
My Daughter's Bestfriend
[ PAALALA: Ang nobelang ito ay naglalaman ng mga tema, salita, at mga pangyayaring hindi angkop sa mga 18 pababa. Read responsibly.]
Si Natalia Monterreal ay ang nag-iisang pinaka sucessful na businesswoman sa hanay ng bansa na puro lalaki ang nasa itaas. Nasa kanya na ang lahat; pera, kapangyarihan at pamilyang, tinitingala ng lahat. Iyon ang akala niya. Sa isang liham ay nalaman niyang hindi siya ang totoong anak, at sa pagbabalik nito ay kukunin ang mga pinaghirapan niya upang ibigay dito. Upang manatili sa pwesto, kailangan nyang magkaroon ng asawa.
Isinayaw nya sa club ang kanyang kabiguan, dito nya makikilala ang isang lalaki ang isang lalaki na sa unang pagkakataon ay mag-bibigay sa kanya ng kakaibang atraksyon dito. Lasing na siya ng gabing iyon kaya inaasahan nyang may mangyayari sa kanila ng lalaki. Pero kinaumagahan? Wala naman palang nangyari. “I won’t fuck someone who’s unwilling.”
Sa isang salita na iyon ay tila nakita nya ang sagot sa kanyang problemang kinakaharap. Inalok nya ito ng kasal na hindi naman nito tinanggihan. Pirmado na ang mga papeles at kasal na lamang ang kulang kundi lamang niya nalaman na ang lalaki ay ama pala ng kanyang matalik na kaibigan, at ang bilyonaryong kanyang kinaiinisan- si William Marner.
Tatapusin na ba niya agad ang pagpapanggap dahil ayaw nyang masaktan ang kaibigan o hahayaan nyang mawala sa kanya ang lahat ng kanyang pinaghirapan?
______
FORBIDDEN DARK ROMANCE SERIES
1: My Daughter's Bestfriend
2. My Son's Fiancee
3. My Wife's Rebel Daughter
อ่าน
Chapter: Kabanata 5: Simula ng Kasunduan“Mama!” napabalikwas ng higa si Natalia dahil akala niya ay mamatay na sya sa panaginip niya. Nandoon si Donya Teresita at may hawak na baril sa kanyang panaginip at pinutok iyon sa kanya. Mabilis niyang tinignan ang braso nya kung may tama, bago niya napansin na ang kumot niya ang hindi pink, gaya ng kulay ng kumot na ginagamit niya. Tsaka lamang niya napansin na wala sya sa kwarto niya, nasa ibang kwarto siya at naiba ang suot niyang damit sa natatandaan niya kagabi. Ang alam niya ay nagpunta siya sa isang club sa Makati, at ang suot nya ay sleeveless na white top na bukas ang likuran, at mini skirt. Pero bakit nakasuot na sya ngayon ng oversize t shirt?“Sinong nagpalit sakin? Nasaan ako?”Pagtingin nya sa paligid ay nahagip ng paningin niya ang sulat sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama niya. I won’t fuck someone who’s drunk. No worries, call me to get your stuff. Saka lamang bumalik sa ala-ala niya ang lalaki kagabi, ito ang tumulong na umalis sya mula sa dance floor dahil nag b
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-14
Chapter: Kabanata 4: Mikropono“Thank you so much.” pasasalamat ni William sa staff ng kanyang hotel matapos sya nitong tulungan na buksan ang pintuan ng hotel room na kinuha nya para sa dalaga. Tulog na tulog ito sa kanyang mga bisig na para bang ngayon lang uminom ng alak kaya hindi na nakapagtira pa ng pang uwi. Sa pag swipe ng pass key kanina ay umilaw na din ang buong kwarto. Tinignan muna nya ang mukha ng babaeng hawak bago ito dahan-dahang inilapag sa nag-iisang malaking kama. Wala syang ideya kung sino ito dahil ngayon lang nya nakita ang babae sa kanyang club. Sigurado syang hindi niya pa ito nakikita, mahirap kalimutan ang itsura ng dalaga lalo na kung ganoon ito kaganda. Hapit na hapit ang skirt nito, at ang sleeveless nito na top ay ang nagbibigay ng highlight sa buong ayos nito. Pinilit nyang alisin ang mga mata sa dalaga para hindi siya masyadong matukso, dahil baka bigla na lamang nyang makalimutan na disente siyang tao. Inayos na lamang nya ito ng higa para makuha nya ang kumot at maitakip sa kata
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-14
Chapter: Kabanata 3: Si Tito WilliamMalalim na ang gabi ng pumarada ang isang itim na sasakyang may tatak na BMW, isang lalaking may malaking may abuhing mga mata ang bumaba doon at nakangiting inihagis ang kanyang susi sa lalaking nag-aabang sa back entrance ng Marner Crimson Club. Isa iyong high-end club na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapunta. “Kamusta ang mga rooms natin, occupied ba lahat?” tanong ni William na siyang may ari ng naturang club. “Yes, Tito William. Full house po tayong ngayong gabi.” sagot ng kanyang manager na syang initusan nyang magtago ng susi ng kotse niya. Tito William ang tawag sa kanya ng lahat sa club dahil ayaw nyang tawagin siyang matanda na. “Ayos yan. What about the Dj, that I invited?”“Nasa loob na din Tito William. ”“Ayos, sige na balik ka na sa pwesto mo.”Nakangiting huminto at pinagmasdan ni William ang buong club niya sa isang sulok malapit sa beverages area. Maingay, nakakasilaw ang mga ilaw na umiikot sa kabuuan ng lugar. Isa-isa nyang nginitian ang mga regular custo
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-14
Chapter: Kabanata 2: Ang Ampon at ang Totoong AnakGabi na nakauwi ng bahay si Natalia dahil sa dami ng kanyang trabaho sa ospinina para sa nalalapit na sales event ng kanilang kompanya. Pinilit nyang hindi maniwala sa sulat na ipinadala sa kanya dahil baka gusto lang sya nitong perahan at ginagamit lamang ang mga magulang niya. Wala syang maisip na dahilan para gawin iyon ng mga magulang sa kanya. Inaasahan nyang nasa labas at naghihintay ang mga katulong para salubungin siya pero maski pagpasok nya sa pintuan ay wala ang mga ito. Sa halip, maiingay na usapan at halkhak ng kanyang mga magulang ang kanyang narinig. Sa sala ay natagpuan nila ito katabi ang isang babaeng nakasuot ng lumang panjama at butas-butas na pang itaas. Habang si Dona Teresita at Don Julio ay abala sa pag-aasikaso dito. Saka lamang sya nilapitan ng mga katulong. “Nandyan na po pala kayo, Ma’am. Pasensya na po di po kami nakalabas agad dahil ang utos po ng Donya ay magluto ng mga masasarap na pagkain.”“Okay lang.” tugon nya na nakatingin pa din sa saya ng mga
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-14
Chapter: Kabanata 1: Itim na SobreAbala ang lahat ng mga katulong sa mansyon ng mga Monterreal dahil malapit nang sumapit ang alas-syete ng umaga. Ilang minuto na lang ay baba na sa kwarto niya ang nag-iisang anak nina Dona Teresita At Don Julio- si Natalia Monterreal. Hindi ito sumasabay sa pagkain sa mga magulang sa umaga dahil gusto nito na bago mag alas-otso ay nasa opisina na at nagtra-trabaho. Ang dalawang katulong ay naghihintay na sa dulo ng hagdanan upang salubungin ang kinikilalang boss ng lahat matapos nitong iangat muli ang kanilang pamilya sa pagkalugi nito dalawang taon na ang nakakaraan. “Manang, paki-lagay sa kotse ko ang tambak ng mga papeles na nasa kwarto ko. Magpatulong ka po kay Ellie.” sabi ng kanilang boss na unti-unting bumababa sa hagdan ng hindi tumi-tingin dahil ang mga mata nito ay nasa ikina-kabit na relo sa kanyang kamay. “Opo, Ma’am.” sagot ng matanda saka inabot ang isang basong tubig at isang butil ng gamot na araw-araw iniinom ng dalaga. “Tungkol po sa sulat na dumating dito kahapo
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-14