“UUWI ang Kuya Winston at Rene mo sa Sabado, Anna. Sigurado akong na-mi-miss mo na sila,” ani Mrs. Cora. “Kaya magluluto ako ng masarap na ulam. Ano’ng request mo ngayon, mahal ko?” Pinisil ng ina ang pisngi ni Annabelle.
“Ginisang hipon, Mama!” magiliw na sagot ng dalaga. Nasa sala sila at nanonood ng TV.
“Favorite mo talaga iyan, anak, ano? Kahit pa siguro araw-arawin,” natatawang sabi ni Mrs. Cora. “O siya, sige, magluluto ako.”
“Yehey!”
Galing sa kusina ay lumabas ang ama niyang may bitbit na tasa ng tsaa. “Mang, iimbitahin ko rin iyong nakilala kong opisyal ng sundalo, si Miguel. Nagkausap kami kanina sa opisina. Gusto ko ang batang iyon. Mabait, magalang, at karespe-respetado. Magaling sa trabaho. Sigurado akong magkakasundo kami niyon.” anito.
“Oo naman, Pang. Imbitahan mo nang makilala naman namin. Malayo pa naman sa pamilya nila ang mga batang iyon. Mabuti na iyong mapalapit din sila sa mga tao rito.”
Buhat sa narinig ay napukaw na naman ang damdaming pilit binabalewala ni Annabelle para sa binata. Hindi maaari iyon. Kagaya ng sinasabi niya kay Jenny, iiwasan niya ang mapalapit, lalo na ang mahulog sa isang taga-Maynila. Isa ring dahilan ay ang malaking agwat nila sa isa’t isa. Bata pa siya, hindi pa nga siya tumatanggap ng manliligaw. Pero bakit sa tuwing makikita niya ang sundalong iyon, may napupukaw itong damdaming hindi niya kayang isalarawan.
Nang gabing iyon, nakatulog si Annabelle na iniisip kung ano ang kahihinatnan ng hapunan ng pamilya niya sa Sabado kasama ang magiging bisita.
SABADO. Tahimik na kumakain si Annabelle. Asiwang-asiwa na siya sa presensiya ng bisita. Bakit ba siya nagkakaganito? Bakit apektadong-apektado siya? Wala naman itong ginagawa maliban sa pagsulyap-sulyap nito minsan sa kaniya.
“Annabelle, may sakit ka ba?” tanong sa kaniya ng Kuya Winston niya, ang panganay. “Bakit ang kokonti ng subo mo?”
“Oo nga, hija, may dinaramdam ka ba?” dugtong ng ina niya. “Paborito mo iyang ulam, pero bakit hindi ka masyadong kumakain?”
“Okay lang ako, Mama.” Ngumiti siya nang bahagya para ipakita sa kanilang mabuti ang pakiramdam niya.
Pagkatapos nilang maghapunan, hinayaan ng mga ito na magpahangin sa labas si Annabelle. Pakiramdam niya ay tila naging masikip ang loob ng bahay at kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin.
May pandalawahang bench sila sa labas ng bahay sa ilalim ng neam tree. Ito ang paborito niyang tambayan, lalo na kapag may iniisip o kung gusto niya lang mapag-isa. Umupo siya roon, nakayukong tinitigan ang mga paang nilalaro ang tuyong dahon. Hindi niya namalayan ang paglapit ng isang tao sa tabi.
Napatalon siya sa kinauupuan sa gulat nang makarinig ng pagtikhim ng baritonong boses sa gilid. Tuloy nadulas ang puwet niya at tuluyang napadausdos sa inuupuan. Hinintay niyang lumapat ang pang-upo sa lupa ngunit maagap siyang nahawakan ng mga malalakas na braso ng may-ari ng boses na iyon.
‘Miguel’
“Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong nito. “Sorry kung nagulat kita.”
“Bakit ka ba kasi sumusulpot bigla?” inis na sabi ng dalaga upang hindi mahalata ang pagkapahiya. Inayos niya ang damit at bumalik sa pagkakaupo, nagpapasalamat na hindi masyadong maliwanag ang bahaging iyon dahil kung hindi ay siguradong mapapansin nito ang pamumula ng mukha niya.
“Gusto lang sana kitang kumustahin? Ang tahimik mo kasi simula kanina.”
“Okay lang ako.”
“Sigurado ka?”
“Oo nga. Kulit nito,” pagsusuplada niya dahil hindi na niya alam kung ano ang dapat ikilos. Naririnig niya na ang tibok ng kaniyang puso.
Bumuntonghininga ito. “Mabuti naman. Nag-alala ako.”
Buhat sa narinig ay napatingin siya sa mga mata nito. Gusto niyang alamin kung sincere ito sa sinabi. Ngunit isang maling desisyon ang ginawa niya, dahil ang simpleng tingin ay nauwi sa titig.
NAPAKAINOSENTE ng mga bilugang mata ni Annabelle. Kita niya ang mahahaba nitong pilik-mata sa malamlam na ilaw na nagmumula sa loob ng bahay. May naglalaro na ilang hibla ng buhok sa makikinis at mapuputi nitong pisngi na parang kay lambot haplusin. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay sa mukha nito, tila natatakot na sa isang maling kilos ay biglang maglaho ang kagandahang nasa harapan. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito patalikod sabay haplos sa pisngi. Napapikit si Annabelle at bahagya pang inilapit ang pisngi sa kamay ni Miguel. Nakaramdam ang binata ng pagsikip ng dibdib. Nakakadarang ang damdaming umuusbong doon. Kaya bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisisihan ay bigla siyang tumikhim at lumayo rito.
“Lumalamig na, Annabelle. Mas mabuting pumasok na tayo sa loob,” walang emosyon niyang sabi at naunang naglakad papasok ng bahay.
KUMUHA sila ng airline tickets for two to Chicago the next day pagkatapos ng madamdamin nilang tagpo. At dahil flight na nila kinabukasan, nandoon si Annabelle ngayon sa SSA, sa private room ng binata. Kasama ni Miguel si Anton sa opisina at abala ang mga ito sa endorsements ng mga gawain sa kompanya. Si Anton na muna ang mamamahala ng SSA habang wala si Miguel.Naaliw siyang pagmasdan ang mga interior ng kuwarto. It was a total opposite of the SSA office. Kung sophisticated and very manly ang dating niyon, ang kuwarto naman ay cozy. Tila hindi iyon parte ng opisina.She got a glimpse of a familiar thing sa isang glass shelf. Napasinghap ang dalaga nang masiguro kung ano ang bagay na iyon.“Mon-Mon . . .” Maingat itong nakalagay sa isang plastic transparent box. Hindi niya inakalang matatagpuan ang laruang iyon sa kuwarto. Katabi niyon ay isang red velvet box.
NAPUTOL ang pakikipag-usap ni Miguel sa telepononang maulinigan ang tila pagtatalo sa labas ng opisina niya. Tatayo na sana siya para silipin iyon nang biglang bumukas ang pinto.“Sir! Hindi po talaga puwedeng makausap si Mr. Saavedra sa ngayon,” saad ng guwardiya habang pinipigilang pumasok ang lalaking bisita.“This is very important. I need to talk to him right now!” paggigiit ng lalaki. He could see in his face na hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakaharap.“Its okay, Jay,” he interrupted. “Papasukin mo siya.”Binitiwan ng guwardiya ang braso ng lalaki at hinayaang pumasok sa loob. The man stretched his back and fixed his clothes in a smug way.“And you are?” tanong niya rito.“Huh! So hindi mo na ako nakilala?” panimula nito.
ALAS-singko ng umaga, nagising si Fred sa ring ng cellphone niya. Pupungas-pungas niyang sinagot ang tawag.“Hello, Anna? Good morning.”“Fred . . .” Garalgal ang boses ng nasa kabilang linya kaya tuluyan na siyang nagising.“What happened? Umiiyak ka ba?”“Please, sunduin mo ’ko.”“Hey, Anna, what happened?”“Saka ko na ipapaliwanag sa iyo. Just please, come here.” Binigay nito ang eksaktong address ng resort. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at pinuntahan ang babae.“I SWEAR I’m gonna kill that bastard!” Galit na naisuntok ni Fred ang kamao sa manibela.“Fred, it’s fine. I’m fine.”“No, Annabelle! It’s definitely not okay! Pagkatapos ng
NAKALUTANG si Annabelle sa mababaw na bahagi ng beach in a supine position. Ang pares ng kaniyang mga mata ay diretsong nakatanaw sa madilim na kalangitan. Pagkatapos nilang umalis ni Jenny sa restobar ay naglakad-lakad na lamang sila. Naalala niya ang sabi nito.“Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ’yon!” inis na sabi ni Jenny. “Napakaespesyal ng kantang ’yon. Lagi kong pinaniniwalaang may feelings pa siya sa iyo. But after what he did tonight? Argh! Malilintikan talaga sa akin ang lalaking ’yon!” nanggigigil na sabi nito.“Jenny, huwag na nating pilitin ang ayaw na. Anyway, before ako nagbalik, alam kong mangyayari na ito.” ‘Pero hindi ko inakalang ganito pala kasakit,’ dagdag niya pero hindi na isinatinig.Mag-aalas-onse na ng gabi nang maghiwalay sila. Hindi pa siya inaantok kaya napagpasyahan niyang magtampisaw muna sa dagat. Iilan na lang ang nakik
UMAGA ng pangalawang araw nila sa beach. Alas-singko pa lang ay dilat na ang mga mata ni Annabelle. Madaling araw na siya nakatulog pero hindi niya alam kung bakit maaga rin siyang nagising. Nag-inat siya, nag-toothbrush, at naghilamos. Lalabas siya, siguradong kasisikat pa lang ng araw.Hindi nga nabigo ang dalaga. Paglabas niya ng cottage, sumalubong sa kaniya ang pang-umagang ihip ng hangin. Napangiti siya nang makita ang araw na kasisilip pa lang. Patakbo niyang pinuntahan ang dalampasigan.Wala pa masyadong tao roon pero may nakikita siyang magkapareha na naliligo sa unahan.Naghubad siya ng tsinelas at pumunta sa dagat. Huminto siya kung saan naaabot ng alon ang mga paa, dinama niya iyon. Para siyang batang nilaro-laro ang mga alon.Ang sarap bumalik sa pagkabata. Kung kaya niyang ikutin ang panahon, hindi siya magdadalawang-i
“GOOD afternoon, Ma’am. Anong item po ang hanap n’yo?” magiliw na bati ni Annabelle sa babaeng pumasok sa hardware nila. Pinauwi niya ang kaniyang ina para makapagpahinga kaya siya muna ang nakatoka roon.“So you’re Annabelle,” sabi nito sa halip na sagutin siya.Napakunot-noo siya. “Yes, I am. And you are?”“I’m Nancy Alcantara, daughter of Counselor Alcantara,” taas-noo nitong pakilala. Naalala niya ang sinabi ni Jenny. Ito pala iyon. Maganda ito, matangkad, medyo morena pero pantay. Gaya ng sabi ni Jenny, may hint ng pagka-bitch.“How may I help you, Miss Alcantara?” she asked.“Nothing, I just want to . . .” tila nag-iisip pa ito ng maidadahilan, “check if you’re fine now. I was with Miguel noong sinugod ka sa hospital.”“I am well now, thank you.” Parang hindi nama