Chapter: Chapter 125: Choose OnePagkatapos ng lahat, kahit gaano pa siya kamahal ng matandang Ruiz, si Kaena pa rin ang totoo nitong apo. Matatanggap nito ang apo na tinuturuan ng leksiyon, pero hindi nito kayang panuorin si Kaena na naghihirap sa lahat ng oras. Tumayo si Mariana at hinaplos ang mga hita na namanhid dahil sa pag-upo. "Napakabuti mo sa akin, lolo, kaya kong kalimutan ang lahat, pero baka hindi siya magbago." Paulit - ulit niya itong binigyan ng pag-asa, ngunit paulit-ulit lang din itong gumagawa ng gulo. Bumuntong hininga ang matanda. "Huwag kang mag-alala, sa oras na lumabas siya ay ikukulong ko siya sa lumang bahay, at hindi ko siya hahayaan na makalabas para guluhin ka ulit. Kung may susunod pang oagkakataon, hindi na ako maglalakas loob at magkakaroon ng kapal na mukha para magmakaawa ulit. " Isang matandang humihingi ng awa sa taong mula sa batang henerasyon, sobra itong nahihiya, at ang isa ay si Mariana, kaya gumawa siya ng isang matinding determinasyon. Kung hindi dahil ka
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Chapter 124: Grandpa Fainted"Nasaktan ka." ani Mavros, bahagyang mababa ang boses. Tila sumabog ang tahimik na kulay itim na mga ulap kasabay ng pagkislap ng liwanag at pagkalabog ng kulog. Nanginig ang buong katawaan ni mariana at saka ibinagsak ang sarili kay Mavros. Tag-ulan talaga ang kinatatakutan niya, lalo na ang kulog at kidlat. Pinulupo ni Mavros ang kanyang braso sa baywang ni Mariana, humahaplos naman sa buhok ni Mariana ang isa pa niyang kamay. Hindi nakita ni Mariana ang pagkaka-konsenysya at bahagyang pagka-bahala na dumaan sa mga mata ni Mavros. Sininghot naman ni Mariana ang halimuyak na nasa dibdib ng binata, puno ng seguridad, Panigurado ay nakokonsensya lamang si Mavros na hindi niya nakilala si Mariana ng maaga. KINABUKASAN, nawala na ang ulan mula kagabi, at malakass na lumabas ang sikat ng araw sa sumunod na umaga, na tila ba walang ulan na bumuhos kagabi. Iminulat ni mariana ang kanyang mga mata, ngunit nakita niya naa wala na ang lalaking katabi niyang matulog kagabi. Hinap
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Chapter 123: About WoundsAng ilan ay nakatingin na kay Kaena at sinisigawan siya. "Isa ka bang baguhang kabayo? Isa akong puting kabayo, anong breed mo?!" "Alam mo bang may sumusunod sa 'yo? Nakasampa siya ngayon sa likod mo." Sobra na siyang nakakaramdam ng takot pagka-rinig ng mga salitang iyon kasabay ng pag-tagaktak ng pawis sa kanyang buong katawan. Kahit magmula nang siya ay makapasok sa kaniyang silid, hindi na niya magawang makapag-pahinga. Sumisigaw lahat ng mga pasyente na naroon, at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. Maraming beses na rin niyang sinabi sa mga nurse at doktor na wala naman siyang sakit sa pag-iisip, ngunit walang silbi iyon. Lumabas sa kanyang mental report na mayroon siyang bipolar disorder at persecution delusion, at tinatrato rin siya ng mga nurse na isang normal na pasyente sa ospital na iyon. Sa gabi ring iyon ay sinuutan ng straitjacket si Kaena matapos niyang bayolenteng saktan at bugbugin ang isang nurse roon. Itinali ang kanyang mga kamay at
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: Chapter 122: Mental HospitalNagbigay na ng mental evaluation report ang abogado ni Kaena bago pa ito masintensyahan, at ipinapakita sa resulta na iyon na mayroon siyang paranoia at bipolar disorder. Gayunpaman, dapat ay matagal na siyang nasintensyahan, ngunit ngayon ay direkta siyang ipinadala sa mental hospital para sa kustodiya at medical treatment. Matapos lumabas ng resulta ay siya namang pagkikita nina Mariana at Bella. "Alam kong hindi ito magiging ganoon kadali." ani Bella pagkatapos ay ngumiti. Umiling si Mariana. "Ginawa na natin ang lahat ng makakaya natin. Kung ipadala man siya sa mental hospital, dapat siyang mabuhay at makatanggap ng treatment bilang isang mental patient. Panigurado ay mas masakit iyon para sa kaniya." ani Mariana. "Ipinadala mo na ba ang anak ko sa lola niya, Miss Ramirez?" namomroblemang tanong ni Bella. Tumango si Mariana. "Naihatid na siya roon. Kapag umayos siya, pwede siyang makakuha ng deferred driving. Tutulungan kitang bantayan ang anak mo. Tutulunga
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 121: The Hangover Ngunit direktang sumandal si Mariana kay Mavros, inunat ang mga daliri at idinuro sa kanyang mukha. "Ha? Ikaw si Mavros Torres! Bakit dalawa ang ilong mo?" Nais tumitig ni Mariana sa ilong ni Mavros dahil sa kalituhan, ngunit hindi na niya kaya pang kontrolin ang kanyang tingin sa mga oras na iyon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nakakaramdam ng hilo, kaya ibinagsak na lamang niya ang buong katawan kay Mavros. "May gusto sa akin si Mavros." aniya. "Anong sinabi mo?" magaang sabi ni Mavros. Puno ng lambing ang mga mata nito, pagkatapos ay inalalayan ang katawan ni Mariana. Ngunit humagikhik lamang si Mariana sa kaniyang tanong. Marami na rin siyang nainom, ngunut hindi siya ganoon ka-lasing kaysa kay Mariana, at malinaw pa rin ang lahat ng nangyayari para sa kay Mavros. Inangat ni Mavros ang kanyang kamay upang magtawag ng tao na tutulong sa tatlong kasama nila pabalik sa mga kwarto nito. Nais na rin niyang bumalik si Mariana sa sarili nitong silid. Ala una na ng u
Last Updated: 2025-04-09
Chapter: Chapter 120: Arrest Sa loob ng study room ay naroon ang low pressure na nqgpapasikip ng dibdib ni Mavros. Nagsusulat ng calligraphy painting ang kanyang lolo sa desk nito, ni hindi tinqtqpunqn ng tingin ang bagong dating na apo. Matagal na oras pa bago natapos ang painting. Ibinaba ni Mr. Torres ang kanyang ballpen bago nagsalita. "Anong pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?" "Ilang mga trivial matters lang." sagot ni Mavros. "Trivial Matters? Nakikita ko na nagpapakasawa ka sa pag-ibig. Hindi kita pinagbabawalan na maging affectionate, pero dapat mong malaman ang mga bagay bagay tungkol sa babaeng iyan." saad ng matanda, ouno ng pag-aalala ang mukha nito. Ngumiti si Mavros. " Lolo. Kilalang kilala ko na siya, hindi mo na kailangan pang makinig sa ibang tao. " aniya. Ngumiti rin ang matanda. "Paano mo naman nalaman?" tanong nito. Nagkibit-balikat si Mavros. "Kung wala namang nagreklamo, bakit bigla mo na lang ako tinawagan para magpunta rito?" "Well, may taong
Last Updated: 2025-02-19