When The Princess Meet The Gangster
When The Princess Meet The Gangster
Author: shimmeringpurple
Chapter 1

Chapter 1

Almira Rose Schalante 

"My Princess!" tili ni Mother pagkadating ng pagkadating ko sa mala-mansion na bahay namin sa Greenhills Subdivision.

Sinalubong niya ako nang napakahigpit na yakap, to the point na napangiwi ako dahil halos hindi na ako makahinga. 

"Sobrang namiss ko ang prinsesa ko!" gigil na sabi ni Mommy. 

"Mommy naman! Tatlong araw lang tayong hindi nagkita kung makatili ka d'yan, wagas?" nakangiting sabi ko, saka tumugon sa yakap niya. Binigay ko ang maleta ko sa maid namin.

Yeah! I'm from New York. Nauna si Mommy pumunta dito, kaya ganito na lang siya maka-miss sa akin. Last month of vacation na kaya naisipan namin pumunta dito sa Pilipinas. Oh wait! Dito na pala ako mag-aaral ng college. At  ang napili kong school will be the Eislerville Academy. The famous academy owned by my father. 

"Of course my daughter! Hindi ako sanay na nawawalay sa mahal kong prinsesa." halos hindi mawala ang ngiti sa labi ni Mommy habang hinahawakan ang magkabila kong mukha. 

Napangiwi ako. 

"Mom! Will you please stop calling me, princess? 'cause Im not a kid anymore! You see? I am already 18 years old." medyo irita na sabi ko sa kanya.

Baka isipin pa ng iba na masyado akong pa-childish.

"Eh ano naman kaibahan doon? You are a beautiful princess, Almira. At kahit hanapin mo pa sa dictionary ang name mo, the meaning is always a 'princess'." aniya  habang parang nagdi-day-dream.

"Beautiful? Uh-ah! D'yan ako hindi tututol!" I proudly said.

That's why I'm a fashion model sa New York. 

Suplada ako at mataray and I admit it. But my attidude depends on how somebody treated me. If you treat me like a hell? then that's great! Atleast, may trill man lamang ang story na 'to. 

And if not? then cool! baka maging bestfriend pa kita kung magkaganoon.

"Oh! by the way my daughter. Maybe one of this days, magkikita na tayo ni Mr. and Mrs. Gonsales." pagiiba ni Mommy. 

Nilingon ko siya. I think tinutukoy ni Mommy 'yong about sa arrange marriage. The hell! hindi na uso 'yon sa panahon ngayon pero...

"Mommy... pwede bang umatras?" 

"Darling, I thought we talked about this? Kaya nga pinayagan kitang mag-aral dito sa Pilipinas 'di ba?"

Tumango ako.

"Yeah! Pero... marami pa akong plano sa buhay ko. I don't want to be married so early this time." I said as I scratching my head. 

"Kapag napirmahan na natin ang share nila sa 'tin. Then pwede na kayong magdevorce. Kaya nga sa New York ko naisipan na ipakasal kayo 'di ba? Isa lang naman ang habol ko sa kanila, ang makakuha tayo ng share mula sa kanila." she explained

"Eh paano na lang kung si Jerome mismo ang umayaw sa devorce?" I said. Because I think unang kita palang no'n sa 'kin parang linta na kung makadikit ng tingin. Well, sa ganda ko ba naman na 'to! Kahit ang santo talagang mahuhumaling.

"Oh.. that's great! Atleast magkakaroon na din ako ng apo." ani ni Mommy saka tumawa.

"Mommy naman!" saway ko sa iniisip niya. Tae! Kung hindi lang dahil sa yaman at sa condition ni Mommy na pwede akong mag-aral dito sa Pilipinas kapalit, hindi talaga ako magpapakasal sa lalaking 'yon. He's not my type! duh!

"Pero... eto ang tatandaan mo anak, Pinayagan kitang mag-aral sa school ng ama mo hindi para komprontahin siya sa ginawa niya. At saka ayokong pangunahan mo ako. Ako na ang bahala magsabi sa kanya ng tungkol sa 'yo." she said.

Yes. Mag-aaral ako sa Pilipinas at sa school na pinamamahalaan ni Daddy, and yes! its Eislerville Academy. 

"Yes Mom, ayaw naman kitang ipahiya sa kanya eh. Mag-aaral ako sa school na 'yon as student." I answered.

At saka makita ko lang si Dad... at mayakap ok na sa 'kin 'yon. Kahit may part sa puso na medyo galit sa kanya. Kasi bakit niya kami iniwan at pinagpalit ni Mommy? Bakit siya bumuo ng ibang pamilya? I sighed. Winaksi ko muna sa isip ang mga bagay na 'yon. Ilang beses ko na kasi naisip 'yon since the day na nalaman kong may iba ng pamilya si Daddy. Pero wala akong makitang tamang sagot sa mga 'bakit' ko.

"Basta mom, you have to find a way to tell Dad the truth about me okay?" 

"I will, my daughter." nakangiting sabi niya.

"Excuse me lang po Ms. Almira, may naghahanap sayo sa labas ng gate." sabi ng guard namin.

Sumilip ako sa bintana ng bahay namin para alamin kung sino ang naghahanap sa akin.

"Almira!" kaway ng isang lalaki na nakaheadbond na pink at super ikli ng short at hapit na hapit na damit.

At nang mamukhaan ko siya ay kumaway agad ako sa kanya. I smiled widely. 

"Jason!" Senenyasan ko 'yong guard namin na buksan ang gate. 

"It's Jessy not Jason! Kaw ah lagi mo na lang kinakalimutan name ko." sabi niya habang nakanguso at saka nakipagbeso-beso sa 'kin. 

"Oh! sorry... hmm you look good ah?" sabi ko at saka tiningnan ko siya head to toe. He improved alot. Kulang na lang eh magsuot siya ng damit pambabae. 

Kapitbahay ko si Jessy. Dati kasi tuwing vacation lang  kami umuuwi dito sa Pinas. Kaya naman ganito ako ka-miss ng baklang 'to. 

"S'yempre! fashion model kaya kaibigan ko." proud na sabi niya. Natawa ako, alam ko kasi na ako ang tinutukoy niya. "Ang ganda mo na girl! Every vacation na pumupunta ka dito, lalo kang gumaganda!" 

Natawa ako. "Thank you. Ikaw din naman. Nawala na 'yong mga pimples mo kaya ang gwapo-gwapo mo na." pinisil ko ang pisngi niya. 

"Excuse me. Maganda ako 'no!" pagtatama ni Jessy. "At tsaka alagang rejuv 'to." 

"Ok guys... kailangan ko na siguro muna mag exit mukhang OP na ako dito." natatawang sabi ni Mommy.

"Pasensya na po Tita, namiss ko lang po kasi si Almira."

"Its ok, Jessy. Sige kwentuhan na muna kayo diyan ah? Magpapaluto lang ako kay yaya ng merienda natin." sabi ni Mom.

"So girl! You decided na dito ka na mag-aaral?" na-eexcite na tanong ni Jessy.

"Yup! Actually bukas, mag-e-enrol na ako sa Eislerville Academy."

Napasinghap si Jessy at napatutop. "OMG! doon ka mag-aaral?"

"Yup, bakit?"

"Girl! Dream school ko ang Eislerville Academy. Nagbabalak din ako mag-enroll doon!" excited na sabi ni Jessy.

"Talaga?"

"Yup! Kaya omg! kung doon ka mag-aaral. Pipilitin ko si Kuya na tulungan ako sa pag-aaral doon. Kasi gusto kitang kasama!" masayang sabi niya.

"Sabi pa nga pugad daw 'yon ng mga gwapong lalaki. Yay! sana makapasok din ako doon. Excited na ako!" dugtong pa ni Jessy.

"Sus! Gusto mo ba talaga akong kasama or gusto mo lang makakita ng mga gwapo araw-araw?" naniningkit na sabi ko. 

Kiming ngumiti siya. "Ahmm... both?" he said and chuckled. 

Hinampas ko na lamang siya sa braso dahil sa kalandian niya. 

*********

Napatingin ako sa bintana ng kotse para silipin ang Eislerville Academy. Napanganga ako sa ganda at lawak ng Academy. Kaso, takte ang daming tao! Ganito na ba talaga kasikat ang school na 'to? Pero infairness ah? Mas maganda ito kesa sa picture ng website nila!

Last day na lang kasi ng enrolment. Kaya talagang naghahabol ang mga hindi pa nakakapag-enroll.

Paano ba 'to? Hindi ako pwedeng makipagsiksikan sa kanila 'no! Bukod sa maaamoy ko ang mababaho nilang mga amoy na sobrang kadiri! hindi ako pwede sa sobrang sikip na lugar.

Naninikip kasi ang paghinga ko.

I have an asthma. Minor lang naman at saka kapag nabigla lang talaga ako. Pero bihira lang naman 'yon nangyayari.

"Hey! Padaan!" sabi ko habang sinasabihan ang mga nasa harapan ko para ipasa 'yong form.

Pero parang mga bingi ata. Ewww! Sobrang kadiri. Pawisan na sila oh. Yucks! nakikipagsisikan pa! 

Huminga ako nang malalim. 

"Hoy! Dadaan ako. Are you all Deaf?!" sigaw ko sa kanila na nakapamewang at saka lahat napatingin sa'kin. They looked at me from head to toe. 

Then humawi sila ng daan para makadaan ako. I smiled and rumampa ako na para bang nasa runway lang ako.

Nagbulungan sila na rinig ko naman.

"Teka... parang siya 'yong... 'yong model sa... basta nakita ko na siya sa magazine." bulong ng isang babae.

"Talaga? No wonder maganda naman kasi katawan niya."  sabi naman ng kasama. 

"Oy! chicks pare oh!" sabi ng lalaki.

"Ang daming freshmen na magaganda ngayon ah? Pero siya lang ata ang pinakamaganda sa lahat" 

Ngumiti ako. Kahit 'yong nagbibigay ng form tulo-laway habang nakatitig sa'kin.

May binigay ulit sa'kin na papel para ipasa ko sa 2nd floor registrar building.

Halos lahat ng nadadaanan ko nakatingin sakin. 'Yong mga boys naman walang magawa kundi sumipol. Short skirt ang suot ko exposing my perfect shaped. Kaya sino ba naman ang di magtutulo-laway sa suot ko!

Nang nakarating ako sa registrar, binigay ko na agad 'yong papel dahil gusto ko ng makauwi kaagad. 

Pero nasa kanto palang ako ng building when someone pinned me to the wall. 

"Aray!" reklamo ko. 

"Hi cute..." sabi ng isang lalaki. Nagtama ang paningin namin. 

Napatitig ako sa kanya. Yeah, Gwapo siya, Makinis ang mukha. Matangos ang ilong, and having natural red lips wearing a killer smile.

"Then? Kilala ba kita?" mataray na tanong ko kanya na halos maduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin "At saka let me go! I don't talk to stanger!"

Tinulak ko siya, pero hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya.

"No, you don't know me. But I know you are going to know me and you will never forget me... once I kiss you." sabi niya at saka tumingin sa lips ko.

"What? Hmm-"

My eyes grew wider as he claimed my lips. 

My mind went blank! Bigla ay hindi nakapagloading ng maayos ang utak ko.  As if everything stopped!

He didn't move his lips into mine. Basta nakalapat lang 'yon sa labi ko. I don't even know kung gaano 'yon katagal na naglapat ang mga labi niya sa labi ko.

Pagkatapos ng paghalik niya sa'kin, ay umalis agad siya without saying anything. 

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi kasi ako makahinga, kasi nga I have a minor asthma. I took a deep breath for several times, bago bumalik sa normal ang paghinga ko. 

Nilingon ko ang lalaki na naglalakad na palayo sa 'kin kasabay ng pagkulo ng dugo ko.

Nagipon ako ng lakas para sumigaw!

"JERK!"

Hindi niya ako inintindi. Parang wala siyang narinig sa sigaw ko. Hanggang sa lumiko na s'ya sa kanto. 

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumikip na naman iyon. That guy! That jerk. Damn! he stole my first kiss!

**********

Comments (1)
goodnovel comment avatar
kurniamamang
This is one of the best story I've read so far, but I can't seem to find any social media of you, so I can't show you how much I love your work
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status