Share

CHAPTER 4

Cael's POV.

After that night, I was too excited na pumasok, that crazy girl made feel so energetic.

Humarap ako sa salamin na dati ay hindi ko naman ginagawa. Napapakanta ako habang inaayos ang aking buhok. Tinitigan ko ang aking sarili. "Ayan, g'wapo mo na naman, Cael." Nilinis ko ang buong k'warto ko bago ito tuluyang nilisan. Nakakapanibago ang araw na 'to, alam mo 'yong hindi ka nakararamdam ng pagod kase alam mo sa sarili mong masaya ka? I still can't identify my cause of euphoria. Hindi ko alam, is this because of Ava? Ngayon lang ulit ako nakaramdam nang ganito mula ng iwan ako ni Catricia.

Ibang-iba ang araw ko ngayon, I do not know why pero sobrang aliwalas talaga. 

_________________

As I entered the classroom, bumungad sa akin ang isang babae; nakaub-ob sa desk, I know it was her. Pakiramdam ko ay parang mas lalo pa akong sumigla. "Aga, ah," whispered I. Bahagya kong nasampal ang aking pisngi. Fuck! Para akong babae. "Nakangiti ka na naman, Cael, umayos ka!" bulong ko bago huminga nang malalim at tuluyan nang pumasok.

I put my bag on my chair and walked toward her. Bumunot ako ng buntong hininga bago siya tuluyang kinalabit.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko but all I know is I always want to feel her presence. Nababaliw na ako.

"Can you share me that?" wika ko.

Natagalan bago niya ako nilingon, pagkalingon ay tiningala niya naman ako mula sa likuran niya.

"S-sure," she stuttered.

Inalis niya ang kabilang earphone at saka niya ito iniabot sa akin. Nagulat ako nang marinig ko ang pinakikinggan niya. Someone you loved, this is my favorite song. Gandang bungad.

"Is this your favorite too?" Walang pag-aalinlangang tanong ko sa kaniya. Mas inayos ko pa ang pagkakalagay ng earphone sa aking tainga. "This is nice, actually I always sing it whenever I'm taking a bath, I listen to it whenever I'm sad." Napansin kong bigla siyang nagulat. Am I feeling so close? Siguro nagtataka siya kung bakit bigla naging ganito ang treatment ko sa kaniya, ako rin, nagtataka. I don't really know why I am acting like this to her but all I know is, gusto ko, masaya ako sa ginagawa ko.

"Sorry. Madaldal ba akong masyado?" Bahagya akong ngumiti.

"Nah. I-it is o-okay." Ba't parang ang tahimik niya ngayon?

"Natutuwa lang ako kase may kapareho pa pala ako ng taste pagdating sa music," ani ko.

Tumango naman siya. Does she feel uncomfirtable. Naistorbo ko yata. Gago, Cael, sumingit ka pa kase.

"Oy, am I making you feel uncomfortable? Baka hindi ka komportble, ha? Aalis nalang ako," sambit ko.

"No!" nagulat ako nang napasigaw siya, itinago ko naman ang aking tawa.

"Syempre hindi. Gustong-gusto ko ngang naandiyan ka." Why she's this so cute? Parang bumabagal ang oras kasabay ang mabilis na kabog ng aking dibdib. Why you making me feel this way?

"Crush mo talaga ako, 'no?" Shet I am out of my control. Napansin kong natigilan siya sa tanong ko kaya agad ko naman 'tong binawi. "Kidding!" ani ako. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumangong muli.

"Anyway, I was serious about last night, ha? I want you to be my date," sambit ko.

Hindi ko alam, hindi naman ako ganito lalo na sa ibang babae pero bakit nagiging ganito pagdating sa kaniya?

"A-ah, yeah," marahan niyang sagot.

Bigla namang tumigil ang kanta. "Oh. Tapos na 'yong kanta." I gave her back the earphone at inayos niya naman ito. I was just staring at her while she's busy fixing it. Now, I clearly see her outer beauty, mula sa mapipilantik niyang pilik mata, hanggang sa matangos na ilong l, pababa sa mapupula niyang labi. Napailing naman ako mula sa pagkakatitig sa kaniya.

"Ava... Sorry for how I treated you before, ha?"

Inilagay niya ang earphones niya sa wallet at humarap siya sa akin.

"Eh bakit nga ba?" tanong niya.

Bahagya akong tumungo. "Eh kase I'm not that really type of a person na makikipag-usap sa kahit na kanino. Lalong-lalo na sa mga babae."

"Bakit naman?" pagtataka niya.

"Years ago, someone left me dumbfounded. She left me without saying a goodbye, simula no'n feeling ko, lahat ng sasabihin ko ay mali, dahil kung naging tama man, why did she leave me without telling me the reasons why? Kung naging tama man, bakit hindi siya naniwala sa mga sinabi ko't nilisan pa rin ako nang walang paalam?" Hindi ko alam pero, ang sarap lang sa feeing. Alam mo 'yon? Finally, may napagsabihan ako. Nailabas ko ang nararamdaman ko. Sobrang gaan sa pakiramdam.

Napansin ko ang pagsimangot niya.

"Malay mo may dahilan 'yong tao, at saka ano'ng mali ka r'yan? Tingin ko nga, ikaw na ang tama sa akin." Ang baduy pakinggan for I am man but, dude! Kinikilig akoo. "Ang totoo niyan, I consider myself now as the luckiest girl alive," ani niya.

"Bakit naman?" pagtataka ko.

"Kase kausap ko ang isang Cael Carreon. Nagkukuwento pa siya sa akin ngayon, tapos crush ko pa siya, hindi mo ba matatawag na s'werte 'yon?"

I do not know but I just found myself smiling out of nowhere. I stared at her. Sobrang amo rin pala ng mukha niya, funny how I see Catricia on her. "You know what? You never failed to make me smile..."

"I was not just replying on your chats before kase I don't want you to find me boring, baka madisappoint ka o kaya, ma-turn off?" usal ko na totoo naman. Boring akong kausap, walang sense of humor unlike her, na gustong-gusto ko ang mga jokes.

"Hoy. Ano ka ba? Sobrang dami ko ngang chats sa 'yo na sineen mo lang, hindi naman ako na-disappoint or na-turn off man lang, paano pa kaya kapag may reply na?" Hindi ko napigilan tumawa at gano'n din siya.

Marahan siyang nagsalita. Sobrang hina, I didn't hear what she said, pero may sinabi siya eh.

"Ano 'yon?" pag-uusisa ko.

"Ah, wala. Sabi ko ang cute mo talagaaaaa."

Hindi ako naniniwalang 'yon 'yon, iba 'yong narinig ko, eh, pero napatawa nalang akong muli. I was unaware na tumatawa na pala ako.

Napalingon ako sa labas at nakita ko na may dumarating na na kaklase namin.

"May kaklase na tayong paparating. Thank you, Ava. Kahit na sobrang konti ng sinabi ko sa 'yo, sa 'yo ko lang nagawang mag-kuwento it maybe because I'm already comfortable with you, siguro dahil na rin sa araw-araw mong pangungulit."

Muli kaming nagtawanan at saka ako tumayo.

"Do'n na ako sa upuan ko, babay," pagpapaalam ko sa kaniya.

Nakatitig lamang siya sa akin at tuluyan naman na akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa sarili kong upuan.

Pagkaupo ko'y nakita ko siyang nakatingin pa rin sa akin. She gave me a smile before she finally turned her back.

Nanatili pa rin akong nakangiti habang pinagmamasdan siya mula sa likuran.

Now, it seems like I want to know her even more. It is only with her that I become so interested like this, it is only with her that a lazy man become this so energetic. It's just like I want now to ask  God again to prolong my life. I do not know but it's just that her existence makes me feel alive. I feel so alive.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status