ログインIsang gabi lang ang naging kapalit ng lahat para kay Luna Solace. Bilang isang masipag na empleyada, ginagawa niya ang lahat para sa kanyang inang may sakit—kahit pa ubusin niya ang sarili sa overtime at pagod. Ngunit sa isang gabing hindi niya inaasahan, pinagtagpo siya ng pagkakataon at kahinaan sa loob ng opisina ng CEO na si Rafael Blackwell. Pagod din si Rafael—sa pamilyang pilit siyang pinapakasal, sa responsibilidad na hindi niya matakasan. At sa gitna ng alak at lungkot, may nangyari sa kanilang dalawa na hindi na mababawi. Kinabukasan, inalok niya si Luna ng pera kapalit ng katahimikan. At tinanggap iyon ni Luna—hindi dahil gusto niya, kundi dahil kailangan niya para sa kanyang ina. Akala niya, matatapos doon ang lahat. Ngunit para kay Rafael, ang isang gabi ay hindi sapat. Dahil habang pilit siyang iniiwasan ni Luna, mas lalo naman niya itong gustong mapasakanya. At sa mundong kontrolado ng kapangyarihan at obligasyon—paano kung ang pinakamalaking pagkakamali nila ang siya ring maging pinakamapanganib nilang pagnanasa?
もっと見るTahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.
Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil. “Konti na lang,” bulong niya sa sarili. CEO’s office na lang ang kulang. Inaasahan niyang madilim na roon. Pero bukas ang ilaw. Napahinto siya. Marahang kumatok. “Sir?” Nandoon si Rafael Blackwell — CEO, anak ng may-ari, lalaking laging maayos ang postura at malamig ang tingin. Hawak ang baso ng alak. Gusot ang kurbata. Nakabukas ang dalawang butones ng polo. Mapula ang mga mata. “Bakit ka pa nandito?” paos nitong tanong. Nagulat si Luna pero hindi nagpahalata. “May urgent po na papeles. Kailangan ng pirma ninyo.” “Anong oras na?” “Lagpas alas-onse na po.” Napangiti siya nang mapait. “Pareho pala tayong hindi marunong umuwi.” Hindi sumagot si Luna. “Umupo ka.” “Sir, okay lang po—” sagot ni Luna, medyo nahihiya. “Rafael,” putol niya. Makikita sa mukha niya ang pagiging sigurado. “Wag mo akong tawaging sir.” “Okay… Rafael.” agad na sumunod si Luna sa kagustuhan nito. Saglit siyang natahimik. Umupo siya sa sofa, hawak ang folder. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang kamay ng lalaki habang ibinababa ang baso. May ilang patak ng alak na muntik nang tumapon sa mesa, kaya mabilis itong napasandal at ipinikit ang mga mata na parang pilit binubuo ang sarili. Hindi iyon ang Rafael na kilala ng buong kumpanya—hindi ang lalaking laging kontrolado, laging may sagot, laging isang hakbang sa unahan ng lahat. “May problema po ba?” maingat niyang tanong. “Lagi namang may problema,” “Gusto ng mga magulang ko na magpakasal na ako. Magkaanak. Magmana ng kumpanya. Parang checklist.” Agad nitong sagot. Tumahimik si Luna. “Parang wala akong choice,” “Parang hindi ako tao. Investment lang.” “Pagod kayo,” mahina niyang sabi. Dagdag niya. Napangiti ito nang walang saya. Makikita sa mukha niya ang bahid ng kalungkutan. “Ikaw? Hindi ka ba pagod?” “Dalawang trabaho po kasi.” “Dalawa?” “Opo.” “Bakit?” seryoso si Rafael na mag tanong. Gusto niyang malaman bakit sobrang nag susumikap ito sa kanyang opisina. Mas tumalim ang titig niya, hindi bilang boss—kundi bilang lalaking gustong maintindihan kung bakit gabi-gabi ay naroon pa rin si Luna sa opisina niya. Saglit na napayuko si Luna. Parang may kung anong bumigat sa balikat niya sa simpleng tanong na iyon. “May sakit po ang nanay ko.” Tumahimik ang silid. “Kaya ka laging ginagabi.” seryosong tanong nito. “Opo.” “Wala kang ibang choice.” “Wala po.” makikita sa mukha ni Luna ang lungkot na dinadala niya. “Uminom ka,” Nagkatinginan sila. Hindi bilang CEO at empleyado. Dalawang taong parehong napipilitang maging matatag. “Nasa opisina po tayo.” “Isang lagok lang. Para makalimot.” sabi ni Rafael. Tinulak ang baso sa kanya. Nag-alinlangan siya. Pero inabot niya ang baso. Isang lagok. Mainit sa lalamunan. Napapikit siya saglit. “Masama ’yan,” sabi niya. “Minsan kailangan,” sagot ni Rafael. Ngumiti siya nang bahagya—isang ngiting hindi sigurado kung panunukso ba o pag-amin ng pagkatalo sa sariling bisyo. “Hindi kayo mukhang masaya kahit marami kayong pera.” Napatawa siya nang mahina. “Ikaw ang unang nagsabi niyan.” Tahimik ulit. Mas mabagal ang oras. “Luna,” tawag niya. “Po?” agad na tanong nito na parang nag-tataka. “Pwede ka bang manatili sandali?” Hindi agad siya sumagot. Wala namang naghihintay sa kanya sa bahay. Katahimikan lang. “Opo.” tumayo si Rafael. Lumapit. Hindi agresibo. Hindi sigurado. “Kung aalis ka, maiintindihan ko.” sabi niya, seryoso. Tumingin si Luna sa kanya. Kita niya ang lungkot. Ang pagod. Hindi ang CEO. “Hihinto tayo kapag sinabi mong ayaw mo,” dagdag niya. Tumango si Luna. “Sasabihin ko.” Dahan-dahang umangat ang kamay ni Rafael. Dumampi sa pisngi niya. Mainit. “Ganito lang,” bulong niya. Lumapit si Luna. Halos magkadikit ang noo nila. “Rafael…” mahina niyang sabi. Pero hindi siya umatras. Huminga si Rafael nang mabigat laban sa labi niya. Ramdam ni Luna ang init ng katawan nito, ang bahagyang paghaplos ng kamay sa balikat, at ang tibok ng dibdib niya na tila humahabol sa kanya. “Sabihin mo lang,” bulong niya. Hindi nagsalita si Luna. Sa halip, hinayaan niyang lumalim ang halik. Walang pagmamadali. Walang pangako. Isang sandali ng pahinga. Kinabukasan. Nagising si Luna sa malamig na liwanag ng umaga. Umupo siya sa kama. Mabigat ang dibdib. Sa harap niya, nakatayo si Rafael — nakasuot na ng maayos. Nakaayos ang kurbata. Wala na ang lalaking nakita niya kagabi. “Good morning,” sabi nito, pormal. Parang wala lang. Tumango siya. “Good morning.” Inilapag ni Rafael ang isang sobre sa mesa. “Para sa katahimikan,” sabi niya. “At para hindi makaapekto sa trabaho mo.” Nanlambot si Luna. Ayaw niyang tanggapin. Pero naalala niya ang nanay niya. Ang ospital. Ang mga bayarin. Kinuha niya ang sobre. “Hindi mo kailangang tanggapin ’yan,” sabi ni Rafael, malamig ang tono. “Kailangan,” sagot niya. “Kailangan… o pinipili mo lang?” “May pinagkaiba ba? Kapag may umaasa sa’yo?” Tahimik siya. “Hindi ko alam na ganito ka,” sabi ni Rafael. “Mahina?” mapait ang ngiti niya. “Hindi, matatag.” agad nitong sagot. Napatingin siya sa kanya. “Kung matatag ako, ito ang dahilan bakit ako nandito.” Lumapit siya nang bahagya. Mahina ang boses ni Luna, pero malinaw. Parang pag-amin na matagal na niyang kinikimkim. Lumapit si Rafael nang bahagya. Hindi sapat para hawakan siya. Hindi sapat para maging mali. Pero sapat para maramdaman niya ang init ng presensya nito. “Isang gabi,” “Hindi na mauulit.” mariing sabi niya. “Hindi rin naman ako babalik,” sagot ni Luna. “Trabaho lang. Walang higit pa.” Nagkatinginan sila. Parehong nagsisinungaling. “Kung may makarinig—” simula ni Rafael. “Walang makakarinig,” putol niya. “Hindi ako gano’ng klaseng tao.” “Good,” sagot niya. “Mas mabuti ’yan para sa’yo… at sa akin.” Para sa atin. Gusto sana niyang sabihin. Pero hindi niya ginawa. Humakbang si Luna palayo. “Sir—Rafael,” sabi niya bago tuluyang lumabas. “Sana maging okay kayo.” Hindi siya sumagot. At habang isinasara niya ang pinto, pareho nilang alam— Tapos na ang usapan. Pero hindi ang epekto. Dahil may mga gabing kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik. At sa pagitan ng kapangyarihan at pangangailangan, may nabuo na hindi nila gustong pangalanan. At mas mapanganib iyon kaysa sa inaakala nilang simpleng pagkakamaliHalos hindi pa man tuluyang natatapos ang business gala ay kumalat na sa buong bansa ang mga kuha ng media. Bawat television station, online news page, business magazine, at entertainment portal ay iisa ang laman ng headline.“Secret Marriage of Business Tycoon Rafael Blackwell Revealed.”“Power Couple Stuns Business Gala.”“The Biggest Plot Twist in Philippine Business History.”Samantala, sa loob pa rin ng venue ay nananatiling magkahawak-kamay sina Rafael at Luna habang unti-unting lumalapit ang iba’t ibang CEO upang personal silang batiin.“Congratulations, Mr. Blackwell.”“I have to admit, you surprised all of us.”“Wishing both of you a happy married life.”Isa-isang kinamayan ni Rafael ang mga ito habang magalang na ngumingiti si Luna. Hindi pa rin siya sanay sa dami ng taong bumabati sa kanya, ngunit sa bawat pagkakataong kakabahan siya ay marahan lamang siyang hinihigpitan ni Rafael ng hawak sa kamay.Parang tahimik nitong sinasabing…Nandito lang ako.Sa kabilang bahagi nama
Parang huminto ang oras sa loob ng engrandeng ballroom.Ilang segundo lamang ang nakalipas mula nang lumabas sa malaking LED screen ang mga larawan ng pribadong kasal nina Rafael at Luna, ngunit sapat na iyon upang tuluyang magbago ang ihip ng buong gabi.Ang mga bulungan na kanina ay puno ng panghuhusga…Ngayon ay napalitan ng pagkamangha.“My goodness…”“Kaya pala…”“Totoo pala talagang kasal sila.”“Ito ang pinakamalaking plot twist ngayong gabi.”Maging ang mga CEO na kanina’y seryosong pinagmamasdan ang iskandalo ay hindi na napigilang mapailing habang nakangiti.“Blackwell never disappoints.”“Ang tahimik niyang gumalaw.”“Walang nakakaalam.”Samantala, hindi pa rin bumibitaw si Rafael sa kamay ni Luna.Magkatabi silang nakatayo sa gitna ng entablado.Walang pagmamadali.Walang pagmamalaki.Ngunit ang kumpiyansa nilang dalawa ay sapat nang magsilbing sagot sa lahat ng tanong.Unti-unting itinaas muli ni Rafael ang magkahawak nilang kamay.Muling kumislap ang wedding rings sa ila
Tahimik.Isang katahimikang tila nilamon ang buong ballroom.Wala nang naglakas-loob magsalita matapos ang malamig na tawang pinakawalan ni Rafael.Maging ang mga reporters na kanina lamang ay halos isubsob ang mikropono sa mukha nilang dalawa ay natigilan.Lahat ay naghihintay.Ano ang susunod niyang sasabihin?Sa kabilang bahagi ng venue, hindi na maalis ang ngisi sa labi ni Victor.Mahigpit niyang hawak ang wine glass habang nakatingin kay Rafael.“Tapos ka na.”Mahina niyang bulong.“Magpaliwanag ka man o hindi… huli na.”Katabi niya si Rosset na halos mapunit ang labi sa sobrang lawak ng ngiti.“Tingnan mo sila.”Natatawa niyang sambit.“Kanina pa walang masabi.”Ngunit…Hindi nila napansing bahagyang napangiti si Rafael.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ngiting kinakabahan.Isa iyong ngiting puno ng kumpiyansa.Unti-unti siyang humakbang papunta sa gitna ng entablado.Hindi siya nagmamadali.Bawat hakbang ay mabagal.Bawat kilos ay kontrolado.Nang makarating siya sa gitna, ma
Tahimik.Isang katahimikang tila nilamon ang buong ballroom.Wala nang naglakas-loob magsalita matapos ang malamig na tawang pinakawalan ni Rafael.Maging ang mga reporters na kanina lamang ay halos isubsob ang mikropono sa mukha nilang dalawa ay natigilan.Lahat ay naghihintay.Ano ang susunod niyang sasabihin?Sa kabilang bahagi ng venue, hindi na maalis ang ngisi sa labi ni Victor.Mahigpit niyang hawak ang wine glass habang nakatingin kay Rafael.“Tapos ka na.”Mahina niyang bulong.“Magpaliwanag ka man o hindi… huli na.”Katabi niya si Rosset na halos mapunit ang labi sa sobrang lawak ng ngiti.“Tingnan mo sila.”Natatawa niyang sambit.“Kanina pa walang masabi.”Ngunit…Hindi nila napansing bahagyang napangiti si Rafael.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ngiting kinakabahan.Isa iyong ngiting puno ng kumpiyansa.Unti-unti siyang humakbang papunta sa gitna ng entablado.Hindi siya nagmamadali.Bawat hakbang ay mabagal.Bawat kilos ay kontrolado.Nang makarating siya sa gitna, ma
Mabigat ang bawat hakbang ni Roset habang papalayo siya sa gitna ng opisina. Ramdam niya pa rin ang init ng mga titig na nakasunod sa kanya—mga matang puno ng usisa, bulong, at paghuhusga. Napahigpit ang hawak niya sa bag niya, halos manginig ang mga daliri sa pinipigilang galit.“Okay ka lang ba,
Tahimik na ang buong kumpanya. Sa executive office, nakaupo pa rin si Rafael Blackwell sa likod ng mesa niya, ngunit halatang hindi na siya nagtatrabaho. Nakabukas ang laptop, ngunit hindi gumagalaw ang cursor sa screen. Sa isip niya, paulit-ulit ang nangyaring usapan nila ni Roset. You’re jus
Gabi na sa kumpanya. Isa-isa nang nagsisiuwian ang mga empleyado. Unti-unting nawawala ang ingay ng keyboard, tawanan, at pag-uusap sa bawat cubicle.Sa executive floor, nakaupo si Rafael Blackwell sa likod ng malawak niyang mesa, tahimik na nakatitig sa mga dokumento.Pinindot niya ang intercom.“
Kinaumagahan, mas maaga si Rafael sa opisina.Pagbukas pa lang ng elevator sa executive floor, narinig na niya ang pabulong na usapan mula sa cubicles sa ibaba.“Grabe, kahapon na naman nasa office ni sir si Luna.”“Alam mo na ’yon.”“Hindi naman siguro—”“Please. CEO ‘yon.”Huminto siya sandali sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビューもっと