"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
Lihat lebih banyak"Pirmahan mo 'to."
Isang malamig at baritonong boses ang nagsalita sa kanyang harapan. Isang divorce agreement ang inilahad nito sa kaniya. Bahagya siyang nagulat. Iniangat niya ang tingin kay Tyson ng tahimik at mapait na ngumiti. Iyon na' yon. Kaya pala ito tumawag sa kaniya kaninang umaga upang sabihin na babalik din ito ngayong gabi dahil may importanteng sasabihin. Masaya siya buong araw sa kaalaman na uuwi ang asawa, iyon pala ay ang importante nitong sasabihin ay ito... Ang tatlong taong pagsasama sa wakas ay magtatapos na. Tahimik na kinuha ni Mariana ang divorce agreement, bahagyang nakakuyom ang kaniyang kamay at nagsalita gamit ang paos na boses matapos ng ilang sandaling katahimikan. "Kailangan ba talaga nating maghiwalay?" Sumimangot si Tyson at tinitigan ang babaeng nasa kaniyang harapan na naging Mrs. Ruiz sa loob ng tatlong taon. Mukhang iginugol niya ang buong oras sa paglilinis ng kwarto. May mga butil ng pawis sa maputi niyang noo at sa likod ng makapal na salamin na kaniyang suot ay kitang kita ang pagod at kalituhan sa kaniyang mga mata. Mukha siyang maamo, simple pero boring. Tila ba ito ay isang ordinaryo at mapurol na babae na naging Mrs. Ruiz sa loob ng tatlong taon. Binawi ni Tyson ang kanyang tingin ng dahan-dahan, pinutol ang sigarilyo na nasa kanyang kamay, at sinabi sa banayad na boses, ngunit may kaunting lakas na hindi maitatanggi. "Pirmahan mo na, bumalik na siya, ayaw kong magkamali siya pag-unawa dito." Nagulat si Mariana, at ang dulo ng kaniyang dila ay may kaunting pait. Kilala niya kung sino ang babaeng tinutukoy ni Tyson. Si Diana Rellegue, ang babaeng unang minahal ni Tyson. Para kay Mariana, ang kanilang kasal ay sa pangalan lamang. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, nanatiling malinis si Tyson para sa kaniya. Sa takot na hindi siya papayag, nilingon siyang muli ni Tyson, "Maghihiwalay tayo batay sa kasunduan. Wala kang mataas na pinag-aralan. Pagkatapos ng divorce, ang bahay at ang mga sasakyan sa mansyon ay iyo na, kasama na doon ang walumpung milyon bilang kabayaran sayo." sambit niya sa mahinang boses. Upang makipag deal sa matanda, ikinasal silang dalawa, pumirma rin sila ng prenuptial agreement. Ibinigay naman ni Tyson ang lahat ng higit pa sa nararapat. Kahit na hindi siya gusto ni Tyson, ginawa ni Mariana ang lahat sa nakalipas na tatlong taon, ang sobrang pera ay itinuring niyang kabayaran para sa pagsisikap sa loob ng tatlong taon na iyon, hindi na babanggitin na si Mariana, ang babaeng nakapagtapos lamang ng kolehiyo, ay talagang kakailanganin ang pera para sa paghihiwalay nilang dalawa. Naintindihan naman ni Mariana ang ibig niyang sabihin, binuklat niya ang divorce agreement, at sa wakas ay ibinaba niya ang kaniyang mga mata at marahang tumango. "Sige, pumapayag ako." Dinampot niya ang ballpen, pinirmahan niya iyon kasama ang kaniyang pangalan sa banayad na paraan at walang pag-aalinlangan, at muling tumingin kay Tyson. Ang mabigat na salamin na kaniyang suot ay nagbibigay ng mahabang tingin sa kaniyang mga mata, at hindi niya matukoy kung ito ba ay pait o labag lamang sa kaniyang kalooban. "Huwag kang mag-alala, lilipat ako sa susunod na mga araw at hindi na kita gagambalain pa." Tumango si Tyson. "Nagsikap ka sa loob ng tatlong taon." Kahit na ang babae na nasa kaniyang harapan ay isang boring, mapurol, at ordinaryo, hindi naman niya maitatangging si Mariana ay talagang kwalipikadong asawa. Sa loob ng ilang taon, inalagaan ni Mariana ang lahat sa buong pamilya ng mga Ruiz. Abala kasi siya sa kaniyang career, at sa kaniyang presensya, makakagalaw siya ng walang alinlangan. Pero, sa huli, hindi mo talaga ito mapipilit. Nakakatawa para kay Mariana. Binigay niya ang lahat kay Tyson at sinayang ang tatlong taon ng kanyang kabataan, pero hindi niya inaasahan na sa huli, ang tanging makukuha lamang niya ay tanging "Salamat para sa iyong pagsisikap." Hindi napansin ni Tyson ang saya sa kaniyang mga mata. Kinuha nito ang pirmadong divorce agreement. Tumawag ang kaniyang assistant. Sinulyapan niya si Mariana. "Marami pa akong gagawin sa kumpanya. Kung kailangan mo ng tulong, hayaan mo si Wenna na tulungan ka." kalmado niyang sabi. Tumango si Mariana. Naglakad palabas ng kwarto si Tyson, at ang kaniyang ina ay naroon sa sala na sinalubong siya na may kaba. "Kumusta, pinirmahan ba niya?" Sumimangot ng bahagya si Tyson at saka tumango. Napahinga naman ng maluwag ang kaniyang ina at masayang tumango, "Mabuti naman at pinirmahan niya, mabuti naman at pinirmahan niya. Hindi ako mapanatag sa mga nakalipas na taon mula ng pakasalan mo siya. Hayaan mo na ng ibang bagay, tatlong taon na, at wala pa rin tayong anak. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang yumuko at hindi magsalita tuwing weekdays. Hindi ko alam kung ano ang mga masasamang bagay na ginagawa niya." Hindi nagsalita si Tyson. Bumuntong hininga ang ina ni Tyson at nagpatuloy, "Noon, nang ipilit ng matanda na pakasalan mo siya, hindi ako pumayag. Ano ba ang kayang gawin ng isang ampon na nakatira sa pamilya ng mga Martinez na walang ama o ina man lang? Mabuti na ngayon. Hiwalay na kayo. Kapag si Diana ang pinakasalan mo, mapapanatag na rin ako. Tanging isang manugang na katulad ni Diana lamang ang karapat-dapat para sa iyo." Masaya namang tumango si Kaena na nakatayo sa kaniyang tabi, "Tama 'yon, Kuya, nahihiya ako na magkaroon ng hipag na kagaya niyan. Ngayon ay mabuti na. Kung si Ate Diana ang magiging hipag ko, hindi ko lang alam kung ilang tao ang maiinggit sa kaniya sa future."Malamig na ngumiwi si Kaena. Gusto lang niyang tiyakin na dadalo si Mariana sa kasal. Gusto niyang makita ni Mariana gamit ang sarili nitong mga mata kung ano ang itsura nang magpakasal ang kanyang kapatid sa ibang babae. "Nagkukunwari pa rin talaga ang babaeng iyon!" ani Kaena sa kaniyang isip. Isang tao ang pumasok sa bukana papasok sa pag-gaganapan ng kasal. Binayaran muna ni Mariana ang gift money at saka tuluyang pumasok sa loob. Nakahanap siya ng upuan at saka umupo. May mga tao sa paligid niya na hindi niya kilala. Pagkaupo niya, tila hinahanap niya si Sean Drei. Ang hitsura nito ay inilabas sa balita kahapon. Maraming tao ang nakatingin kay Mariana. Marami ring dumalo na mga taong dumalo rin sa kasal nilang dalawa ni Tyson noon. Napabuntong-hininga silang lahat na dumating ang dating asawa para dumalo sa seremonya ng kasal ng kanyang dating asawa. Agad na tinapik ni Kaena ang kaniyang ina. "Mama! Nandito talaga siya!" natatarantang sabi niya. Tinapunan naman
KINAUMAGAHAN, isang malaking balita ang sumabog sa buong social media circle. Ang balita na magpapakasal na si Tyson Ruiz ulit matapos kumalat ng balitang kahihiwalay lang nito. Mula sa madaling araw hanggang ngayon, ang init ay palaging nasa mataas na antas. Nang makita ni Mariana ang balita, nakarating na siya sa psychological counseling room ng A University. Tiningnan lang niya ang page sa kanyang mobile phone, at isang babae ang pumunta sa kanyang counseling room. Si Diana! "Miss Diana, ang counseling room na ito ay bukas lamang para sa paaralang ito." Malamig ang sinabi ni Mariana. Umangat ang sulok ng mga labi ni Diana. "Miss Ramirez, huwag kang masyadong magalit sa akin. Pumunta lang ako dito para ayusin ang leave of absence procedures para kay Kaena." "Kung gusto mong mag-apply para sa leave of absence operation, ang pangalawang gusali pagkatapos lumabas sa pintong ito ay ang Academic Affairs Office. Kailangan kong magtrabaho." Walang ekspresyon na sinabi ni M
Pagkatapos ng lahat, kahit gaano pa siya kamahal ng matandang Ruiz, si Kaena pa rin ang totoo nitong apo. Matatanggap nito ang apo na tinuturuan ng leksiyon, pero hindi nito kayang panuorin si Kaena na naghihirap sa lahat ng oras. Tumayo si Mariana at hinaplos ang mga hita na namanhid dahil sa pag-upo. "Napakabuti mo sa akin, lolo, kaya kong kalimutan ang lahat, pero baka hindi siya magbago." Paulit - ulit niya itong binigyan ng pag-asa, ngunit paulit-ulit lang din itong gumagawa ng gulo. Bumuntong hininga ang matanda. "Huwag kang mag-alala, sa oras na lumabas siya ay ikukulong ko siya sa lumang bahay, at hindi ko siya hahayaan na makalabas para guluhin ka ulit. Kung may susunod pang oagkakataon, hindi na ako maglalakas loob at magkakaroon ng kapal na mukha para magmakaawa ulit. " Isang matandang humihingi ng awa sa taong mula sa batang henerasyon, sobra itong nahihiya, at ang isa ay si Mariana, kaya gumawa siya ng isang matinding determinasyon. Kung hindi dahil ka
"Nasaktan ka." ani Mavros, bahagyang mababa ang boses. Tila sumabog ang tahimik na kulay itim na mga ulap kasabay ng pagkislap ng liwanag at pagkalabog ng kulog. Nanginig ang buong katawaan ni mariana at saka ibinagsak ang sarili kay Mavros. Tag-ulan talaga ang kinatatakutan niya, lalo na ang kulog at kidlat. Pinulupo ni Mavros ang kanyang braso sa baywang ni Mariana, humahaplos naman sa buhok ni Mariana ang isa pa niyang kamay. Hindi nakita ni Mariana ang pagkaka-konsenysya at bahagyang pagka-bahala na dumaan sa mga mata ni Mavros. Sininghot naman ni Mariana ang halimuyak na nasa dibdib ng binata, puno ng seguridad, Panigurado ay nakokonsensya lamang si Mavros na hindi niya nakilala si Mariana ng maaga. KINABUKASAN, nawala na ang ulan mula kagabi, at malakass na lumabas ang sikat ng araw sa sumunod na umaga, na tila ba walang ulan na bumuhos kagabi. Iminulat ni mariana ang kanyang mga mata, ngunit nakita niya naa wala na ang lalaking katabi niyang matulog kagabi. Hinap
Ang ilan ay nakatingin na kay Kaena at sinisigawan siya. "Isa ka bang baguhang kabayo? Isa akong puting kabayo, anong breed mo?!" "Alam mo bang may sumusunod sa 'yo? Nakasampa siya ngayon sa likod mo." Sobra na siyang nakakaramdam ng takot pagka-rinig ng mga salitang iyon kasabay ng pag-tagaktak ng pawis sa kanyang buong katawan. Kahit magmula nang siya ay makapasok sa kaniyang silid, hindi na niya magawang makapag-pahinga. Sumisigaw lahat ng mga pasyente na naroon, at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. Maraming beses na rin niyang sinabi sa mga nurse at doktor na wala naman siyang sakit sa pag-iisip, ngunit walang silbi iyon. Lumabas sa kanyang mental report na mayroon siyang bipolar disorder at persecution delusion, at tinatrato rin siya ng mga nurse na isang normal na pasyente sa ospital na iyon. Sa gabi ring iyon ay sinuutan ng straitjacket si Kaena matapos niyang bayolenteng saktan at bugbugin ang isang nurse roon. Itinali ang kanyang mga kamay at
Nagbigay na ng mental evaluation report ang abogado ni Kaena bago pa ito masintensyahan, at ipinapakita sa resulta na iyon na mayroon siyang paranoia at bipolar disorder. Gayunpaman, dapat ay matagal na siyang nasintensyahan, ngunit ngayon ay direkta siyang ipinadala sa mental hospital para sa kustodiya at medical treatment. Matapos lumabas ng resulta ay siya namang pagkikita nina Mariana at Bella. "Alam kong hindi ito magiging ganoon kadali." ani Bella pagkatapos ay ngumiti. Umiling si Mariana. "Ginawa na natin ang lahat ng makakaya natin. Kung ipadala man siya sa mental hospital, dapat siyang mabuhay at makatanggap ng treatment bilang isang mental patient. Panigurado ay mas masakit iyon para sa kaniya." ani Mariana. "Ipinadala mo na ba ang anak ko sa lola niya, Miss Ramirez?" namomroblemang tanong ni Bella. Tumango si Mariana. "Naihatid na siya roon. Kapag umayos siya, pwede siyang makakuha ng deferred driving. Tutulungan kitang bantayan ang anak mo. Tutulunga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen