author-banner
Isabella
Isabella
Author

Nobela ni Isabella

The Trash Son-in-Law is the Master of Gods

The Trash Son-in-Law is the Master of Gods

Sa mata ng kaniyang pamilya, si Andres Oliveros ay isang walang-silbing utusan na mas masahol pa sa aso kung ituring. Walang nakakaalam na ang lalaking kanilang kinakawawa sa bayan ng Buenavista ay ang dating pinuno ng Empyrean—ang pinakamalupit na alyansa ng mga diyos ng digmaan. Limang taon siyang nagtiis at nagtago sa mortal na mundo upang iligtas ang kaniyang mga tauhan mula sa hari ng Polis. Subalit nang matuntunan siya ng kaniyang mga dating kasamahan, isang madilim na banta rin ang dumating sa buhay ng kaniyang mag-ina. Para kay Andres ay tapos na ang kaniyang pagiging pinuno sa labanan. Ngunit ngayong nakasalalay na ang buhay ng kaniyang asawa’t anak, handa ba siya muling makipagpatayan kahit pa malaman ng mga ito ang tunay niyang pagkatao?
Basahin
Chapter: Chapter 6
Pagpasok pa lang nila sa parking lot ng Hotel, hindi na napigilan ni Mara itanong ang kanina pa bumabagabag sa kanya."Andres, sandali." Hinawakan niya ang manggas nito. "Wala ka bang balak ipaliwanag sa akin ang mga nangyari kanina? Paano nangyari 'yon? Sino ka ba talaga?"Saglit na natahimik si Andres. Kapag sinabi niya ang totoo, madadamay ang mag-ina niya, kaya pinili niya ang kuwentong kaya nilang paniwalaan. "Dating sundalo ako, 'di ba? Minsan, may iniligtas akong lalaki sa isang misyon, at sobrang yaman niya. Sabi niya, kapag wala na akong malapitan, tawagan ko lang siya at tutulungan niya ako isang beses. Kanina, wala na talaga akong ibang choice."Tumango si Mara. Nabanggit na rin naman ni Andres noon na naging sundalo siya, kaya madali niyang tinanggap ang paliwanag.Pero hindi si Aling Perla. Nakahalukipkip itong nakikinig sa likod nila, at biglang kumunot ang noo. "Teka, isang beses lang? Ibig sabihin, hindi na mauulit 'yon?""Opo, Ma. Isang beses lang."Bumagsak ang balik
Huling Na-update: 2026-10-30
Chapter: Chapter 5
Hindi napigilan ni Vince ang humalakhak, kahit nanginginig pa ang bali niyang kamay."Sampung minuto? Babagsak ang Salvador Group?" Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata. "Grabe ka, pare. Ang yabang mo para sa taong nagluluto lang ng ulam sa kusina. Sa yaman ng kumpanya namin, hindi 'yan natutunaw na parang yelo katulad ng iniisip mo."Hindi rin naniniwala si Aling Perla. Totoong iba ang dating ni Andres ngayong gabi, at hindi na ito ang manugang na inaapi niya sa loob ng limang taon. Pero ang mga Salvador ang pinag-uusapan dito, at ang impluwensya at kapangyarihan na mayron sila. Kahit ang pinakamayamang pamilya sa Santa Lucia ay hindi makakapagpabagsak ng ganoong kumpanya sa loob ng sampung minuto.Lumapit siya kay Vince nang halos nakayuko, at nanginginig ang boses. "Sir, pasensya na po talaga. Pipirmahan na niya ang papeles, maghihiwalay na sila ni Mara. Pumayag na rin po si Mara sa gusto n'yo. Huwag n'yo lang po kaming idamay. Kasalanan po ito ng lalaking 'yan, wala po kaming
Huling Na-update: 2026-10-30
Chapter: Chapter 4
Parang may sumuntok sa sikmura ni Andres nang makita niyang nakaupo si Mara sa sahig, nakatakip ang dalawang kamay sa mukha at nanginginig ang mga balikat.Kaya pala ang lamig nito sa kanya nitong mga nakaraang linggo. Kaya pala gusto nitong ilayo sila ni Tin sa Buenavista. Para sa kanila ang lahat ng iyon, at siya pa ang unang nanghusga."Akala mo siguro, may nangyari na sa kanila ni Vince," sabi ni Aling Perla. Paos ang boses niya at paulit-ulit niyang pinupunasan ng palad ang basang pisngi. "Wala, Andres. Pinilit siya ng hayop na 'yon, pero lumaban si Mara, kaya sinampal siya. Dumugo ang ilong niya. Dugo ang nasa kumot na nilabhan niya kanina, at dugo rin ang laman ng mga tissue sa basurahan. Hindi 'yon ang iniisip mo."Tinakpan ni Aling Perla ang kaniyang bibig, at doon tuluyang gumuho ang tigas ng tindig niya. "Hindi namin sinabi sa 'yo kasi alam naming susugod ka. Mas lalo lang kaming mapapahamak. Alam mo ba kung bakit tiniis ni Mara ang lahat? Dahil mahal ka niya. Matagal na. K
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: Chapter 3
Hindi pa kailanman nakiusap si Mara sa kahit sinong lalaki, pero ngayong gabi, wala na siyang ibang maisip na paraan.Sa private room sa ikatlong palapag ng Hotel Marisol, nakaupo si Vince Salvador sa dulo ng mahabang mesa. Naka-suit siya, at kumikislap ang mamahaling relo niya sa ilalim ng chandelier. Marahan niyang iniikot ang alak sa baso habang pinagmamasdan ang pintuan, parang alam niyang darating ang hinihintay niya. Sa harap niya, nakahain ang mga pagkaing hindi pa natitikman ni Mara kahit minsan. Sa gilid, nakatayo ang walong waiter na kunwari ay walang naririnig at walang nakikita.Umupo si Mara sa upuang pinakamalayo sa kanya. Pasimple niyang pinunasan ang pawisan niyang palad sa laylayan ng blusa bago nagsalita. "Sir Vince, pasensya na po sa nasabi ko kanina. Pakiusap po, huwag n'yo nang idamay ang pamilya ko. Gagawin ko po ang lahat ng gusto n'yo.""Talaga?" Ibinaba ni Vince ang tinidor at ngumiti na parang may narinig na magandang biro. Panganay siya ng may-ari ng Salvado
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: Chapter 2
Isang iyak lang ng anak niya, at bumigay ang lalaking hindi natinag ng isang milyong kalaban.Nakatayo si Tin sa may pinto ng kuwarto, mahigpit ang yakap sa sarili at paulit-ulit na pinupunasan ng kamay ang basang mukha. "Pa, Ma, huwag na po kayong mag-away," sabi niya, at sinisinok pa siya sa bawat salita. "Natatakot po ako."Hindi na namalayan ni Andres kung paano siya napaluhod. Binuhat niya ang bata at agad itong kumapit sa leeg niya. Ramdam niya sa dibdib niya ang kabog ng maliit na puso nito, kaya marahan niyang hinagod ang likod ni Tin habang pinipigilan ang pangangatog ng sarili niyang kamay. "Shhh, nandito na si Papa."Pag-angat ng tingin niya, saka lang niya napansin ang mukha ni Mara. Kita ang hugis ng palad sa kaliwang pisngi nito, at umabot ang pamumula hanggang sa tainga. Parang may bumuhos na malamig na tubig sa galit ni Andres. "Mara, anong nangyari sa mukha mo?"Mahinang tumawa si Mara, 'yung tawang walang laman. Hinawakan niya ang pisngi at tumitig sa bintana. "Ako a
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: Chapter 1
Hindi pa man natatapos ang pagtawad ni Andres sa okra, dumilim na ang buong palengke ng Buenavista.Alas-kuwatro ng hapon, at nakatuwad siya sa harap ng puwesto ni Aling Baby, pinagbibilang ang barya sa palad habang pinipili ang pinakamalambot na okra. Gusot ang puting t-shirt niya, kupas ang shorts, at nakasabit sa braso ang lumang eco bag na may lamang pechay at dalawang talong. "Ate, kulang ng sampung piso ang pera ko," sabi niya, sabay kamot sa batok. Umirap si Aling Baby pero natawa rin, at inihulog na lang sa bag niya ang isang piraso ng luya nang libre.Saka umugong ang langit. Nagtinginan ang mga tindera, may isang nabitawan ang plastic na pinaglalagyan ng sibuyas, at tumigil sa pagtitimbang ng isda ang lalaki sa kabilang puwesto. Limampung eroplanong pandigma ang dahan-dahang dumaan sa ibabaw ng bayan.Sa kalsada sa labas, sunod-sunod na dumating ang animnapung trak ng mga sundalo, may dalawampung kanyon na hila-hila at limang tangke sa dulo, at sa gitna ng lahat ay umuusad
Huling Na-update: 2026-10-28
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status