LOGIN[ PAALALA: Ang nobelang ito ay naglalaman ng mga tema, salita, at mga pangyayaring hindi angkop sa mga 18 pababa. Read responsibly.] Si Natalia Monterreal ay ang nag-iisang pinaka sucessful na businesswoman sa hanay ng bansa na puro lalaki ang nasa itaas. Nasa kanya na ang lahat; pera, kapangyarihan at pamilyang, tinitingala ng lahat. Iyon ang akala niya. Sa isang liham ay nalaman niyang hindi siya ang totoong anak, at sa pagbabalik nito ay kukunin ang mga pinaghirapan niya upang ibigay dito. Upang manatili sa pwesto, kailangan nyang magkaroon ng asawa. Isinayaw nya sa club ang kanyang kabiguan, dito nya makikilala ang isang lalaki ang isang lalaki na sa unang pagkakataon ay mag-bibigay sa kanya ng kakaibang atraksyon dito. Lasing na siya ng gabing iyon kaya inaasahan nyang may mangyayari sa kanila ng lalaki. Pero kinaumagahan? Wala naman palang nangyari. “I won’t fuck someone who’s unwilling.” Sa isang salita na iyon ay tila nakita nya ang sagot sa kanyang problemang kinakaharap. Inalok nya ito ng kasal na hindi naman nito tinanggihan. Pirmado na ang mga papeles at kasal na lamang ang kulang kundi lamang niya nalaman na ang lalaki ay ama pala ng kanyang matalik na kaibigan, at ang bilyonaryong kanyang kinaiinisan- si William Marner. Tatapusin na ba niya agad ang pagpapanggap dahil ayaw nyang masaktan ang kaibigan o hahayaan nyang mawala sa kanya ang lahat ng kanyang pinaghirapan? ______ FORBIDDEN DARK ROMANCE SERIES 1: My Daughter's Bestfriend 2. My Son's Fiancee 3. My Wife's Rebel Daughter
View MoreAbala ang lahat ng mga katulong sa mansyon ng mga Monterreal dahil malapit nang sumapit ang alas-syete ng umaga. Ilang minuto na lang ay baba na sa kwarto niya ang nag-iisang anak nina Dona Teresita At Don Julio- si Natalia Monterreal. Hindi ito sumasabay sa pagkain sa mga magulang sa umaga dahil gusto nito na bago mag alas-otso ay nasa opisina na at nagtra-trabaho.
Ang dalawang katulong ay naghihintay na sa dulo ng hagdanan upang salubungin ang kinikilalang boss ng lahat matapos nitong iangat muli ang kanilang pamilya sa pagkalugi nito dalawang taon na ang nakakaraan.
“Manang, paki-lagay sa kotse ko ang tambak ng mga papeles na nasa kwarto ko. Magpatulong ka po kay Ellie.” sabi ng kanilang boss na unti-unting bumababa sa hagdan ng hindi tumi-tingin dahil ang mga mata nito ay nasa ikina-kabit na relo sa kanyang kamay.
“Opo, Ma’am.” sagot ng matanda saka inabot ang isang basong tubig at isang butil ng gamot na araw-araw iniinom ng dalaga. “Tungkol po sa sulat na dumating dito kahapon Ma’am, nilagay ko po ‘yon sa kwarto nyo. Nabasa nyo na po ba?”
Hindi agad sumagot si Natalia. Nagpatuloy lamang sya sa pag-aayos, isinuto ang napiling sapatos na nasa lapag tsaka muling humarap sa kaniya. “Paki-sama na lang sa mga papeles ko. Sa opisina ko na lamang babasahin.”
Mabillis namang sumunod ang dalawang katulong at nailagay ang mga sinasabing papeles sa kanyang kotse. Habang nagmamaneho pa lamang papunta sa kanyang opisina sa Maynila ay iniisip na nya agad kung ano ang sasabihin sa mga tauhan nyang nakalimutan na naman yata ang motto ng kompanya. Napakaraming complaints ang natanggap nila dahil sa mga parcel na hindi nakarating sa mga buyers dahil sa mga pabayang seller na hindi natutuunan ng pansin ng kanyang mga tauhan.
Ilang minuto lang ay narating din nya ang entrada ng kompanya, sa labas ay nakahanay na agad ang mga executives at naghihintay sa kanya. Imbes na batiin ang lahat matapos niyang bumaba ay inihagis nya ang kanyang susi sa isa sa mga ito.
“Paki-parada ang kotse ko, ang iba ay bitbitin nyo ang mga papeles sa opisina. Marami tayong pag-uusapan.”
Sa tonong iyon pa lamang at ang salitang ‘mag-uusap’ ay alam na agad ng lahat na hindi na naman sila makakaligtas sa sermon ni Natalia.
Paglabas ng elevator ay agad-agad na tumahimik ang lahat at humarap sa kani-kanilang kompyuter. “Lahat kayo, maski ang customer service, sumiksiik kayo sa conference room. Kasama kayo sa kakausapin ko.” sabi ni Natalia na hindi na kailangan pang tumingin sa kanila habang nilalakad nila ang daan papunta conference room. Tahimik at kinakabahan naman ang lahat na sumunod sa kanya.
Pagpasok sa conference hall ay hinubad nya ang suot nyang blazer at hindi na hinayaan pang makaupo ang mga executives nya bago niya inihampas ang hawak nyang blazers sa mesa. Tumigil lamang sya ng maramdaman niya na kahit paano ay nabawasan ang galit at frustration na nasa dibdib niya.
“Gusto nyo bang mawalan ng trabaho?” tanong nya habang inaayos ang gusot ng kanyang damit at tumingin sa mga tauhan nyang nakayuko ang mga ulo. “Kung hindi nyo gusto ang trabaho nyo, pwede kayong mag resign. Pero huwag na huwag nyong ipag-sasawalang bahala ang complaints ng mga buyers dahil sila ang dahilan kung bakit tumatakbo at may MTRL company. Sila ang dahilan kung bakit kayo may sweldo, at bakit tayo ang nasa ikalawang pinaka-mayaman at kilalang kompanya sa bansa. Naiisip nyo ba yon?”
Sumenyas sya na ibaba ng tatlong tao ang mga papeles nya sa harapan niya bago nya hinila ang upuan at umupo. “Tricia, Rex at Magnus. Kayong tatlo ang inaasahan ko sa mga ganitong trabaho. Anong ginagawa nyo?”
Unang umabante ang isang babaeng naka bob cut. “Ako po ang may kasalanan, Ma’am Natalia. I didn’t give Rex and Magnus the right procedure for it since I was busy with the campaign for our next event next week. I will take all the blame po.”
“I am completely aware of it, Tricia. And don’t even take all the blame when Magnus and Rex are not doing their best. Yung isa nababaliw sa lovelife niya at iyong isa, laging late!” sa paghampas niya ng lamesa ay halos iisa ang reaksyon ng lahat. Lahat napapikit sa takot na matamaan ng kung ano mang inihamapas nito. “As much as possible ayokong magalit dahil alam ko naman na mahirap ang trabaho lalo na sa peak season pero sana, itong ganitong mga complaints kahit maliit ay huwag nang ipunin. Mag provide kayo agad ng solusyon. Gusto nyo bang ma call out tayo sa social media?”
“Hindi po sa ganoon, Ma’am. Mag-aassign po ako ng mga bagong tao na kapalit nina Rex at Magnus. Pasensya na po.”
“That’s it. Replace them and put those two on the customer service department. At kung magrereklamo sila, ibigay nyo itong mga papeles na ito sa kanila dahil mga complaints yan na naipon noong nakaraang buwan na sila ang dapat gumawa, ” Itinulak nya ang isang tambak ng mga papeles para kuhanin nila at maibigay sa dalawang tinutukoy. Hindi niya inaasahan na may mala-laglag doong isang sobreng itim. Mabilis naman niya itong k
inuha sa sahig bago muling humarap sa lahat.
“That's our alliance mark. And my thank you for saving me today.” nakangiting sabi ni Natalia kay William. Ngunit, hindi natinag ang lalaki sa kinatatayuan nito. Kulong pa din sya sa mga bisig nitong konti na lang ay para ding gusto niya kagatin. Pero alam naman nyang hindi lang iyon ang malaki kay William. Oh no! Sigaw niya sa isip niya. Hindi niya dapat pag isipan ng ganon si William. “Sino ‘yong lalaki kanina?” tanong nito. Hinawakan ang dulo ng baba niya at ipinantay ang tingin niya sa mga mata nito. “Bakit ka niya hinahawakan? Pinapayagan mo?”Sinubukan nyang tabigin ang isang braso nito. “That's my co-worker. Sya ang kasalukuyang Vice-President ng kompanya. Kababata ko.”“Ah, so childhood friend.” Gumalaw ang panga ni William bago tumingin sa malayo na para bang may hinahanap. “May gusto ba yon sayo?”“What? No. May ibang gusto ‘yon.”“Pano mo nalaman?” hindi pa rin naniniwalang tanong nito. “Lalaki ‘yon, maganda ka. Hindi pwedeng hindi ka nya magustuhan.”“Naku, William. Inam
“Anong ginagawa nyo sa asawa ko?” galit na sigaw ni William sa lahat ng kaharap ni Natalia sa tagpong iyon. Gulat na gulat ang itsura nina Donya Teresita, Don Julio, Stella at ni Elton. Masamang masama ang ekspresyon ni William, kunot ang noo at mahigpit ang hawak sa kamay ni Natalia. Tumingala sya sa lalaki, pakiramdam niya ay nagkaroon sya ng mataas na pader na sasalo sa galit at pang aalipusta ng mga magulang sa kanya. Hinawakan nya ang damit nito sa likod, pero mabilis ding nagdalawang isip dahil hindi siya ganoon, hindi siya naka depende sa lalaki. Si Elton ang unang gumalaw sa lahat, naguguluhan ang itsura nito. “Asawa? You must be mistaken pare, get away from her.” Aabutin sana nito ang kabilang kamay ni Natalia pero nahuli iyon agad ni William at ibinalya. “Huwag mo siyang hawakan,” banta ni William dito, salita lamang iyon pero tila hayop na natakot agad ang lalaki. Pinisil niya ang kamay ni William. Hindi siya nito nilingon. “Sino ba kayo? Bakit kayo nag eeskandalo at pin
“Matcha again?” nakangiting tanong ni Elton sa kanya after niyang ilapag ang tray ng inorder nila ng hapong iyon sa isang café malapit sa company niya. Tumaas ang kilay ni Natalia dahil tingin pa din ng binata sa matcha flavor ay inumin pang hayop sa bukid. “This isn't yours, you ordered macchiatto diba?” depensa niya at umupo na muli. Natalia doesn't know why Elton presences seem to be awkward gayong masaya siya dati na kasama ito. “Kamusta ang Amerika?” Ibinaba ng lalaki ang hawak na phone bago sumagot sa kanya. “Nothing changed. Nakausap ko nga pala ang isang potential investor sa California. He's very interested in your company, kung gusto mo daw ay pwede mo syang puntahan as soon as possible.”Pumikit si Natalia saglit bago tumingin sa view sa labas. Malakas ang ulan, malakas din ang hangin. Mukhang may bagyo. “Ano pang sabi? How much ang network niya para dayuhin ko siya sa amerika?” walang ganang sagot niya sa sinabi ng lalaki. Walang gana dahil alam naman niyang lumipad lan
“Tigilan mo ‘ko sa tingin mong iyan, Yana.” banta ni Natalia sa kanyang sekretarya. Pagbaba nya kasi sa kotse ni William nang ihatid siya nito sa labas ng building ng kompanya nya ay nakangiti na ang sekretarya sa kanya. Tapos na ang lahat ng kailangan nilang gawin para sa sales event sa susunod na linggo. Inaasahan nila na mas dadami ang user, customers at feedback sa kompanya. Iyon naman talaga lagi ang goal. At ayaw nyang may papalya. Ngayon ay nakasandal na lamang sya sa kanyang upuan habang tinitignan ang papers ng kasal nila ni William, pirmado na ang lahat at kasal na nga sila.“Sorry, Ma’am. Curious lang kasi ako, ano kasi,” “Anong ano kasi?”“Saan kayo nagpunta? Nag honeymoon kayo?”Nag angat sya ng katawan, hindi niya alam ang sasabihin. “A-anong honeymoon? Hindi kami totoong mag-asawa.”“Pero totoo ang papers, Ma’am. Sa legal na terms mag-asawa kayo, kaya pwedeng may mainlab na isa sa inyo at maging totoo.”Pinandilatan niya si Yana. “Hay naku Yana, puputi na siguro ang u
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.