Share

Kabanata 46

Anna Luisa

Lumipas ang Lunes at medyo bumubuti na ang panahon, senyales na pwede ng bumiyahe sila Kuya Azrael bukas.

Kaya eto kami ni Lara at nasa labas ng mansyon upang libutin ang halamanan dito sa Hacienda. Hanggang sa nagpasya kaming umupo sa damuhan rito at tsaka nagkwentuhan.

"Lara, nais ko lamang malaman mo na masaya ako nakilala kita. At gusto kong ikaw ang magsabi sakanila ng totoong kwento ni Anna Luisa.." nakangiting sabi ko sakanya dahilan para mapalingon siya sa akin na puno ng pagtataka.

"A-anong ibig sabihin mo, Ate Anna Luisa?" takang tanong niya sa akin.

"Ikwekwento ko sayo ang katotohanang natuklasan ko sa pamamagitan ng lumang orasan na ito, gusto kong malaman mo at ikwento sa iba na si Anna Luisa ay di nagpakamatay at di natagpuan ang bangkay niya sa Ilog paraiso, tulad ng maling bersyon ng kwento ng ukol sa aki

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status