
A Night Owned by the CEO
Isang gabi lang ang naging kapalit ng lahat para kay Luna Solace.
Bilang isang masipag na empleyada, ginagawa niya ang lahat para sa kanyang inang may sakit—kahit pa ubusin niya ang sarili sa overtime at pagod.
Ngunit sa isang gabing hindi niya inaasahan, pinagtagpo siya ng pagkakataon at kahinaan sa loob ng opisina ng CEO na si Rafael Blackwell.
Pagod din si Rafael—sa pamilyang pilit siyang pinapakasal, sa responsibilidad na hindi niya matakasan. At sa gitna ng alak at lungkot, may nangyari sa kanilang dalawa na hindi na mababawi.
Kinabukasan, inalok niya si Luna ng pera kapalit ng katahimikan.
At tinanggap iyon ni Luna—hindi dahil gusto niya, kundi dahil kailangan niya para sa kanyang ina.
Akala niya, matatapos doon ang lahat. Ngunit para kay Rafael, ang isang gabi ay hindi sapat. Dahil habang pilit siyang iniiwasan ni Luna, mas lalo naman niya itong gustong mapasakanya.
At sa mundong kontrolado ng kapangyarihan at obligasyon—paano kung ang pinakamalaking pagkakamali nila ang siya ring maging pinakamapanganib nilang pagnanasa?
Read
Chapter: Chapter 34Maaga pa lamang ay nasa elevator na si Luna. Tahimik siyang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin habang hinihigpitan nang bahagya ang manggas ng blouse niya para matakpan ang ilang band aid sa braso. Naglagay rin siya ng manipis na skin-tone bandage sa gilid ng binti kung saan may natira pang pasa. Ayaw niyang maging sentro ng usapan. Ayaw niyang magpaliwanag. At higit sa lahat, ayaw niyang maalala ang nangyari kagabi. Nang bumukas ang elevator sa floor nila ay agad siyang bumuntong-hininga at inayos ang sarili. “Good morning,” mahina niyang bati sa ilang empleyadong nasalubong. May ilan namang ngumiti. May ilan ding agad napatingin sa mga band aid niya. At may ilan na halatang nagpipigil ng tanong. Hindi na niya iyon pinansin. Tahimik siyang nagtungo sa desk niya, inilapag ang laptop bag, inilabas ang laptop, at nagsimulang magbukas ng mga email na kailangan niyang asikasuhin. Akala niya ay magiging tahimik ang umaga. Nagkamali siya. “ay wow? paawa yarn?” Agad niyang
Last Updated: 2026-06-06
Chapter: Chapter 33Tahimik ang buong hallway habang mabilis na naglalakad si Rafael dala si Luna sa kaniyang mga bisig. Hindi na nito pinansin ang mga empleyadong napapatingin sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay ang dalhin si Luna sa ligtas na lugar na malayo sa nangyari kanina.Mahigpit na nakakapit si Luna sa kuwelyo ng polo niya. Nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya, para bang doon lang nito nararamdaman ang seguridad matapos ang takot na pinagdaanan.“Rafael…” mahina nitong tawag.Agad siyang tumingin dito. “I’m here.”Hindi na sumagot si Luna. Mas lalo lamang itong sumiksik sa kaniya.Pagdating nila sa opisina, marahan niyang isinara ang pinto gamit ang paa bago dinala si Luna sa sofa.Ngunit bago pa niya ito ibaba, napatingin siya sa mesa.Naroon pa rin ang mga bote ng alak.Mga basong kalahating laman.Mga bakas ng gabing hindi sana nangyari.Napapikit siya nang madiin.“Damn it…” bulong niya.Kung hindi siya nakainom. Kung hindi siya naging kampante.Kung hindi niya hinayaang mawala sa pa
Last Updated: 2026-06-03
Chapter: Chapter 32Mahigpit ang hawak ni Victor sa bewang ni Luna habang nakasandal ito sa malamig na pader ng restroom. Ramdam ni Luna ang mabigat nitong paghinga sa leeg niya at ang amoy ng alak na halos makasakal sa kanya. Nanginginig na ang kamay niyang pilit itinutulak ang dibdib ni Victor palayo, pero mas lalo lang itong dumidiin. “Sir Victor… tama na po!” hirap na sabi ni Luna habang umiwas ang mukha niya nang pilitin nitong idikit ang labi sa leeg niya. “Please… bitawan niyo po ako!” Ngumisi lang si Victor, mapula ang mga mata dahil sa alak habang mabagal na hinagod ng kamay ang gilid ng bewang niya pababa. “Come on, baby… don’t act innocent,” paos nitong bulong habang lalo siyang kinukulong sa pagitan ng katawan at pader. “I know men stare at you. That body? Damn… even Rafael can’t hide it, ang sarap mo kasi” “Tumigil po kayo!” halos maiyak nang sigaw ni Luna habang pilit umiilag. At doon— BUMAGSAK ang pinto. Malakas at padabog. Parehong napalingon sina Luna at Victor. Nakatayo roon
Last Updated: 2026-05-28
Chapter: Chapter 31Mabigat na ang gabi sa buong kumpanya.Sa pinakataas na floor, nananatiling bukas ang opisina ni Rafael habang nagkakalat sa loob ang amoy ng mamahaling whisky at usok ng sigarilyo.Nakasandal si Victor sa sofa habang hawak ang baso ng alak. Nakabukas ang ilang butones ng polo niya at bakas sa mukha ang tama ng alak. Samantalang si Rafael naman ay nakaupo sa swivel chair niya, seryosong nakatingin sa laptop kahit medyo namumula na rin ang tenga at leeg dahil sa iniinom.“Tsk,” natawa si Victor habang umiikot ang whisky sa baso niya. “You’re still working? Relax, man. Tonight is our last peaceful night bago tayo mabaliw sa project na ’to.”Hindi agad sumagot si Rafael. Uminom muna siya bago sumandal sa upuan. “I don’t waste time drinking like you.”“Yeah?” napangisi si Victor. “Pero ikaw itong halos maubos na ang bottle.”Napatingin si Rafael sa halos kalahating bote na ng whisky ang bawas at napamura siya nang mahina. “Shut up.”Tumawa si Victor nang malakas bago nagsindi ulit ng siga
Last Updated: 2026-05-27
Chapter: Chapter 30Tahimik ang loob ng opisina ni Rafael, ngunit ramdam ang tensyon sa hangin. Nakaupo si Victor sa tapat nito, nakaangat ang isang paa habang dahan-dahang iniikot ang baso ng whisky sa kamay niya. Samantala, si Rafael ay tahimik lang na nakasandal sa swivel chair niya, seryoso ang mukha habang nakatingin sa laptop screen na parang walang pakialam sa kayabangan ng kaharap. “Not bad,” komento ni Victor habang nililibot ng tingin ang malawak na office. “Mas lumaki pala company mo compared last year.” Hindi agad sumagot si Rafael. Humigop muna siya ng whisky bago malamig na tumingin dito. “I can say the same thing to you, lumaki din ang company mo.” Napangisi si Victor. “Of course. Alam mo naman ako, I don’t lose.” “Neither do I.” di pag papatalong sagot ni rafael. Nagtagpo ang mga tingin nila. Parehong mabigat. Parehong mayabang. Pero maya-maya ay nagtawanan din sila nang bahagya, parang dalawang leon na pansamantalang nagkasundo para sa iisang pakinabang. “Honestly,” sabi ni Victor
Last Updated: 2026-05-24
Chapter: Chapter 29Tahimik ang buong floor matapos mapahiya si Roset sa harap ng lahat. Ngunit habang ang ibang empleyado ay nagkukunwaring abala sa trabaho, hindi maiwasang mapatingin ng karamihan kay Victor Silviador na tila may hinahanap sa paligid.At iyon ay si Luna.Nakatayo si Victor ilang metro mula sa desk nito habang tahimik na inoobserbahan ang babae. Hindi siya nakikisali sa usapan ng iba. Hindi rin nagpapa-impress gaya ng karamihan sa empleyado. Diretso lang ang likod nito habang nakatutok sa laptop, mabilis gumalaw ang mga daliri sa keyboard at paminsan-minsang sumusulyap sa mga documents sa tabi.Napangisi si Victor nang bahagya.“Interesting…” mahina niyang bulong sa sarili.Napansin iyon ni Rafael na nakatayo sa tabi niya. Agad sumama ang tingin nito kay Victor habang sinusundan ang direksyon ng mga mata niya.“Don’t mind her,” malamig niyang sabi habang nakahalukipkip. “She’s busy.”Hindi sumagot si Victor.Patuloy lang itong nakatingin kay Luna.“And she’s just an employee,” dagdag ni
Last Updated: 2026-05-22