SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

last updateLast Updated : 2020-05-19
By:  AuraOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
12 ratings. 12 reviews
19Chapters
12.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Tumibok ang inosenteng puso ni Annabelle sa murang edad na disi-nuebe sa sundalong nadestino sa probinsiya nila—si Lt. Luis Miguel Saavedra. “You look perfect tonight, sweetheart.” Nakangiti ang malamlam na mga mata ng binata na nakatitig kay Annabelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng tainga. “Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Sa kabila ng siyam na taong agwat ng kanilang edad ay naiparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Nanumpa ng pag-ibig na walang hanggan. Ngunit isang hindi inaasahang dagok ang dumating, bunga nito ay ang masaklap na paghihiwalayan. Ngayong nagtagpo silang muli, makakaya kayang harapin ng dalaga ang bagong Miguel? Makakaya niya kayang harapin ang mga titig nitong puno ng pagkasuklam at mapagparusang pakikitungo sa kaniya?  

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“LADIES and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you,” paalala ng piloto ng eroplano.

‘Finally, I’m back.’ Magkahalong galak at lungkot ang nararamdaman ni Annabelle.

Dumungaw siya sa bintana at pinagmasdan ang mga gusaling nagmumukhang laruan sa liit. Sa kanang bahagi ay nakikita niya ang maliit na kabahayan. Nakabalik na nga siya sa Pilipinas.

Pitong taon siyang nanirahan sa tita niya sa Amerika. At sa pitong taong iyon ay isang beses lang siyang nakauwi—noong pumanaw ang kaniyang ama. Naglagi lang siya ng isang linggo at bumalik din agad sa Amerika. Gustuhin man niyang magtagal pa ng ilang araw ngunit hindi pumayag ang ina niya dahil ayaw nitong mapabayaan ang kaniyang pag-aaral. Pumupunta lang ito para bisitahin siya. Na-mi-miss na niya ito at ang mga kapatid. Excited na rin siyang makalaro ang mga pamangkin niyang makukulit.

‘Kumusta na kaya si Jenny?’ Samu’t saring alaala ang pumasok sa isip ni Annabelle. May masaya, may malungkot. Mga alaalang hinding-hindi niya kailanman malilimutan.

Habang hinihintay ang paglapag ng eroplano ay binalikan niya ang mga pangyayari pitong taon na ang nakalilipas.

 

Taong 2012

“ANNA!” Napahinto si Annabelle sa paglalakad papuntang cafeteria nang marinig niya ang malakas na pagtawag sa kaniya. Napangiti siya nang malingunan ang best friend niyang si Jenny.

Nasa pangatlong taon na sila ng kolehiyo. Magkaedad at naging magkaklase simula pa noong high school kaya kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Anak ito ng isa sa mga guro ng Magsaysay State Colleges kung saan sila nag-aaral. Siya naman ay anak ng principal ng nasabing paaralan, si Mr. Tiofilo Reñedas.

Si Annabelle ang unica hija at bunso sa pamilya. May dalawa siyang kapatid na lalaki na pawang nasa kabilang bayan naglalagi dahil doon nagtatrabaho ang mga ito. Ang minamahal niyang ina, si Cora, ay nasa bahay lang at laging sinisigurado ang magandang pagpapalaki sa kanilang magkakapatid.

Si Jenny ang tipong madaldal, makulit, at malambing. Mahilig itong gumamit ng cosmetics. Sa edad nitong nineteen ay sanay na itong maglagay ng makeup kagaya ng lipstick at blush-on. Masasabi niyang maganda ito na mas na-enhance pa ng ginagamit nitong pampaganda. Kulot ang buhok ni Jenny na lampas balikat.

Siya naman ay tahimik, at mas pinili niyang maging simple. Polbo lang ang tanging ginagamit niya sa makinis naman ng mukha. Para kasing nangangati at nabibigatan siya sa kaniyang mukha kapag naglalagay ng makeups, at hindi talaga siya sanay. Nagwiwisik din siya ng paborito niyang baby cologne sa umaga. Hindi naman agad natatanggal ang amoy niyon kaya hindi na niya kailangang maglagay ulit sa hapon. Si Jenny ay morena pero pantay at malinis ang balat, siya naman ay mestiza. Namana niya ang katangiang iyon sa ina niyang may lahing Kastila. Kaya para sa kaniya, bagay na bagay silang magkaibigan. ’Ika nga, ‘opposite attracts.’

“Hindi mo na ako hinintay,” nanunulis ang ngusong yamot ni Jenny.

“Ang tagal mo kasing matapos sa seatwork mo,” natatawang sagot ni Annabelle.

“Nahihirapan kasi talaga ako kapag math na, e. Pasensiya naman po kung hindi kasing talino mo ang lola mo,” nakangiting sabi nito. “Gutom na ako. Ano bang masarap kainin?” Magkasabay silang nagtungo sa cafeteria para sa afternoon recess.

Bumili siya ng cheese sandwich at zesto juice. Si Jenny naman ay nilantakan ang biniling spaghetti and coke with matching hotdog sandwich pang naghihintay sa gilid. Bilib din naman siya sa katawan nito, kahit gahigante ang kinakain, slim pa rin ito.

Nakahanap sila ng puwesto sa kaliwang sulok malapit sa bintana.

“Oy, nabalitaan mo ba?” untag ni Jenny sa kaniya. “May mga bagong grupo ng sundalong dumating noong isang araw. Galing daw ang mga ’yon ng Maynila. Dumadami na daw kasi ang mga rebelde sa bukid kaya nagpadala na ang gobyerno ng maraming sundalo.”

Narinig din niya ang balitang pinamumugaran nga ng mga rebelde ang bukiring bahagi ng Bansalan. Hindi niya inakalang ganoon na pala kalala ang sitwasyon sa probinsiya nila. Ang Bansalan ay nasa katimugang bahagi ng Davao. Maliit lamang ang sibilisadong bahagi niyon. Halos one-fourth lang iyon ng buong area ng probinsiya. Ang sentro nito ay ang Magsaysay, kung saan sila nakatira. Kompleto naman ang bayan. May ilang paaralan, may district hospital, parmasya, palengke, at parke. Walang malalaking malls pero may mangilan-ngilang establisimyentong nagbebenta ng mga damit at iba pang kailangang gamit sa pang araw-araw.

“Nakakatakot naman ang balitang ’yan, Jen.”

“Yes, korek ka d’yan, sis. Nakakatakot yet . . . exciting!” nangingiting sagot nito. Humigop ng coke gamit ang straw. Tapos na nitong kainin ang spaghetti kaya sinunod naman ang kawawang hotdog sandwich.

Tumaas ang isang kilay ni Annabelle. “Paano naman nakaka-excite ang balitang ’yan?”

“Kasi ’di ba, mga Manileño ang mga sundalong ’yon? Balita ko ang guguwapo ng mga galing doon,” kinikilig na paliwanag nito. “Malay mo, Manileño pala ang makakaangkin ng taglay kong kagandahan,” tila nangangarap pang dagdag nito.

Napapailing na lang si Annabelle sa pinagsasasabi ng kaibigan. “Jen, FYI, ang sabi-sabi din, kilala ang mga Manileño sa pagiging babaero. Kasi nga ’di ba, ’di hamak na mas maraming magaganda at modernong babae doon. Liberated din daw ang mga ’yon. Maghahanap pa ba sila sa tagong probinsiya? At kung makakahanap man, ang tanong, seseryosohin kaya nila? Sis, hindi naman sa dini-discourage kita na umibig sa Manileño, iwasan mo lang ang masyadong umasa.  Ayaw ko lang talagang mabiktima ka ng mga ganyan. Mabuti na ’yong sigurado. Palangga tika, e.”

“Aww . . . Of course, alam ko namang love mo ’ko, sis. Kaya lang, sayang naman ang humahalimuyak kong alindog kung walang pinaglalaanan, ’di ba?” ani Jenny na sinabayan pa ng hawi ng buhok. Naipikit na lang ni Annabelle ang mga mata, hindi makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan. Minsan talaga, may pagkabulgar din ang pananaw nito, lalo na sa pag-ibig.

 

NAGLILINIS si Miguel ng kaniyang kalibre kuwarenta y singko. Kasalukuyan siyang nasa isa sa mga kubo ng kampo. Ito ang nagsisilbing tirahan niya at ng mga kasamang sundalo. Pakiramdam niya ay parte na ng katawan niya ang sandatang iyon. It was with him like forever. Simula noong pumasok siya sa pagiging sundalo ay ito na ang kapareha niya. Hanggang sa maging opisyal siya at nadestino nga kamakailan lang sa probinsiyang iyon. Sa edad na beynte otso, matagumpay niyang natamo ang karangalang iyon. Katakot-takot naman na trainings ang pinagdaanan niya bago narating ang lugar kung nasaan siya ngayon.

Lumaki siya sa Laguna kasama ang nakababata niyang kapatid na babaeng pinag-aaral niya ng kolehiyo. Ulila na silang magkapatid. Namatay ang mga magulang nila sa magkaibang pangyayari. Namatay ang ama nila dahil sa komplikasyon ng diabetes at matapos ang isang taon ay ang ina naman nila ang sumunod dahil sa sakit sa puso.

“Bud, tama na ’yan. Baka magising ang genie at lumabas bigla sa kapupunas mo,” bungad ng kasama niyang sundalo at matalik na kaibigang si Rudy. “Tara, tambay muna tayo sa kanto, pahinga naman natin ngayon. Nang-iimbita kasi si Manong Ben, ’yong may-ari ng tindahan doon. May konting inuman din,” nakangising sabi nito.

Dahil wala rin naman siyang gagawin at gusto rin niyang makahalubilo ang mga tao sa lugar na iyon ay pinaunlakan niya ang paanyaya ni Rudy.

 

NANG hapong iyon ay nahuli ng isang oras ang uwi nina Annabelle at Jenny dahil tinapos nila ang project sa Science. Araw-araw silang magkasabay sa pag-uwi. Hindi sila sumasabay sa kanilang mga magulang dahil minsan ay may ginagawa pa ang mga ito sa faculty. Nilalakad nina Jenny ang halos kalahating kilometrong layo ng paaralan at bahay. Marami namang nadadaanang bahay kaya kampante sila.

Napansin ni Annabelle ang grupo ng kalalakihang nakaupo sa tindahan sa kanto.

‘Mukhang nag-iinuman,’ naisip niya.

Mga bago sa paningin niya ang mga itsura nito. Si Manong Ben lang ang namukhaan niya, ang may-ari ng tindahan. May limang lalaki na hindi niya kilala ngunit sa limang iyon ay agaw-pansin ang dalawang matatangkad na lalaki. Ang isa na naka-side view ay maputi. Sumisilip ang matitipuno nitong braso sa suot na puting sando at berdeng walking shorts na ang haba ay umaabot hanggang sa itaas lang ng tuhod. Magiliw itong nakikipagkuwentuhan sa grupo. Ang isa naman ay nakasuot ng abuhing T-shirt at khaki cargo shorts. Kagaya ng isa, nagmumukhang maliit din ang suot nitong pang itaas sa muscles nito. Hindi iyong tipong napapanood niya sa TV na body builders. Mas angkop na sabihing kapares iyon sa katawan ng isang swimmer; wide shoulders and narrower waist and hips. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, dahil nakaupo ito patalikod sa kanila, ay masasabi niyang moreno ito. Napansin niyang pare-pareho ang gupit ng mga lalaki, iyong kagaya ng sa pulis.

“Sis, daghan ug pogi, oh!” siko ni Jenny sa kaibigan.

Pagpuyo pagud dira! (Magtigil ka nga d’yan!) Baka marinig ka, nakakahiya,” saway ni Annabelle sa kalandian ng best friend.

Nang mapadaan sila sa tindahan ay halos hindi gumagalaw ang ulo ni Annabelle. Dire-diretso siyang naglakad nang hindi tinatapunan ng tingin ang grupo. Nakasunod lang si Jenny, subalit sa hindi inaasahan ay tinawag sila ni Manong Ben.

“O, Annabelle, Jenny, bakit ngayon lang kayo nakauwi? Alas-sais na.”

Maayong gabii, Manong Ben,” sabay nilang usal. “May tinapos kasi kaming project kaya medyo late na po nakauwi,” dagdag ni Annabelle.

“Mag-iingat kayo sa daan. Marami ng rebeldeng pagala-gala dito sa lugar natin. Delikado na kapag gabi.”

“Salamat po sa paalala. Tatandaan po namin ’yan, mag-iingat po kami,” sabi niya na lang para sana hindi na humaba ang usapan.

Pero sa dismaya ng dalaga ay may sinabi pa si Manong Ben, hindi sa kanila kung hindi sa grupo ng mga lalaki. “Ay, siya nga pala, mga iho, baka naman may gustong magboluntaryo sa inyong maghatid sa mga batang ire. Hindi ako mapalagay.”

Hindi inaasahan ni Annabelle ang biglang pagtayo ng morenong lalaking naka-gray at walang sabi-sabing humakbang patungo sa kanila. Naalarma siya at napaatras ng ilang hakbang.

“A, h-hindi na po kailangan, Manong. Kayang-kaya na po namin, malapit lang naman,” nauutal niyang sabi. Huminto naman sa paghakbang ang lalaki.

“’Di ba, Jen? Okay lang, ’di ba?” siko niya sa kaibigan na parang natauhan bigla mula sa pagkakatitig sa lalaki.

“A, o-oo. Opo, okay lang. Huwag na po, mga sir,” sabi ni Jenny na nilangkapan ng pagkatamis-tamis na ngiti sabay ipit ng hibla ng buhok sa likod ng tainga.

“Mga inday, huwag kayong mag-alala. Mga sundalo itong mga ito. Sila iyong bagong dating na grupo galing Maynila kaya ligtas kayo.”

“Huwag na po talaga. Maraming salamat po, tuloy na po kami. Halika na, Jen, dali!” bulong ni Annabelle at nagmamadaling umalis.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Annabelle Gonzaga
wonderful story short and concise.sana may part 2.,.........️
2022-10-12 09:18:54
0
user avatar
Jea Mae Altez
sobrang grabe umpisa Hanggang dulo walang dull moment sobra sana may special chapter author to know more sa kondisyon ni Anna if maging okay na na siya at kung nakasal at nagkaanak Sila ni Miguel please author hehehe God bless salamat sa magandang novel na binahagi mo sa Amin...
2021-11-04 21:45:09
0
user avatar
Shantal Mae Venus
ganda ng story wala bang special chapter
2021-10-25 03:29:25
0
user avatar
Marj Segui Sison
ung iba simple lang sa una maganda pero pag tumatagal na nag kakaroon na ng superpowers e AHAH...
2021-08-24 10:16:38
0
user avatar
chichi alcordo
5 star is not enough to rate this book , npakaganda ng story walang paligoy ligoy hndi pinahaba para lng kumita , aabangan ko ibang story mo author !!! good luck
2021-08-15 04:37:19
0
user avatar
Jay-ar Ureña Tapang
ang ganda ng stories na ito 😘
2021-06-26 14:34:38
1
user avatar
rock dj
Ganda. Part 2 pls😊😊😊
2021-04-20 15:43:51
1
user avatar
Tinaco Miles
kudos👏🏻👏🏻
2021-03-01 13:27:12
2
user avatar
Japeth Bayon-on
Ang galing,, nice work guys, keep it up.... every scene is kaabang abang..
2021-01-11 22:11:48
1
user avatar
Mary Gold Suarez Pasoquin
more chapter pls
2021-01-11 21:43:34
1
user avatar
Rowena B Black
It's very sad and somewhat romantic. Job will done.
2020-11-12 12:00:02
0
default avatar
MAYET C MALAYBA
ganda ng story
2020-07-28 22:32:19
1
19 Chapters
CHAPTER 1
“LADIES and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you,” paalala ng piloto ng eroplano.‘Finally, I’m back.’ Magkahalong galak at lungkot ang nararamdaman ni Annabelle.Dumungaw siya sa bintana at pinagmasdan ang mga gusaling nagmumukhang laruan sa liit. Sa kanang bahagi ay nakikita niya ang maliit na kabahayan. Nakabalik na nga siya sa Pilipinas.Pitong taon siyang nanirahan sa tita niya sa Amerika. At sa pitong taong iyon ay isang beses lang siyang nakauwi—noong pumanaw ang kaniyang ama. Naglagi lang siya ng isang linggo at bumalik din agad sa Amerika. Gustuhin man niyang magtagal pa ng ilang araw ngunit hindi pum
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 2
KASALUKUYANG tinatalakay nina Jenny at Annabelle ang paksang ipipresenta sa klase. Nakaupo sila sa pang-apatang bilog na mesa ng students’ park.“Good afternoon, girls!” bati sa kanila ni Fred, ang masugid na manliligaw ni Annabelle. Nagsa-sunbathing siguro ito noong nagsabog ng mahabang pasensiya ang Panginoon dahil kahit ilang beses na niyang inayawan ay sige pa rin sa pagsuyo.Estudyante rin ito ng eskuwelahang iyon pero hindi sila magkaklase. Kagaya nila, nasa ikatlong taon na rin ito ng kolehiyo. Anak ito ng konsehal ng bayan na nagkataong kumpadre din ng ama ni Annabelle. Maituturing na rin niya itong kababata. May itsura naman si Fred, mabait. Iyon nga lang ay payat at hindi kataasan. Nasa one inch lang ang agwat ng taas nila. Hindi niya masyadong type ang ganoon. Mas tipo niya ang matatangkad at may katamtamang muscles. Iyong nagtataglay ng mahahaba at malalakas na brasong kaya siya
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 3
“UUWI ang Kuya Winston at Rene mo sa Sabado, Anna. Sigurado akong na-mi-miss mo na sila,” ani Mrs. Cora. “Kaya magluluto ako ng masarap na ulam. Ano’ng request mo ngayon, mahal ko?” Pinisil ng ina ang pisngi ni Annabelle.“Ginisang hipon, Mama!” magiliw na sagot ng dalaga. Nasa sala sila at nanonood ng TV.“Favorite mo talaga iyan, anak, ano? Kahit pa siguro araw-arawin,” natatawang sabi ni Mrs. Cora. “O siya, sige, magluluto ako.”“Yehey!”Galing sa kusina ay lumabas ang ama niyang may bitbit na tasa ng tsaa. “Mang, iimbitahin ko rin iyong nakilala kong opisyal ng sundalo, si Miguel. Nagkausap kami kanina sa opisina. Gusto ko ang batang iyon. Mabait, magalang, at karespe-respetado. Magaling sa trabaho. Sigurado akong magkakasundo kami niyon.” anito.“Oo naman, Pang. Imbitahan mo nang makilala naman n
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 4
NAKAPILA sila ni Jenny sa cafeteria. Lunch break nila iyon kaya mahaba-haba ang linya. Naabutan sila ni Fred doon.“Anna, Jen, makikisabay na ako sa inyo. Nakakawalang ganang kumain kapag nag-iisa. Ayos lang ba?”“Oo naman. Libre naman maki-join, e,” sagot ni Jenny.“Siya nga pala, pupunta ba kayo sa disco ngayong linggo? Bago daw ang gagamiting sound system ni Kapitan kaya siguradong maganda ang tunog. Magdadagsaan na naman ang mga taga-kabilang bayan. Siguradong enjoy ’yon,” anito.Biglang nabuhayan ng loob si Jenny. Yamot na ito sa mahabang pila. “Ay, oo! Punta tayo, sis. Ang boring na ng life natin lately, bahay-eskuwelahan na lang lagi.”“A, titingnan ko. Si Papa kasi, e . . .” Siguradong hindi siya papayagan niyon. May pagka-conservative kasi ang pamilya niya.“Ay
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 5
KINABUKASAN ng hapon ay nakaabang na si Miguel sa labas ng gate ng eskuwelahan. Nakasuot ito ng puting T-shirt na pinatungan ng black leather jacket at hapit na kupasing maong, prente itong nakaupo sa itim na motorsiklo. Nakapatong ang kanan nitong paa sa footrest ng motorsiklo at ang kaliwa naman ay nakatukod sa lupa. Ngumiti ito nang makita sila.Parang gustong pulutin ni Annabelle ang puso niyang nahulog sa lupa nang mapagmasdan ang guwapo nitong mukha.“Whoa, Annabelle! Tama ba ang nakikita ko? Si ano ’yan, ’di ba?” usisa ni Jenny.“Si Miguel,” pagkumpirma niya at gumanti ng ngiti sa binata.Mataman siyang tinitigan ni Jenny. “Ba’t parang may naalala akong sangkatutak na paalala at babala tungkol sa mga taga-Maynila? Sino nga ba’ng nagsabi niyon?”“Tigilan mo nga ako. Nagmamagandang loob lang ’yon
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 6
NASA hapagkainan si Annabelle kasama ang mga magulang.“Annabelle, nabalitaan kong madalas kang hinahatid ni Miguel dito sa bahay galing eskuwela.” Nagulat siya sa biglaang pagtatanong ng ama.Kahit ine-expect niya ng malalaman ng mga ito ang bagay na iyon ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Paano niya iyon sasagutin at ipaliliwanag sa ama? Baka mag-isip ito ng masama.“O-opo,” nakatungo niyang sagot.Namayani ang katahimikan sa buong kusina. Tanging kalansing lamang ng mga kubyertos ang naririnig. Si Mrs. Cora ay nakamasid lang din.“Aba’y maganda iyan,” hindi inaasahang sabi nito. Biglang naitaas ng dalaga ang tingin. Nasorpresa siya, pati ang ina niya ay hindi rin makapaniwala.“O, bakit ba? Mas mabuti iyon. May bodyguard na ang anak ko, opisyal pa ng s
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 7
NAGPATULOY ang pagsundo ni Miguel kay Annabelle. Iyon nga lang ay may pagbabago. Naging ‘mas’ na ito sa maraming bagay. Mas maalaga, mas maaalahanin, mas malambing, at higit sa lahat, mas protective. Minsan, nagiging strikto na rin ito, lalo sa mga isinusuot niya. Imbes na mainis, kinikilig siya sa ideyang iyon.Siniguro nito sa kaniya na pormal itong aakyat ng ligaw. Na nagsimula nga nang gabing iyon.Guwapong-guwapo ito sa suot na light blue jeans at black polo shirt. Traditionally, gaya ng ipinangako nito, may bitbit itong bugkos ng white roses at malaking teddy bear. Hindi mahilig sa matatamis si Annabelle kaya hindi rin ito nagdala ng tsokolate. Minsan naman, hindi lang siya ang may pasalubong, pati ang mga magulang niya. Mainit ang pagtanggap ng mga magulang niya sa binata, lalo na ang ama niya na halatang botong-boto rito. Minsan nga ay parang ito na ang nililigawan ng binata dahil silang
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 8
MARTES ng umaga. Kasalukuyang nagbibigay ng instructions si Miguel sa grupo. Nakahilera ang mga itong nakatikas-pahinga sa harap niya. Full geared na silang lahat at handa na para sa pag-alis.“At exactly ten hundred hours dapat ay nandoon na tayo sa area. Further instructions for this assignment will be given by Captain Francisco. Naghihintay siya doon,” wika niya sa malakas na tinig.Lumapit si Rudy mula sa likod niya.“Your precious angel is here, bud,” bulong nito. D-in-ismiss na niya ang grupo at nagtungo sa kubong tanggapan. Nakatayo si Annabelle roon at may bitbit na maliit na paper bag.“Annabelle?” sambit niya rito.Lumingon ang dalaga sa gawi niya at patakbong yumakap. “Miguel . . .”“Bakit ka nandito?”“Gusto lang kitang makita
last updateLast Updated : 2020-05-04
Read more
CHAPTER 9
KASALUKUYANEKSAKTONG alas-dose ng tanghali nag-landing ang eroplanong sinakyan ni Annabelle. Sinundo siya ng kapatid niyang si Rene sa airport. Bumiyahe sila nang araw ding iyon papuntang Bansalan. Hapon ng alas-singko na sila nakarating ng bahay. Mainit na sumalubong si Mrs. Cora kasama ang hipag niyang si Rosana at ang anak nito.“Kumusta ang biyahe mo, Annabelle? Mas lalo kang gumanda!” Nakilala ito ng kapatid sa Digos kung saan ito nagtatrabaho. Nang makasal ay lumipat ang mga ito sa Magsaysay malapit sa kanilang bahay.“Mabuti naman, Rose. Salamat.”“Nagpaitim ka yata ng buhok? Sa pagkakatanda ko, brown ang buhok mo noon, ’di ba?” Naisipan nga niyang ibahin ang kulay ng buhok niya noon sa Amerika para maiba naman ang dating ng mukha niya.“Oo, nagpa-ha
last updateLast Updated : 2020-05-12
Read more
CHAPTER 10
BUMABA ng taxi si Annabelle pagkatapos magbayad. Tiningala niya ang gusali sa kaniyang harapan. Magkahalong kaba at galak ang nararamdaman niya.Humugot siya ng isang malalim na hininga bago humakbang papasok sa isang electronic sliding door. Tila doon siya makakakuha ng lakas para ituloy ang nais gawin. Bumungad sa kaniya ang dark gray interior. Sa gitna ay may pader na kulay krema. Binasa niya ang malalaking letrang kulay itim na nakapaskil doon, STEEL SECURITY AGENCY. Sa kanang bahagi ay may isang itim na leather couch at oblong-shaped glass center table. The interior looks elegant and clean. Nag-complement dito ang isang palm plant na maayos ang pagkakalagay sa isang sulok.“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” bati sa kaniya ng receptionist. Nakatayo ito sa likod ng counter. Petite ang babae, maputi, at alon-alon ang brown na buhok. Nakasuot ito ng white Chinese collared blouse na pi
last updateLast Updated : 2020-05-12
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status