LOGINTatlong taon na tinalikuran ni Isabelle ang kanyang career bilang architect para maging perpektong asawa, ngunit nahuli niya ang asawa niyang si Justin na nambabae at nabuntis pa niya ito. Dahil sa ayaw mawalan ng mana, ginigipit ni Justin si Isabelle at hinaharangan ang lahat ng job opportunities nito para hindi siya makaalis sa kanilang toxic na relasyon. Ang bilyonaryong tiyuhin ni Justin na si Rajah ang nag-alok kay Isabelle ng trabaho at proteksyon, na nagdulot ng matinding tensyon sa pagitan nila habang nilalabanan ang pamilya Madrigal. Kailangang pumili ni Isabelle kung mananatili siyang biktima ng asawa o tatanggapin ang tulong ng lalaking dapat ay bawal para sa kanya.
View MoreIsabelle POV
Bitbit ang isang paper bag ng paboritong pastries ni Justin, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay namin. Maaga akong pinauwi ng boss ko sa event dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Akala ko, masusorpresa ko si Justin dahil out of town dapat siya para sa isang business meeting.
“Love? I’m home,” tawag ko habang nilalapag ang susi sa console table.
Pero walang sumagot, ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng aircon mula sa itaas. Pero habang paakyat ako sa hagdan, may napansin akong kakaiba. Sa gitna ng puting carpet, may nakakalat na piraso ng tela.
Pinulot ko iyon, isang kulay pulang lace lingerie.
Sandali akong natigilan, hindi akin ito. Masyadong matapang din ang amoy ng pabango na kumapit sa tela. Dahan-dahan kong binitawan ang lingerie at nagpatuloy sa paglalakad. Ang tibok ng puso ko ay parang gustong kumawala sa dibdib ko.
Pagbukas ko ng pinto ng master’s bedroom, ang unang bumungad sa akin ay ang magulong kumot. Sa gilid ng kama, nakita ko si Justin. Kakalabas lang niya ng banyo, nakatapis lang ng tuwalya at nagpapatuyo ng buhok.
“Isabelle? What are you doing here?” gulat na tanong niya. Hindi ko mabasa kung takot o inis ang nasa boses niya.
“Dapat ba wala ako rito, Justin?” tanong ko habang nakatitig sa kama. May nakita pa akong isang hikaw na nakapatong sa nightstand. Isang pearl earring, hindi rin akin iyon.
Lumapit si Justin sa akin, pilit na ngumingiti pero halatang pilit lang. “Akala ko kasi nasa event ka pa. You should have called me.”
Itinuro ko ang kama. “Sino ang nandito kanina, Justin? Sino ang nag-iwan ng underwear sa labas at hikaw dito sa kwarto natin?”
Huminga siya nang malalim, iyong parang siya pa ang nawawalan ng pasensya. “Isabelle, don’t start. It’s probably just some leftovers from the laundry. O baka kay Monica, naisama lang sa gamit ko nung huling meeting.”
“Leftovers? Sa master’s bedroom natin? Justin, hindi ako tanga,” mahinang sabi ko. Nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko. “Tatlong taon. Tatlong taon ko nang isinasantabi ang sarili ko para sa kasal na ‘to. Iniwan ko ang trabaho ko para maging full-time wife mo dahil sabi mo, iyon ang kailangan mo. Tapos ganito?”
“God, you’re being so dramatic!” bulyaw niya bigla. “Nandito ako, ‘di ba? Nagbibigay ako ng pera, maayos ang buhay mo. Ano pa bang hinahanap mo? Just drop it, Isabelle. I’m tired.”
Kinuha niya ang kanyang brief at pantalon, mabilis na nagbihis sa harap ko na parang wala lang. Wala man lang bakas ng guilt sa mga mata niya.
“I’m going out. Huwag mo na akong hintayin,” sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Napaupo ako sa dulo ng kama. Pakiramdam ko, nawalan ako ng lakas. I looked at our wedding photo hanging on the wall. We looked so happy then. Akala ko, sapat na ang pagmamahal ko para manatili siyang tapat.
Lumipas ang ilang oras. Mag-a-ala-una na ng madaling araw pero dilat pa rin ang mga mata ko. Biglang nag-vibrate ang phone ko sa tabi ng unan. Isang unknown number.
‘Your husband is a beast in bed. If you want to see for yourself, Room 402, Grand Skyline Hotel. Don’t be late.’
May kasamang picture—isang screenshot ng likod ni Justin habang nakaupo sa isang bar, at sa tabi niya ay isang babaeng nakasandal sa balikat niya. Kilala ko ang relong suot ng lalaki sa picture. Ako ang bumili niyon nung anniversary namin.
Wala sa sarili akong tumayo. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at mabilis na nagmaneho. Ang utak ko ay blangko at ang puso ko, parang unti-unting namamanhid.
Pagdating sa hotel, halos tumakbo ako papunta sa elevator. Room 402. Huminto ako sa tapat ng pinto. Bahagyang nakabukas iyon, na para bang sinadya para sa akin.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto.
The room was dim, only illuminated by the city lights from the window. Pero sapat na iyon para makita ko ang lahat. Ang mga damit na nakakalat sa sahig. Ang pamilyar na boses ni Justin na umuungol, at ang tawa ng isang babae na nakapatong sa kanya.
“You’re so much better than my wife, baby,” dinig kong bulong ni Justin.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang may humiwa sa dibdib ko, pero kakaiba—imbes na maiyak, Unti-unti akong namanhid. Ang lahat ng sakripisyo ko, ang lahat ng pag-aalaga ko sa kanya sa loob ng tatlong taon, nawala lahat sa loob ng isang saglit.
Hindi ako pumasok, hindi rin ako sumigaw. Wala akong balak mag-eskandalo sa lugar na ito. Marahan kong isinara ang pinto at naglakad palayo.
Pagpasok ko sa sasakyan, doon ko lang naramdaman ang panginginig. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang kaisa-isang tao na alam kong gising pa sa ganitong oras.
“Claire,” bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
“Isabelle? Bakit napatawag ka? Madaling araw na, ah?” halatang bagong gising ang boses niya.
“Justin is cheating on me. I saw them with my own eyes,” diretsong sabi ko, habang nanginginig ang boses.
Narinig ko ang pagbagsak ng kung ano sa kabilang linya. “What?! Tangina nung lalaking ‘yun! Nasaan ka ngayon? Huwag kang babalik sa bahay niyo, ha!”
“I don’t know what to do, Claire.”
“Makinig ka sa akin. Pumunta ka rito sa bahay ko. Ngayon din. At bukas, may pupuntahan tayong party. Magbihis ka ng maganda, mag-ayos ka, at kalimutan mo munang may asawa kang basura. Masked party ito, Isabelle. Walang makakakilala sa’yo.”
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa wedding ring na suot ko. Dahan-dahan ko itong hinubad at inilagay sa cup holder ng sasakyan.
“Sunduin mo ako, Claire. Ayoko nang bumalik sa bahay na 'yun.”
Isabelle POV Medyo malamig pa ang simoy ng hangin nang lumabas ako sa balcony ng villa ko. May bakas pa ng ambon sa mga dahon ng niyog sa paligid. Sabado ngayon, at kahit sinabihan ako ni Rajah na magpahinga muna dahil wala namang pasok ang karamihan sa mga trabahador, hindi ko pa rin mapigilang magising nang maaga. Nakasanayan na ng katawan ko ang schedule sa site. Bitbit ang kape ko, naupo ako sa outdoor chair at binuksan ang laptop. Isang notification mula sa Starry app ang lumabas—isang mensahe mula sa isa sa mga readers ko na nagtatanong kung kailan ang update ng sinusulat kong story. Napangiti ako. Minsan, nakakalimutan kong bukod sa pagiging Architect, isa rin pala akong manunulat sa mata ng ibang tao. “Ang aga naman ng trabaho niyan.” Napalingon ako sa gilid. Si Rajah, nakatayo sa pathway sa baba ng balcony ko. Naka-jogging pants siya at hoodie, mukhang kakatapos lang tumakbo. Pawis na pawis siya pero fresh pa rin tignan. “Hindi naman work ‘to. Chini-check ko lang ‘yung u
Isabelle POVAlas-singko na ng hapon. Ang tunog ng backhoe sa Phase 4 ay huminto na, at ang tanging naririnig ko na lang ay ang pagliligpit ng mga gamit nina Leo sa baba. Nakatayo ako sa balcony ng Cabin 1, bitbit ang isang baso ng iced tea. Pinapanood ko ang paglubog ng araw na nagbibigay ng orange na tint sa mga salamin ng cabin. Ngayon ang unang gabi na wala nang ingay ng usapin tungkol kay Justin, at parang sa wakas, humihinga na nang malalim ang buong site.“Architect, tapos na kami sa clearing ng footing area. Pwede na kaming mag-pour ng semento bukas ng umaga,” tawag ni Leo mula sa baba. Nakatingala siya sa akin, punong-puno ng alikabok ang suot na t-shirt pero malapad ang ngiti.“Sige, Leo. Salamat. Siguraduhin niyo lang na naka-cover ng trapal ‘yung mga bagong bukas na semento, mukhang uulan mamayang gabi,” sagot ko habang kumakaway sa kanya.“Noted, Architect! Una na kami!” kaway niya pabalik bago sumakay sa service truck.Narinig ko ang pagbukas ng glass door sa likuran ko.
Isabelle POV Maaga pa lang ay maingay na sa Phase 4. Ngayon ang pormal na pag-uumpisa ng construction para sa Community Center. Hindi gaya ng mga naunang cabins na medyo pribado ang dating, ang event na ito ay dinaluhan ng ilang opisyal mula sa lokal na pamahalaan, ang mga pamilya ng mga trabahador, at siyempre, ang kooperatiba nina Nanay Elena. “Architect, ‘yung pala na gagamitin para sa ceremonial digging, nilagyan na namin ng ribbon. Masyado bang baduy?” tanong ni Leo habang kinakamot ang ulo. Itinuro niya ang dalawang pala na may malaking gold ribbon sa hawakan. Natawa ako nang bahagya. “Ayos na ‘yan, Leo. Ritual lang naman. Ang importante, ready na ‘yung markers para sa actual na paghuhukay mamaya pagkatapos ng program.” “Ready na po lahat, Architect. Naka-abang na rin ‘yung backhoe sa likod ng mga puno para hindi masyadong maingay habang may nagsasalita sa harap,” ulat ni Leo. Maya-maya, natanaw ko si Rajah na kausap ang bise-alkalde at ilang miyembro ng tourism board. Naka
Isabelle POV Maaga pa lang ay nasa site na ako, hindi para sa Cabin 2, kundi para sa clearing ng Phase 4. Dito namin balak itayo ang community center—ang proyektong malapit sa puso ko dahil ito ang magiging permanenteng tahanan para sa mga gawa nina Nanay Elena. Bitbit ang aking measuring tape at laser meter, sinimulan kong markahan ang mga puno na hindi dapat galawin. “Architect, parang mas malawak ‘tong area na ‘to kaysa sa nasa layout natin dati,” puna ni Leo habang tinutulungan akong hatakin ang mahabang tape measure. “I-nadjust ko kasi ang setback, Leo. Gusto ko, ‘yung workshop area nina Nanay Elena ay may sapat na natural light pero hindi mainit. Ayokong gumamit sila ng aircon doon hangga’t maaari,” paliwanag ko habang tinitignan ang taas ng canopy ng mga puno. “Maganda ‘yan, Architect. Para tipid sa kuryente at mas masarap maghabi kapag mahangin,” sagot ni Leo. Maya-maya, natanaw ko ang grupo nina Nanay Elena na paakyat sa burol. Kasama nila si Rajah na mukhang seryosong n
Isabelle POV Hindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos ng nangyari sa restaurant. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Rajah. 'Come to my office tomorrow'. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat, pero ang panyo niya na nasa bedside table ko ang nagpapatunay na totoo ang lahat.
Isabelle POV Maaga akong nagising dahil sa tilaok ng mga manok sa 'di kalayuan at sa mahinang alon sa ilalim ng deck. Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko agad ang bagong timplang kape. Nakita ko si Tito Rajah sa kusina, suot ang isang charcoal gray na rash guard at board shorts. Mukhang galing na siy
Isabelle POV Alas-diyes ng umaga ang schedule ng departmental meeting sa main conference room ng Madrigal Group. Bitbit ang aking laptop at ang makapal na folder ng site development plan, pumasok ako sa opisina na punong-puno na ng mga tao. Halos lahat sila ay mga senior architects, engineers, at
Isabelle POV Maaga kaming bumalik sa site para matapos na 'yung soil testing bago kami lumuwas ng Maynila. Pero pagdating ng tanghali, biglang nagbago ang panahon. 'Yung kaninang tirik na araw, napalitan ng makulimlim na langit hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan. “Architect, Sir R












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews