Time Is Changed

Time Is Changed

last updateLast Updated : 2023-06-20
By:  Jean Crisel CantaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
31Chapters
3.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Twelixs Zarina is one of the wealthiest student in their university. Many people says she's a weirdo because of her hair color. Who would be dye her hair even she knows it's against their school rules? Only Twelixs. That's how twelixs is. She's kind of girl who loves to break school rules. But what if she travels in year 2050? May magbago kaya sa kanya? Let's see.

View More

Chapter 1

Prologue

Mag nanakaw!

Habulin ninyo!”

“Aish!”

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa mga taong nag tatakbuhan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Napakurap-kurap pa ako para alamin kung panaginip ba ito o hindi.

A-Anong ginagawa ko dito? Kanina lang nasa likod ako ng school, ah?

Pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina pero sumakit lang ang ulo ko kaya itinigil ko na lang.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin sa paligid.

Hindi ko alam kung paano ko ba ito ilalarawan.

Nakakapanlambot...

Napakagulo...

Napakaingay...

Ang daming usok na nagmumula sa mga pabrica.

Ang daming mga pulubi na nagkalat lamang sa tabi, umiiyak, nanlilimos at halos ang iba ay namimilipit na sa sakit.

Parang piniga ang puso ko dahil sa nakikita.

Am I dreaming?

Dahil kung oo ay gusto ko nang magising sa bangungot na ito. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Kahapon ay maayos pa naman ang lahat pero bakit ganito ang nangyari ngayon?

Mga puno, halaman at ekwelahan ay wala na sa aking kinatatayuan ngayon.

Napahilamos ako sa aking mukha.

A-Ano ba talagang nangyari?

Nanggilid ang aking luha habang pinagmamasdan ang paligid. Tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagbabadya nito. Pero kahit anong gawin ko ay mas lalo lang lumalala. Pinunasan ko agad nang maglandas ito sa aking pisngi.

Ngayon ko lang napagtanto na ang kinakatayuan ko pala ngayon ay ang lugar kung saan mismo ako natulog.

Maglalakad na sana ako paalis nang may humatak sa laylayan ng aking damit.

Ate... P-Palimos po.” pakurap-kurap na ani nito. Palagay ko ay babagsak ito nang wala sa oras kaya kinarga ko ito sa aking likuran.

Sobrang gaan niya...

Nang makarga ko ito ay binilisan ko ang aking paglalakad at naghanap ng tindahan na malapit sa pwesto namin.

Tumabi kayo!” sigaw ko sa mga nakaharang sa dinadaan ko.

Ngunit walang tumabi. Para bang hindi nila narinig ang sinabi ko. Wala akong naging choice kun‘di hawiin ang mga nakahara sa daan ko. Hindi ba nila nakikita na may karga akong bata? Tss.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, agad nagawi ang paningin ko sa isang tindahan.

Ate may kanin at ulam po kayo diyan?

Mayroon, bakit, may pambayad ka ba? Ha?” nagtaka naman ako sa inasal nito.

Kinapa ko muna ang aking bulsa kung mayroon ba akong pera, mabuti na lang at mayroon akong singkwenta.

Pambili ko pa yata ito ng sigarilyo. Aish.

Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang napagtanto na naka-uniporme pala ako ngayon. Tinignan ko naman ang relo ko.

Awitness, I'm late!

Pero wait, kung dito nakatayo ang paaralan namin, ibigsabihin ay nandito lang iyon. Pero bakit kahit anong gawin kong paglinga sa paligid ay hindi ko iyon makita? Ano ba talagang nangyayari?

Napatingin ako sa bata kaya ibinili ko na ito ng pagkain.

Ate, ito po ang bayad.” inabot nito sa akin ang ulam at kanin na binili ko, binigay ko naman agad ito sa Bata. Hinang-hina niya itong tinanggap.

“S-s-salam-m-mat p-po.” tipid na nginitian ko lang Bata.

Hinarap ko ang tindera para mag tanong. Pakiramdam ko kasi ay may mali.

Ate, ano po bang date na ngayon?tanong ko habang ang paningin ay nasa paligid. Agad ko din ibininalik ang paningin dahil hindi ko kayang pagmasdan ang nakikita.

Wala ba kayong kalendaryo sa bahay ha iha?” umiling ako kahit mayroon naman.

January 15' 2050 na ngayon. anito bago ako tinalikuran.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

A-Ano d-daw? 2-2050?

H-Hindi m-maaari!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
31 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status