Nagulat si Deiji sa nadatnan pag-akyat na pagkaakyat niya. Nakataas ang kamay ng mga kasamahan niya habang nakaharap sa mga kalalakihang may iba't ibang armas na hawak at nakatutok ito sa direksyon nila.
"Sino kayo? Saan kayo nanggaling?" Tanong ng isang lalaki na sa tansiya ni Deiji ay mga nasa late 40's ito. Medyo manipis na din ang buhok nito sa bandang harapan."Bakit niyo naisipang umakyat dito?" Tanong muli ng isang lalaking medyo bata pa kumpara sa lalaking unang nagtanong sa kanila.Hindi nila masagot ang tanong kaya naman ay nanatili silang tahimik. Ngunit hindi din nagpapatalo ang mga lalaki sa kanilang harap. Humakbang naman si Yuki saka nagsalita para sa grupo niya."We're a…" Paninimula ni Yuki na tila hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin at nangangapa pa siya ng mga salitang pwedeng gamitin."We're living in a girls and boys dormitory not too far from here. We ran away last night from zombies until we got here on top of the wall." Pagpapaliwanag ni Yuki saka turo sa likod niya na pinanggalingan."And we follow those people who's with us last night. But… There's someone who's bitten and everyone runs away and we decided to get back here to find food for the baby." Mahaba at kabadong paliwanag ni Yuki."Baby?" Ulit na tanong ng isang lalaki mula sa kabilang grupo.Ipinakita naman ni Glenn ang bata na saktong ngumiti sa kabilang grupo.Unti-unting ibinaba ng mga lalaki ang armas na hawak."Walang pagkain dito." Matabang na sambit ng isang matandang babae."Pero malaki ho itong building. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa limang palapag ito. Imposibleng walang kahit na anong pagkain sa building na 'to." Mahabang pakikipagtalo naman ni Deiji."Itong kinapupwestuhan natin ngayon kung mapapansin niyo ay isang gym. Itong building na ito ay maliit na eskwelahan ng mga kinder at nursery." Paliwanag ng isang matandang babae."At ako ang Principal." Pagpapatuloy at pagpapakilala niya sa lima."Nasaan ho ang cafeteria ng building na 'to?" Tanong naman ni Michelle.Sa isip niya'y lahat ng paaralan ay may canteen or cafeteria, maliit o malaki man."Nasa ground floor." Sagot ng isang babaeng may hawak na kamay ng batang babae na mukhang 9 years old pa lamang."Walang pagkain?" Tanong naman ni Michael."Madami." Asik ng Principal sa kanya."'Madami naman pala ei. Bakit sabi ni Nanay wala?" Makulit na tanong ni Michael saka turo sa matandang babaeng nagsabi sa kanilang walang pagkain."Maraming pagkain sa Cafeteria. Pero may mga zombie na nakapasok kaya walang bumababa." Paliwanag ng lalaki na unang nagtanong sa kanila kanina.Sa isip ni Glenn ay mamamatay sila sa gutom kung hindi naisipan ng mga itong bumaba para kumuha ng makakain.Hinubad ni Glenn ang jacket na nasa batok saka ibinigay ang bata kay Yuki."Bababa tayo." Matapang na sabi ni Glenn sa mga ito.Nag-iwas lang ng tingin ang mga ito sa Kanya. Bakas ang takot at lungkot sa mga mata ng mga ito."Kung hindi kayo kakain, mamamatay pa din kayo." Sabay irap naman ni Deiji."Baka padating na ang tulong. Pwede naman tayo maghintay." Sambit ng isang lalaki."Oo nga, mapapaaga lang ang pagkamatay namin kung lalabas kami diyan." An old lady agreed."Ang tanong. May tutulong ba sa atin? Paano tayo tutulungan kung hindi naman nila alam na kailangan natin ng tulong?" Glenn cornered them.Tila napaisip din ang mga tao dahil walang mahatak na kahit anong signal ang mga cellphone nila."Basta kukuha ako ng pagkain." Maangas na sabi ni Deiji saka taas noong tinitigan ang mga lalaki sa unahan niya.Tila sinasabi ng mga mata nito na 'mahiya kayo. ako na babae lalabas. kalalaking tao niyo takot na takot kayo.'Nagtagumpay naman si Deiji ng may iilang nagsitaasan ang kamay na sasama raw sa kanya."Maiiwan muna kayo dito. Kami-kami lang ang bababa. Babalik kami kapag ayos na at pwede na kayong bumaba." Mahabang pagbibigay utos at paalala ni Glenn na mukhang leader ng malaking grupo."Yuki, dito na lang kayo." Deiji told Yuki and exchanged an eye to her friends Michael and Michelle."Kakain kana, baby." Magiliw na sabi ni Deiji sa sanggol na tinawanan lamang siya.Nagpaalam na ang mga lalaking nag boluntaryo sa kani-kanilang pamilya upang bumaba."Ako una. Bantay kayo." Utos ni Glenn sa mga ito saka sabay-sabay na lumabas at may kanya kanyang armas."Mama, ayos lang kaya si Papa?" Tanong ng batang babae sa kanyang ina."Oo naman. Malakas kaya si Papa." Sagot ng ina sa kanyang anak na kahit siya ay nag-aalala din.Tumayo ang batang babae saka lumapit sa baby na hawak ni Yuki."Hellow, baby." Bati nito sa baby. Tiningnan lang naman siya nito saka tumawa.Maayos na ang pakiramdam ng Baby dahil nalinisan na ng basang tela ang pwetan nito na puno na ng tae. Nilagyan lang ni Yuki ito ng tela pansilbing lampin mula sa locker ng mga batang nag-aaral dito."Ano po ang pangalan niya, Ate?" Tanong naman ng batang babae kay Yuki.Hindi naman nakasagot si Yuki dahil hindi naman niya alam ang pangalan ng bata. Hindi naman kasi ito sa kanya."Zebby." Biglang singit ni Michelle. Nagkatinginan naman si Yuki, Michelle at Michael."Hi, Zebby. Ako si Darlene." Pagpapakilala ng bata kay Zebby kahit hindi naman siya nito naiintindihan. Nilaro na lamang niya ang baby habang naghihintay sa ama at sa iba pang kasama nito.Sa kabilang banda ay ang grupo ng mga nag boluntaryong bababa sa Cafeteria ay maingat na nagliligpit ng mga zombies na nakaharang sa mga hallway. Kung may zombie man sa isang room ay isinasara na lamang nila ito upang hindi makalabas."Buti na lang konti lang ang mga nandito." Sambit ni Deiji na sinang-ayunan naman ng mga kasama."Ilang taon kana?" Napatingin si Glenn at Deiji sa lalaking nagtanong sa dalaga. Sa tingin niya ay nasa 20's pa lang din ito gaya niya ngunit mas matanda ng ilang taon."21, bakit?" Inungasan niya pa ito para lang maturn off at hindi pumorma sa kanya.Lihim namang napatawa si Glenn dahil sa pagbibigay ng attitude ng dalaga sa lalaking nag papa halatang interesado sa kanya. Ganito ang gawain ni Deiji sa mga lalaki upang layuan siya, dahil ang goal niya sa buhay ay ang makapagtapos sa pag aaral.Ligtas silang nakababa sa Cafeteria at tahimik na nagdiwang."Ang dami ngang pagkain. Saktong gutom na gutom ako." Masayang sambit ng matabang kasama nila."Hoy! Walang unahan!" Pigil ng isang lalaki na mukhang kaibigan nito.Nag-uunahan ang dalawa ng biglang may tatlong zombie ang nagsulputan at napaligiran silang magkaibigan. Nataranta ang lahat. Ang dalawa ay nagulat. Kumuha ang mataba ng isang upuan saka hinarang ang dulo habang hawak-hawak ang upuan paharap sa zombie na malapit sa kanila.Nagtago naman ang kanyang kaibigan sa likod dahil hindi siya makatakbo sa kadahilanang ang isa ay nanggaling sa likuran nila na hindi nila napansin pagka pasok dahil sa pag-uunahan.Dali-dali namang nag silapitan ang iba pa sa kanila upang tumulong na pinangungunahan nila Glenn at Deiji.Hinablot ni Glenn ang isang zombie na nasa dalawa na ngayon ay hawak na ng lalaki at pinipigilan itong kagatin siya.Hinampas-hampas ni Glenn ang ulo nito sa sahig na tiles hanggang sa lumabas ang utak at nagkalat. Pandidiri na lamang ang nagawa ng lalaking kaninang inatake.Si Deiji naman ay sinipa ang zombie na nasa harapan ng mataba na nagpupumilit lumapit sa kanya ngunit hindi magawa dahil sa upuang iniharang nito. Tumalsik ang zombie at napahiga dahil sa lakas nang pagkakasipa ni Deiji saka tinusok niya ng kutsilyo ang ulo nito.Samantalang ang isang zombie naman ay pinagtutulong-tulungang hampasin ng ibang kalalakihan. Tinulungan pa sila ni Glenn para lang madispatsa ito."Magdala na lang tayo ng pagkain sa taas. Delikado rito." Suhestiyon ng isang lalaki."Gawin natin 'yan." Glenn agreed.Kanya-kanyang bitbit sila ng pagkain. Sabi nga ni Deiji 'mas marami, mas maganda.' kaya naman ay nagkanya-kanyang bitbit sila ng pagkaing ini assign ni Glenn sa kanila."Deiji, Ikaw na sa mga pizza and sandwiches." Tumango naman ang dalaga sa kanya."Kayong dalawa bahala sa mga inumin. Damihan niyo kung ayaw niyong iwan ko kayo." Banta ni Glenn sa dalawang nag-unahan kanina. Natakot naman ang dalawa kaya agad silang sumunod dito."Good evening, Tita." Bati ni Noah sa ina ni Deiji ng makarating sa munting tahanan ng mga ito upang sunduin ang nobya."Noah, lalo kang guma gwapo ah." Ganting pagbati ng tatay ni Deiji na idinaan sa biro.Nagmano si Noah sa dalawa saka ngumiti sa mga ito."Deiji, bilisan mo at nandito na si Noah." Pagtawag sa kanya ng ina kaya naman agad bumaba si Deiji.Nakasuot ito ng pantalon at croptop na itim na pinaresan niya ng puting sapatos. She's always into simplicity."Nandoon na daw ang iba." Pag umpisa ni Noah kay Deiji.It's been 1 year ago since the zombies outbreak happen in Sitio De Villasarza. Nagtayo ng maraming kandila at litrato sa labas ng gate ng Sitio para sa mga taong namatay sa loob.Matapos ang ilang oras na biyahe ni Noah at Deiji ay nakarating na din sila sa Sitio De Villasarza. Sinalubong naman sila ng mga kaibigan.Yuki was with Karu and with their three kids. They adopted Zebby officially and named her Zebiana and used their families last name. Yuki is now a full tim
Ricci, Glenn and Noah push the glass door together."Fire exit! Fire exit!" Sigaw ni Glenn.Bakas ang hirap at pagod sa ginagawa.Natataranta namang tumakbo sina Ruphert at Michael papunta sa dulo kung nasaan ang fire exit.Sa kasamaang palad ay na stock mula sa labas ang lock nito kaya naman hindi nila ito magawang buksan."Make it fast!" Sigaw ni Ricci.Pawis na pawis ito at makikitang pagod at hirap na, ganun din si Noah.Magkasabay na tinulak tulak ni Ruphert at Michael ang pinto ngunit hindi ito gumagalaw man lang."Go, help them." Pakiusap ni Ricci habang ibinibigay ang buong lakas sa pagtulak.Ayaw mang bumitaw ni Glenn at Noah ay lalo lamang sila manganganib kung mas magtatagal sila sa loob.Unang bumitaw si Noah saka tumakbo papunta sa fire exit.Sinipa sipa nila ito at tinulak tulak ngunit wala pa ding nangyayari.Dahan dahan namang binitawan ni Glenn ang pintuan saka tango kay Ricci.He understands that Ricci was trying to sacrifice himself.Ricci knows that they won't get
Gabi na ng makabalik sina Clarkson at Karu. May kanya kanyang bitbit na bag ito sa kanilang likod habang naglalakad palapit sa block na ginawa ng mga sundalo.Tahimik ang gabi maliban sa ilang putok ng baril kada may lalapit na zombie sa gate.Inikot ng dalawa ang tingin nito sa buong paligid. May kanya kanyang mundo ang bawat isa at medyo malayo sa barricades at naglatag ng kanya kanya nilang pansamantalang tutulugan.May dalawang sundalo ang nakabantay sa magkabilang dulo ng barricades na agad nilang tinawag ang atensyon ng hindi nakakakuha ng tingin ng iba."I think we saw something like that there." Pag umpisa nito saka turo sa loob ng Sitio bago sa likuran ng puno hindi kalayuan na napapalibutan ng mga damo.Nagkatinginan naman ang dalawang sundalong balot na balot pa din.Nagkatinginan din sina Clarkson at Karu ng lagpasan sila ng dalawang sundalo dahil successful ang unang mission nila.Ilang minuto pa ay bagsak na ang dalawang sundalo. Nakaabang ang limang tauhan ni Clarkson s
Tatlong mamahaling sasakyan ang paparating papunta sa kinaroroonan nila Clarkson at Karu at ng mga taong kasama nilang naka abang at naghihintay.Bumaba ang sakay ng unang sasakyan ganun din ang pangatlo saka tumabi sa magkabilang gilid ng nasa gitna ng sasakyan. Samantalang ang isa naman sa kanila ay binuksan ang pintuan nito at iniluwa si Dominic. Ang nakakatandang kapatid ni Clarkson.Pagkababang pagkababa ni Dominic ay panandaling inikot niya muna ang mata sa paligid habang niluwagan ng mabilis ang neck tie niya.Napatingin ito kay Clarkson at sa sandaling nagtama ang mga mata nila ay nag umpisa na itong magpalad papunta sa kinaroroonan nila Karu habang kasabay nitong naglalakad ang mga gwardiya niya sa magkabilang gilid at likod."How dare you keep this secret from me, Clarkson!" Madiin at naggigitgit na sambit ni Dominic sa kapatid.Hindi naman nakapag salita si Clarkson dahil simula ng maglayas ang dalawa ay katulong din siya sa pagkawala ng mga ito sa puder ni Dominic.Nanliit
Tahimik ang lahat na nag pakiramdaman. Simula ng mabawasan na naman ay wala ng may gustong magpagaan ng loob ng bawat isa.Tila lahat sila tanggap na ang kahihinatnan nila kapag tumagal pa ang ilang araw ng hindi pa rin sila nare rescue."I want to go home." Iyak ni Zenia.Maliliit ang bawat hikbing kumakawala dito habang iniisip na sa kanyang pag uwi ay naghihintay sa kanya ang bawat miyembro ng kanyang pamilya na may ngiti sa mga labi.Niyakap na lamang ni Myrna si Zenia. Lahat sila ay gusto ng umuwi. Lahat sila ay pagod na at gustong magpahinga. Lahat sila ay gusto ng makaalis sa impyernong kinaroroonan nila."It's been 2 weeks. Ngunit wala pa ding dumadating." Umpisa ni Michelle na nakatingin sa kawalan."Police are always late, aren't they?" Pangga gatong na patanong ni Bianca."So, kung kelan ma mamatay na tayo saka sila dadating?" Dagdag ni Gabby.Napatingin silang lahat kay Gabby dahil sa sinabi nito. They all know na maaaring totoo nga ang sinabi nito dahil habang patagal ng
It's already 9PM onwards. Sa isang iglap lang ay napuno na ng mga pulis at reporters ang gate ng Sitio De Villasarza.Hindi din alam ni Karu kung bakit umabot ng gabi ang paghihintay niya upang may umaksyon at umalam ng kung ano man ba talagang nangyayari sa loob.Inilabas ni Karu ang cellphone niya ngunit laking gulat niya na sobrang hina ng signal hindi katulad kanina na nakakatawag pa siya ng pulis.He drove away from Sitio para lamang sumagap ng mas malakas na signal upang makatawag sa biyenan.Nang sa wakas ay nakasagap na siya mabilis niyang idinial ang number nito."Hellow, Karu? Totoo ba itong nasa balita na may gulo raw diyan sa Villasarza?" Agad na bungad ng mama ni Yuki kay Karu.Nasa balita na pala agad ang nangyayari."Hindi pa sigurado, ma. Pero inaalam pa. Baka hindi muna po ako makauwi." Pagpapaalam nito saka napatingin sa napakaraming truck na dumaan sa harap niya.Napakaraming sundalo ang sakay nito na nag patindig balahibo sa kanya. Ngayon ay naiintindihan niyang se