LOGINSa araw mismo ng prenatal check-up ni Arabella, nahuli niya ang asawa niyang si Nathaniel Monteverde na may kasamang ibang babae. Mas masakit pa roon, malamig siyang itinanggi nito sa harap ng kabit. Akala ni Nathaniel, pagbubuntis lang ang dahilan kung bakit sila nauwi sa kasal. Kaya matapos maisilang ni Arabella ang kanilang anak, tahimik siyang pumirma ng annulment at tuluyang nawala sa buhay nito. Ngunit limang taon ang lumipas, hindi na ang dating mahina at api-apihang Arabella ang bumalik. Isa na siyang matagumpay at magandang businesswoman na hinahangaan ng marami. At habang unti-unti na siyang masaya sa buhay na wala si Nathaniel, saka naman muling bumalik ang lalaking unang gustong kumawala sa kanilang kasal. Ngayon, ayaw na siyang pakawalan nito—lalo na nang balak na niyang magpakasal sa ibang lalaki. “Arabella, huwag na huwag mong iisipin na magpapakasal ka sa ibang lalaki.” Napabuga ng hangin si Arabella. “You rejected me first, remember?”
View MoreAnim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.
Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilyar na sasakyan ni Nathaniel sa parking area, saglit niyang nakalimutan ang pagod ng kanyang katawan. Akala niya, sa wakas, sinundo siya nito.“Akala ko ba may importante siyang gagawin?” nagtatakang bulong ni Arabella sa sarili.
Bahagya pa siyang napangiti habang dahan-dahang humahakbang palapit dito.
Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit, biglang may isang magandang babae na tumakbo papunta kay Nathaniel at mahigpit itong niyakap.
Nanigas sa kinatatayuan si Arabella, at biglang sumikip ang dibdib sa nasaksihan niya. Hindi niya namalayang humigpit na pala ang hawak niya sa maternity book hanggang sa halos magusot iyon sa kanyang mga palad. Hindi nagtagal ay napansin siya ni Nathaniel.Ngunit taliwas sa inaasahan ni Arabella, ni bahagyang gulat ay wala siyang nakita sa mukha ni Nathaniel. Nanatili lamang itong kalmado habang nakatingin sa kanya, na para bang wala itong ginagawang mali. Sa harap mismo niya, marahang inalalayan ni Nathaniel ang babaeng kasama nito. Maingat nitong hinawakan ang beywang nito bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan para rito.Simple lang ang pag-aasikaso ni Nathaniel, ngunit sapat iyon upang maramdaman ni Arabella kung gaano kaliit ang lugar niya sa buhay ng sariling asawa.
Tila napansin ng babae ang kanyang presensya kaya bahagya itong napakunot-noo bago inosenteng lumingon kay Nathaniel.
“Babe, bakit ka tinitingnan ng ale na iyon? Kilala mo ba siya?” tanong ni Valentina.
Bahagyang natigilan si Arabella. Mapait din siyang napangiti dahil dalawampu’t apat na taong gulang pa lamang siya, pero tinawag na siya nitong ale.
Hindi niya napigilang masulyapan ang sariling repleksyon sa glass wall ng ospital.
Sa murang edad niya, bakas na agad sa mukha niya ang pagod.
Bahagyang namamaga na rin ang kanyang mga mata dahil sa kakulangan sa tulog nitong mga nakaraang buwan. Hindi rin nakatulong sa hitsura niya ang maluwag niyang maternity dress at magulong buhok upang maitago ang bigat ng pagbubuntis niya.Dalawampu’t limang linggo pa lamang, ngunit pakiramdam ni Arabella ay ang dami nang nagbago sa kanya.Muli niyang pinagmasdan ang babae.
Maganda ito. Maputi, maayos manamit, at maaliwalas ang mukha. Parang walang anumang iniisip na problema sa buhay.
Biglang sumagi sa isip ni Arabella na dati, siya rin ang tipo ng babaeng madaling mapansin. Maganda ang mukha, masayahin, at laging may ningning sa mga mata.Ilang sandali pa’y hindi niya napigilang isipin kung kailan nga ba siya huling naging ganoon.
Wala naman talagang balak si Arabella na magpakasal nang maaga. Ngunit nang mabuntis siya ni Nathaniel, napilitan silang dalawa na magpakasal.
Pinagpala si Nathaniel—guwapo, matalino, mayaman, at halos perpekto ang buhay. Ngunit mula nang mabuntis si Arabella at nauwi sila sa kasal, malinaw na ang galit ng lalaki sa kanya.
Naniniwala si Nathaniel na pinikot lamang siya ni Arabella at ginamit nito ang pagbubuntis upang mapilitan siyang pakasalan ito.
Ngunit ang hindi alam ni Nathaniel na walong taon nang lihim na umiibig si Arabella rito.
Hindi kailanman sinabi ni Arabella kay Nathaniel ang totoong nararamdaman niya. Ginawa niya itong inspirasyon upang magsikap sa pag-aaral at abutin ang mga pangarap niya. Kaya nang mabigyan siya ng pagkakataong maging assistant nito, pakiramdam niya noon ay sapat na iyon upang maging masaya.
Ayos lang sa kanya na makita ito araw-araw at manatili sa tabi nito kahit bilang empleyado lamang.
Ngunit isang gabi ang tuluyang nagpabago at sumira sa lahat.
Na hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan kung paano siya titigan ni Nathaniel. Punong-puno iyon ng pagkasuklam. At parang gusto nitong ilayo siya sa buhay nito hangga’t maaari.
May mainit na luhang dahan-dahang tumulo sa pisngi ni Arabella. Kasabay noon, bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan nang makaramdam ng matinding kirot. Napasinghap siya at mabilis na sumandal sa pinakamalapit na pader habang pilit na hinihingal.“N-Nathaniel… Nathaniel!” mahina ngunit desperada niyang tawag habang bahagyang kumakaway.
Umaasa siyang lilingon ito. Umaasa siyang lalapit ito sa kanya kahit sandali. Lalo na ngayong dala niya ang anak nito.
Ngunit nanatili lang nakatayo si Nathaniel. At saglit lamang siyang tinignan ng lalaki bago malamig nitong ibinaling muli ang atensyon kay Valentina.
“Hindi ko siya kilala. Umalis na tayo.”
At pagkatapos noon, tuluyan nang sumakay si Nathaniel sa sasakyan.
Walang pag-aalinlangan nitong pinaandar ang kotse at tuluyang umalis kasama si Valentina.
Naiwan si Arabella na tila isang estatwang walang buhay, nakatayo sa gitna ng parking area habang pinagmamasdan ang sasakyang unti-unting naglalaho sa kanyang paningin.
Kailangan munang lumabas at huminga ng malamig na hangin sa dagat. Samantala, hawak ni Nathaniel ang kamay at bewang ni Valentina habang sumasabay sa ritmo ng musika. Nang umikot si Arabella, sakto namang nakita niya ang dalawa. Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata ni Nathaniel, ilang segundo lamang. Pero agad din nitong binawi ang kanyang tingin. Kahit gusto niyang balewalain ang presensya ng dalawang iyon, hindi niya maipaliwanag kung bakit nakakaramdam siya ng matinding pagkailang nang makita sila. Maging si Lhanze ay napansin iyon, kaya naman nag-aalala siyang nagtanong. “Gusto mo bang umalis muna tayo?”Tumingala ang babae sa kanya bago muling ibinaba ang tingin. “Hindi na kailangan, okay lang naman ako.”Alam naman niya sa sarili niya na hindi niya maiiwasan si Nathaniel habambuhay. Sa mga susunod na araw, tiyak na magkikita pa rin sila. Kung hindi niya kayang iwasan, kailangan na lang niyang matutong masanay. “Hhmm okay, basta relax ka lang.” marahang sinabi ni Lhanze.
Malamig siyang tinitigan ng lalaki, biglang umangat ang isang mapangasar na ngiti sa gilid ng labi nito. Napansin ni Arabella ang pangungutya sa mga mata ni Nathaniel kaya bahagyang kumunot ang noo niya. Ano bang ibig sabihin nito?Ilang sandali lang, lumapit si Valentina kay Nathaniel at malambing na kumapit sa braso nito. “Babe, anong tinitingnan mo?”Nang yumuko si Valentina sa direksyon kung saan naka tingin ang lalaki, agad niyang nakita sina Lhanze at Arabella. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Samantala, ibinaba ni Arabella ang kanyang tingin at iniwas na lang ang mga mata. “Tara na,” sabi ni Lhanze. Bahagyang tumango ang babae. “Hmm.”Sabay silang naglalakad patungo sa unahan, ngunit hindi nagtagal ay may nakasalubong silang mga kakilala kaya naman muli silang napahinto upang makipag kwentuhan. Samantala, nanatiling nakasabit ang braso ni Valentina sa braso ni Nathaniel habang magkasama silang bumababa sa hagdan. Ang suot ni Valentina ay isang puting f
Bago mag-alas-siyete ng gabi, naihatid na ni Arabella si Callie sa bahay nito. Ayaw pa sanang umuwi ni Callie at ilang beses pa itong kumaway kay Arabella bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Nang makauwi sila Arabella at Joshua ay halos alas-otso na ng gabi. Pagpasok nila ng bahay, dumiretso sila sa sala. Nandoon din si Lhanze. Nasa byahe sila pauwi nang makatanggap ng tawag ang babae mula sa kuya niya, sinabi nito na nasa bahay nila si Lhanze. Kinabukasan ay pupunta ng manila ang magulang ni Lhanze, kaya ngayong araw ay pumunta siya sa bahay nila Arabella para sunduin si Quinn at ang anak nito. Pero hindi agad sila pinaalis ng mag-asawa hangga’t hindi sila kumakain ng hapunan. Bandang alas-tres pa lang ng hapon nang dumating si Lhanze sa bahay nila, at saka lang niya nalaman na wala pala roon si Arabella. “Professor.” magalang na bati ni Arabella. Bahagyang ngumiti si Lhanze bilang tugon, saka pinagmasdan ang dalawang sabay na dumating. Lumapit si Joshua sa sofa at kumporta
Mabilis na binawi ni Nathaniel ang kanyang tingin sa dalawa at agad niyang pinasok ang kanyang sasakyan sa loob ng bahay. Samantala, minaneho naman ni Arabella ang kanyang sasakyan palabas ng village.Napatingin si Joshua sa babae, at marahang nagtanong. “Sa tingin mo ba, alam na niya kung sino ka?”Kalmadong nakatingin si Arabella sa daan. “Hindi ko alam, kung wala naman siyang sinabi isipin na lang nating wala pa rin siyang alam.”Kanina pa man, tila may hinala na si Irish tungkol sa kanya. Paano pa kaya si Nathaniel na matalino at mapagmasid. Mahal na mahal nito si Callie. At least, sa puso nito kapag pinagkumpara si Callie at Valentina walang duda na uunahin pa rin nito ang kanyang anak. Ngayon naman na siya ang gusto ng bata, hindi naman ito humahadlang. Para kay Arabella, sapat na makasama niya si Callie at magkaroon siya ng pagkakataong makita at alagaan ang bata sa mga susunod na araw. Hindi na nagtanong pa si Joshua, alam niyang alam ni Arabella ang ginagawa niya. “By t
Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka
Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n
“Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.