Share

AYFWART CHAPTER 5

On the way na kami ngayon sa Manila. Nandito ako sa likuran at nakahiga dahil gusto kung umidlip pero hindi ako inaantok. Paano kung tanungin ko na lang kaya sila mommy at daddy. Q and A ba kung baga haha.

"Mommy Daddy?" Tawag atensyon ko sa nila.

"Yes baby." Tawag sa akin ni mommy.

"Mommy may tanong po ako?" Sabi ko.

"Ano yun baby?" Sabi ni mommy sa pang aasar na boses.

Alam kasi  nila na ayaw kong tinatawag na baby kasi nga dalaga na ako. Kahitbayaw kung tawaging ganun hahayaan ko na lang sila mommy kasi baka kung ano ano pang sabihin sa akin. So balik na tayo sa pagtatanong.....

" Mommy saan po tayo titira?" Tanong ko kasi totoo naman wala silang binabanggit.

"Sa bahay natin dati." Sabi ni mommy na parang nagsisisi na iyon ang sinagot sa akin.

"May bahay po tayo sa Manila dati? Bat wala po akong alam na ganun?" Sabi ko na parang nagtataka.

"Yes may bahay tayo dito sa Manila iniwan natin ito at pinagkatiwala muna sa care taker ng bahay natin kasi nga nakakuha si daddy mo ng bagong work sa San Alfonso." Mahabang paliwanag ni mommy.

"Totoo yun anak ayaw ko kasing malayo sa inyong mag ina kasi kayo ang buhay at pag asa ko. Tsaka mas mapapanatag ako kung kasama ko kayo hindi ko na kailangan na tumawag o mangamusta at baka kung ano pang mangyari sa inyo. Di ako mapapalagay kung wala kayo. Kaya anak sorry ha kung di namin nasabi sayo ang tungkol dun." Mahabang sabi ni Daddy na tila nagdradrama.

Oh ang sweet naman ni Daddy sa amin. Siguro sa lahat ng Daddy siya lang ang pipiliin ko. Kahit pa sa pangalawang buhay hindi ko ipagpapalit ang mga magulang ko.

"Ok lang naman po yun daddy nagtataka lang po talaga ako kung bakit hindi nyo sinabi pero ngayon po na ipinaliwanag nyo na po sa akin lahat ok na po ako hahaha." Sabi ko sa kanila kasi bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan na baka hindi ako maniwala.

"Nak sorry talaga kung may mga pagkakataon na hindi namin nasasabi sayo ang lahat dahil sa kapakanan mo yun. Pasensiya na anak hanggang dito na lang dapat ang usapan na ito." Sabi ni daddy na mukhang seryoso.

At ako heto naiwang nakatulala dahil iniintindi ko pa rin lahat ng sinabi ni Daddy sa akin. Ano daw hindi nasasabi sa akin ang lahat so ang ibig sabihin may hindi pa ako dapat malaman na tinatago nila pero naniniwala ako na walang lihim na di nabubunyag.

Sa ngayon ang kailangan ko lang isipin ay kung pano namin icecelebrate yung huling 1 and 4 days naming magkakasama. Wag munang maging nega kailangan muna naming magsaya nila mommy.

"Oh anak mommy tara na at nandito na tayo sa Sm." Tawag atensyon ni Daddy sa amin.

Agad naman akong tumingin sa labas ng kotse para tignan kung gaano kalaki ang manila.   Grabe yung lula ko sa laki grabe pero yung hangin napaka alikabok kasi sa usok ng mga sasakyan. Agad akong pumasok sa loob ng mall grabe ang ganda.

Kung sasabihin nyong ignorante ako? Totoo yun kasi sa buong buhay ko lagi lang akong nasa bukid o bakuran namin minsan lang din ako lumalabas kung kasama si Trisha. Kaya halos taong bahay na ako hindi naman ako pinagbabawalan na lumabas sadyang wala talaga akong kaibigan si Trisha lang talaga.

Halos matulala ako sa ganda ng loob hindi ko alam na ganto pala kaganda ang mga mall. Napatigil ako sa kaka imagine ng tapikin ako ni Mommy.

"Baby, tara na punta na tayo sa National Bookstore para bumili ng mga gamit na kakailanganin mo sa school tsaka mamimili na din tayo ng mga bago mong damit." Sabi ni Mommy habang hinawakan niya ang aking kamay.

"Sige po tara na!" Excited na sabi ko.

《Fast Forward》

Tapos na kaming bumili ng mga kailangan ko tas may nakatawag pansin sa akin na libro sa National ang pangalan ay Yellow Flower with a Red Tip mabasa nga mamaya tsaka bumili na rin kami ng mga damit grabe itong si Mommy ginagawa akong barbie doll pano ba naman halos bilhin ang lahat ng damit ng sikat na designer na si Vienna Sugon.

Si Vienna Sugon ay isang sikat na designer sa buong mundo. Halos kilalang kilala siya kaya nga ako nagulat na andaming binili ni Mommy na mga damit na mamahalin eh. Ganun ba kami kayaman o baka nakapag ipon lang sila mommy at daddy para sa future ko. Diba ganun naman lahat? Sorry andami kung dada kaya hehehe peace na.

"Baby ito oh bagay sayo." Turo ni mommy doon sa isa pang botique.

"Mommy tama na po. Baka wala na po tayong pera sa kakabili natin dito." Sabi ko na nag aalala kasi baka wala na silang pera kasi puro sa akin na lang ang binili nila.

"Nako baby wag munang alalahanin yun. Marami kaming naitabi kung sakaling  kailangan mo." Sabi ni Mommy.

"Tama na po Mommy nagugutom na po ako tsaka andami na po nating nabili." Sabi ko kay Mommy with matching hawak sa tiyan. HAHAHAHAA para convincing diba?

"Sige na nga nak nagugutom na rin ako eh." Sabi ni Daddy na nanghihingi ng tulong dahil siya ang lahat nagdadala lahat ng pinagbibili ni Mommy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status