Share

CHAPTER 15

UMAGA ng pangalawang araw nila sa beach. Alas-singko pa lang ay dilat na ang mga mata ni Annabelle. Madaling araw na siya nakatulog pero hindi niya alam kung bakit maaga rin siyang nagising. Nag-inat siya, nag-toothbrush, at naghilamos. Lalabas siya, siguradong kasisikat pa lang ng araw.

Hindi nga nabigo ang dalaga. Paglabas niya ng cottage, sumalubong sa kaniya ang pang-umagang ihip ng hangin. Napangiti siya nang makita ang araw na kasisilip pa lang. Patakbo niyang pinuntahan ang dalampasigan.

Wala pa masyadong tao roon pero may nakikita siyang magkapareha na naliligo sa unahan.

Naghubad siya ng tsinelas at pumunta sa dagat. Huminto siya kung saan naaabot ng alon ang mga paa, dinama niya iyon. Para siyang batang nilaro-laro ang mga alon.

Ang sarap bumalik sa pagkabata. Kung kaya niyang ikutin ang panahon, hindi siya magdadalawang-i

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status