Share

CHAPTER 11

NAGPAKAWALA ng mahabang hininga si Miguel nang tuluyang naglapat ang pintuan pasara ng office. Ngayon lang niya napagtanto na kanina pa niya pigil iyon.

Bakit ito nandito? Bakit ito bumalik? Kung kailan maayos na ang buhay niya. Kung kailan nasanay na siyang mamuhay ng wala ito. At bakit pa ito nakipagkita sa kaniya? Para guluhin ulit ang buhay niya? Higit sa lahat, may asawa na ito. Alam ba ng asawa  na nagpunta ang babae rito?

Tila eksena sa pelikula na nag-flashback sa kaniya ang mga pangyayari. Pitong taon na ang nakalipas. Pangyayaring nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya.

Masyado siyang naapektuhan sa biglang pagkawala nito kaya nawala ang focus niya sa trabaho. Isang taon matapos tuluyang natuldukan ang ugnayan niya rito, nangyari ang pinakamalaking biro ng tadhana. He was shot with a rifle straight to his chest. Buong akala niya ay katapusan n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status