LOGINSobrang sipag mo na halos patayin mo na ang sarili sa kakatrabaho. Paano kung namatay ka nga sa sobrang hardworking mo? Pagkatapos, nabuhay kang muli pero isa ka ng prinsesa! At ang mas malala pa ay napunta ka sa isang nobela na dati ay binabasa mo lang! Babaguhin mo ba ang takbo ng kwento o gusto mo na lang bumalik sa tunay na mundo?
View More"Narito ka pala, Kamahalan! Gusto mo bang suriin ang isang ito? Malusog ang pangangatawan nito at sigurado akong masayang paglaruan!"
"Ito naman ang tingnan ninyo, Kamahalan! Payat lang siyang tingnan pero napakasensitibo ng balat niya na kapag pinisil ninyo ay sobrang lakas niyang sumigaw! Tiyak na matutuwa kayo kapag nakikita ninyong nahihirapan ito."
"Ito ang piliin ninyo, Kamahalan! Dahil kahit ilang beses pa ninyong bugbugin ay hinding-hindi ito lalaban at magmamakaawa lang na patawarin ninyo kapag sobrang lakas na ng pagkakapalo ninyo. Sigurado akong matutuwa kang paglaruan ito at talagang mapupunan niyon ang kung ano man ang inyong hangarin."
Malalim na ang gabi pero ang kasakiman at walang hanggang pagnanasa ay mararamdaman pa rin sa pamilihan ng mga alipin. Nag-unahan sa paglapit ang mga nagbebenta ng alipin at bakas sa kanilang mga mukha ang pananabik na makabenta sila.
Alam ng lahat na ang Ikatlong Prinsesang ito na nasa C-level lamang na hindi gaanong matalino at may mahinang mental power ay wala naman itong pakialam na magwaldas ng pera.
At ngayong personal pa itong nagpunta sa isang mababang uri ng pamilihan ng mga alipin ay sigurado silang may pakay itong bumili ng ilang lalaking alipin para paglaruan at pahirapan.
Napangiwi si Axhell habang nakikinig sa mga banat ng mga nagtitinda para lamang pansinin niya.
Ikatlong araw pa lamang niya sa mundong interstellar— naninirahan dito ang iba't ibang uri ng mga halimaw na inakala niyang sa mga palabas lamang makikita.
Sa dati niyang buhay ay isa lamang siyang masipag at simpleng empleyado na halos magpakamatay sa kakatrabaho para lang makaahon sa buhay. Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang siyang namatay sa harap ng kanyang mesa. Nang muli siyang magkamalay ay nalaman niyang isa na siyang prinsesa. Sa sobrang tuwa ay gusto niyang magpa-party at magpaputok ng mga fireworks!
Pero nang maisip niya ang lahat at kasabay niyon ay naalala niya ang mga alaala ng may-ari ng katawang mayroon siya ngayon ay saka niya napagtanto na napunta pala siya sa loob ng isang nobela!
Sa mismong librong nabasa niya na noon!
Ang nobelang iyon ay tungkol sa isang S-class na babae na tagapagmana mula sa Central Empire na nahiwalay sa tunay nitong pamilya noong bata pa lamang ito. Nang matagpuan ito at makabalik sa tunay nitong pamilya ay minahal ito ng dalawa nitong nakatatandang lalakeng kapatid at pinalayaw ito ng mga magulang nito. Bukod pa roon ay nagkaroon ito ng hindi mabilang na malalabong relasyon mula sa higit isang dosenang mga natatangi at gwapong lalake. Sa huli ay nagtapos ang kwento sa isang masayang pag-iibigan ng pangunahing bidang babae kasama ang iilang mga lalake.
Labis na nahumaling si Axhell sa pagbabasa ng nobelang iyon noon. Isa pa ay nakakatuwa na napakaraming gwapong mga lalaki na nagtatalo at nag-aagawan sa isang pangunahing bidang babae.
Iyon nga lang ay hindi siya ang pangunahing bidang babaeng iyon.
Sa halip ay napunta siya sa katawan ng pekeng tagapagmana na laging kinukumpara sa pangunahing bidang babae— si Prinsesa Axhell.
Nang una niyang basahin ang nobela ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkadismaya sa karakter na kapangalan niya. Hindi naman dahil napakasama ng karakter na iyon.
Sa totoo lang ay kung ihahambing sa mga karaniwang babaeng kontrabidang walang pag-aatubiling gumagamit ng droga, nagbibintang para manira ng iba, o nagbabayad ng mga mamamatay-tao, wala namang nagawang malaking kasalanan ang orihinal na Prinsesa Axhell. Medyo m*****g lamang ito, madaling mahumaling sa mga lalaki, medyo malayaw sa buhay, at hindi gaanong matalino o may mahinang mental power.
Pero parang ibinuhos ng may akda ng nobelang iyon ang lahat ng kaniyang pagkamuhi sa karakter ni Prinsesa Axhell.
Nang matagpuan at makabalik ang tunay na tagapagmana— ang pangunahing bidang babae, ay biglang nagbago ang pakikitungo ng mga magulang ni Prinsesa Axhell sa kanya na dating nagmamahal at nagpapalayaw sa kaniya. Itinuring nila siyang isang sinungaling na umagaw sa nararapat na puwesto ng kanilang tunay na anak.
Ang dalawa niyang nakatatandang kapatid na lalaki na dati ay laging nagpoprotekta sa kaniya ay nagsimula ring kamuhian siya. Para sa kanila ay ninakaw niya ang lahat ng pagmamahal at pribilehiyong dapat sana ay para sa kanilang tunay na kapatid sa loob ng maraming taon.
Ang mga lalakeng nagustuhan niya ay nagsimulang magsalita nang masama tungkol sa kanya. Maging ang mga taong may mga matataas na antas sa lipunan na palaging nakapaligid sa kaniya sa ay tinalikuran siya at hayagang kinutya.
Sa mga sumunod na bahagi ng kuwento ay nagising sa ikalawang pagkakataon ang mental power ni Prinsesa Axhell. Bigla itong lumakas nang husto dahilan para maging isa siya sa iilang babaeng may S-class na antas sa buong imperyo.
Pero kahit na ganoon ay natalo pa rin siya sa ilalim ng napakalakas na kapangyarihang taglay ng pangunahing bidang babae.
Sa huli ay inalis sa kaniya ang lahat ng mayroon siya at ipinatapon siya sa isang tigang at liblib na planeta na kung saan tuluyan siyang namatay sa gutom.
Samantala ay masayang nagtatamasa ng masayang pag-ibig kasama ang kaniyang mga lalake ang pangunahing bidang babae.
Galit na galit si Axhell nang mabasa niya ang bahaging iyon. Pero hindi niya kailanman inakalang darating ang araw na siya mismo ang mapupunta sa mundong iyon— sa katawan mismo ni Prinsesa Axhell.
Kaya naman, matapos siyang mapunta sa katawang ito ay pilit niyang pinag-isipan ang kaniyang sitwasyon. Dahil ayaw niyang sapitin ang naging buhay ni Prinsesa Axhell.
Habang pinag-aaralan niya ang mga alaala ng orihinal na Prinsesa Axhell ay unti-unti niyang natuklasan ang isang mahalagang bagay.
Nasa mga unang bahagi pa lamang ng kuwento ang kasalukuyang takbo ng mga pangyayari. Ibig sabihin ay may pag-asa pa siyang baguhin ang kaniyang kapalaran!
Sa pagkakaalala niya ay dalawang taon pa bago makabalik ang tunay na tagapagmana. Kailangang niyang paghandaan iyon.
Sa ngayon ay hindi pa muling nagigising ang lakas ng kanyang mental power, kaya nananatili pa rin siya sa C-class na antas. Ang tanging magagawa niya ay mag-ipon ng mga bagay na maaari niyang sandalan at pagkukunan ng lakas para magprotekta sa kanya bago pa bumalik ang tunay na tagapagmana.
Pera ba ang kailangan niya?
Dahil sa mahina ang kanyang mental power, nagkaroon ng ugali si Prinsesa Axhell na magwaldas ng pera para pagtakpan ang kaniyang mababang pagtingin sa sarili.
Kahit napakalaki ng perang tinatanggap niya buwan-buwan bilang pangtustos sa kaniyang pamumuhay, nang tingnan niya ang laman ng kaniyang account ay natuklasan niyang halos wala nang natitira.
Mga koneksiyon ba ang kailangan niya?
Bagama't kabilang siya sa mga babaeng may pribilehiyo, napakahina naman ng mental power niya at hindi gaanong matalino. Dahil isa siyang prinsesa ay lumaki siyang sunod sa layaw at ayaw gumawa ng anumang bagay sa sarili niyang pagsisikap. Sa madaling salita ay tamad siya.
Dahil dito ay wala siyang anumang opisyal na posisyon sa imperyo. Sa madaling salita, isa lamang siyang palamuti sa maharlikang pamilya— maganda sa paningin, pero walang tunay na kapangyarihan.
Buong magdamag na pinag-isipan ni Axhell ang kaniyang mga pagpipilian. Pero matapos ang lahat ng iyon, iisa lamang ang natitira niyang pagtutuunan ng pansin.
Mga tao.
Balak niyang agawin sa pangunahing bidang babae ang isang lalaki.
Siyempre ay wala sa plano niya ang agawin ang mga lalaking lubos na tapat at nakatuon lamang ang atensyon sa pangunahing bidang babae. Ang gusto niyang makuha ay ang mga mahahalagang karakter sa kuwento na hindi naman gaanong pinapansin o pinapaboran ng bidang babae.
Sa madaling salita, gusto niyang angkinin ang mga maliliit na isda sa palaisdaan ng pangunahing bidang babae.
Gaya na lamang ni Jioren, ang pinakatapat na personal na bodyguard ng bida sa mga huling bahagi ng kuwento.
Inapo si Jioren ng isang opisyal na nasangkot sa kahihiyan at pagkakadiskaril ng karera. Dalawang taon na ang nakalilipas nang bumagsak ang kanilang pamilya mula sa kapangyarihan. Ang buong angkan nila ay pinatay o ipinatapon.
Mula sa pagiging isang marangal na tao ay ibinaba ang katayuan niya at ginawa siyang alipin, hanggang sa tuluyan siyang mapadpad sa pamilihan ng mga alipin.
Limang taon nang nagtitiis si Jioren sa pagpapahirap sa mala-impiyernong lugar na iyon nang unang magtagpo ang landas nila ng bidang babae. Nasa bingit na siya ng kamatayan ng mga oras na iyon.
Binili siya ng bidang babae at ginamot ang kaniyang mga sugat at dahil doon ay nakuha nito ang taos-puso at lubos na katapatan ni Jioren.
Ngayon ay may dalawang taon pa bago dumating ang pangunahing bidang babae. Naisip ni Axhell na mas mabuti sigurong bigyan na lamang si Jioren ng bagong taong maaari nitong paglaanan ng katapatan? Uunahan na ni Axhell ang bidang babae!
Habang pinag-iisipan ang lahat ng ito ay nagpatuloy sa paglalakad si Axhell sa loob ng pamilihan.
Sa orihinal na nobela ay inilarawan si Jioren bilang isang lalaking lobo. Mayroon din siyang tattoo sa mukha na nagsasabi ng pagiging isang makasalanang alipin.
Halos sampung minuto nang naglalakad si Axhell pero wala pa rin siyang nakikitang aliping tumutugma sa paglalarawang iyon.
Patuloy pa rin sa panghihikayat ang nagbebenta ng mga alipin sa kaniyang tabi kaya malamig niya itong pinatigil sa pagsasalita at nagtanong. “Mayroon pa ba kayong ibang mga alipin dito? Kung maaari ay iyong mula sa lahi ng mga lobo.”
Natigilan ang nagbebenta.
Siyam sa bawat sampung babaeng pumupunta sa pamilihan para bumili ng mga alipin ay naroroon para maglabas ng galit. Bumibili sila ng mga alipin para paluin at pahirapan ang mga ito ayon sa kanilang kagustuhan.
Mukhang tama nga ang hinala ng nagbebenta. Talagang pumunta ang Ikatlong Prinsesa para bumili ng mga laruang maaari niyang paglabasan ng sama ng loob.
Samantala ay may isang nagbebenta ng alipin na kanina pa hindi makasingit sa karamihan ang biglang nakaisip ng magandang ideya. “Mayroon po! Mayroon akong isang maiaalok sa inyo, Kamahalan!”
"Ituro mo sa akin kung nasaan," utos ni Axhell at bahagyang umarko ang kilay at tinaas ang kanyang baba. Para bang sinasanay niya na ang sarili na kumilos bilang ang tunay na Prinsesa Axhell.
Agad na tumango ang nagbebenta at nagmamadaling inakay siya papunta sa mas malalim na bahagi ng pamilihan.
Habang palayo sila nang palayo ay lalo namang tumitindi ang amoy ng malansang dugo sa paligid.
Sa wakas ay huminto sila sa harap ng isang kulungan.
Makitid ang kulungan at natatakpan ng makapal na itim na tela. Para itong malaking kulungan ng aso.
“Hindi pa lubusang napapaamo ang aliping ito, pero malakas at matibay ang pangangatawan niya. Bata pa siya at mabilis ding gumaling kapag nasugatan. Sigurado akong magagamit pa ninyo siya sa mahabang panahon,” sabi ng nagbebenta at may ngiting mapagkunwari habang inaalis ang itim na tela.
Tahimik na nakinig si Jioren sa loob ng kulungan habang isa-isang binabanggit ng nagbebenta ang kaniyang mga “kalamangan”.
Tumingin siya sa kaniyang mga kamay at paang nakagapos sa mabibigat na kadena saka mariing kinagat ang bagay na nagtatakip sa kaniyang bibig para pigilan siyang sumigaw o kumagat.
'Sino kaya iyon? Kung sino man siya, sana ay patayin na lamang niya ako kaagad. Tama na ang pagpapahirap sa akin.'
Nang biglang pumasok sa loob ng kulungan ang liwanag na mula sa mga ilaw sa labas ay napapikit si Jioren at hindi niya agad naimulat nang husto ang kaniyang mga mata.
Sa gitna ng nanlalabo niyang paningin ay may naaninag siyang isang payat at balingkinitan na pigurang nakatayo sa labas ng kulungan.
Sa gitna ng bulok, marumi, at malansang amoy ng dugo ay sumingit ang isang kaaya-ayang halimuyak sa kaniyang ilong.
Sa naniningkit na mga mata ay pilit niyang iniangat ang kaniyang ulo para mas malinaw na makita ang taong nasa kaniyang harapan.
Pero dahil nakatalikod ito sa liwanag tanging isang pares lamang ng mga matang panandaliang nagningning ang nagawa niyang masilayan.
Pagkatapos ay narinig niya ang isang tinig na malinaw at maliwanag na umalingawngaw sa buong paligid.
“Siya ang gusto ko!”
Hindi naman niya kailangang siya mismo ang gumawa nito, pero hindi rin siya naglakas-loob na ipagawa iyon sa iba dahil natatakot siyang kumalat ang mga tsismis.Lalo na kung makarating pa ito sa kanyang panganay na kapatid.Kahit na isang walang silbi na babae ang orihinal na Prinsesa Axhell, mahal na mahal naman siya ng kaniyang ama at napakatiyaga rin sa kaniya ng kaniyang ina. Samantala, naiiba naman ang kaniyang pangalawang kuya dahil isa itong artista. Bihira itong umuwi kaya minsan o dalawang beses lamang niya itong nakikita sa loob ng isang taon.Ang tanging dapat niyang katakutan ay ang kaniyang panganay na kuya na si Azilion. Mahigpit ito at napakaseryoso sa lahat ng bagay.Sampung taon ang tanda ni Azilion sa kaniya at isa na itong major general sa kanilang imperyo. Buong taon itong nakadestino sa rehiyon ng mga bituing nasa hangganan ng imperyo. Kapag paminsan-minsan itong umuuwi, napakahigpit ng paraan nito ng pagdidisiplina sa mga nakababatang miyembro ng pamilya— halos h
Mahusay magbasa ng ekspresyon ng mukha ang nagbebenta ng mga alipin. Nang mapansing nasisiyahan si Axhell sa nakita ay agad nitong itinaas ang presyo at humingi ng dalawampung libong gintong barya.Wala namang problema. May natitira pang isandaang libong gintong barya sa card ng orihinal na Prinsesa Axhell.Kalmadong iniabot ni Axhell ang card. Tinanggap iyon ng nagbebenta at sa lawak ng pagkakangiti nito ay halos maglaho na ang mga mata nito sa tuwa.Binuksan nito ang kulungan at dalawang beses na marahas na sinipa ang lalaking nasa loob. “Lumabas ka! Kilalanin mo ang bagong nagmamay-ari sayo!"Nagpumiglas ang lalaking may pilak na buhok habang pilit na gumagapang palabas. Nang tuluyan siyang makalabas ay lumuhod siya sa lupa at nanatiling hindi gumagalaw.Malinaw niyang narinig ang usapan kanina. Sigurado siyang binili siya ng babaeng ito para gawin siyang punching bag at pagbuntunan ng galit.Taimtim siyang nanalangin na sana saktan siya nang matindi. Mas mabuti na iyon nang matapo
"Narito ka pala, Kamahalan! Gusto mo bang suriin ang isang ito? Malusog ang pangangatawan nito at sigurado akong masayang paglaruan!""Ito naman ang tingnan ninyo, Kamahalan! Payat lang siyang tingnan pero napakasensitibo ng balat niya na kapag pinisil ninyo ay sobrang lakas niyang sumigaw! Tiyak na matutuwa kayo kapag nakikita ninyong nahihirapan ito.""Ito ang piliin ninyo, Kamahalan! Dahil kahit ilang beses pa ninyong bugbugin ay hinding-hindi ito lalaban at magmamakaawa lang na patawarin ninyo kapag sobrang lakas na ng pagkakapalo ninyo. Sigurado akong matutuwa kang paglaruan ito at talagang mapupunan niyon ang kung ano man ang inyong hangarin."Malalim na ang gabi pero ang kasakiman at walang hanggang pagnanasa ay mararamdaman pa rin sa pamilihan ng mga alipin. Nag-unahan sa paglapit ang mga nagbebenta ng alipin at bakas sa kanilang mga mukha ang pananabik na makabenta sila.Alam ng lahat na ang Ikatlong Prinsesang ito na nasa C-level lamang na hindi gaanong matalino at may mahin






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.