aura nito. Isang tingin lamang at kaya ka na nitong paslangin. “Sir, maaga po kasing dumating ang Lola mo.”Kinusot ng lalaki ang sentido niyang kumikirot sa tindi ng sakit, saka bumangon mula sa kama. “Sige, bababa ako agad.”“Ah kasi po si Madam po pumunta po sa kabilang bahay.”Biglang dumilim ang mukha ng lalaki, hindi na siya nag abala pang magpalit ng pambahay at diretso siyang nag madaling pumunta sa kabilang bahay.Pagdating niya sa pintuan, sakto niyang narinig ang tanong ng kanyang Lola. “Kung ganoon, handa ka bang iwan si Xavier at huwag mo ng hayaan na makipag-ugnayan siya sayo?”Biglang natigilan si Xavier nang marinig niya ang tanong, hindi na siya nag tangkang humakbang pa. Ang isang kamay niya ay nakasandal sa shoe cabinet ha
Dernière mise à jour: 2026-10-02