Share

AYFWART CHAPTER 3

Pagkatapos na pagkatapos kaming bigyan ng schedule at sinabihan ng mga rules. Umuwi kami agad ni Trisha sa San Alfonso dahil hindi ako nakapagpaalam ng maayos kaila mommy at daddy.

«Fast Forward»

Nandito na ako sa harap ng bahay namin. Natatakot na baka pagalitan ako ni Daddy dahil nga sinuway ko sila. Gusto ko lang naman mag aral sa manila eh. Ano bang problema dun?

*Unti-unting pumasok si Cindy sa loob ng kanilang bahay na tila isang magnanakaw na nagtatago.*

Pero kahit anong pang pagtatago ang gawin ni Cindy nakita niya ang mga magulang na nakaupo sa sofa habang busy busy sa kakatext kung nasaan na siya.

Agad na lumingon sa kanya ang mommy niyaa at agad siyang niyakap. "Anak, saan ka ba ng galing kanina pa kami hanap ng hanap sayo kulang na nga lang itong tatay mo tumawag ng pulis para hanapin ka eh. Saan ka ba nagsususuot.

"Ma Pa sorry po kung hindi ko sinabi at hindi po ako nagpaalam na pupunta po kami ni Trisha sa manila para mag enroll sa Malaya." Sabi ko na parang naluluha.

"Anak naman eh! Alam naman namin ng papa mo na gusto mong mag aral susuportahan ka naman namin eh basta't magsabi ka lang. Mahirap kasi yung ganto naghahagilap kami sa akala namin may nangyari ng hindi maganda sayo. Nag-aalala lang kami sago anak sana maintindihan mo." Mahabang paliwanag ng mommy niya.

"Anak tama ang mommy mo. Pasensiya na kung hindi ka namin kayang payagan diyan sa gusto mo na mag aral sa manila pero mukhang huli na nakapag enroll ka na't lahat lahat. Alam mo anak pasensiya talaga ha na hindi ko iniintindi na may pangarap ka pala kasi lagi na lang kapakanan mo ang iniisip namin. Sige na at magbalot balot kana dahil lilipat na tayo ng manila kinabukasan. This time ikaw at ang pag aaral mo sa manila ang iisipin natin."

Pagkatapos na pagkatapos ng mahabang speech ni daddy. Hindi ko maiwasan na mapaiyak sa lahat ng sinasabi nila. Alam ko naman na may pagkukulang din akong anak pero dahil nagkaayos na kaming lahat ay nakakagaan sa kalooban. At niyakap ko silang dalawa at sinabing "Ma pa sorry din ha kung naging pasaway akong anak sa inyo. Hayaan nyo ma pa kapag nakapag graduate ako at naging Engineer kayo naman ang iisipin ko at aalagaan ko ng SOBRA!!" 

"Nako anak parang sinabi mo naman na after 6 years ay sobrang tanda na namin ng daddy mo." Sabi ni mommy na natatawa.

"Ito naman si mommy eh syempre kailangan ko din kayong alagaan. Tsaka mommy at daddy thanks po talaga ha sa pagpayag na sa manila na lang tayo titira kahit may dorm naman kami ni Trisha." napakamot pa rin ako ng batok.

"Nako anak alam na namin niyan ng mommy mo pero kahit ganun kailangan ka oa rin naming bantayan. Nakooo iba na ang panahon ngayon." sabi ni daddy.

"YEHEY!!! Thanks po talaga mommy at daddy." Sabay yakap ulit ng mahigpit sa kanila.

"Matutulog na po ako ng umagaaaa goodnight na po. Mommy at daddy labyooo sweet dreams...." Masaya kong sabi.

Pabagsak akong napahiga sa kama at pagulong-gulong lang sa kama dahil sa saya na nadama ko ngayon. Grabe yung feeling ko na makakapag aral na ako at nakapagayos pa kami ng pamilya ko.

Sa sobrang saya nakalimutan kong itanong kung kilala ba nila si Theo? Bakit niya ako kilala at pano niya nalaman na isa akong Perez? Ang daming tanong ang nagkukumpulan sa utak ko. Alam nyo ba kung bakit nagtataka akong alam niya na isa akong Perez dahil kami lang ng pamilya ko ang nakakaalam. Kasi simula ng pumunta at nanirahan kami dito sa San Alfonso.

Dahil sabi nila mommy simula daw ng tumira kami dito Ortinez na ang dala naming apelyido kaya ganun lang ang gulat ko. Bukas na bukas talaga itatanong ko kita mommy at daddy kong kilala ko kilala si Theo. Pano kung di nila sagutin? Pero may tiwala naman ako kaila mommy at daddy na hindi sila magsisinungaling sa akin.

Hayssttt... Makatulog na nga lang kung ano ano na naman ang pumapasok sa utak ko...

GOODNIGHT GUYSSS!! LOVE YOUUU

Pero bago ako natulog syempre nagpray muna ako. At nagpasalamat kay God sa lahat ng nangyari sa araw na ito.

Mahimbing siyang natulog na tila isang anghel na nanahimik sa tabi at natutulog ng matiwasay. Ilang oras lang ang nakalipas ng natulog si Cindy. Hindi nito maiwasan ang pag ikot na parang nanaginip ng masama...

×DREAM×

"Ate Cath laro tayo please." Sabi ng cute na batang parang kamukha niya.

"Ano ba naman yan Dydy ha bakit ba lagi ka na lang lumalapit sa akin? Doon ka nga sa tabi at makipaglaro sa mga libro mo!" Sigaw naman ng batang cute na medyo hawig niya.

"Sige na ate Cath ngayon lang naman ako makikipaglaro sa iyo eh." Nagpapacute ang batang Dydy.

"Ano bat ba ang kulit kulit mo Dydy makipaglaro ka na lang diyan sa mga bata sa labas." Halos pasigaw na sabi ng batang Cath.

"Eh ikaw ang gusto kong makalaro ate sige na..." Pilit na pagmamakaawa ni Dydy.

"Ayoko nga at pagsinabi kong Ayoko. A.Y.O.K.O." Madiin na sabi ni Cath.

"Ok sige po." Malungkot namang tugon ng batang Dydy. 

×END OF DREAM×

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status