author-banner
foreveraisahere
Author

Romans de foreveraisahere

Workaholic Ako Noon, Prinsesa Na Ngayon!

Workaholic Ako Noon, Prinsesa Na Ngayon!

Sobrang sipag mo na halos patayin mo na ang sarili sa kakatrabaho. Paano kung namatay ka nga sa sobrang hardworking mo? Pagkatapos, nabuhay kang muli pero isa ka ng prinsesa! At ang mas malala pa ay napunta ka sa isang nobela na dati ay binabasa mo lang! Babaguhin mo ba ang takbo ng kwento o gusto mo na lang bumalik sa tunay na mundo?
Lire
Chapter: CHAPTER 3 - Isang Milyong Gintong Barya!
Hindi naman niya kailangang siya mismo ang gumawa nito, pero hindi rin siya naglakas-loob na ipagawa iyon sa iba dahil natatakot siyang kumalat ang mga tsismis.Lalo na kung makarating pa ito sa kanyang panganay na kapatid.Kahit na isang walang silbi na babae ang orihinal na Prinsesa Axhell, mahal na mahal naman siya ng kaniyang ama at napakatiyaga rin sa kaniya ng kaniyang ina. Samantala, naiiba naman ang kaniyang pangalawang kuya dahil isa itong artista. Bihira itong umuwi kaya minsan o dalawang beses lamang niya itong nakikita sa loob ng isang taon.Ang tanging dapat niyang katakutan ay ang kaniyang panganay na kuya na si Azilion. Mahigpit ito at napakaseryoso sa lahat ng bagay.Sampung taon ang tanda ni Azilion sa kaniya at isa na itong major general sa kanilang imperyo. Buong taon itong nakadestino sa rehiyon ng mga bituing nasa hangganan ng imperyo. Kapag paminsan-minsan itong umuuwi, napakahigpit ng paraan nito ng pagdidisiplina sa mga nakababatang miyembro ng pamilya— halos h
Dernière mise à jour: 2026-10-26
Chapter: CHAPTER 2 - Hanggang Dito Na Lang
Mahusay magbasa ng ekspresyon ng mukha ang nagbebenta ng mga alipin. Nang mapansing nasisiyahan si Axhell sa nakita ay agad nitong itinaas ang presyo at humingi ng dalawampung libong gintong barya.Wala namang problema. May natitira pang isandaang libong gintong barya sa card ng orihinal na Prinsesa Axhell.Kalmadong iniabot ni Axhell ang card. Tinanggap iyon ng nagbebenta at sa lawak ng pagkakangiti nito ay halos maglaho na ang mga mata nito sa tuwa.Binuksan nito ang kulungan at dalawang beses na marahas na sinipa ang lalaking nasa loob. “Lumabas ka! Kilalanin mo ang bagong nagmamay-ari sayo!"Nagpumiglas ang lalaking may pilak na buhok habang pilit na gumagapang palabas. Nang tuluyan siyang makalabas ay lumuhod siya sa lupa at nanatiling hindi gumagalaw.Malinaw niyang narinig ang usapan kanina. Sigurado siyang binili siya ng babaeng ito para gawin siyang punching bag at pagbuntunan ng galit.Taimtim siyang nanalangin na sana saktan siya nang matindi. Mas mabuti na iyon nang matapo
Dernière mise à jour: 2026-10-26
Chapter: Chapter 1: Bagong Buhay, Bagong Mundo
"Narito ka pala, Kamahalan! Gusto mo bang suriin ang isang ito? Malusog ang pangangatawan nito at sigurado akong masayang paglaruan!""Ito naman ang tingnan ninyo, Kamahalan! Payat lang siyang tingnan pero napakasensitibo ng balat niya na kapag pinisil ninyo ay sobrang lakas niyang sumigaw! Tiyak na matutuwa kayo kapag nakikita ninyong nahihirapan ito.""Ito ang piliin ninyo, Kamahalan! Dahil kahit ilang beses pa ninyong bugbugin ay hinding-hindi ito lalaban at magmamakaawa lang na patawarin ninyo kapag sobrang lakas na ng pagkakapalo ninyo. Sigurado akong matutuwa kang paglaruan ito at talagang mapupunan niyon ang kung ano man ang inyong hangarin."Malalim na ang gabi pero ang kasakiman at walang hanggang pagnanasa ay mararamdaman pa rin sa pamilihan ng mga alipin. Nag-unahan sa paglapit ang mga nagbebenta ng alipin at bakas sa kanilang mga mukha ang pananabik na makabenta sila.Alam ng lahat na ang Ikatlong Prinsesang ito na nasa C-level lamang na hindi gaanong matalino at may mahin
Dernière mise à jour: 2026-10-26
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status