
I was His Wife by Lies, Now Claimed by His Billionaire Uncle
ContemporaryDark RomanceDramaCEOBillionaireBetrayalContract MarriageRevenge
Hindi siya ang tunay na nobya.
Sa araw ng kasal, napilitan si Naveda na isuot ang damit ng kapatid niya, akuin ang pangalang hindi kanya, at pakasalan ang lalaking hindi naman siya ang pinili. Isang kasinungalingang ginawa para iligtas ang pamilya, ngunit nauwi sa limang taong pagkakulong sa isang malamig at walang pagmamahal na pagsasama.
Para kay Brandon Delgado, isa lamang siyang obligasyon. Isang kontrata. Walang higit, walang kulang.
Ngunit gumuho ang lahat nang bumalik ang tunay na Amanda… at inilantad ang katotohanang matagal niyang kinimkim. Sa isang iglap, nawala ang lahat kay Naveda—ang pangalan, ang tahanan, ang pamilyang kanyang ipinaglaban.
At sa mundong puno ng kapangyarihan at panlilinlang, siya ang naging kontrabida.
Ngunit sa gitna ng kanyang pagbagsak, may isang lalaking handang baguhin ang lahat.
Si Giovanni Delgado—mapanganib, makapangyarihan, at walang pakialam sa batas ng mundo—ang nag-abot sa kanya ng pagkakataong bumangon… at maghiganti.
At sa sandaling itinapon siya ng lahat—
“If they were foolish enough to throw you away, then let me be the man they’ll regret underestimating. Marry me.”
Lesen
Chapter: KABANATA 5"Emelda, ano ito?!” sigaw ni Belinda, ang boses ay matinis at nanginginig sa galit.Nanatili akong nakalugmok sa sahig, naninigas habang isa-isang bumabagsak ang mga luha mula sa aking mga mata. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan ng bawat bulungan, ang uri ng katahimikang mas masakit pa kaysa sa sigawanAng mga mukha ng mga magulang ni Brandon ay hindi maipinta—galit, pagkadismaya, at pagkabigla na sabay-sabay na nag-uunahan. Si Brandon at ang kanyang kapatid ay tila napako rin sa kinatatayuan, samantalang si Giovanni, na nasa aking tabi, ay nanatiling tahimik at walang emosyon.“We’re being played! Limang taon kaming nawala, tapos ito lang ang dadatnan namin?!" singit ni Amanda, bakas ang matinding paninisi sa boses."Shut up, you witch!" bulyaw ni Beatrice."You shut up! Ibinigay na nga sa inyo ang katotohanan, pilit niyo pa ring itinataboy!" bawi ni Amanda, hindi man lang natorpe.Ngunit hindi na sila pinansin ni Emelda.Lumapit siya sa akin.Napasinghap ako nang bigla n
Zuletzt aktualisiert: 2026-04-27
Chapter: KABANATA 4Nanlalamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang binitawan niyang salita. Puno ng galit, matalim, at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya.Napahinto ang hysterical na si Beatrice, tila biglang nabingi sa narinig. Si Brandon nama’y napatingin sa akin, sandaling naghanap ng sagot bago muling ibinalik ang tingin kay Amanda.“What did you just say, bitch?”Mabilis akong nilingon ni Beatrice, ang mga mata’y nag-aapoy. Itinuro niya si Amanda, saka tumawa nang mapanuya, halos baliw.“What do you mean, Anda?” tanong ni Brandon, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“She is not Amanda!”Sa gilid ng aking paningin, napansin ko ang mga taong paparating, mabilis at balisa. Nangunguna ang ina ni Brandon na halatang nabahala sa sigawan. Kasunod ang kanyang ama, si Giovanni, at ilan pang kaibigan at kakilala ng pamilya. Unti-unting napuno ang pasilyo ng mga matang uhaw sa eskandalo.“What the fuck are you saying, you whore?! Ang kapal ng mukha mo! Salot ka!” sigaw ni Beatrice, muling nawawal
Zuletzt aktualisiert: 2026-04-27
Chapter: KABANATA 3"You still haven’t decided to have a child? Five years of marriage is more than enough to produce an heir, Amanda. Five years of simply enjoying life with those rings on your fingers, it’s excessive. We’re growing old. We want a grandchild,” mahinahon na sambit ng ina ni Brandon, saka marahang ibinaba ang kanyang wine glass."Hindi pa po namin iyon napag-uusapan ni Brandon… at sa tingin ko po, hindi pa siya handa.” sagot ko.We’re having a family dinner at the Marco Polo Imperial Palace, a luxurious, high-end hotel owned by Brandon’s family. Since it’s his birthday, kaya hindi lang pamilya niya ang narito, his friends and business partners are also in attendance. Giovanni is here too, accompanied by a woman who I'm not familiar with. However, the only person isn't present was Brandon's Grandmother.We were seated at a round table just big enough for the four of us, Brandon, his parents, and his sister. Kakaalis lang ni Brandon kasama ang papa niya para sa isang importanteng bagay, kay
Zuletzt aktualisiert: 2026-04-27
Chapter: KABANATA 2Matagal akong naghintay bago ko tuluyang nasilayan ang paglabas ng isang pulang Bugatti Chiron Sport sa Marco Vincent Condominium. Hindi na ako nag-atubiling paandarin ang sasakyan at sundan iyon, pilit kinakalma ang sarili habang hinahabol ang distansiyang unti-unting lumalayo.Wala man lang ibinigay na malinaw na dahilan si Brandon kung bakit kailangan kong sundan ang kanyang tiyuhin. Pagmulat ko kaninang umaga, wala na siya, walang paalam, walang mensahe, walang bakas ng presensya. Ayaw ko sanang gawin ito, ngunit ang manatili sa mansiyon na walang ginagawa at walang halaga ay masakit sa ego.Hindi na ako nagulat nang pumasok ang sasakyan ni Giovanni sa isang kilalang clubhouse. Ang isang tulad niya, isang lalaking binabalot ng karangyaan ay tiyak na sa ganitong lugar umiikot ang mundo. Sumunod ako nang walang pag-aatubili, kahit pa tila sinasabi ng isip ko na umatras na. Ngunit huli na.“Shit…” bulong ko sa sarili nang makita ang halos puno ang parking area. Walang puwang, walang
Zuletzt aktualisiert: 2026-04-27
Chapter: KABANATA 1My husband never treated me as his wife, not even after five years of marriage. Sa paningin niya, isa lamang akong obligasyon na kailangan niyang tiisin at pakisamahan. He never lingered on me, never gave me a glance that meant anything. Ang kaya niya lang ialok ay lamig at distansiya, walang bakas ng pagmamahal, kahit kailan.Kahit ngayong ikalimang anibersaryo namin, ganoon pa rin siya, malayo at hindi maabot. Para bang kahit magkatabi kami, may pagitan pa ring hindi ko kayang tawirin.“Your mom called,” maingat kong bungad, pilit pinipili ang mga salitang hindi magpapalala ng sitwasyon. “ She said, we should celebrate your birthday in Switzerland. Para naman daw makapag-relax ka dahil lunod ka na sa trabaho. Pwede mo naman daw ipaubaya muna kina Beatrice o Trevor ’yung Kompanya. And honestly, you really deserve a break from work,"Dahan-dahan niyang ibinaba ang kubyertos sa plato ngunit ang marahang galaw na iyon ay may kasamang matinding iritasyon. Nang iangat niya ang tingin sa a
Zuletzt aktualisiert: 2026-04-27
Chapter: SIMULANaveda“Whether you like it or not, you’re going to impersonate your sister for this marriage to continue!”Umalingawngaw sa buong silid ang matalim na sigaw ng aking madrasta, puno ng galit at desperasyon, habang mariin niya akong dinuduro. Isang oras na lamang ang natitira bago magsimula ang kasal, ngunit ang tunay na bride, si Amanda, ang aking kapatid ay bigla na lamang naglaho na parang bula.Nakahanda na ang lahat, ang simbahan, ang mga bisita, ang pamilya ng lalaking pakakasalan niya at ang mismong lalaking naghihintay sa altar. Siya na lamang ang kulang.“Mama, let’s just wait a little longer, baka may pinuntahan lang po si Amanda—” maingat kong saad, pilit kinokontrol ang kaba sa dibdib.Ngunit hindi ko na iyon natapos.Isang marahas na tulak ang sumalubong sa aking noo, dahilan upang mawalan ako ng balanse at mapaupo nang pabagsak sa sofa.“Tanga!” sigaw niya, halos sumabog sa galit habang namumula ang kanyang mukha. “It’s been an hour since she’s long gone, Naveda! Nagiisip
Zuletzt aktualisiert: 2026-04-27