MasukHindi siya ang tunay na nobya. Sa araw ng kasal, napilitan si Naveda na isuot ang damit ng kapatid niya, akuin ang pangalang hindi kanya, at pakasalan ang lalaking hindi naman siya ang pinili. Isang kasinungalingang ginawa para iligtas ang pamilya, ngunit nauwi sa limang taong pagkakulong sa isang malamig at walang pagmamahal na pagsasama. Para kay Brandon Delgado, isa lamang siyang obligasyon. Isang kontrata. Walang higit, walang kulang. Ngunit gumuho ang lahat nang bumalik ang tunay na Amanda… at inilantad ang katotohanang matagal niyang kinimkim. Sa isang iglap, nawala ang lahat kay Naveda—ang pangalan, ang tahanan, ang pamilyang kanyang ipinaglaban. At sa mundong puno ng kapangyarihan at panlilinlang, siya ang naging kontrabida. Ngunit sa gitna ng kanyang pagbagsak, may isang lalaking handang baguhin ang lahat. Si Giovanni Delgado—mapanganib, makapangyarihan, at walang pakialam sa batas ng mundo—ang nag-abot sa kanya ng pagkakataong bumangon… at maghiganti. At sa sandaling itinapon siya ng lahat— “If they were foolish enough to throw you away, then let me be the man they’ll regret underestimating. Marry me.”
Lihat lebih banyakNaveda
“Whether you like it or not, you’re going to impersonate your sister for this marriage to continue!” Umalingawngaw sa buong silid ang matalim na sigaw ng aking madrasta, puno ng galit at desperasyon, habang mariin niya akong dinuduro. Isang oras na lamang ang natitira bago magsimula ang kasal, ngunit ang tunay na bride, si Amanda, ang aking kapatid ay bigla na lamang naglaho na parang bula. Nakahanda na ang lahat, ang simbahan, ang mga bisita, ang pamilya ng lalaking pakakasalan niya at ang mismong lalaking naghihintay sa altar. Siya na lamang ang kulang. “Mama, let’s just wait a little longer, baka may pinuntahan lang po si Amanda—” maingat kong saad, pilit kinokontrol ang kaba sa dibdib. Ngunit hindi ko na iyon natapos. Isang marahas na tulak ang sumalubong sa aking noo, dahilan upang mawalan ako ng balanse at mapaupo nang pabagsak sa sofa. “Tanga!” sigaw niya, halos sumabog sa galit habang namumula ang kanyang mukha. “It’s been an hour since she’s long gone, Naveda! Nagiisip ka ba? Everything is ready! Her in-laws are waiting and her groom is already at the church! This is a mess!” Lumapit siya, halos tumalsik ang laway sa bawat salitang binibitawan. “Kayo ang magkasama, hindi ba? Where is she?!” Hindi ako agad nakasagot. Nanuyo ang aking lalamunan, at ang tanging nagawa ko lamang ay umiling. “H-Hindi ko po alam, Mama. When you said she’s gone, I was surprised. Wala siyang sinabi sa akin,” mahina kong tugon, kahit sa loob ko’y sariwa pa ang huling sinabi ni Amanda—ang pagtutol niya sa kasal, ang pagnanais niyang tumakas. Ngunit hindi ko iyon kayang ilantad. “Why don’t we postpone the wedding until Amanda is here? Hindi po ba pwedeng hanapin muna natin siya bago ituloy ito?” muling suhestiyon ko, umaasang kahit kaunting konsiderasyon ay maibibigay niya. Ngunit lalo lamang siyang nagngitngit sa galit. “Hindi ka ba nakakaintindi? We can’t postpone this wedding, Naveda! This is a family alliance! We can’t leave them a bad impression! We need them more than they need us!” Unti-unti niyang sinuri ang itsura ko, mula ulo hanggang paa, na parang sinusukat ang halaga ko. "You look exactly like her,” malamig niyang saad. “You will replace her. You will use her name. You will marry one of the Delgado.” Napabalikwas ako, nanlalaki ang mata sa narinig. “Mama, I believe we need to focus on Amanda’s disappearance than resuming the wedding. And alam ba ito ni Papa? I’m sure he will make a plan—” pilit kong pangangatwiran, kumakapit sa natitirang pag-asa. Our business is currently being handled by my stepmother dahil wala rito si Papa. He has a major deal in the States that needs his full attention. I’m not even sure if he knows about this arranged marriage my stepmother is orchestrating. Pero kilala ko ang Papa ko, he would never do something like this. He would never let anyone get tangled in an agreement that wasn't settled fairly. “Naveda!” putol niya. “Pwede ba, huwag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo! This is business! Money, Naveda! Money!” halos sambit niya ang bawat salita na parang iyon na lamang ang mahalaga sa mundo. “Paghihintayin mo pa ba ang pera kung andiyan na? Amanda will be alright, I will make sure she is! And this matter is only between you and me—walang pwedeng makakaalam nito kundi tayo lang!” Nanikip ang dibdib ko sa bawat salitang binitiwan niya. Ang mansiyong ito, na dati’y tila tahanan ay naging kulungan. They were kind at first, but the moment my father left for States, their true colors surfaced—they became worse than the villains I see in movies. Unti-unti akong naging estranghero sa sarili kong tahanan. And now, being forced to marry a complete stranger feels like I’m being pushed off in a massive cliff. “Ma, pwede naman po nating kausapin ang mga Delgado—” Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi, nag-iwan ng hapdi at katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Tandaan mo, Naveda! Wala kayo rito ng papa mo kung hindi dahil sa akin! Kung hindi kami dumating sa buhay niyo, lubog kayo sa utang at mawawala ang kompanya niyo!” madiing saad niya, mababa ngunit puno ng banta. Humakbang siya palapit habang nanliliksi ang mata. “Ito na nga lang ang maibibigay mo sa pamilyang ito, hindi mo pa magawa? Manang-mana ka sa walang kuwenta mong ina! Pabigat!" Parang may kumuyom sa puso ko nang marinig ang taong pinakainiingatan namin ni Papa. “Company ‘yon ng mama ko… silang dalawa ni Papa ang nagpatayo niyan—” “Oh? Nasaan ang mama mo ngayon?” malamig niyang tugon. “She’s long dead. Because she was weak… and a fool.” Bahagya siyang yumuko upang magtama ang aming mga mata. “Kung ayaw mong nadadamay siya, umayos ka at sumunod.” Pagkaalis niya, tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina pa nakabara sa aking mga mata. Tahimik akong umiyak, yakap ang sarili habang pilit umaasang babalik si Amanda… na maaayos pa ang lahat. Pinipilit ko ang aking sarili na umasa. Ngunit hindi siya bumalik. Dumating ang sandaling pilit akong sinuotan ng damit na hindi akin, pinasuot ng pangalan na hindi ko pagmamay-ari, at pinilit na tahakin ang landas na hindi ko pinili. Para akong isang aninong naglalakad sa aisle—walang boses, walang laban. Hindi ko na maalala ang kabuuan ng seremonya. Para akong wala sa sarili. I didn't even notice that my mom wasn't in her assigned seat, in fact, none of our relatives were there at all. At sa dulo ng altar, nandoon siya. Si Brandon Delgado. Malamig, at walang emosyon. Para bang isa lamang itong obligasyon na kailangang tapusin. Nang sa oras na idikit niya ang labi niya sa akin, walang 'yong init at pagmamahal, isa lamang pormalidad. At bago siya tuluyang lumayo— “This marriage is a contract. Don’t expect anything more.” bulong niya. And from that day on, I began living a life that didn't belong to me."Emelda, ano ito?!” sigaw ni Belinda, ang boses ay matinis at nanginginig sa galit.Nanatili akong nakalugmok sa sahig, naninigas habang isa-isang bumabagsak ang mga luha mula sa aking mga mata. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan ng bawat bulungan, ang uri ng katahimikang mas masakit pa kaysa sa sigawanAng mga mukha ng mga magulang ni Brandon ay hindi maipinta—galit, pagkadismaya, at pagkabigla na sabay-sabay na nag-uunahan. Si Brandon at ang kanyang kapatid ay tila napako rin sa kinatatayuan, samantalang si Giovanni, na nasa aking tabi, ay nanatiling tahimik at walang emosyon.“We’re being played! Limang taon kaming nawala, tapos ito lang ang dadatnan namin?!" singit ni Amanda, bakas ang matinding paninisi sa boses."Shut up, you witch!" bulyaw ni Beatrice."You shut up! Ibinigay na nga sa inyo ang katotohanan, pilit niyo pa ring itinataboy!" bawi ni Amanda, hindi man lang natorpe.Ngunit hindi na sila pinansin ni Emelda.Lumapit siya sa akin.Napasinghap ako nang bigla n
Nanlalamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang binitawan niyang salita. Puno ng galit, matalim, at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya.Napahinto ang hysterical na si Beatrice, tila biglang nabingi sa narinig. Si Brandon nama’y napatingin sa akin, sandaling naghanap ng sagot bago muling ibinalik ang tingin kay Amanda.“What did you just say, bitch?”Mabilis akong nilingon ni Beatrice, ang mga mata’y nag-aapoy. Itinuro niya si Amanda, saka tumawa nang mapanuya, halos baliw.“What do you mean, Anda?” tanong ni Brandon, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“She is not Amanda!”Sa gilid ng aking paningin, napansin ko ang mga taong paparating, mabilis at balisa. Nangunguna ang ina ni Brandon na halatang nabahala sa sigawan. Kasunod ang kanyang ama, si Giovanni, at ilan pang kaibigan at kakilala ng pamilya. Unti-unting napuno ang pasilyo ng mga matang uhaw sa eskandalo.“What the fuck are you saying, you whore?! Ang kapal ng mukha mo! Salot ka!” sigaw ni Beatrice, muling nawawal
"You still haven’t decided to have a child? Five years of marriage is more than enough to produce an heir, Amanda. Five years of simply enjoying life with those rings on your fingers, it’s excessive. We’re growing old. We want a grandchild,” mahinahon na sambit ng ina ni Brandon, saka marahang ibinaba ang kanyang wine glass."Hindi pa po namin iyon napag-uusapan ni Brandon… at sa tingin ko po, hindi pa siya handa.” sagot ko.We’re having a family dinner at the Marco Polo Imperial Palace, a luxurious, high-end hotel owned by Brandon’s family. Since it’s his birthday, kaya hindi lang pamilya niya ang narito, his friends and business partners are also in attendance. Giovanni is here too, accompanied by a woman who I'm not familiar with. However, the only person isn't present was Brandon's Grandmother.We were seated at a round table just big enough for the four of us, Brandon, his parents, and his sister. Kakaalis lang ni Brandon kasama ang papa niya para sa isang importanteng bagay, kay
Matagal akong naghintay bago ko tuluyang nasilayan ang paglabas ng isang pulang Bugatti Chiron Sport sa Marco Vincent Condominium. Hindi na ako nag-atubiling paandarin ang sasakyan at sundan iyon, pilit kinakalma ang sarili habang hinahabol ang distansiyang unti-unting lumalayo.Wala man lang ibinigay na malinaw na dahilan si Brandon kung bakit kailangan kong sundan ang kanyang tiyuhin. Pagmulat ko kaninang umaga, wala na siya, walang paalam, walang mensahe, walang bakas ng presensya. Ayaw ko sanang gawin ito, ngunit ang manatili sa mansiyon na walang ginagawa at walang halaga ay masakit sa ego.Hindi na ako nagulat nang pumasok ang sasakyan ni Giovanni sa isang kilalang clubhouse. Ang isang tulad niya, isang lalaking binabalot ng karangyaan ay tiyak na sa ganitong lugar umiikot ang mundo. Sumunod ako nang walang pag-aatubili, kahit pa tila sinasabi ng isip ko na umatras na. Ngunit huli na.“Shit…” bulong ko sa sarili nang makita ang halos puno ang parking area. Walang puwang, walang
My husband never treated me as his wife, not even after five years of marriage. Sa paningin niya, isa lamang akong obligasyon na kailangan niyang tiisin at pakisamahan. He never lingered on me, never gave me a glance that meant anything. Ang kaya niya lang ialok ay lamig at distansiya, walang bakas
Naveda“Whether you like it or not, you’re going to impersonate your sister for this marriage to continue!”Umalingawngaw sa buong silid ang matalim na sigaw ng aking madrasta, puno ng galit at desperasyon, habang mariin niya akong dinuduro. Isang oras na lamang ang natitira bago magsimula ang kasa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.