Share

AYFWART CHAPTER 4

"Good Morning!! Cutiesss alam nyo ba ang weird ng panaginip ko." Di mapakapaniwala na sabi ni Cindy.

Maaga akong gumising ngayon dahil sa sobrang excited kasi ngayon na kami pupunta sa Manila. "Manila here I come!!" Malakas na sigaw ko. Agad akong nagdasal bago tuluyang bumagon para  mag toothbrush at pumunta sa kusina para mag agahan.

"Wow excited na excited ang anak ko ah." Nangungutsya na sabi ni mommy.

"Syempre mommy ngayon lang kasi ako nakapunta sa Manila." Sabi ko kay mommy.

"Eh maiba ako anak ok na ba lahat ng kailangan mo? O may kailangan ka pa? Para naman mabili na natin pag daan natin ng SM Awra sa Pasay." Pag aalalang tanong ni mommy.

"Mommy may 1 week and 6 days pa po tayo para makapagprepare pero po kung gusto niyong pumunta sa mall edi bumili na po tayo. Tsa po lulubos lubusin ko na po yung panahon na makakasama ko po kayo ni daddy." Nalulungkot na sabi ko.

"Nakooo ito na naman tayo sa kadramahan hali ka nga at kumain na. Teka pupuntahan ko muna ang daddy mo para gisingin umupo ka na diyan." Sabi ni mommy na paalis na.

"Siguro habang kumakain ko na lang sila tanungin tungkol kay Theo. At pagkatapos kung kumain kailangan kong puntahan si Trisha para sabihin na sa Manila na lang kami magkikita para naman makapag ba-bye ako sa kanya." Sabi ko sa isip.

《Ilang minuto pa ang dumaan》

"Nakoo anak pasensiya na sa paghihintay kasi itong daddy mo eh ayaw gumising ng hindi nilalambing." Sabi ni mommy.

"Eh gusto mo din naman ng nilalambing ka eh." Pahabol  ni daddy.

"Mommy at Daddy mamaya na po ya n kain na po tayo. Pleassseee." Pagpapacute ko.

" Nakoo mommy ginagamit ni Cindy yung pagpapacute niya para kumain na. Sige na nga  Cindy kakain na tayo alam mo naman na hindi ka namin matitiis eh tsaka alam naman naming MATAKAW KA." I-nemphasize pa talaga ni daddy yung Matakaw.

"Daddy naman eh." Kunwaring pagmamaktol ko.

"Nako mamaya na yang asaran nyong mag-ama halina at kumain na tayo ng almusal." Saway naman ni mommy.

Tumahimik na lang kami ni daddy. Sa pagkakaalam ko kasi under si daddy kay mommy eh. Kawawang daddy hindi man lang makalaban hahahaha.

Habang kumakain hindi ko  na naiwasang magtanong kaila mommy at daddy kung kilala nila si Theo.

"Mommy at Daddy." Tawag ko sa kanila para makuha ko ang kanilang atensyon.

"Yes baby." Sabi ni mommy na sumasandok ng kanin.

"May kilala po ba kayong Theo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa at bakas sa kanilang mga mukha ang pakagulat. Siguradong hindi iyon ang hinihintay na tanong mula sa akin dahil bigla silang tumahimik.

"Nak bakit mo naman yan tinatanong?" Sabi ni daddy na parang nakabalik na sa tamang pag iisip.

"Kasi po nung pumunta po kami ni Trisha sa Malaya may nakabunggo po ako at sabi niya siya daw po si Theo na kababata ko?" Pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Oo tama siya na magkababata kayo." Sabi ni daddy.

"Eh bakit hindi ko po siya maalala? May nangyari po ba sa akin." Tanong ko pabalik.

"Anak walang nangyari sayo dati baka kaya hindi mo siya nakikilala dahil sa tagal na panahon na hindi mo siga nakikita o nakakasama." Paliwanag naman ni mommy.

Siguro tama nga sila. Siguro sa tagal na ng panahon ay hindi ko na siya nakilala pa muli pero siguro kapag naging magkaibigan na kami ulit ay babalik ang aking alaala sa kanya.

At nagpatuloy na lang ulit kami sa pagkain.

"Nak gusto mo bang magpaalam muna sa mga kaibigan mo bago tayo umalis." Sabi ni Daddy.

"Sure daddy tsaka si Trisha lang naman ang kaibigan ko dito eh." Sabi ko sa malungkot na tuno.

"Siya siya mamaya na yang pagpapaalam maligo ka muna Cindy para pagkatapos ay makapag paalam kana kay Trisha." Sabi ni mommy.

At ayun nga naligo ako at agad  na nagbihis at pumunta sa bahay nila Trisha para makapagpaalam sa kanya. Di naman ako nalulungkot dahil sabay din naman kaming mag aaral sa Manila. Sa ngayon kailangan ko munang makipag bonding sa family ko.

Andito na ako sa harap ng bahay nila Trisha at kumakatok.

"Trisha!!!" Sigaw ko sa labas ng bahay nila.

"Tao po!! Trishaaa??" Sigaw ko ulit.

Yung tipong suko na ako kasi baka walang tao pero maya maya lamangay may bumaba. Siguro si Tita toh.

"Oh Cindy bat ka nampadaan dito?" sabi ni tita mommy ni Trisha.

"Magpapaalam po sana ako kay Trisha." sabi ko kay Tita.

"Sige pasok ka muna at tatawagin ko lang sa kwarto niya." sabi ni tita na pinaupo ako sa sala.

"Sige po hintayin ko na lang po siya dito." sabi ko at tuluyan ng umalis si tita.

Agad namang bumaba si Trisha ng sabihin nito na nasa bahay nila si Cindy. Halos nga wala pa itong suklay suklay dahil gulo gulo ang buhok nitong bumaba sa sala.

"Hi Cindy sorry kagigising ko lang." Sabi ni Trisha na  nagkukunot pa ng mata.

"Halata nga Trisha haha magpapaalam lang sana ako sayo tsaka sorry sa pag gising ko sayo. Pupunta na ako sa Manila ngayon kita na lang tayo sa Malaya next next week. Ba-bye Trisha." Sabi ko sa kanya na nagbababye pa habang lumalabas.

Saktong sakto nakita ko sila mommy na nakasakay sa kotse. Siguro aalis na kami.

Ba-bye San Alfonso. Mamimiss ko ang lugar na ito sigurado yun kasi kahit saan ka pumunta malalasap mo ang malamig na hangin dahil puro puno dito.

HI! MANILA HERE I COMEEEE!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status