Chapter: Kabanata 5: Ang pagbabalikHERA POVIsang taon. Sabi nila, ang panahon daw ang nagpapahilom sa lahat ng sugat. Para sa akin, ang isang taon ay hindi lang naging panahon ng paghilom kundi panahon ng pagbuo muli sa sarili ko na dinurog ng nakaraan.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng suite ko dito sa isang luxury hotel sa BGC. Suot ko ang isang bespoke black silk gown na hapit sa aking katawan, may mataas na slit sa gilid na nagpapakita ng aking binti, at backless design na nagpapakita ng aking balat na tila kumikinang sa ilalim ng chandelier. Wala na ang malungkot na mga mata ni Hera Valeriano. Ang nakikita ko ngayon ay isang babaeng handang harapin ang mundong tinalikuran niya noon."You look stunning, Hera. Are you ready?"Lumingon ako sa pinto at nakita si Liam. Siya ang business partner ko sa Singapore—isang kilalang investor na naniwala sa talento ko noong wala akong kahit ano. Maayos ang pagkaka-tuxedo niya at may tipid na ngiti sa labi."Ready is an understatement, Liam. Tara na?" sagot k
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 4: Pirma sa kalayaanHERA POVLumipas ang isang linggo na parang isang mahabang panaginip. Nanuluyan muna ako sa isang maliit na condo na pagmamay-ari ng tanging kaibigan ko na si Mia. Hindi alam ni Jaxen ang tungkol sa unit na ito dahil binili ko ito gamit ang commission ko sa huling project ko bago niya ako pinatigil sa pagtatrabaho.Nakaupo ako ngayon sa loob ng sasakyan ko sa tapat ng Sarmiento Group Tower sa BGC. Hininga ako nang malalim habang tinitingnan ang repleksyon ko sa rear-view mirror. Wala na ang maputlang Hera na galing sa ospital. Nilagyan ko ng saktong blush-on ang pisngi ko at matingkad na lipstick. Isang armor na gawa sa make-up.Pagpasok ko sa lobby, agad akong hinarang ng receptionist. "Good morning, Mrs. Sarmiento! Long time no see po. Ma’am, nasa meeting pa po si Sir Jaxen, but you can wait in his office.""No need, Claire. Sabihin mo lang na nandito ako. I have an appointment," diretsong sabi ko.Hindi na siya nakasagot dahil diretso na ako sa elevator. Pagbukas ng pinto sa execut
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 3: Ang pamamaalamHERA POVPagbaba ko pa lang ng sasakyan sa harap ng aming mansyon, ramdam ko na ang bigat ng hangin. Ang bahay na dati ay pinangarap kong mapuno ng tawanan ng isang pamilya, ngayon ay tila isang malaking kabaong na lang na gawa sa semento at salamin.Dahan-dahan akong naglakad papasok, bitbit ang maliit na bag na may lamang mga gamit ko mula sa ospital. Sumasakit pa rin ang mga tahi ko, pero mas masakit ang bawat hakbang ko palapit sa pintong iyon."Hera, you’re home," bungad sa akin ni Jaxen. Nakatayo siya sa foyer, may hawak na baso ng scotch kahit tanghaling tapat."I am," tipid kong sagot. Hindi ko siya tiningnan. Dumiretso ako sa sala, pero napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na bulto na nakahiga sa paborito kong sofa.Si Bianca. Nakasuot siya ng isa sa mga silk robes ko, may ice pack sa ulo, at napapalibutan ng mga unan na ako mismo ang pumili para sa bahay na ito."Oh, Hera! You're back! I’m so sorry, hindi ako nakadalaw sa 'yo sa kabilang ward," malambing na sabi ni B
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 2: Ang Masakit na PagkawalaHERA POVMabigat ang mga talukap ko. Amoy gamot at malinis na linen ang agad na sumalubong sa akin. Sinubukan kong igalaw ang daliri ko, pero parang may nakakabit na kung ano sa kamay ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang unang bumungad sakin ay ang puting kisame, malamig ang aircon, at may mahinang beep-beep na tunog mula sa monitor sa gilid ko."Mrs. Sarmiento? Gising na po ba kayo?" Isang nurse ang lumapit sa akin. Chineck niya ang swero ko at tiningnan ang mga mata ko gamit ang maliit na flashlight."Asan... asan ako?" paos kong tanong. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko."Nasa St. Jude Medical Center po kayo. Na-admit po kayo kagabi dahil sa car accident," sagot niya habang inaayos ang unan ko.Biglang bumalik ang lahat. Ang ulan. Ang truck. Ang sakit sa puson ko. Mabilis kong hinawakan ang tiyan ko. Flat ito. Walang kahit anong maramdaman kundi ang matinding kirot na tila hinihiwa ang loob ko."Ang baby ko? 'Yung anak ko, okay ba siya?" Natatarantang tanong ko. Sinubukan
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 1: Ang Gabi ng Pagtataksil ngHERA POVTatlong taon. Isang libo at siyamnapu’t limang araw ko ring hinintay ang pagkakataong ito.Pinagmasdan ko ang dining table sa loob ng penthouse namin dito sa Makati. Siniguro kong perpekto ang lahat—mula sa medium-rare na steak na paborito ni Jaxen, hanggang sa mabangong lavender candles na nagbibigay ng kalmadong aura sa paligid. Sa gitna ng mesa, sa ilalim ng isang puting envelope, ay ang pinakaimportanteng regalo ko para sa aming third wedding anniversary.Isang ultrasound image. Siyam na linggo na ang munting buhay sa sinapupunan ko."Magugustuhan mo 'to, Jaxen. I know you will," bulong ko sa sarili ko habang hinahaplos ang tiyan ko.Eksaktong alas-siyete ng gabi, pero wala pa rin siya. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero ring lang ito nang ring. Sanay naman ako. Bilang CEO ng Sarmiento Group, laging hectic ang schedule niya. Pero ngayong gabi, umasa ako na sana ay mauna ang pamilya kaysa sa trabaho.Habang naghihintay, narinig ko ang malakas na buhos ng ulan s
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 5: Betrayal GameIsabelle POV Hindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos ng nangyari sa restaurant. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Rajah. 'Come to my office tomorrow'. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat, pero ang panyo niya na nasa bedside table ko ang nagpapatunay na totoo ang lahat. Alas-sais pa lang ay gising na ako. Inayos ko ang sarili ko—suot ang isang charcoal gray blazer at slacks. Gusto kong magmukhang professional, hindi 'yung "cheap girl" na nakita ni Rajah sa club. Eksaktong alas-otso nang tumapak ako sa lobby ng Madrigal Tower. Ang bawat sapatos na naglalakad sa makintab na sahig ay parang nagpapaalala sa akin kung gaano kalaki ang mundong iniwan ko noon. “Good morning. I’m Isabelle... Isabelle MadrigaI. I have an appointment with Mr. Rajah Madrigal,” sabi ko sa receptionist. Halos mabulunan ako sa sarili kong apelyido, pero kailangan kong panindigan. “This way, Ma’am. He’s expecting you,” nakangiting sagot ng staff. Dinala ako ng elevator sa
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 4: The ShieldIsabelle POV Isang linggo na ang lumipas mula nung gabi ng engkwentro namin ni Justin sa kwarto, at isang linggo ko na ring hindi siya nakikita. Akala ko ay tuluyan na siyang nanahimik, pero nagkamali ako nang makatanggap ako ng text mula sa kanya. ‘Fine dining restaurant, 7 PM. Let’s talk about the divorce papers. Bring yourself, and let’s end this peacefully.’ Kahit labag sa loob ko, pumunta ako. Kailangan kong mapa pirma siya. Nagsuot ako ng simpleng white midi dress at inayos ang sarili para magmukhang desidido. Pagpasok ko sa restaurant, nakita ko agad si Justin sa isang corner table. Mukha siyang kalmado, malayo sa halimaw na nakita ko noong nakaraang linggo. "You came," bungad niya habang inaayos ang napkin sa lap niya. "Maupo ka, Isabelle. I ordered for you." "Hindi ako narito para kumain, Justin," sabi ko habang inilalapag ang folder sa harap niya. "Narito ang papers. Pirmahan mo na para matapos na 'to." Tiningnan lang niya ang folder nang hindi binubuksan.
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 3: Faced of BetrayalIsabelle POV Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko habang naglalakad papasok sa mansyon. Sa bawat hakbang ko ay parang gusto ko nalang bumagsak. Ang sakit sa dibdib ko dahil sa nakita ko sa hotel room ni Justin ay nadagdagan pa ng matinding kahihiyan dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Tito Rajah. Sariwa pa sa isip ko ang huling tingin ni Rajah—ang pandidiri sa mga mata niya. Pagkapasok ko sa main hall, sinalubong ako ng katahimikan, pero amoy na amoy ko ang usok ng sigarilyo. Doon, sa gitna ng madilim na living room, nakaupo si Justin sa paborito niyang armchair. May hawak siyang baso ng alak sa isang kamay at sigarilyo sa kabila. "Saan ka galing?" Malamig ang boses niya, iyong tipong ayaw magpa-disturbo pero humihingi ng sagot. Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang ako sa hagdan, pilit na iniignora ang presensya niya. Wala akong lakas para makipagtalo. "Isabelle, I’m talking to you!" Tumayo siya at mabilis na humarang sa dinadaanan ko. Tumingala ako sa kany
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 2: Masked PartyIsabelle POV Maingay ang paligid, puno ng usok, at amoy ng mamahaling alak. Inayos ni Claire ang suot kong itim na lace mask bago niya ako tinulak papasok sa gitna ng dance floor. Suot ko ang isang backless emerald dress na matagal nang nakatago sa closet ko dahil sabi ni Justin, masyadong 'revealing' daw ito. Ngayon, wala na akong pakialam. "Isabelle, stop overthinking! Just drink and move. Look at those guys, lahat sila nakatingin sa'yo," bulong ni Claire habang iniikot ang baso ng espresso martini sa kamay niya. "I feel naked, Claire. Hindi ako sanay na ganito," sagot ko habang pilit na ibinababa ang laylayan ng dress ko kahit alam kong tama lang naman ang haba nito. "That's the point! You're free tonight. Walang asawang mananakal sa'yo, walang bahay na kailangang linisin. Tonight, you're just a beautiful woman looking for fun." Iniwan ako ni Claire para makipag-usap sa isang grupo ng mga lalaki sa bar area. Napabuntong-hininga ako at lumapit sa counter para kumuha ng w
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24
Chapter: Kabanata 1: BetrayalIsabelle POV Bitbit ang isang paper bag ng paboritong pastries ni Justin, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay namin. Maaga akong pinauwi ng boss ko sa event dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Akala ko, masusorpresa ko si Justin dahil out of town dapat siya para sa isang business meeting. “Love? I’m home,” tawag ko habang nilalapag ang susi sa console table. Pero walang sumagot, ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng aircon mula sa itaas. Pero habang paakyat ako sa hagdan, may napansin akong kakaiba. Sa gitna ng puting carpet, may nakakalat na piraso ng tela. Pinulot ko iyon, isang kulay pulang lace lingerie. Sandali akong natigilan, hindi akin ito. Masyadong matapang din ang amoy ng pabango na kumapit sa tela. Dahan-dahan kong binitawan ang lingerie at nagpatuloy sa paglalakad. Ang tibok ng puso ko ay parang gustong kumawala sa dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto ng master’s bedroom, ang unang bumungad sa akin ay ang magulong kumot. Sa gilid ng kama, n
Terakhir Diperbarui: 2026-03-24