The Trash Son-in-Law is the Master of Gods

The Trash Son-in-Law is the Master of Gods

last updateLast Updated : 2026-10-30
By:  IsabellaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa mata ng kaniyang pamilya, si Andres Oliveros ay isang walang-silbing utusan na mas masahol pa sa aso kung ituring. Walang nakakaalam na ang lalaking kanilang kinakawawa sa bayan ng Buenavista ay ang dating pinuno ng Empyrean—ang pinakamalupit na alyansa ng mga diyos ng digmaan. Limang taon siyang nagtiis at nagtago sa mortal na mundo upang iligtas ang kaniyang mga tauhan mula sa hari ng Polis. Subalit nang matuntunan siya ng kaniyang mga dating kasamahan, isang madilim na banta rin ang dumating sa buhay ng kaniyang mag-ina. Para kay Andres ay tapos na ang kaniyang pagiging pinuno sa labanan. Ngunit ngayong nakasalalay na ang buhay ng kaniyang asawa’t anak, handa ba siya muling makipagpatayan kahit pa malaman ng mga ito ang tunay niyang pagkatao?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Hindi pa man natatapos ang pagtawad ni Andres sa okra, dumilim na ang buong palengke ng Buenavista.

Alas-kuwatro ng hapon, at nakatuwad siya sa harap ng puwesto ni Aling Baby, pinagbibilang ang barya sa palad habang pinipili ang pinakamalambot na okra. Gusot ang puting t-shirt niya, kupas ang shorts, at nakasabit sa braso ang lumang eco bag na may lamang pechay at dalawang talong. "Ate, kulang ng sampung piso ang pera ko," sabi niya, sabay kamot sa batok. 

Umirap si Aling Baby pero natawa rin, at inihulog na lang sa bag niya ang isang piraso ng luya nang libre.

Saka umugong ang langit. Nagtinginan ang mga tindera, may isang nabitawan ang plastic na pinaglalagyan ng sibuyas, at tumigil sa pagtitimbang ng isda ang lalaki sa kabilang puwesto. Limampung eroplanong pandigma ang dahan-dahang dumaan sa ibabaw ng bayan.

Sa kalsada sa labas, sunod-sunod na dumating ang animnapung trak ng mga sundalo, may dalawampung kanyon na hila-hila at limang tangke sa dulo, at sa gitna ng lahat ay umuusad ang isang itim na limousine. Tatlong hanay ng barikada ang itinayo ng mga sundalo sa magkabilang gilid ng daan, at kahit ang mga batang mahilig makialam ay hindi lumapit.

Sa TV ng karinderya sa tapat, iisa ang sinasabi ng lahat ng channel. Dumating daw sa Buenavista ang limang Diyos ng Digmaan nang sabay-sabay, at wala ni isang reporter ang makapagpaliwanag kung bakit. Hindi man lang tumingin si Andres sa screen. Isinukbit niya ang bag sa balikat, humakbang paalis, at doon siya tinawag mula sa likod.

"Master."

Natigilan siya. Limang taon na niyang hindi naririnig ang tawag na iyon, pero tandang-tanda pa ng tainga niya ang bigat nito. Pagharap niya, limang taong naka-uniporme ang bumungad sa kanya, kumikislap ang mga medalya at tuwid na tuwid ang tindig. Sabay-sabay nilang idinikit ang kanang kamao sa kaliwang dibdib, habang nangingilid ang kanilang mga luha sa tuwa.

"Pinakamataas na Diyos ng Digmaan, Heneral Ares Diovel!" bungad ng nasa gitna. 

"Diyos ng Digmaan ng Lupa, Heneral Zeo Deomorte!” 

“Diyos ng Digmaan ng Karagatan, Admiral Kaelan Thala!” 

“Diyos ng Digmaan ng Himpapawid, Heneral Gideon Eldios!” 

“Diyos ng Digmaan ng Sandatahan, Heneral Ren Celestial!"

"Pagbati po, Master!"

Umalingawngaw ito hanggang sa dulo ng palengke, at may tindera pang napaupo sa kahon ng kamatis. Tiningnan ni Andres ang lima, tapos ang eco bag niya, tapos ang lima ulit, at bumuntong-hininga siya na parang nasira ang buong araw niya. "Nagkakamali kayo. Andres ang pangalan ko. Hindi ako ang master ninyo."

Aalis na sana siya nang hawakan siya ni Heneral Ares sa siko, dahan-dahan at halos nanginginig ang kamay, na para bang hawak nito ang pinakamanipis na baso sa mundo. "Master, limang taon po kayong nawala. Limang taon namin kayong hinanap. Kapag hindi kayo bumalik, guguho ang Empyrean at kukunin ng kalaban ang buong Polis. Hahayaan n'yo na lang ba iyon?" Tumango nang sunod-sunod ang apat pa, at kitang-kita ang pawis sa noo nila. 

Walang pinuno ang Empyrean ngayon, nagkakawatak-watak na ang mga sundalo, at hindi na nila papakawalan ang taong ito ngayong nasa harap na nila.

"Empyrean," ulit ni Andres, mahina at may diin.

Siya ang nagtayo ng samahang iyon sampung taon na ang nakalipas. Bago matapos ang unang taon, nangunguna sa bawat laban. Hindi siya natalo kahit minsan, hanggang sa wala nang naglakas-loob na humarap sa kanya, at sa loob ng dalawang taon ay natapos niya ang digmaan. 

Pinuri siya ng buong bansa, at doon nagsimula ang gulo. Sabi ng matatanda, mapanganib ang taong mas malaki ang nagawa kaysa sa hari, dahil kapag iniutos ng hari ang kamatayan niya, wala nang makapipigil. Kung nanatili siya, pati ang mga kapatid niya sa Empyrean ay hindi niya maipagtatanggol, kaya ininom niya ang alak na iniabot sa kanya, isinuko ang lahat ng lakas at kapangyarihan niya, at tahimik na umalis sa Polis. 

Pagkawala ng kapangyarihan niya, nagsilabasan ang mga kaaway na matagal nang naghihintay, at kahit magkano ay handa nilang gastusin para lang mapatay siya. Kung hindi siya nakatakas ay matagal na siyang nakahimlay sa lupa.

Itinaas niya ang eco bag at ngumiti, pero hindi umabot sa mata ang ngiti nito. "Kayo ang nagpaalis sa akin, tapos ngayon babawiin n'yo? Tabi. Magluluto pa ako, naghihintay na ang asawa at anak ko."

"Master, hindi po puwede," sabat ni Admiral Kaelan, at muling humarang ang lima, nagmamadali at nagkakabungguan ang mga balikat. 

Bahagyang tumingala si Andres. Hindi siya gumalaw, pero parang may malamig na kamay na dumaan sa likod nilang lahat, at napalunok nang malakas si Heneral Ren, ang lalaking minsang lumaban nang tatlong araw na hindi natutulog.

"Gusto n'yo bang mamatay?" tanong ni Andres, halos pabulong. Mahina iyon, pero pati ang mga tindera sa dulo ng palengke ay nanginig.

Sa sandaling iyon, nag-vibrate ang telepono sa bulsa niya. Pagkakita niya sa pangalan sa screen, nawala ang lamig sa mukha niya at bumaba ang mga balikat niya na parang may nag-alis ng pasan. "Tin, anak."

"Papa." Nanginginig ang boses ni Tin sa kabilang linya, 'yung klase ng boses na pinipigilan ang iyak para hindi marinig ng iba. "Nandito po ulit 'yung lalaki. Sinasaktan niya si Mama. Natatakot na po ako. Papa, kailan ka po uuwi?"

Para siyang sinuntok sa sentido. Nawala ang ngiti niya, umitim ang paningin niya, at wala na siyang narinig sa kahit anong sinasabi ng lima. Tumalikod siya at halos tumakbo palabas ng palengke, at ni isa sa mga heneral ay hindi nangahas humabol. Naiwan silang nakatayo sa gitna ng mga tinderang gulat pa rin.

Habang binabaybay niya ang kalsada pauwi, bumalik sa isip niya ang gabing nag-ugnay sa buhay nila ni Mara. Limang taon na ang nakalipas, halos mamatay siya sa dami ng sugat at duguang gumapang papasok ng Buenavista, at doon niya nakita ang isang babaeng tumatakbo sa dilim, nanginginig ang mga kamay. Si Mara Quizon. Ipinagkanulo siya ng sarili niyang kamag-anak at pinainom ng gamot na pampainit ng katawan, kaya iniligtas niya ito. Pero may nangyari sa kanila nang gabing iyon, at pagkalipas ng isang buwan ay nalaman ni Mara na buntis siya. Ang matandang pinuno ng pamilya Quizon mismo ang nag-utos na ipakasal sila.

Limang taon siyang minaliit sa bahay na iyon, at mas lumala pa nang mamatay ang matanda. Mas mababa pa sa aso ang trato sa kanya ng buong pamilya, pero hindi siya umalis, dahil may utang na loob siya kay Mara at gusto niyang masaksihan ang paglaki ni Tin. Hindi man masaya si Mara sa piling niya, hindi nawala ang paggalang nila sa isa't isa. 

Samantala, sa palengke, saka lang natauhan ang limang heneral. "Teka," bulong ni Heneral Ren, "Niloloko ba si Master ng asawa niya?" Walang sumagot, pero nagkatinginan silang lima, at sa mga mata nila ay iisa ang desisyon: kahit anong mangyari, kailangan nilang maibalik ang Master sa Polis.

Pagdating ni Andres sa Unit 1105 ng Tower C sa Alder Heights, hindi pa siya nakakapasok ay may maliit na katawang sumalubong at yumakap sa hita niya. Naka-costume na parang prinsesa si Tin, magulo ang tirintas, at nakangiti kahit mapula ang mga mata. Parang manika sa ganda ang bata, at mahigpit ang yakap niya sa ama. "Papa!"

Yumuko si Andres at niyakap siya pabalik, kahit humihingal pa at nanlalambot ang tuhod. Amoy sabon at gatas ang buhok ng anak niya, at ipinikit niya ang mga mata saglit para pakalmahin ang tibok ng dibdib. "Nasaan si Mama?"

"Nasa kuwarto po, nag-aayos ng kama." Humigpit ang kapit ng bata sa damit niya. "Umalis na po 'yung lalaki."

Nag-igting ang panga ni Andres. Dumiretso siya sa kuwarto at itinulak nang malakas ang p***o, at ang unang bumungad sa kanya ay ang basurahang puno ng bagong lukot na tissue. Sa isang iglap, uminit ang buong katawan niya, at hindi niya namalayang sumisigaw na siya. "Mara!"

Nakatalikod ang asawa niya, payat at maputi, naka-puting sando at shorts, at may itim na medyas sa mahahaba nitong binti. Isinipit ni Mara ang buhok sa likod ng tainga, ang parehong kilos na kabisado na ni Andres sa loob ng limang taon, at saglit itong natigilan. Hindi ito lumingon.

 "Nandiyan ka na pala," malamig at kalmado nitong sabi. "Magluto na tayo."

"Magluto?" Ibinagsak ni Andres ang eco bag, at gumulong ang luya hanggang sa paanan ni Mara. "Anong magluto? Aaminin ko, wala akong naibigay sa 'yo sa loob ng limang taon. Ang dami mong tiniis dahil sa akin. Kung ayaw mo na akong makasama, sabihin mo lang at maghihiwalay tayo. Pero bakit dito pa, sa mismong bahay natin, sa harap pa ng anak natin?"

Hindi pa siya tapos magsalita nang humarap na si Mara. "Ano bang pakialam mo? Limang taon kang parang asong takot sa lahat, tapos ngayon sisigawan mo ako? Sino ka para pakialaman ang buhay ko?"

Nanigas ang mga daliri ni Andres sa tagiliran niya, at natulala siya sa babaeng unti-unting dumudurog sa puso niya. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status